ESPESYAL NA PAHINA

Isang tipikal na araw para sa pamilya Silverstone,abala sa bahay si Herezett kasama ang kabiyak na si Primo. Habang ang dalawang panganay na anak nila ay nag-aaral na sa kolehiyo at ang bunso namang babae ay nasa ikalawang taon na sa mataas na paaralan. Medyo malayo ang magkakapatid sa kanilang mga magulang,bumili ang mga ito ng bahay malapit sa kanilang pinag-aaralang unibersidad. Paminsan-minsan ay dumadalaw sina Herezett at Primo sa kanilang tatlo upang tignan ang kanilang kalagayan roon.

Tanghali na at nasa bahay pa din silang tatlo,handa na ang dalawang panganay habang mabilis naman ang bawat kilos ng bunsong babae.

"Ashriel! Bilisan mo na dyan tanghali na!" sigaw ni Zeren sa kapatid.

"Pwede ba Zeren huwag kang sumigaw dyan puntahan mo na lang kasi." masungit na saad ni Zeshren habang nakaupo sa mahabang upuan at nagbabasa ng libro.

Tinitigan ni Zeren ang kakambal bago umupo sa kaharap na upuan nito. Sumadal siya sa upuan at ipinatong ang kanyang mga paa sa mesa na nasa gitna nilang dalawa.

"Sa tingin mo may alam si papa sa nangyari sa palasyo ng Edil?" tanong ni Zeren.

Bahagyang ibinaba ni Zeshren ang kanyang binabasa at sinulyapan ang kakambal.

"Meron siyang alam ngunit alam mo na hindi niya ugali na makialam lalo't hindi niya sakop iyon." tugon niya sa kapatid bago ibinalik ang atensyon sa binabasa.

"Ngunit sakop natin iyon at may nakapasok roon na hindi kilala." sagot ni Zeren.

Isinara ni Zeshren ang kanyang aklat at tinanggal ang kanyang salamin sa mata tsaka ipinatong sa itaas ng aklat.

"Hayaan na muna natin ang hindi kilalang naroroon,wala pa namang nangyayari." wika ni Zeshren.

"Kung ganun aantayin mo pang may mangyari? Hay,nagpadala ako ng magmamanman roon." sabi ni Zeren.

Tumango lamang si Zeshren bilang tugon sa kakambal niya.

"Ashriel,kapag hindi ka pa nakababa rito ngayon din papauwiin kita." may kalakasang sabi ni Zeshren.

Makalipas lamang ang ilang segundo ay nasa tabi na nila si Ashriel,na hawak ang kanyang mga aklat at medyo kusot na ang damit.

"Kahit kailan talaga Ashriel ang bagal mo." masungit na sabi ni Zeshren.

"Eh hindi niyo naman ako ginising Kuya. Nagusot na tuloy ang damit ko." wika niya sa mga kuya niya habang sinusuklay ang mahabang buhok.

Tumayo ang kambal na panganay at naunang maglakad palabas ng bahay si Zeshren at naiwan naman sa loob ang dalawa.

"Ang sungit talaga ni Kuya Zeshren,Kuya Zeren. Pano magkakagusto ang babae sa kanya eh sobrang suplado niya." maktol ni Ashriel.

Inakbayan siya ni Zeren at inakay palabas ng bahay.

"Nako! Madaming nagkakagusto dyan kahit masungit." natatawang saad ni Zeren.

Inayos ni Ashriel ang kanyang damit ng makalabas na silang dalawa nakita niyang nakasandal sa sasakyang ang kuya niyang si Zeshren at nakatanaw sa kapitbahay nila. Kung saan may nakatirang mag-ina,kaibigan niya ang babaeng naroroon kaya kilala niya ang nakatira doon. Sinipat niya ng tingin ang kuya niya kung doon nga ba ito nakatingin at tama siya naroroon nga ang mga mata nito at tila may inaantay. Palihim siyang napangiti.

'Inaantay niya bang lumabas ni Kuya si Devi?' tanong niya sa isipan.

Nang makalapit sila ng Kuya niyang si Zeren ay siya namang paglabas ng nasabing binibini sa kabilang bahay.

"Ate Devi!!" malakas niyang sabi na ikinalingon ng binibini sa gawi nila.

Ngumiti ito at kumaway sa kanya ngunit napaiktad siya ng madinig niya ang malamig at maotoridad ng boses ni Zeshren.

"Matagal pa yang pagbabatian niyo?"

Kunot noong lumingon si Ashriel sa kuya niya.

"Problema mo Kuya?"

"Tss. Paok sa sasakyan." utos nito sa kanya.

Akmang magsasalita si Ashriel ng marinig niyang sumigaw si Zeren.

"Kamusta ganda! Kumain ka na ba?" wika nito na ikinalingon ni Ashriel at Zeshren.

"Oo kulit tapos na. Ingat kayo." sagot nito kay Zeren at ngumiti.

"Zeren! Pasok!" madiing sabi ni Zeshren na ikinalingon ni Zeren tsaka siya nito nginisihan.

"Ganda! Dalawin kita mamaya dyan!"

Nagtaas naman ng hinlalaki ang binibini sa kanya.

"Zeren!" may pagbabantang sabi ni Zeshren.

Tinawanan lamang siya ni Zeren bago pumasok ng sasakyan. Pumasok na din si Ashriel ng sasakyan ganun din si Zeshren.

"Ikaw talaga Zeshren sabihin mo lang kasi sakin,tutulungan naman kita kay ganda." nakangising saad ni Zeren.

Tinapunan siya ng masamang tingin ni Zeshren habang pinapausad ang sasakyan.

"Tigilan mo ako sa mga kung anu-anong sinasabi mo Zeren. Huli na tayo sa klase nakikipagkuwentuhan ka pa." pagsusungit nito.

"Sus eh! Sinong laging nakatanaw sa bintana ng kanyang silid at--Aray!" putol na sabi ni Zeren ng kuryentehin siya ni Zeshren.

"Magdaldal ka pa Zeren itutulak kita palabas nitong sasakyan."

"Tss. Pikon." saad ni Zeren.

"Kuya Zeshren,may gusto ka ba kay Ate Devi?" biglang tanong ni Ashriel na tinugunan ni Zeshren ng masamang tingin sa salamin.

"Sabi ko nga kasi wala kaya tatahimik na lang ako." saad ni Ashriel sa sarili ng tignan siya ng masama ng kuya niya.

Naging tahimik ang biyahe nila hanggang sa makarating sila sa kanilang paaralan. Agad na ipinarada ni Zeshren ang sasakyan bago naunang bumaba si Ashriel. Inantay niyang makababa ang dalawang kuya bago siya humalik sa mga pisngi nito.

"Mauna na ako sa inyo Kuya Zeshren,Kuya Zeren mamayang tanghalian na lang!" paalam niya sa mga ito.

Tumakbo si Ashriel patungo sa kinaroroonan nila Sylia at Lovera na anak ng kaniyang tiya na si Tamara at Trilt. Habang nakatayo sina Zeshren at Zeren ay lumapit naman sa kanila ang kanilang pinsan na mga lalaki.

Sina Hierro at Claix na anak nina Zyfer at Shaviel.

"Mga pinsan! Kamusta?" bati ni Zeren sa kanila habang tahimik na nakamasid si Zeshren sa paligid.

"Ayos naman kami Kuya insan."sagot ni Claix.

Tumago tango si Zeren,nagsimulang maglakad si Zeshren atsaka sila sumunod. Sigaw rito,sigawan diyan yan ang maririnig mo araw-araw kapag magkakasama ang magpipinsang ito. Ayaw man ni Zeshren sa ingay hindi niya naman maaaring gamitan ng kapangyarihan ang mga mortal na ito ng basta basta na lamang. May usapan silang magpamilya,kung sino ang mahuling gumamit ng kapangyarihan sa mortal ng hindi naman mahalaga ay paparusahan. Dahil alam nila ni Zeren ang parusa ay iniiwasan nila itong mangyari kaya hanggat maaari ay pinapahaba niya ang kanyang pasensya sa paligid niya.

Nakapamulsa si Zeren habang nanglalakad sila ng mahagip ng kanyang mga mata ang isang binibini kaya nagpaalam siya sa kapatid at mga pinsan niya tsaka ito nilapitan.

"Himala nakabalik ka na pala rito?" agad niyang tanong.

Tinignan siya nito bago nito pinaikot ang mga mata sa kanya. Mabilis itong naglakad palayo sa kanya at dahil makulit talaga si Zeren sinundan niya ito.

"Nawala ka lang ng dalawang linggo isnabera ka na ngayon?"

"Hoy! Kausapin mo naman ako!"

"Babaeng mason!"

Sa pagkakataong ito hinarap siya ng binibini at sinuntk sa balikat. Ni hindi niya man lang ininda ang ginawa nito sa kanya.

"Puwede ba Zeren Silverstone tigilan mo ako! Nakakainis ka alam mo ba iyon?! Nabubuwesit na ako sayo!" singhal nito sa pagmumukha niya.

Nginisihan niya lamang ang binibini atsaka inilapit ang mukha niya rito.

"Kapag lumayo ako sayo lagot ka,sigurado akong hahabulin ka nila binibining Henviera." mahina niyang sabi dito bago inilayo ang mukha.

"Sige mamaya ulit." pagpaalam niya at naglakad palayo sa binibini.

Habang naglalakad si Ashriel kasama ang mga pinsang babae ay hinarang sila ng isang grupo ng mga babaeng matataray. Nagkatinginan silang tatlo at akmang lalampasan nila ang mga ito ngunit mas hinarang sila ng mga ito.

"Hoy Ashriel,anong chismis yung pinagkalat mo tungkol sakin ha?" mataray na saad ng babaeng nasa gitna.

"Chismis? Ako? Paumanhin sayo ngunit hindi ko gawain iyan hindi ako pinalaki ng mama ko na gumawa ng mga kuwentong walang katuturan." pataray niyang sabi.

"Abat! Hoy para sabihin ko sayo maraming nakakaalam na ikaw ang gumawa nun kaya huwag ka ng magmalinis at wala akong pake kung paano ka pinalaki ng mama mo dahil sa tingin ko wala naman siyang kuwenta." mapang-uyam ang tono nito.

Ngunit hindi nagustuhan ng nakababatang Silverstone ang sinabi nito sa kanyang ina.

"Hoy babae wala kang karapatang na sabihan ng ganyan si Tita,hindi mo siya kilala." inis na sabad ni Sylia.

"Wala talaga kayong magawa sa buhay niyo ano? Mga inggitera." wika ni Lovera.

Mahigpit na hinawakan ni Ashriel ang kanyangaklat upang huwag gamitan ang mga babaeng ito ng kanyang kapangyarihan dahil sa ginawa nitong panguuyam sa kanyang ina.

Kung may pinagkakasunduan man ang magkakapatid yun ay ang huwag hahayaang may manginsulto sa kanilang mga magulang lalo na sa kanilang ina,na walang ginawa kundi pangaralan sila at turuan ng tamang asal.

At ang lahat ng gagawa nito ay mananagot sa kanila.





































**********

Soon~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top