PAHINA 1


Herezett's Pov:


"Binibini handa na po ang iyong sasakyan."


Bungad sa akin ni Ginoong Francis habang kumakain ako ng aking agahan.


"Sige po,susunod ako." Tugon ko sa kanya at minadali ang pagkain.


Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako ng bahay dala ang mga gamit ko papuntang paaralan. Tsk! Lilipat nanaman ako ng bagong paaralan at ngayon ang unang araw ko doon. Sumakay na ako sa sasakyan sinara ko agad ang pinto pagkapasok ko.


Nga pala di ko pa napapakilala ang sarili ko. Ako si Herezett Allyson Crisford,18 taong gulang.


Kasalukuyan naming binabagtas ang daan patungo sa aking bagong paaralan. Pagkaraan ng 30 minuto ay narrating din namin ito. Medyo tago naman ang paaralang ito,tapos puro puno pa papuntang labasan.


Bumaba ako ng sasakyan,nakita ko ang isang babaeng mga nasa 30 hanggang 40 taong gulang na nakatayo sa gate ng paaralan.


"Magandang umaga binibining Crisford maligayang pagdating." magiliw nitong bati sakin.


"Magandang umaga din po Ginang." Pagbati ko sa kanya.


"Ako si Amanda Claw,ang tagapangasiwa ng paaralan. Kung maaari ay sumunod ka saakin." Turan niya at nagsimulang maglakad.


Sumunod ako sa kanya naglakad kami papasok sa isang silid pagkatapos ay dumaan kami sa mga silid aralan kung saan nagkaklase ang lahat. Maganda naman itong paaralang ito pero parang may kakaiba dito di ko lang maipaliwanag. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid,may malawak na hardin na siyang naghahati sa mga silid. Napatigil ako sa paglakad ng tumigil sa harap ng isang silid na may kulay gintong pintuan si Ginang Claw.


Binuksan niya iyon at pumasok sumunod ako sa kanya. Ito pala ang kanyang opisina..


"Maupo ka binibini." Wika nito at nilahad ang upuan sa harap ng kanyang mesa.


"Binibining Crisford siguro naman ay alam mong dormitory school ito." Pagsisimula niya


"Opo naipaliwanag na saakin." Sagot ko.


Alam mo ka naman na kapag dito ako nagaral ay dito din ako tutuloy. Mas mabuti na amg ganito kesa naman dun ako sa bahay ako lang naman mag-isa.


"Mabuti kung ganon. Binibini eto ang iyong susi sa iyong kwarto. May mga konting alituntunin tayo dito at siguro pati iyon ay nabasa mo na sa handbook ng paaralan na ibinigay sayo bago ka pa makapasok dito."


Tumango ako sa kanya sabay abot ng susi.


"Mayroon po ba akong makakasama sa kwarto?" -ako


"Sa ngayon wala pa." -Ginang Claw


"Maari ka ng pumunta sa iyong kwarto binibini sa Moon dorm nandoon na and iyong mga gamit maari ka ding maglibot dahil bukas na bukas din ay magsisimula na ang iyong klase."


Tumayo ako at nagpaalam sa kanya. Moon dorm?? Dapat ba may pangalan yung dorm? Nagsimula na akong maglakad para hanapin yung dormitoryo ko. Habang naglalakad tinitignan ko yung bawat silid. May isang silid na nakaagaw ng atensyon ko sa lahat kasi ng silid iyon lang ang may konting magaaral sa loob. Marahil ay yun ang sinasabi nila na pinakamataas na seksyon. Isa daw karangalan ang mapabilang sa seksyon na iyon,pili lang daw ang mga nandoon kaya kaonti lang ang nasa klaseng iyon.


Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sa wakas ay narating ko din ang aking dorm saka ko hinanap ang kwarto ko.


"Room 13." Sabi ko sa sarili.


Maya maya pa ay natanaw ko na ang aking kwarto binuksan ko iyon saka pumasok. Nandoon na nga ang mga gamit ko. Siguro ay iidlip muna ako bago maglibot. Nahiga ako sa malabot na kama at ipinikit ang aking mga mata.


*hikab*


Napasarap ata ang idlip ko anong oras na ba? Hinanap ko agad kung nasaan ang orasan sa kwartong ito. 2:45 hapon na pala tulog na pala yung ginawa ko hindi pala idlip.


*krruuu*


Nagugutom na ako. Makalabas nga muna ng makakain ako ng tanghalian. Inayos ko agad ang sarili ko saka ako tumayo mula sa kama. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito. Ngunit mukha ng isang babae ang agad na tumambad sakin. Sino naman itong babaeng to? Makakasama ko ba siya sa silid na ito?


"Kamusta binibini!! Ako nga pala si Shaviel Luxtern!" masaya niyang bati sakin.


"Kamusta din...ahmm ano nga pala ang kailangan mo?" tanong ko


"Kasi inutusan ako ni Ginang Claw na ihatid ito sayo." inabot niya sakin ang isang itim na kahon at sobre.


Ano naman kaya ito? Tinitigan ko lang ang kahon at sobre atsaka ko ibinalik sa kanya ang aking atensyon.


"Sige mauna na ako ha! Magkita na lang ulit tayo!" tugon niya.


Tumango lang ako at tinignan siya habang naglalakad palayo. Bakit hindi agad ito ibinigay ni Ginang Claw saakin kanina?


*krrruuu*


Hay! Nagugutom na talaga ako. Nilapag ko muna sa kama ang itim na kahon saka inilagay ang sobre sa drawer ng mesa. Lumabas agad ako ng kwarto at sinarado ito. Tinahak ko ang daan upang hanapin ang canteen. Habang naglalakad ako ay may nakakasalubong ako na mga estudyante. Ano bang problema nga mga taong ito at tingin sila ng tingin sakin? Di ko na lang sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Palinga linga ako habang naglalakad tinatanaw ang kabuuan ng mga istraktura.


*boogsh*


Aray ko!! Ang likod ko. Hinimas ko ang aking likod.


"Tss. Di ka ba marunong tumigin sa dinadaanan mo?"


Tumingala agad ako upang tignan kung sinong nagmamayari ng naiinis na boses na yun. Isang lalaki at base sa mukha niya ay naiinis siya ng sobra. Napatayo ako agad ngunit hinihimas ko pa din ang likod ko.


"Pasensya na." sabi ko.


"Sa susunod tignan mo ang dinadaanan mo." sambit nito sabay alis.


Problema ng taong yun humingi na ako ng pasensya ah? Masyado naman siya mainitin. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nang mahanap ko ang canteen dumiretso agad ako sa counter upang bumili ng pagkain. Pagkatapos kong makuha ang binili ko naghanap agad ako ng mauupuan. Nakakita naman agad ako malapit yun sa binata. Pumwesto agad ako dun saka kumain habang tinitignan ang mga estudyante na unti unti ng dumarating. Tinapos ko na agad ang pagkain ko tapos ay lumabas ako ng canteen. Magikot kaya muna ako. Lakad lang ako ng lakad mga 20 minuto na din akong naglalakad. Hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa gubat ng eskwelahan. Biglang humangin ng malakas. Di ko alam pero parang iba ang ihip ng hangin. Bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Bakit? Ano ba itong nararamdaman kong ito? Napaatras ako ng konti at pilit na iharap palikod ang katawan ko ngunit hindi ko iyon magawa. Biglang naging mabigat ang pakiramdam ko.


"Huwag kang pumasok dyan."


Nanindig ang mga balahibo ko ng may bumulong sa tenga ko.


"Di ka maaaring pumasok sa lugar na yan. Umalis ka na."


Muling sabi nito pagkatapos ay nawala na lang bigla ang aking kaba at ang bigat ng aking pakiramdam. Lumigon agad ako upang makita kung sino ang bumulong saakin ngunit laking gulat ko na walang tao. Ako lamang mag-isa. Napalakad agad ako ng mabilis pabalik sa silid ko. Hingal akong pumasok sa silid ko at naupo sa kama. Sino ang bumulong na iyon? Hindi! Zette burahin mo sa utak mo yun. Nabaling naman agad ang mata ko sa itim na kahon sa aking kama. Kinuha ko agad yun at binuksan. Uniporme? Kinuha ko iyon sa loob ng kahon. Ang ganda naman nito. Isinabit ko agad ang uniporme ko sa closet ko. Yung sobre!! Kinuha ko agad yung sobre saka ito binuksan. Isang rosas na badge? Pagkatapos kong titigan ang badge kinuha ko agad ang isang papel at binasa ito.


'Ito ay magsisilbing tanda na ikaw ay napapabilang sa eskwulehang ito.

-Claw'


Yan yung nakasulat sa papel. Inilagay ko agad ang badge sa uniporme ko baka mawala eh. Handa na siguro ako para bukas. Sa ngayon lilibangin ko muna ang sarili ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top