Paghahalintulad

Bakit ang mga tao laging problemado?

At lagi na lang may intindihin sa mundo?

Halimbawa na lang nito’y ikaw at ako.

Kaya sa problema’y di dapat magpatalo.

Sana naging isang halaman na lang ako,

na nabuhay ng walang problema sa mundo.

Nagbibigay din ng saya sa mga tao,

at panandalian ligaya para sayo.

O hindi kaya’y isang bagay panghanap buhay.

Para naman may pakinabang sa’ting buhay.

Hindi gaya ng buhay na’ting mga tao,

na maraming intindihin dito sa mundo.

Sana nga sa paghahalintulad kong ito,

kahit sa panaginip ay magkatotoo.

Sapagkat mga tao ay laging problemado.

At mukhang wala ng pag-asang magbago.

Iniisip na sana sa aking paggising.

Ngumiti ang araw at humarap sa’kin.

Upang sa hamon ng buhay ay handang harapin,

Ang kapalarang ko na dapat ng baguhin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top