PAHINA 11

Herezett's Pov:

Ang alay ng leeg ko tinulugan ba naman ng halimaw na yun. Minamasahe ko ang leeg ko habang papunta ng silid aralan. Ayaw pa niya ipasabi kay Victoria na nandoon siya. Pinaalalahanan ko si Victoria bago ako umalis tsaka binigyan ko siya ng lapis at papel para kahit papano may pagkaabalahan naman siya dun pansamantala. Balikan ko na lang siya dun mamayang tanghalian. Diretso lang akong naglakad.

"Masakit ba?" napaatras ako sa gulat.

"Kabute ka ba?" irita kong tanong.

"Bakit?" taas kilay niyang sabi.

"Bigla ka na lang kasing sumusupot!" singhal ko tsaka naglakad ng mabilis.

Naku!! May kasalanan pa siya sakin kaninang umagang umaga.

(flashback)

Di na ako nakatulog pa gisingin ba naman ako ng halimaw na to 4:50 pa lang ng umaga. Jusko naman! Siya na nga tong nakitulog sa leeg ko gigisingin niya pa ako ng ganito kaaga. Tinignan ko lang siya habang naguunat sa harap ko. Habang ako naman iniinda yung alay ng leeg ko. Tss maligo na lang kaya ako. Tumayo na lang ako sa kama tapos kinuha ang tuwalya ko.

"San ka pupunta?" pabulong niyang sabi.

Tinignan ko lang siya.

"Umalis ka na baka magising pa si Victoria maabutan ka niya." pabulong at madiin kong sabi sabay pasok ng banyo.

At dahil sa kanya naligo ako ng ganito kaaga ang lamig lamig pa ng tubig. Jusme! Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng banyo. Siguro naman umalis na ang halimaw na yun dito. Pagkalabas na pagkalabas ko ay mukha niya agad ang tumambad sakin.

"WAAAH---MMM" tinakpan niya agad ang bibig ko.

"Sshhh"

Tinabig ko ng malakas ang kamay niya.

"Ikaw! Ano pa bang ginagawa mo dito?" inis kong sabi.

"Gusto ko lang makita yung itsura mo pag bagong ligo." nakangisi niyang sabi.

Pinanlisikan ko siya ng mata. Halimaw na nga bastos pa!!!!

"Bastos!" inis kong sabi.

Nakita kong pinipigilan niya ang kanyang pagtawa. Inihakbang ko ang paa ko sabay apak ng paa niya ng malakas.

"Aray!!" angal niya.

Tinignan niya ako ng masama,inirapan ko lang siya. Kinuha ko na ang mga damit ko tapos napatingin ako sa gawi niya.

"Ano pang ginagawa mo? Alis na!" madiin kong bulong.

"Papanoorin kitang magbihis." pinanlisikan ko ulit siya ng mata.

Natatawa siyang lumabas sa bintana ng silid ko. Talaga namang sinisira niya ang araw ko.

(end of flashback)

Tsk! Nababadtrip ako sa kanya. Pagkadating ko ng silid aralan ay naupo agad ako sa upuan ko. Nagsidatingan na din ang lahat himala tinanghali ang tatlong pumasok ngayon ah. Maya maya pa ay dumating na ang aming guro.

"Magandang umaga." bati niya.

"Magandang umaga di po." bati ng lahat.

"Ngayong araw ay may bago kayong kaklase." pagkasabi ng guro nun ay nagbulungbulungan ang iba.

"Iho maaari ka ng pumasok." sabi nito.

May pumasok na lalaki matangkad,maputi,matangos ang ilong at brown ang buhok. Teka!!

Si...

Calix O_O

"Magandang umaga ako si Calixian Ciel Frost nagagalak akong makilala kayong lahat."

Titig lang ako sa kanya.

"Maaari ka ng maupo."sabi ng aming guro.

Naglakad siya papunta sa upuan na bakante sa ikatlong hanay ng upuan.

'San ka nagpunta Calix at sobrang tagal mong nawala.' sabi ko sa isip ko habang tinitigan ang pigura niya mula dito sa kinauupuan ko.

Di ako makapaniwala bumalik siya ulit. Ang kababata kong matagal ng nawawala.

"Kilala mo ba siya? Napansin ko kasing kanina ka pa nakatingin sa kanya." dinig kong tanong ni Tamara.

"Ah oo kababata ko siya kaso matagal siyang nawala at ngayon ko lang ulit siya nakita." mahina kong tugon.

"Ganun pala." patango niyang sabi.

*boogssh*

Napatingin agad kaming lahat sa pinanggalingan ng malakas na kalabog. Galing iyon sa gilid yung pinaglalagyan ng mga libro natumba gayoong malayo naman ang mga upuan dito. Di ko alam pero nabaling ang paningin ko kay Primo na kakaupo malapit sa bintana. Naabutan ko ang unti unting pagbalik sa normal ng kanyang mga mata mula sa pagiging lila nito. Kagagawan niya to malamang,napalingon siya sakin at mukha siyang iritable at naiinis? 

Problema nanaman ng halimaw na to? Siya nga tong may kasalanan sakin eh. Ibinaling niya sa harap ang kanyang paningin at inutusan naman ng aming guro ang iba kong kaklase na ayusin iyon.

Mamaya pagkatapos nitong klase kakausapin ko si Calix namiss ko siya talaga. Gusto kong malaman kong san siya nagpunta at sobrang tagal niyang nawala. Nawala na lang kasi siya ng walang pasabi. Habang nagsusulat ay pasulyap sulyap kong tinitignan si Calix. Nag iba na din ang kanyang itsura pero kilala ko pa din siya kahit ganun.

"Ginoong Silverstone may problema ba?" dinig kong saad ng guro ko.

Inangat ko ang ulo ko tinignan ko ang kinalalagyan ni Zyfer ngunit hindi naman ata siya kung ganun..... inilipat ko ang paningin ko sa inuupuan ni Primo. Nakatayo siya at sobrang inis na inis yung mukha niya. Problema niya? Walang sabi ay lumabas siya ng silid. Napataas ang kilay ko sa ginawa niya. Di ko na lang siya pinansin at nagsulat na lang ulit ako.

"Pft sinusumpong nanaman si Kuya." sabi ni Tamara.

"Kaya nga eh. Ikaw kasi Ally wag ka kasing mag-isip ng ganyan." natatawang sabi ni Zyfer.

Aba nakiki-Ally na din siya ah!

"Ano ba ginawa ko?" takha kong tanong.

"Naririnig kasi niya lahat ng sinasabi mo." tawang sabi din ni Tamara.

Nakita kong pigil na pigil ng dalawa ang kanilang pagtawa.

"Wala naman akong sinabi sa kanya ah tsaka ang layo niya kaya." madiin kong bulong sa kanila.

Tawa tawa lang silang dalawa. Nababaliw na ata ang mga to eh. Tss. Di ko na lang pinansin ang baliw na magpinsan at nagsulat na lang ulit ako. Pero seryoso ano bang problema ng halimaw na yun?


***

Tapos na ang klase namin ngayon kaya iniligpit ko na agad ang mga gamit ko. Kakausapin ko talaga si Calix. Lumingon ako at nakita kong lumabas na si Calix. Nagmadali ako pero may humawak sa kamay ko.

"Ally san ka pupunta??" tanong ni Shav.

"May dadaanan lang muna ako sandali." sabi ko sa kanya.

"Ah sige." takha niyang sabi tapos binitawan niya ang kamay ko.

Dali dali akong lumabas ng silid.

"Kita na lang tayo mamaya." paalam ko sa kanila.

Pagkalabas ko hinanap agad ng mata ko si Calix. Saktong paliko sa kanang bahagi ng pasilyo. Patakbo akong naglakad para habulin siya pagkadating ko sa nilikuan niya wala na siya. Ang bilis naman niyang mawala hindi ako huminto hinagilap ko siya ulit ngunit wala. Hiningal ako kakahanap sa kanya. Pinagtataguan ba niya ako? Hay! Umikot ako para bumalik ulit doon pero may nabunggo akong halimaw -_-

"May klase pa anong ginagawa mo dito,Crisford?" walang kaemoemosyon niyang sabi.

Himala ba to? Tinawag niya ako sa apelyido ko at hindi Amarith? Napansin ko ang pagtalim ng paningin niya sakin. Kaya napaatras ako.

"Sagutin mo ang tanong ko!" madiin niyang sabi.

T^T nakakatakot siya.

"K-ka-si---"

"Zet?"

Napatingin ako sa nagsalita alam ko na kung sino yun siya lang naman ang tumatawag sakin na Zet.

"Calix."

Lumapit siya sakin tapos ay niyakap niya ako.

"Namiss kita Zet." sabi niya sakin.

"Namiss din kita."

Humiwalay siya sakin pagkatapos ay tumingin sa bandang kanan ko. Ay oo nga pala andyan pala si Primo. Napatingin din ako sa kanya at nakakatakot ang awra niya.

"Di ba kaklase natin siya Zet?" tanong ni Calix.

"Ah oo." maikli kong sagot.

"Kamusta ako nga pala si Calix." bati ni Calix kay Primo sabay abot ng kamay nito.

"Hindi kita tinanong kung sino ka at wala hindi ako interesado." iritang sabi ni Primo.

Abat ang bastos talaga ng ugali nito. Binalik na lang ni Calix ang kamay niya sa kanyang gilid.

"Ah Zet tara na balik na tayo sa klase." aya ni Calix sakin.

Tumango lang ako at sumabay sa kanya pero di ko mapigilang hindi lumingon kay Primo. Pagkalingon ko ay nakatinggin din siya samin,hindi sakin lang pala. Biglang nagliwanag ang kanyang mga mata naging lila ito. Napaatras ako ano kayang gagawin ng lalaking ito. Nakaramdam ako ng malakas na hangin sobrang lakas tila ba ay madadala ako nito hindi ko alam ngunit naipikit ko na lang ang aking mga mata.

"Imulat mo ang mga mata mo,Amarith."

Ang boses na yun. Iminulat ko naman ang mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko si Primo at buhat buhat niya ako at nasaan na kami?

"Waahh ibaba mo ko halimaw." sabi ko sa kanya.

Pinanlisikan niya ako ng mata tsaka padabog akong ibinaba. Bastos talaga!

"Nasan ako? San mo ako dinala?" sabi ko sa kanya.

"Sa lugar kung saan ligtas ko." walang reaksyon niyang sabi.

"Ligtas? Tss ibalik mo ako dun kay Calix." angal ko.

"Wag mo nga mabanggit banggit ang pangalang yan dito." inis niyang sabi.

"Ano bang problema mo?" inis ko ding sabi.

Namumuro na to eh naiinis na ako sa kanya.

"Layuan mo ang lalaking iyon." si Calix ba ang tinutukoy niya?

"At bakit naman?" taas kilay kong tanong.

"Mapapahamak ka sa kanya." seryoso niyang sabi.

Ako? Mapapahamak kay Calix? Adik ba tong si Primo?

"Matagal ko na siyang kilala at hindi niya ako sasaktan." pagtatanggol ko kay Calix.

Hindi masamang tao si Calix alam ko yun.

"Hindi mo siya ganun ka kilala." sabi niya.

"Ikaw ang hindi nakakakilala sa kanya. Pwede ba hayaan mo ako matagal ko din siyang hindi nakita." inis kong sabi sa kanya.

Tinignan niya lang ako atsaka siya humiga sa damuhan. Nakita ako ang pagismid niya.

"Ikaw ang bahala dadating din ang oras na sasabihin mong tama ako." pikit mata niyang sabi.

Sa sobrang inis ko sa kanya pabalibag kong binuksan ang gate na nakita ko. Mabilis akong naglakad. Ano bang problema niya kay Calix? Kung balak niyang sirain si Calix sakin pasensya siya mas kilala ko si Calix kesa sa kanya. Tinignan ko ang aking relo. Huli na ako sa klase tss! Dadaan na lang ako sa canteen para bilhan si Victoria ng makakain. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top