Sa kabila ng lahat

Kay hirap alalahanin ang mga nakaraan,

bagama't noo’y puso’y lubhang nasugatan.

At itong damdamin na kay hirap diktahan,

hanggang ngayo’y nangungulila’t nasasaktan.

Ngunit ngayon ay lubusan na tanggap ko na.

Di talaga tayo para sa isa’t-isa.

Kaya tama pa ba na mahalin kita?

Lalo na ngayon na may mahal ka ng iba.

At sa kabila ng lahat ng nadarama,

ako'y nagpapanggap na parating masaya.

At sa kabila ng lahat ng dinadala,

ang puso kong ito ay hirap na hirap na.

Hindi na nga malaman ang mga gagawin,

upang itong puso’y lubusan ng gumaling.

At ang sugat na iyong iniwanan sa’kin,

hanggang sa ngayon ay nilulunasan ko pa rin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top