ikalawa
Ikaw at Ako: Tayo
Walang kayo at hindi pa pwede.
Mga salita na gaano man kahapdi,
ay kakapit ako sa dalawang
salitang: hihintayin kita,
dahil ako'y magbabaka-sakali.
Magbabaka-sakali —
na matatapos rin ang pag-hihintay.
Maipapakita, maipagmamalaki;
malalagpasan natin ang
mga sakit at hapdi.
At mamumunga mula rito,
ang ninanais ng lahat ng tao:
ang pag-ibig na taglay,
ang pagmamahal na totoo.
Pero sa ngayon ay hahayaan muna
ang dalawa nating pusong lumiliyab.
Hihintayin ang panahon kung kailan
tayo ay maaari nang sumiklab.
Sa pagkakataong iyon ay titingin ako
sa iyong mga matang kumikislap;
at uuwi sa mga kamay mo,
baon ang isang mainit na yakap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top