ANG HULING PAHINA

(Pagkalipas ng pitong taon)

Herezett's Pov:

Mahigit pitong taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa din sa aking isipan ang nangyaring iyon. Masaya na ako ngayon kasama ang aking mga anak. Ang swerte ko kasi kambal na mga lalaki ang aking mga naging anak. Pinagpatuloy ko ang pagaayos sa silid namin ni Primo. Ang tagal na niya palang nawala sobrang pangungulila na talaga ang nararamdaman ko. Walang araw na hindi siya pumapasok sa aking isipan,ganun din ang mga bata kinukulit ako kung nasaan na ang ama nila,wala naman akong maisagot sa kanila. Hay!

"Mama!!" napaangat ako ng tingin ng pumasok ang isa sa mga kambal na umiiyak.

Tumakbo siya patungo sakin at yumakap sa aking beywang tsaka umiyak.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko habang hinahaplos ang ulo niya.

Nagangat siya ng tingin at pinahid ang luha niya.

"Mama inaway nanaman ako ni Kuya." pagsusumbong niya.

Pinunasan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Huwag ka ng umiyak. Ano ba kasing pinagawayan niyo?" tanong ko.

"Pinakealaman niya po kasi ang mga gamit ko." napalingon ako sa may pintuan at nakita kong nakatayo roon ang kakambal niya.

Lumapit ito samin tsaka umupo sa tabi ko habang nakahalukipkip.

"Manghihiram lang naman po ako eh." hikbi ni Zeren.

"Eh hindi naman po siya nagpaalam sakin mama." pagsusungit ni Zeshren.

Napabuntong hininga na lamang ako. Talaga namang hinati nila ang paguugali ni Primo. Si Zeren,makulit at madaldal,kabaliktaran naman nun si Zeshren,tahimik at suplado.

"Ilang beses ko na ba kayong sinabihan tungkol dyan. Zeren,huwag mong galawin ang gamit ng kuya mo ng hindi nagpapaalam. Ikaw naman Zeshren,huwag mo namang awayin agad ang kapatid mo tsaka pareho lang naman ang mga gamit niyo. Kapag nag-away pa ulit kayo hindi ko na kayo tatabihang matulog." pagbabanta ko.

Nakita kong ngumuso si Zeren at tahimik lang naman si Zeshren ngunit alam ko na hindi yan sanay na hindi ako katabi. Hinimas ko ang ulo nila bago tumayo.

"Baba na tayo ipaghanda ko kayo ng makakain." pag-aya ko sa kanila.

Lumabas kaming tatlo ng silid habang hawak sa kaliwang kamay si Zeshren habang nakayakap si Zeren sa kanang bahagi ng beywang ko. Nang makababa kaming tatlo dumiretso kami ng kusina tsaka ko sila pinaupo sa upuan. Pinaghanda ko silang dalawa ng makakain nila. Inilapag ko agad ang kanilang kakainin at inumin. Umupo ako sa katabing upuan nila at pinagmasdan silang kumain. Kamukha talaga nila si Primo lalo na si Zeshren.

"Mama asan na po ba talaga si Papa?" tanong ni Zeren.

Pang-ilang beses na tanong na nila ito sakin.

"Zeren,hindi ko kasi alam kung nasaan si papa niyo." sagot ko.

"Ang tagal niya naman pong umuwi." dugtong pa niya.

Palihim akong nagpakawala ng malalim na hininga. Pinakatitigan ko lamang silang dalawa. Ayos na sakin na makasama ko silang dalawa ngunit mas magiging masaya ako kapag nandito din sana si Primo.Tumayo ako at akmang maglalakad patungo sa lababo ng sabay silang sumigaw.

"Papa!!" sabay silang bumaba ng upuan kaya sinundan ko sila ng tingin.

Agad silang yumakap sa binti ng ginoong nasa pintuan ng kusina. Nakayakap sila sa magkabilang binti nito at nakaangat ang mga ulo sa kanya.

"Papa antagal mo pong nawala saan ka nanaman po nagpunta?" nakangusong tanong ni Zeren.

Ginulo niya ang buhok nito at ganun din ang ginawa niya sa buhok ni Zeshren.

"May inasikaso lamang akong importante. Siguro naman hindi niyo pinapagod ang mama niyo."

"Si Zeren po laging ginagalaw ang mga gamit ko." sabad ni Zeshren.

"Ayaw ako pahiramin ni kuya,Papa."

"Hindi naman po siya nagpapaalam saakin."

Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nila. Kumalas si Zeren sa binti niya at tumakbo sakin tsaka yumakap sa beywang ko.

"Mama inaaway nanaman ako ni kuya." nakangusong saad ni Zeren.

"Kakasabi ko lang kanina sa inyo kanina ah. Tsaka yung pagkain niyo ubusin niyo na." wika ko.

Agad naman silang bumalik sa upuan nila at pinagpatuloy ang pagkain. Lumapit naman siya saakin at hinalikan ako sa noo.

"Primo..san ka nanaman ba nagpunta at magdadalawang linggo kang nawala." tanong habang inaayos ang buhok niya.

"Inayos ko lamang ang isang gulo sa isang bayang nasasakupan ko. Patawad kong natagalan,pinapagod ka ba nilang dalawa?" sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok.

"Hindi naman masyado,si Zeren makulit pa din si Zeshren naman napapanatili ang pagkasuplado." kuwento ko.

Tumawa lamang siya ng mahina at niyakap ako. Masaya ako na kompleto kami akala ko dati nawala na talaga siya sakin.

(flashback)

Hindi na ako makahinga ng makita kong nakapikit na ang mga mata ni Primo. Pinilit ko siyang gamutin ng ilang beses ngunit hindi iyon tinatanggap ng kayang katawan. Habang ginagamot ko siya patuloy ako sa pag-iyak,hindi siya pwedeng mawala hindi ngayon. Malakas kong pinagpapalo ang kanyang dibdib.

"Gumising ka! Primo!!" sigaw ko dahil napakasikip na ng dibdib ko.

Hindi siya pwedeng mawala! Tumigil ako sa pagpalo ng kanyang dibdib at isinubsob ang aking ulo sa kanyang dibdib. Niyakap ko siya at doon umiyak nanatili akong ganun ng matagal. 

"Ang sakit naman ng ginawa mo mahal."

Napatigil ako sa pag-iyak ng madinig ko ang kanyang boses. Nag-angat ako ng mukha at tinitigan siya,ngumiti siya sakin at marahang hinaplos ang aking pisngi. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o ano,buhay siya! Bumangon siya at pinahid ang aking pisngi.

"Hindi ba't sabi kong wag kang umiyak nakakasama sa anak natin." sabi niya.

"B-buhay k-ka." tigalgal kong saad.

Tumawa lang siya ng mahina.

"Oo naman pinapagaling ko lamang ang sugat ko,ikaw yung iyak ng iyak dyan pinagpapalo mo pa ang dibdib ko." natatawa niyang saad.

Kung ganun hindi naman talaga siya-Kaya pala hindi tumatalab yun sa katawan niya. 

"Sira ka! Pinag-alala mo ako alam mo ba yun! Kaya pala hindi kita magamot kasi ganun! Nakakainis ka! Akala ko wala ka na!" inis na inis kong sabi at pinagpapalo siya.

"Aray! teka naman mahal-aray!" pinagpapalo ko siya hanggang sa yakapin niya ako.

Sa sobrang inis ko hindi ko namalayang nakayakap na din ako sa kanya at umiiyak. Loko talaga halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba at takot tapos pinapagaling niya lang pala ang sugat niya.

"Sshh tama na huwag ka ng umiyak." sabi niya at hinaplos haplos ang aking likod.

"Baliw ka! Pinag-alala mo ako ng husto alam mo ba iyon" inis kong tugon.

"Patawad kung ganun mahal. Tsaka hindi naman kita iiwaan hindi ngayon gusto ko pa kayong makasama ng mga magiging anak natin. Mahal kita." malamlam niyang saad.

Humiwalay ako sa kanyang pagkakayakap.

"Mahal din kita pero pinag-alala mo ako ng sobra kaya hindi ka tatabi sakin mamaya." inis kong saad atsaka tumayo at naglakad papalayo sa kanya. 

"Teka naman! Mahal huwag namang ganun." sabi niya at hinabol ako.

Lihim akong napangiti pero naiinis ako sa kanya akala ko iniwan niya na talaga ako. Dinig kong hinabol niya ako at nakatayo na siya sa harapan ko.

"Patawad na mahal."

"Ewan ko sayo hindi tayo bati huwag tatabi sakin mamaya." pagtataray ko sa kanya.

Nakita kong nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. 

"Mahal naman." 

Binelatan ko siya at naglakad ulit hinabol niya ako at kinulit ng kinulit. Tawa na ako ng tawa sa loob loob ko dahil noong gabing iyon hindi na maipinta ang mukha niya. Parusa niya iyon nakakainis talaga.

(end of flashback)

At yun nga natawa na lang ako bigla ng maalala iyon,baliw talaga hindi ko talaga siya pinatabi sakin nun ng tatlong araw.

"Ano nanaman yang naiisip mo at natatawa ka ng ganyan mahal?" dinig kong tanong ni Primo na nagpabalik sakin sa realidad.

"Wala naman,mahal." nakangiti kong sabi.

Nakamasid lamang ako sa dalawa naming anak na patuloy sa pagkain.

"Ang bilis ng panahon ano? Ang laki na nilang dalawa Primo." sabi ko.

"Kaya nga kaya dapat ihanda na natin ang sarili natin na magpakilala sila ng mga kasintahan nila satin." natatawang sabi niya.

Natawa na lang din ako sa kanya. Humarap ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

"Sobrang saya ko ngayon na kasama ko kayong tatlo. Salamat sayo Primo,salamat kasi dumating ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita." sabi ko sa kanya.

"Ako ang dapat na magpasalamat saiyo mahal dahil binigyan mo ako ng kambaal na anak,mas mahal kita." puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata.

Ngumiti ako sa kanya,matagal na kaming kasal ngunit hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. At mas lalo ko siyang minamahal habang tumatagal,wala na akong hahanapin pa sa buhay makasama ko lamang siya at ang mga anak namin sobra sobra na iyon. Walang kahit anong salita ang makakapagsabi kung gaano ako kasaya ngayon,wala.









                                                                        - W A K A S -

                                                                     (Laile Migami)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top