Joana

Kakaibang saya ang aking nadama,

nang inakala kong mahal mo ako sinta.

Konti na lang sana’y maaabot ko na.

Ang kaligayahan na hindi ko makuha-kuha.

Ngunit naglaho agad ang kasiyahan.

At ang sayang nadama’y napalitan pa ng kalungkutan.

Kung bakit ba kasi minahal pa kita?

Mauuli lang pala ang aking pagdurusa.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Imbes na ika’y kalimutan, ika’y naaalala ko.

At nagpapanggap na lang ako sa t’wing kasama ka.

Para hindi mo mapansin ang paghihirap ko sinta.

Pero ngayon ay hindi na ako masyadong aasa,

nang kahit papaano ito ay aking makaya.

At kung sakaling ako ay iyong mahalin,

Baka huli na din ang lahat para sa’tin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top