Meron pa ba?
Kapag ikaw na ay akin ng nakita.
Araw ko’y bigla na lamang sumasaya.
At sa bawat oras na ika’y wala pa,
puso ko ay nahihirapan na sinta.
Alam mo nakahanap na ako ng bago.
Magkamukhang-magkamuka nga kayo.
Ngunit may isang napakalaking problema,
Mas mahal pa rin kita, kay sa, sa kaniya.
Wala nab a talaga ‘kong makikita,
nang isang kagaya mong nag-iisa?
Nagtatanong gabi-gabi sa dyos na,
mayroon pa bang gaya mong nag-iisa?
Kasi naman kapag kaharap na kita,
‘ramdam ko’y may pagsusulit ako sinta.
Kasi naman talagang nakakakba,
pag kaharap ka, ako’y natataranta.
Sana kahit papaano’y makaya ko.
Itong mahiyaing pusong tinataglay ko.
Nang kahit papaano’y makalapit sayo,
dahil ikaw lang ang tangin minahal ko.
Naghihintay na lang ng pagkakataon,
ngunit parati na lang kulang sa aksyon.
Naghihintay na sana ay magkaroon,
nang isang napakagandang pagkakataon.
At sa tamang oras ay masasabi ko rin,
na ikaw lang ang tanging mamahalin.
At ipapangakong ikaw na lamang,
ang aking iibigin magpakailan man.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top