XXXIV
Chapter 34
#TTFwp
Nagising ako na wala si Gian sa tabi ko. Sobrang tagal bago ako nakatulog pero masarap naman ang tulog ko kalaunan. No'ng una lang kasi hindi ako mapakali kasi siyempre unang beses ko matutulog katabi siya, sobrang bago sa feeling and parang gano'n din siya kaya nagkwentuhan na lang kami ng mga ginawa nila ni Teigan magdamag hanggang sa makatulog kami nang kusa.
'Yung kwarto ni Gian simple lang din kagaya sa labas. Mas marami lang siyang display na about volleyball dito. May banner at flag din siya ng West Hill wolves dito na siyempre color red, 'yong madalas isabit sa bleachers tuwing may game. 'Yung kama naman niya parang sa hotel lang din na all white. Super simple at malinis lang pero sobrang kumportable naman.
Bumangon na ako tapos naghilamos at toothbrush bago lumabas para hanapin si Gian.
Nakita ko siya sa kusina at ang isang kamay ay nakapamewang habang tinitignan ang piniprito niya. Lumapit ako at ginulat siya pero hindi naman siya nagulat. "Ano 'yan?" tanong ko kahit nakikita ko naman na nagluluto siya ng pancake. Natawa ako kasi napansin ko na perfect circle 'yung gawa niyang pancake dahil doon sa mold na nilagay niya sa pan.
Akala ko sa volleyball lang siya perfectionist! Kaya pala focused siya masyado doon. "Magkapareho lang lasa niyan kahit hindi perfect circle, Gian," pang-aasar ko sa kaniya at pumunta na lang sa ref para kumuha ng tubig.
Paglingon ko nakatingin naman siya sa akin at pinipigilan nanaman ang ngiti. "Uy bakit ka natatawa?" Nakapaghilamos naman ako at toothbrush, tinali ko rin buhok ko para hindi magulo so okay naman siguro itsura ko para pagtawanan lang niya.
"It's just that my surname looks good on your back." Agad ko siyang sinimangutan.
Dahil nga nabasa ako ng ulan kagabi, pinahiram niya ako ng pamalit kahit sabi ko matutuyo din naman agad since hindi naman OA ang pagkabasa ng damit ko pero baka raw magkasakit ako so nanghiram ako sa kaniya tapos ang binigay sa akin ay 'yong merch niya na West Hill shirt na may jersey number niya at apelyido sa likod. Ayon lang daw ang pwede niya ipahiram sa akin. Comfortable naman iyon dahil malaki pero nakakainis lang na tuwang-tuwa siya at nagtagumpay siya sa pagpapasuot sa akin no'n.
Habang kumakain kami ay tinanong ko na siya about sa summer league. Ngayon ko na lang kasi naalala since tinatanong na kami ni Coach Rick kung gusto namin.
"You think it's worth it?" Hinihingi ko ang opinyon niya dahil sa lahat ng kakilala ko alam kong siya ang nakakaalam nito. Ang alam ko sumali siya last year e or kung hindi man for sure na-offeran din siya.
"For me yes wala naman akong gagawin e. But for you it's a different scenario kasi kailangan nandito ka sa Manila for training tsaka sa games. Hindi ka na makakauwi sa inyo." 'Yon nga rin ang nasa isip ko pero kung gusto ko agad mailipat sila Mama okay na opportunity 'to since bigatin din ang mga sponsors tsaka more exposure sa akin.
"Oo nga hindi rin ako makakapag-stay sa dorm no?" Pwede naman sa condo ni Claui, ako na lang magbabayad ng mga utilities since aki lang naman ang gagamit.
"You can stay here. Andito lang naman ako tsaka I might join too," he shrugged na parang normal lang sa kaniya na lowkey inaaya niya akong tumira kasama niya. May pagka-clingy din siya patagal nang patagal pero okay lang naman sa akin. At least balanse kami, may isang clingy at may isang hindi masyado.
"Alam ko wala ka namang pake sa pera pero you think the pay's good?" Napaisip naman siya tapos tumango agad.
"Yup and also may incentives and other benefits. To be honest some sponsors can offer condos and cars to players." Napanganga naman ako roon. Talaga ba? Totoo pala 'yon. Akala ko sabi-sabi lang.
"Na-offeran ka na ba?" Tumango naman siya kaya nanlaki ang mata ko. Grabe second year niya pa lang ah pero sabagay, star player kasi siya. "Tinanggap mo?" Umiling naman siya ngayon.
"Bakit naman?"
"Siyempre hindi naman sila magbibigay ng ganoon kalaki nang walang kapalit. I have to play with their team after I graduate, 'yung sa pro league. E ayoko naman makulong sa team nila, I want to decide for myself kung saan ako kapag nasa professional league na ako." Tumango naman ako sa sinabi niya, siyempre investment din nila siguro kaya ganoon. Hindi lang talaga ako makapaniwala na malaki rin pala talaga 'yong nilalabas na pera sa volleyball and nakakabuhay rin pala talaga ang paglalaro.
Hindi ko alam na ganoon kagrabe 'yong kalakaran, kasi akala ko talaga tsismis lang. Minsan may mga player kasi na galing ibang school na magugulat ka na lang lumipat na sa iba kahit na okay naman careers nila sa previous school, usap-usapan na malaki kasi ino-offer tsaka may mga pa-kotse at condo nga raw. 'Yung iba naman may issue about ibang bagay kaya lumilipat.
Sana all na-o-offeran nang gano'n! Sure naman ako hindi ako ma-o-offeran dahil hindi naman ako star player pero kung maganda ang bayad then okay na ako doon.
"Hindi na kasi ako makaantay na maka-graduate bago kami makalipat. Ayaw ko na roon pa rin kami kapag nanganak na si Klarisse, gusto ko na rin i-cut off si Tita totally," I told him my concern at agad naman siyang tumango na para bang sobrang sang-ayon niya sa ideya ko. Ayaw na ayaw niya talaga doon sa lugar namin at kay tita.
Speaking of tita, from time to time ay naghahanap pa rin siya ng bagay na ikakagalit niya sa amin kahit na maayos naman na kaming nabubuhay at ayaw na namin siya pansinin. Maayos na ang pagbabayad namin sa kaniya, hindi na rin namin siya hinihingan ng kahit maliit na pabor. Kinakaya naman namin sa tulong ng ibang tao, hindi sa tulong niya dahil hindi naman siya tumutulong sa amin e, gusto niya lang may maisumbat sa amin sa dulo.
"Can I help you with that?" tanong niya with hopeful look in his eyes. Ang cute lang.
"With what?"
"I'll help you find a comfortable apartment para makalipat na kayo, just tell me the budget." Napangiti ako dahil doon at saka sumang-ayon. He's really serious nang sabihin niya na he want to help me carry my responsibilities that I have been carrying on my back since then an to be honest, as a person na independent, it feels nice.
I'm forever grateful.
"I guess I'll play for the summer league para makaipon agad nang mas malaking budget." He gave me a thumbs up nang sabihin ko iyon.
***
Umuwi rin ako agad nang hapon sa amin, gusto nga ako ihatid ni Gian pero humindi na ako. Masyadong malayo kung magpapabalik-balik siya, mapapagod lang siya. Dalawang sakay na lang naman ako since hinatid niya ako sa terminal ng bus tsaka may araw pa naman kaya napapayag ko siya na ako na lang mag-isa uuwi.
Sinabi ko na agad kay Mama ang plano ko kahit na sa summer pa naman iyon. Baka kasi magulat sila kapag sinabi ko bigla na after ng school year na 'to hindi ako makakauwi for summer tapos tuloy-tuloy na ulit na pasok.
"Hindi mo naman kailangan magmadali, nak. Kung ano lang kaya mo 'yon lang. Ayoko obligahin ka sa ganiyan kung kaya naman tiisin pa." Umiling naman ako agad. Hindi naman niya ako talaga inobliga, ako naman may gusto nito. Kung kaya pa nila magtiis, ako pagod na.
"Ma, ayoko na rito. Kung may oportunidad naman bakit hindi? Tsaka magkaka-anak na si Klarisse, gusto ko sana sa mas magandang environment siya lumaki." Sobrang toxic ng environment na kinalakihan naming magkakapatid. Lagi ba naman naming marinig pang-aalispusta sa amin ng sarili naming kamag-anak kaya ayoko naman na gano'n din sa magiging anak ni Klarisse.
"Naiintindihan ko naman anak. Gusto ko rin naman iyon sa magiging apo ko pero ikaw ang iniisip ko, baka naman inaabuso mo na ang katawan mo." Muli akong umiling. Nakakapagod mag-volleyball at training pero alam kong mas naging healthy ang lifestyle ko dahil doon tsaka mas naging magaan lahat dahil sa paglalaro ko.
"Promise Ma, okay lang. 'Wag mo 'ko intindihin. Magugulat ka na lang nakalipat na tayo."
Mabilis lang ang naging takbo ng mga buwan at na-survive ko ang 2nd year ng Accountancy. Akala ko subok na ako ng mundo at hindi ako basta-basta natitinag pero hindi pa rin talaga ako nakaligtas talaga. Grabe rin ang iniyak ko bago mag-qualifying exams na kung pwede lang mag shift na si Gian ng BSA para lang maturuan at matulungan ako at para patahanin ako pero okay naman, nakapasa pa rin ako sa dulo. Malakas pa rin naman ang kapit ko sa itaas.
Pumayag na ako sa summer league, 'yung mga teams dito iba-iba, hindi siya by school kaya may mga ka-team ako na galing sa ibang school na okay lang naman. 'Yung iba kilala ko at nakalaban na rin namin. Ang saya rin pala maka-team ang mga dati mong kalaban. Parang dati lang nag-s-stare down lang kami sa isa't isa tapos ngayon magkakakampi na kami.
Libero pa rin naman ang position ko sa team and okay lang kasi doon naman talaga ako magaling. Ewan ko na lang kung may maglagay sa akin sa hitter. Kaya ko naman na pero alam kong hindi pa ako ganoon ka-flexible na kahit saan mo ilagay magaling, may forte lang talaga ako at mas okay na mag-stay roon.
Bago ako pumunta sa training ay ni-refillan ko ang tumbler ko ng malamig na tubig. "Gian, alis na ako!" Nagwagi ang jowa ko na patirahin ako dito sa condo niya for the summer. Hindi ko na rin alam paano niya ako napapayag pero halos gabi lang din naman kami nagkikita kasi magdamag kaming nasa training center dalawa. Magkaiba kami ng team kaya magkaiba kami ng sched tsaka lugar kung saan nag-t-train.
Bago pa ako makaalis ay idinungaw niya ang ulo niya sa pinto ng CR kaya lumapit ako roon at humalik sa pisngi niya. "Take care."
Living with Gian was a whole new experience. Marami pa pala talaga akong hindi alam sa kaniya. Kaya pala sabi ng iba kung gusto mo talaga makilala ang isang tao, tumira ka sa isang bubong kasama niya. For sure ganoon din ang tingin ni Gian sa akin, may mga discover siyang hindi niya inaasahan.
So far, compatible naman kami. Akala ko malala ang pagkakaiba namin dahil nga sa pagkakaiba ng kinalakihan namin pero hindi naman pala, may differences pero hindi to the point na hindi bearable na magiging rason para maghiwalay kami.
I just learned to love him more.
Malapit na ang umpisa ng conference, hindi naman ako kinakabahan. Mas kabado pa rin ako sa PCAA. Kumbaga siguro sa trabaho, part time ko ito at hindi full time job. Friendly game lang talaga ang pakiramdam ko hindi katulad kapag PCAA nakakasuka minsan sa kaba pero aaminin ko, iba talaga ang sweldo sa ganitong league, kapag part ka ng volleyball team ng isang business venture may mga benefits din kaya nagbabayad din ako ng kahit anong pwede ko bayaran sa pagtira ko dito sa condo ni Gian. Tinatanggap naman niya dahil wala naman siyang choice masyado sa part na 'yon.
Akala ko extra income lang makukuha ko pero nalula ako sa binayad nila sa akin para maglaro. Mukhang makakalipat na talaga kami soon. Excited na ako.
Hindi ko pa alam saan kami lilipat, gusto ko itanong si Mama kung gusto niya ba na dito na lang din sila sa Manila o gusto niya na sa probinsya pa rin kami. Kung ako ang tatanungin, gusto ko na dito sila kasi mas malapit sa akin tsaka mas malayo na talaga kay Tita. Kaso andoon ang tatay ng anak ni Klarisse so papag-usapan pa namin iyon para hindi sila mahirapan sa co-parenting tsaka pakiramdam ko gusto rin ni Mama na doon pa rin para magtrabaho kay Tita Deliah.
"Ganda ng play natin ah!" pagpuri sa akin ng teammate ko na si Jaz kaya nginitian ko naman siya at nakipag-high five.
"Ganiyan talaga kapag may inspirasyon." Siniko naman ako ni Jamie. Ka-team ko siya sa SHU at ka-team ko rin dito kaya hindi ako nahirapan mag-adjust talaga.
Inasar-asar na ako ng mga ka-team ko habang nag-aayos na kami ng gamit dahil tapos na ang training. Alas-otso na ng gabi. Ito lang talaga ang kapalit ng malaking sweldo, ubos talaga oras sa training, magdamag talaga.
Open na sa public na kami ni na ni Gian, hindi naman kasi posible na maitago namin 'yon nang matagal e sa kung isang tanong pa nga lang kay Gian kung sino, sinasagot na agad niya na ako nang walang patumpik-tumpik, kaya ayan inaway nanaman ako no Noah dahil hindi ko raw sinabi. E tignan mo nga, kahit hindi ko sabihin nalalaman niya.
Sa totoo lang hindi ko alam kung nakaabot na ba kila Mama ang tungkol doon kasi wala pa naman silang nababanggit. It's either hindi pa nila alam o pinababayaan na lang nila ako.
Habang palabas ng training center agad na naghiyawan ang mga kasabay ko dahil nakita nila si Gian sa may parking sa labas. Nakasuot ng itim na shirt, jersey shorts at naka-slides. Halatang galing din sa training. Maaga sila natapos siguro ngayon dahil naabutan niya pa ako dito. Hindi naman kasi niya ako palagi nasusundo dahil hectic talaga.
"Pogi talaga ng jowa mo, when kaya?"
Nang mapansin na niya kami ay agad siyang lumapit at kinuha ang bitbit kong bag, nagpaalam na rin ang mga kasama ko na may kasama pang tulak. Kinawayan ko na lang sila, ang iingay!
"How's your day?" araw-araw niya 'yang tinatanong sa akin at na-appreciate ko kasi nasasabi ko sa kaniya lahat, kapag may magandang nangyari, may nakakainis na nangyari, gusto ko mag-rant o gusto ko mag-celebrate.
Dati kasi kinikimkim ko lang lahat. Sinasarili at ayaw ko na nag-e-explain kung bakit ganoon ang mood ko.
So nang makapasok kami ng kotse I started telling him lahat ng highlights ng araw ko and he was there driving and listening attentively to whatever I have to say tapos ako naman ang magtatanong sa kaniya or minsan kusa na niyang sinasabi.
That's how we fill in the time that we're not together.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top