XXX
Chapter 30
#TTFwp
Hindi agad ako iniwan ni Giongco sa bahay. He stayed there with me at pinagtimpla ko siya ng kape kahit na uminom na raw siya kanina kasi nakakatakot mag-drive knowing na wala siyang tulog baka maaksidente nanaman siya. Naikwento ko na rin tuloy sa kaniya 'yung life story ko. Kung asaan ang tatay ko pati tatay ng mga kapatid ko.
They all went away and pass their responsibility to my mom and to me. Kaya rin ayoko mangyari kay Klarisse iyon, mahal ko ang mama ko pero ayoko matulad si Klarisse sa kaniya.
Aminin man natin o hindi, hindi sapat ang pagmamahal para mabuhay. Mahal kami ni mama pero hindi no'n mababago na mahirap talaga ang buhay namin. Mahirap naman in general ang buhay, pero kayang solusyunan ng pera ang 80% or more ng mga problema namin. At wala kami no'n. Kaya as much as possible hindi ko hahayaan na akuin ni Klarisse lahat ng responsibilidad sa baby niya, panindigan nilang dalawa ang naging desisyon nila.
"I'll go already pagod ka na e." Tumayo na si Giongco mula sa pagkakaupo niya sa sofa namin kaya tumango naman ako.
"Matulog ka muna ah bago ka bumalik ng Manila," bilin ko at tumango naman siya.
Hinatid ko lang siya palabas ng bahay dahil alangan namang lumakad pa ako kung saan nakaparada ang sasakyan niya e inihatid na nga niya ako pauwi, mukhang tanga lang.
"Tungkol pala doon sa pinag-usapan natin sa tapat ng ospital..." Bigla kong naalala na hindi na ako nakaimik sa kaniya tungkol doon. Hindi ko tuloy alam ano na rin ang tumatakbo sa isip niya tungkol doon.
Nginitian niya naman ako. "We'll talk about it when you get back to Manila, you'll still come back right?" Napatango na lang ako kasi at least may oras kaming dalawa para makapag-isip-isip tungkol doon. Hindi ko alam bakit niya sinisigurado na babalik ako ng Manila, siyempre babalik pa ako. Naisip ba niya na dahil ang daming kong ganap dito ay baka hindi na ako makabalik?
Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "I'll wait for you," huli niyang sabi.
Napako ako sa kitatayuan ko dahil sa ginawa niya tapos naramdaman ko pang nag-blush ako. Nakakahiya naman, halatang first timer!
"Ingat ka!" sabi ko nang maka-recover ako. I wave my hand at him while he was walking backwards for 5 steps bago niya ako tinalikuran.
After umalis ni Giongco ay naglinis lang ako ng katawan at nagpalit ng damit tapos bumawi na ako ng tulog dahil marami pa akong haharapin sa mga susunod na araw.
Paggising ko after limang oras ng tulog ay ginutom na ako. Hindi pala ako nakakain kagabi ng dinner tapos hindi rin ako nag-almusal, buti hindi pa ako hinimatay. Wala na ngang tulog, pagod pa tapos gutom pa.
Ipinaghanda ko lang ang sarili ko ng kung ano lang meron sa maliit na ref namin. Wala na 'yong laman bukod sa tirang ulam nila na hindi ko alam kailan pa. Okay naman siya no'ng inamoy ko kaya hindi na ako bumili sa labas. May bahaw din naman sa ref.
Habang kumakain ay kinausap ko rin si Gigi dahil mag-a-absent ako kasi nga nandito ako sa amin. Wala naman akong absent dati na hindi excused kaya pwede pa naman ako mag-absent at hindi naman ako mag-f-fail dahil doon.
"Hala, get well soon sa mama mo beb, 'wag ka mag-alala dito I got you always," sabi ni Gigi sa akin bago mag-end ang call. Kapag talaga nakaluwag-luwag ako i-ispoil ko 'tong kaibigan ko na 'to. Deserve niya lahat ng magandang bagay sa mundo. Ang bait-bait niya lang talaga sa akin.
Nang mga hapon na ay kailangan ko na bumalik sa ospital dahil baka labas na ang results ni Mama, kailangan ko marinig kung ano man ang pagkakabasa ng doktor sa resulta. Naka-base din doon kung makakauwi na siya ngayon o hindi. Kailangan ko rin i-settle ang payment ni Mama.
Dumiretso ako sa kwarto kung asaan si Mama. Nang dumating ako ay wala si Klarisse, nabigla pa si Mama nang makita ako.
"Si Klarisse?" Agad na tanong ko kay mama kasi baka mamaya naglayas na talaga ang kapatid ko dahil sa akin.
"Ahh edi pinuntahan iyong tatay ng anak niya, tinakot mo ba naman." Umupo ako sa monoblock sa tabi ni Mama at napabuntong hininga.
"Dapat lang. Gusto mo ba maiwan din sila ng anak niya gaya natin?" Tumingin si Mama sa akin at kinuha ang mga kamay ko.
"Pasensiya ka na talaga anak ha? Araw-araw ko pinagsisisihan 'yung mga naging desisyon ko. 'Yung mga dapat na responsibilidad ko tuloy sa inyo naging responsibilidad mo pa na pati pagdidisiplina sa mga kapatid mo, ikaw ang gumagawa." Hindi ako makapagsalita dahil pakiramdam ko iiyak nanaman ako kapag nagsalita ako.
'Yung sa responsibilidad ko, matagal ko naman nang tanggap kaya nga nagsisikap ako para sa kanila kasi gusto ko mabigyan naman ng maayos na buhay mga kapatid ko. Ayoko mabuhay sila na kagaya ko noon na iniisip kung makakapag-aral pa ba ako at 'yung araw-araw na kaba na baka bigla na lang maputulan ng kuryente o mapalayas bigla sa bahay.
Nabigla lang din talaga ako doon sa kalagayan ni Klarisse kasi siyempre ang bata pa ni Klarisse ni wala pa nga siyang 18 e, ang hirap-hirap maging ina at isa pa hindi namin afford ng isa pang bubuhayin. Buti sana kung malalaki na rin si Karl at Kurt, kaso ambabata pa nila, matagal-tagal pa ang bubunuin ko para mapagtapos silang tatlo. Ako nga ni hindi pa nakakapagtapos e kaya sana naiintindihan ni Klarisse ang naging reaksyon ko pati na rin ang pinanggagalingan ko.
Lumabas na ang nga lab results ni Mama at maayos naman lahat. Talagang hi-nigh blood siya nang malaman na buntis si Klarisse at idagdag na rin na nag-away sila dahil doon. Normal na reaksyon lang naman talaga iyon pero siyempre nakakakaba at delikado para sa mga kagaya ni mama na hindi na bumabata at may mga iniinda na.
Sabi ng doktor ay makakauwi na si Mama bukas ng umaga.
Pumunta na ako sa accounting para bayaran ang pagka-confine ni mama pati na rin ang ilang lab results niya.
"Settled na po lahat ng current balance niyo ma'am, pati 'yung lab tests kung mag-e-extend pa po kayo, 'yun na lang po babayaran niyo if ever pero nag-issue naman na po na pwede na i-discharge 'yung mother niyo po so cleared na po." Nagtaka ako sa narinig ko sa kaniya.
"Sure po kayo? Sino po nagbayad?" Si Tita Deliah ba? Si Klarisse?
"'Yung kapatid na lalaki niyo po 'yung nagbayad sa pagkakaalala ko ma'am." Natulala na lang ako at napatango. Imposibleng si Karl o si Kurt 'yon no.
Mukhang trip talaga ni Giongco na mabaon ako sa utang sa kaniya.
Tinawagan ko siya agad sa messenger na agad din naman niyang sinagot.
"Hello? Is there a problem?" agad na tanong niya. Magaspang ang boses niya at mababa, mukhang kagigising lang niya. Naistorbo ko pa yata.
Nakakagulat naman kasi na binayaran niya 'yung balance namin sa ospital, kaya ko pa naman kahit papaano. Binayaran na nga niya 'yung renta e pati ba naman ospital.
"Nagising ba kita?" Obvious naman pero tinanong ko pa rin.
"It's fine don't worry? May problema ba?"
"Bakit mo naman binayaran 'yong sa ospital ni Mama?" tanong ko habang pilit na isinasantabi ang boses niya nang bagong gising.
"I just want to ease your worries in any way I can. Did I offend you?"
"Nakakahiya lang kasi sa 'yo. Alam ko naman na kaya mo bayaran at walang lang sa 'yo 'yon pero ayoko lang na paggastusan mo ako tsaka pamilya ko kasi hindi mo naman kargo 'yon. Feeling ko inaabuso kita." Narinig ko na napabuntong hininga siya.
"If you want to pay me back, then okay anytime you want if that will make you feel better. And no, hindi mo ko inaabuso kasi that's my choice. I know you are capable, strong, and you hate asking someone for help but I really want to help you carry the burden especially when it's too heavy to handle alone." Hindi ako agad nakasagot dahil doon at natulala na lang ako. Parang panaginip na may tunatrato sa akin nang ganito.
"Hello? Still there?"
"Yeah. Nakakapanibago lang. Pero babayaran ko talaga kaagad 'yung ospital tsaka sa renta promise."
"No pressure, andito lang naman ako. Don't worry about anything anymore, focus on your mom and Klarisse and also the baby. Tell me if hinaharass kayo no'ng tita mo, I'll take care of it if you will let me." Hindi ko alam anong gagawin niya if ever isumbong ko talaga si Tita sa kaniya. No'ng unang beses niya kasing nakita ang trato ni Tita sa akin, galit na galit na agad siya ang itsura niya. Kung hindi ko pa pigilan ay mukhang wala siyang pake kahit mas matanda si Tita.
"Bakit anong gagawin mo ha?" natatawang tanong ko sa kaniya.
"Hmm... reporting her might be too much you think? Ililipat ko na lang kayo ng titirahan."
***
Pinupunasan ko ang katawan ni Mama nang dumating si Klarisse, nabigla pa siya nang makita ako at napatigil. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa.
Ilang minuto rin yata siyang nakatayo lang sa gilid bago siya naglakad papunta sa tabi ko. "Ate, pwede ba tayo mag-usap?" Mahinahon pero dama ko ang kaba sa boses niya. Sakto patapos na rin ako sa pagpupunas kay Mama. Tinuyo ko ang kamay ko at tumango sa kaniya bago naunang lumabas ng kwarto at hinintay siya sa labas.
"Sabi ni Mama pumunta ka raw doon sa ama ng dinadala mo?" bungad ko nang makasunod na siya sa akin.
"Opo..."
"Oh anong nangyari?"
"Pupunta raw sila sa bahay, kasama mga magulang niya." Tumango ako. Mabuti naman at maayos kausap ang lalaking 'yon.
"Maging totoo ka nga sa akin, gusto ba talagang ituloy 'yan?" Alam ko na hindi naman talaga open for safe and legal abortion dito sa Pilipinas pero gusto ko lang malaman kung talaga bang gusto niya ituloy o dahil lang feeling niya wala lang talaga siyang choice.
"Alam ko sobrang disappointed ka sa akin pero hindi ko kaya na ipalaglag 'to Ate feeling ko habang buhay kong pagsisisihan o habang buhay akong hahabulin ng ginawa ko kung gagawin ko man 'yon. Gusto ko panindigan 'to, Ate." Tumango ako ulit. Kung talagang gusto niya ituloy wala naman akong magagawa dahil Ate man niya ako, katawan niya pa rin 'yan at siya ang mag-de-desisyon. At least hindi ko kailangan ipag-alala na napipilitan siya, hindi siya masaya o kaya naman ayaw niya doon sa bata.
"Bakit ayaw mo no'ng sinabi kong iharap mo sa akin 'yung nakabuntis sa 'yo?" Nakakapagtaka kasi na kung hindi ko pa siya takutin, hindi niya pa gagawin.
"Kasi nakipaghiwalay na ako sa kaniya Ate, ayoko na sanang bumalik kasi parang tanga lang nakipaghiwalay na nga ako e tapos pinagtulakan ko na rin siya noon. Hindi niya ako tinakbuhan, hindi niya lang talaga alam."
Natawa ako ng mapait. "Nagkaboyfriend ka pa ng hindi ko alam?" Dalaga na siya kaya normal lang kung magkakaroon siya ng boyfriend pero nakakapanibago pa rin. Feeling ko bata pa rin siya.
"Sorry talaga, Ate. Hindi ko lang din talaga masabi sa 'yo kasi nahihiya ako." Nakayuko lang siya habang linaglalaruan ang mga daliri niya. Hindi talaga siya makatingin sa akin.
Ayoko naman din umabot sa point na takot siya sa akin kasi mas lalo siyang hindi magsasabi kapag ganoon.
"Bakit kayo naghiwalay? Niloko ka ba? Sinaktan ka? Ano?"
"Hindi naman sa gano'n, Ate. Parang lagi na kasi kami nag-aaway no'n kahit sa maliit na bagay kaya umayaw na ako kasi masyado kaming magkaiba. Feeling ko immature pa kami kaya nakipaghiwalay ako kahiy ayaw niya kaya lang wala e, may nabuo na. Na-ge-gets ko rin naman ang punto mo kaya nilunok ko na ang pride ko at kitain siya ulit pagkatapos ko siyang iwan."
Natapos ang usap namin nang yakapin ko na siya at mag-sorry sa masasakit na salita na nasabi ko sa kaniya. Kaya naman siguro namin 'to. Lalaki naman nang ayos ang anak niya sa amin.
Kailangan ko lang mas kumayod pa.
Ilang araw nang ma-discharge si Mama ay pumunta na ang tatay ng pinagbubuntis ni Klarisse kasama mga magulang niya. Gusto nga sana nila na kasal ang dalawa pero siyempre hindi ako pumayag.
Magkaiba ang kasal sa pagkakaroon ng anak. Kung ayaw na ni Klarisse doon sa ex niya ay hindi naman dapat pilitin tsaka ang bata pa nila para sa gano'n. Maayos naman ang takbo ng pag-uusap namin at buti na lang talaga maayos kausap ang kabilang side kasi kung hindi makikipag sabunutan talaga ako kung kailangan.
Nagkasundo sa financial support na ibibigay nila sa anak ni Klarisse at kay Klarisse during pregnancy tapos magkasama sila tuwing bibisita sa doktor. Kapag pagkapanganak naman ni Klarisse saka aayusin ang setup kung paano ang co-parenting.
Mabilis lang ang pakpak ng balita kaya nakaabot din kay Tita ang lagay ni Klarisse at nag-eskandalo nanaman sa labas pero siyempre hindi ko hinayaan na makalapit siya kay Klarisse at hindi ko na rin hinayaan na marinig pa si Klarisse ang mga sasabihin niya. Ewan ko ba bakit hilig niya makisawsaw sa pamilya namin, alam ko naman na mag-isa lang siya sa buhay niya pero ewan ko bakit niya binubuntong sa amin kung malungkot siya na mag-isa lang siya sa buhay.
Hindi pa ako nakabalik agad sa Manila kasi kailangan muna namin mag-adjust sa bagong routine kasi nga buntis si Klarisse. Mahirap din sa kaniya na ma-stress e minsan sobrang kulit at gaslaw ni Karl at Kurt at baka mapano pa siya kaya tinulungan kami ni Tita Deliah.
Minalas man ako sa totoong tita, sinwerte naman kami kay Tita Deliah at sa iba pang tao sa paligid ko na willing tulungan kami. Minsan talaga kung sino pa 'yong hindi mo kamag-anak, 'yon pa ang mas nagmamalasakit.
When everything's settled and masigla na ulit ang katawan ni Mama I figured it's time to go back to SHU.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top