Ang aking mundo

Sa mundong kaiba sa natural.

Sa mundong mahirap sumugal.

Sa mundong nababalot ng tanong at hiwaga.

Sa mundong nais ko nang makawala.

Marahil ay iilan lang ang nakakakita sa ganitong klaseng mundo.

At nasisiguro kong lahat sila ay tulad ko.

Naghahanap ng puwang upang mapunan ang ispasyo.

Na ang tanging kalungkutan ang laging umu-ukupado.

Madalas kong maisip kung ano ba ang dahilan.

Sadiya ba talagang ganito ang aking kapalaran?

Ang maging iba at natatangi.

At umaasa na maitatago ang lahat sa isang ngiti.

Isa lang naman ang bagay na aking hiling.

Isang bagay na matagal ko ng dalangin.

At sana sa tamang oras ito ay dumating.

Bago ko pa mapagdisisyonang ang mundong ito'y lisanin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top