XXXV

Chapter 35
#TTFwp

Sunday kaya magkasama kami ni Gian buong araw. Nasa sala lang kaming dalawa at nakatingin sa laptop niya habang nagtitingin ng mga apartment. Ang sabi niya kung gusto ko ba raw ng rent to own para pagdating ng panahon at least magiging property na talaga namin 'yon. Okay lang naman sa akin pero medyo may kamahalan din talaga lalo na kapag sa Manila, mas mataas ang renta at maraming binabayaran.

"Let's visit this one, I can make time on Friday or Saturday." Tutok lang siya habang tinitignan ang mga pictures no'ng nakita namin.

Kinausap ko si Mama about dito and sabi niya ayos lang naman daw kung dito na kami sa Manila titira para daw makapag-umpisa ulit kami. Ang hirap din doon sa amin dahil araw-araw napagtsi-tsismisan ang kapatid ko magmula no'ng mag-eskandalo si tita sa tapat ng bahay namin. Akala naman nila naapektuhan mga buhay nila dahil buntis ang kapatid ko.

About naman doon sa co-parenting, willing naman daw sila lumuwas kung kailangan, buti nga mabait talaga 'yung pamilya ng ex ng kapatid ko. In-explain kasi namin 'yung problema namin kay Tita kaya lilipat kami and sabi naman nila mas okay din naman daw talaga doon sa bata kung mapapalayo sa ganoong klaseng kamag-anak.

"Hmm...okay Saturday's good." Wala na akong laro dahil laglag na ang team namin, hindi man champion pero masaya naman 'yung overall experience. Marami akong natutunan at mas lumawak pa 'yung kaalaman ko sa laro dahil nga sa experience na 'to and siyempre nabayaran pa rin naman kami.

Feeling ko gagawin ko nang annual talaga ang pagsali dito kahit na nakakapagod na feeling ko lalabas na lang dila ko bigla sa sobrang kapaguran. Sobrang bilis ko pa man din mapagod for an athlete, pero worth it naman kasi. Tsaka at least hindi ako mababakante ng summer at wala na rin naman akong balak na tulungan si Tita sa paninda niya kaya kailangan ko ng alternative.

"Kailan ba last game niyo?" tanong ko. May laro pa sila Gian at feeling ko aabot pa sila ng championship ng summer league. Binuhos niya yata dito sa conference na 'to 'yung hindi niya nailaro dahil sa injury niya noong PCAA season kaya ayan super ganda ng mga play niya.

Maaalok nanaman 'to ng sasakyan at condo for sure. Ginagalingan e.

"On Wednesday. That's the last game if we lose. Nood ka?" Tumango ako. Hindi ko pa napapanood si Gian maglaro nang live. Napanood ko lang siya lagi sa screen. Kahit na no'ng PCAA season, sa TV sa may waiting area ko lang siya napanood. This will be the first time kaya manonood talaga ako. Wala rin naman akong gagawin na.

"You won't lose," sagot ko sa kaniya kalaunan dahil nga sobrang ginagalingan niya dahil hindi siya nakalaro noong nakaraan.

"Why? Kasi manonood ka?" biro niya pa sa akin. Hindi naman 'yon ang nasa isip ko pero tawang-tawa ako na naisip niya pa 'yon.

"Oo, mahiya naman sa akin first time ko manonood live tapos olats ka. Bawas pogi points," pagsakay ko sa trip niya.

"You're right, I have to win."

Supposedly, uuwi na ako sa amin dahil tapos na games ko and wala na akong training, kaya lang busy nga kami na maghanap ng mauupahan namin nila Mama kaya hindi na siguro ako makakauwi. Diretso dorm na ako sa pasukan, hopefully makalipat na rin kami. Swerte pa kung malapit sa SHU ang malilipatan namin, hindi ko na need na mag-dorm kaya lang since in demand sa mga estudyante ang mga malapit sa West Avenue, mahirap makahanap o kaya masyadong mahal na.

"Look, I think this is really nice." Pinakita niya sa akin ang ilan pang picture sa nahanap niyang place na bibisitahin namin sa Saturday.

Maayos at maaliwalas nga talaga iyong lugar tapos secured din daw sabi niya. May mga in-explain pa siya sa akin na hindi ko siguro mapapansin kung ako lang ang maghahanap. Buti talaga andiyan siya.

"We just need to save up for some furtinure and appliances," tatango-tango niyang sabi. Tinignan ko naman siya at natawa.

"Anong 'we' ka diyan? Anak ka rin ba? Makikitira ka?" biro ko sa kaniya. Nginitian niya naman ako at kinuha ang mga kamay ko.

"Gusto ko lang talaga makalipat na kayo agad. If it's too much for you to shoulder the expenses then I'll take care of the other things." Ayan nanaman siya e. Bayad ko na ang utang ko sa kaniya noon, gusto nanaman niya na pagkautangan ko siya.

Tama naman siya though, mahihirapan talaga ako i-shoulder lahat nang mabilisan kasi hindi lang naman 'yan ang pagkakagastusan ko, pinag-iipunan ko rin ang panganganak ni Klarisse. Tutulong naman ang pamilya ng ex niya doon pero siyempre gusto ko pa rin mapaghandaan ang paglabas no'ng baby at the same time gusto ko paglabas niya, nasa maayos na kami na tirahan kaya to be honest mabigat talaga siya sa bulsa pero gusto ko talaga 'yung best para sa pamilya ko. Hindi na ako makapag-antay nang ilang taon pa.

"Pay me later on. What's important ay mapabilis natin na makalipat kayo especially palapit na ang due date ni Klarisse," agad na dugtong niya nang hindi ako umimik. Alam niya rin naman kasi na ayaw ko talaga na binabayaran niya 'yung mga bagay na ako dapat ang nagbabayad. Responsibilidad ko 'yon sa pamilya ko kaya dapat ako lang namomroblema doon sa expenses namin. Nakakahiya kasi.

"I swear, Kaia. Kahit lagyan mo pa ng interest 'yong ibabayad mo. And I promise, pera ko gagamitin ko and not my parent's. That's why we're gonna save together." Hindi ako nakapagsalita dahil pinipigilan ko lang ang nangingilid na luha sa mata ko. Na-touch nanaman ako sa sinabi niya.

Ewan ko rin sa sarili ko, ako lang yata ang na-to-touch dahil lalagyan ng interest ang utang ko.

"Worry about the money later on kapag nakalipat na kayo. What's important is the present. I told you I rather you indebted to me than to anyone else. Mas mapapalagay loob ko."

"And you have a lifetime to pay me, whenever and whatever you can," dugtong niya pa.

I swallowed hard para mapigilan ang luha ko. Nakakainis naman 'tong si Gian e, parang apartment lang pinapaiyak pa ako.

Nangunot ang noo niya nang mapansin na hindi ako umiimik at kinakagat ko lang ang ibabang labi ko kaya hinila ko siya palapit sa akin at niyakap.

"I love you, thank you so much." Nabigla siya sa ginawa ko but later on tumawa siya at hinaplos-haplos ang likod ko.

"Always, Kaia. I love you always."

***

"We made it, Gian," sabi ko. After ng pag-iipon namin nang ilang buwan. Okay na 'yung apartment. Lilipatan na lang. Ang sabi ko kina Mama, kahit damit na lang nila ang dalhin nila. Mostly rin naman talaga ng nasa tinitirahan namin before ay kay Tita, kaya nga grabe niya kami sumbatan kahit na binabayaran naman namin lahat.

"Yeah. I'm so proud of us," tatango-tango niyang sagot habang nakatingin lang kami sa kabuuan ng apartment na parang tanga.

Mayamaya lang din ay nakarating na sila Mama, kasabay nila ang mga gamit na dinala nila. Mga display lang naman iyon tsaka mga frames at memorabilya sa bahay na talagang amin talaga.

Pagbaba nila Mama ay agad siyang napatingin kay Gian. Alam naman na niya na boyfriend ko si Gian pero never ko pa talaga sila officially naipakilala sa isa't isa, wala kasing opportunity kaya ngayon na lang.

"Ma, si Gianni, Gian si Mama, Klarisse, si Karl and Kurt." Ngiting-ngiti si Klarisse sa akin habang walang pake 'yong dalawang bata at agad tumakbo para libutin ang bago naming tutuluyan.

Nagmano si Gian kay Mama tapos nakipagkamay siya kay Klarisse.

"Ako na po diyan." Kinuha ni Gian ang bitbit na bag ni Mama sa kabilang kamay niya at dinala sa may sala.

Lumapit naman sa akin si Klarisse na ang laki na ng tyan. Nakakakaba! Paano niya nakakayanan na ganiyan kalaki ang tyan niya, na may lamang tao 'yung tyan niya? Mag-f-freak out siguro ako kung ako siya.

Kudos to all moms talaga.

"Ate, ang gwapo naman ng boyfriend mo! Akala ko gwapo na sa picture e. Gwapo pa lalo ngayon tapos matulungin pa, tsaka magalang." Hindi pa kami nakakatagal dito ay grabe na ang pagpuri ng kapatid ko kay Gian kaya sinaway siya ni Mama.

"'To naman si Mama, kunwari pa," pang-aasar ni Klarisse kay Mama kaya inirapan siya ni Mama kaya natawa ako.

Siyempre, gusto pa rin ni Mama na maging strikta dahil siya lang naman ang magulang ko. Hindi ko rin naman siya pipilitin na magustuhan agad si Gian o gumaan agad loob niya kay Gian kasi unang pagkikita pa lang naman nila tsaka sure naman ako na pagtagal, magugustuhan niya rin siya.

Naging abala kami buong araw sa pag-aayos ng mga gamit sa bahay. Although konti na lang naman ang kailangan ayusin dahil sakto lang naman ang laki noon kaya konting furniture lang din ang nilagay namin na naayos na namin no'ng mga nakaraang araw na na-deliver iyon. 

Agad na naging close sina Karl at Kurt kay Gian. Idol na nga raw nila siya e. Hindi ko alam paano nangyari na nakasundo ni Gian ang dalawang 'yon. Ang tahi-tahimik kaya ng jowa ko tapos napakagulo no'ng dalawa pero okay naman talagang nagkasundo silang tatlo.

Nakakandong pa nga ngayon si Kurt sa kaniya habang may nilalaro silang hindi ko maintindihan, basta tawa lang sila nang tawa. Nakatingin lang tuloy ako sa kanila habang pinapagpag ko ang ibang alikabok sa ibang gamit namin. Hindi ko napigilan na kuhaan sila ng picture kasi sobrang cute lang talaga. Mag-isang anak lang si Gian kaya siguro natutuwa siya sa mga kapatid ko.

Nako, baka hanap-hanapin na siya ng mga kapatid ko. Gusto ko tuloy magtampo! Kapag ako matagal nawawala, hindi man lang ako na-mi-miss, tapos kapag nasa bahay ako ayaw magpalambing sa akin, samantalang sa kaniya ambibilis gumaan ng loob.

Mukhang pasado na si Gian sa lahat ng mga kapatid ko. Kinakausap naman ni Mama si Gian nang maayos lalo na no'ng kumakain kami at na-fe-feel ko naman na okay siya kay Gian dahil nginingitian na rin siya ni Mama at binibiro paminsan-minsan pero alam ko konting pa bago talagang gumaan ang loob niya kay Gian. Darating din naman kami doon.

"Gabi na. Uwi ka na," sabi ko kay Gian. Inabot na kasi siya ng dilim kalilinis at kakaayos ng bahay. Hindi naman niya kailangan gawin pero nagpupumilit talaga siya tsaka siyempre nagpapa-impress pa siya sa pamilya ko.

Umiling naman siya. Tapos na ang gawain dito, nasa kwarto na nga ang mga kapatid ko e. Kami na lang ang nandito sa labas.

"Inabot ka na ng dilim oh," umiling ulit siya.

"Pag-uwi ko wala ka na doon. Maninibago ako."  Natawa naman ako sa sinabi niya. Baka pingutin ako ng nanay ko kapag nalaman niya na tumira ako sa condo niya ng ilang buwan nang hindi niya nalalaman.

"Hindi na ako sanay matulog mag-isa." Nakakaawa naman ang isang 'to! Sabi ko na nga ba e, kapag napagbigyan mamimihasa.

"Mag-antay ka hanggang maka-graduate ako kung ayaw mong malagot sa nanay ko," biro ko sa kaniya. 'Yung apartment na nilipatan namin, hindi ganoon kalapit sa SHU pero susubukan ko pa rin mag-uwian kung kakayanin pero kung hindi lalo na't may mga maaga akong training ay sa dorm ako ulit titira.

"Okay fine. Third year ka naman na, konti na lang."

"Hindi ka sure. Ipagdasal mong mapasa ko ang susunod kong qualifying exams. Actually lahat ng subject ko."

"I'm not religious but I'll pray hard for that," pagsang-ayon niya.

Inaya ko na siya sa labas dahil nga pinapauwi ko na siya. Ayoko naman na sobrang late na niya makauwi kahit na ba nakasasakyan naman siya.

"Sobrang salamat sa araw na 'to, Gian. Sobra-sobra talaga. Hindi ko alam kung paano kita na-deserve pati ng pamilya ko." Hindi ko na rin alam paano ko pa ma-e-express na sobrang thankful ko sa kaniya. Na tinotoo niya talaga lahat ng sinabi niya sa akin bago pa man maging kami. Feeling ko mas marami pa siyang nagawa para sa akin at sa pamilya ko kaysa sa kung ano man ang nagawa ko para sa kaniya, sobrang na-a-appreciate ko talaga siya.

Inakbayan niya ako at nilapit sa kaniya. "You deserve the best, Kaia, that's why I'm doing everything to be the best for you, to be someone you truly deserve." Nilagay ko na lang din ang kamay ko sa may bewang niya.

"Ano bang pwede kong gawin para makabawi sa 'yo?" I asked and he shrugged.

"I guess you just have to love me for the rest of our lives then we're good," tumawa naman ako.

"Ayun lang? Ang dali naman," biro ko. Sa katunayan, madali lang naman talaga kasi madali naman siyang mahalin. I just hope we get through everything together in the future like how we are today.

I burried my face on his chest kaya tuluyan na niya akong niyakap. "Ang lakas talaga ng pabango mo, nag-ayos ka na't lahat ng kung ano-ano sa bahay pero mabango ka pa rin."

"You want some?" alok pa niya sa akin habang dama ko ang pagtawa niya.

Hinigpitan ko naman ang yakap ko sa kaniya. "Ayoko. Yakapin mo na lang ako para kumapit sa akin 'yung amoy mo."

After a long day, I just want his hug kasi sobrang gaan ng pakiramdam ko kapag yakap yakap ko siya. Para bang wala akong bitbit na kahit ano. I feel at ease kapag nandiyan siya.

All my worries washes away when he's by my side because I know he always got my back that even when I crumble down, someone will help me stand on my ground.

He will always be my safe space.

___

Up Next: Epilogue















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top