PAHINA 10


Herezett's Pov:

Kasalukuyang natutulog si Victoria sa katabi kong kama ngayon. Buti na lang pala wala pa akong kasama dito sa silid na ito. Nakatitig ako sa kanya parang may pamiliar na mukha kasi akong nakikita sa kanya para siyang si Primo. Teka bakit nanaman ba napasok sa isip ko ang halimaw na yun? Ipinikit ko na ang mga mata ko ng bigla akong makaramdam na parang may nakadagan sakin. Iminulat ko ulit ang mga mata ko..

O_O

"Bakit nandito ang kapatid ko?" seryoso nitong tanong.

"Kapatid? Sino?" kinakabahan kong sabi.

"Si Victoria anong ginagawa niya dito?" napatinggin ako sa kabilang kama.

"Kapatid mo siya?" tanong ko.

"Hindi ba halata?" madiin niyang sagot.

Ano bang problema nito? At bakit ba niya ako dinadaganan?

Dinadaganan?! O_O tinulak ko agad siya.

"Umalis ka nga!" sabi ko.

Di man lang natinag.

"Aalis lang ako kapag sinagot mo ang tanong ko." nilapit pa niya lalo ang mukha niya.

"P-pag d-dating ko k-kanina nan-dito na s-siya." nauutal kong sabi.

"Talaga? At pano naman siya nakapasok?" ramdam ko yung hininga niya.

Ang mga mata nila ang sarap titigan. Waaahhhhh!! Hindi bakit ko ba iniisip ang mga ganyang bagay ngayon.

"L-lumusot siya s-sa pader." sagot ko.

"Pinaglololoko mo ba ako?" seryoso niyang sagot.

"H-hindi. Pinakita niya sakin kanina yung kaya niyang gawin alam kong alam mo yun kasi isa ka ding Ifrit di ba?"

Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat at maya maya pa ay kumalma ang mukha niya. At ..

Humiga siya sa leeg ko. O//////O

"Ano pa ang sinabi niya sayo?" ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.

"S-abi niya i-itago ko daw siya. Ano bang nangyari at takot na takot si Victoria?" sabi ko sa kanya.

"Dito na muna siya sayo kahit sandali lang maaari ba iyon?" pakiusap niya.

Totoo ba ito? Nakiusap siya sakin? Napatingin ulit ako kay Victoria. Naaawa ako sa kanya.

"Sige dito muna siya." pagpayag ko.

"Salamat."

"Walang anuman." sabi ko.

Hindi na siya nagsalita pa. Pero NAKADAGAN PA DIN SIYA SAKIN!! T^T Sinubukan kong igalaw ang katawan ko.

"Wag kang malikot." bulong niya.

Pagkasabi niya nun hindi na ako gumalaw pa ulit. Hinayaan ko na lang siya sa pwesto niya. Dinalaw na din ako ng antok ipinikit ko na ang aking mga mata.

"Akin ka lang. Maging akin ka para sa kaligtasan mo,Amarith."

Huling bulong na narinig ko mula sa kanya. Bago ako nakatulog ng tuluyan. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top