XXVII

Chapter 27
#TTFwp

We were silent pagkatapos ng second confession ko pero this time, I prefer it that way.

Sinabi ko lang naman 'yon ulit para lang ma-realize niya na what he did does not make him a bad person or an unlikeable person, it's not like gusto ko ulit talaga mag-confess sa kaniya.

Alam ko naman na ang lugar ko at hindi naman ako ganoon katapang. Mukha lang pero sa loob-loob ko grabe ang kabog ng puso ko.

Mas better na ang atmosphere ngayon, mukhang gumaan talaga ang loob niya nang maikwento niya 'yong side niya sa nangyari. I really hope he forgives himself soon.

Pagbalik namin medyo na-stuck na kami sa traffic, inabot na kami ng rush hour buti na lang wala naman akong gagawin bukod sa bumili ng materials na nagawa ko naman. Super unexpected din talaga ng araw na 'to.

After namin makalusot sa daan na madalas tina-traffic talaga ay naging okay na ang byahe namin. Malapit na kami sa West Avenue nang tumawag ang kapatid ko na si Klarisse, saka ko lang napansin ang marami niyang message sa akin. Hindi ko pala napansin kasi sobrang haba rin ng pinag-usapan namin ni Giongco kanina.

Hindi ko na naisa-isa dahil sinagot ko na agad ang tawag.

"Hello, may nangyari ba?" tanong ko agad. Bakas din sa boses ko ang pag-pa-panic dahil bihira lang tumawag ang kapatid ko dahil minsan lang siya makapagpa-load ng may kasamang tawag tapos idagdag pa ang maraming message niya sa akin. It's either excited siya o may nangyari, I hope 'yung una iyon pero agad din nawala ang hope na iyon nang sagutin niya ako.

"Ate...si Mama kasi..." Dahan-dahan ang pagsasalita niya. Kinutuban na agad ako na hindi maganda ang maririnig ko.

"Ano? Anong nangyari kay Mama?" Rinig ko ang kaunting pag-iyak niya.

"Dinala namin siya sa ospital."

"Ha? Bakit? Napano si Mama?" Naramdaman ko ang tingin ni Giongco sa akin dahil sa pagtaas ng boses ko. Hindi ako makapag-isip ng matino at the moment.

"Bigla na lang sumikip ang dibdib niya tapos...tapos nawalan siya ng malay." Takot na takot ang boses ni Klarisse, halatang nag-pa-anic na rin siya. Nang umalis ako, siya na kasi ang pinaka-Ate sa bahay kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

"Sinabi mo ba kay Tita?" Sa ayaw at sa gusto ko man, si Tita lang ang guardian nila kung wala si Mama. Wala pang 18 si Klarisse kaya kailangan din niya ng mas nakatatanda.

"Hindi Ate, ayoko sabihin magagalit lang siya, humingi ako ng tulong sa Mama ni Ate Claui kaya nadala sa ospital si Mama." Naiintindihan ko rin kung bakit hindi si Tita ang una niyang naisip na hingan ng tulong.

Susumbatan lang siya no'n and I guess alam ng kapatid ko na hindi iyon ang kailangan niya ngayon.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil kapag nag-panic din ako lalong matatakot 'tong kapatid ko.

"Hintayin mo ako, uuwi ako. Sabihin mo kay Tita Deliah na samahan ka muna habang wala pa ako tsaka magpasalamat ka ha? Relax ka lang, okay lang si Mama ha?" pagpapakalma ko sa kapatid ko kahit sa sarili ko hindi ko rin talaga alam kung anong nangyayari.

Pagbaba ng tawag ay tumingin agad ako kay Giongco. "Pwede favor?" tanong ko agad pero tumango naman rin siya without asking. Siyempre, narinig niya naman 'yung tawag kaya siguro wala pa man din ay willing na siyang tulungan ako.

"Pahatid ako sa terminal ng bus." Alam ko ang kapal na ng mukha ko sa part na 'to dahil baka may gagawin pa siyang iba o kaya hassle para sa kaniya na nandito na halos kami tapos iikot pa siya ulit para lang ipag-drive ako pero wala akong choice ngayon.

"No, I'll drive you home." Inihinto niya ang sasakyan sa tabi at agad akong tinanong kung anong ilalagay niya sa GPS.

Agad akong umiling dahil sobra naman 'yung hanggang sa amin talaga. Masyado nang malayo iyon para sa kaniya. "'Wag na, malayo. Hindi ka pa nag-d-drive nang malayo 'di ba?" 1 hour and 30 minutes ang byahe pauwi sa amin pero inaabot din ng 2 hours mahigit dahil sa traffic sa Pilipinas.

"Dahil wala rin naman akong malayong pupuntahan. It's not like dahil sa injury ko or trauma sa accident. Anong oras ka pa makarating if mag-co-commute ka pa tsaka anong oras na mapano ka pa," tuloy-tuloy na panenermon niya sa akin at nagdadalawang-isip pa rin ako pero na-realize ko na tama siya at tumatakbo ang oras, kailangan ko na makauwi.

"Sure ka ba? Okay na ba 'yung paa mo talaga?" Tumango naman siya. "Trust me, I'm really fine. I'll drive you there safely." Huminga ako nang malalim at tumango bilang pagpayag sa alok niya. Nakakahiya man pero kailangan ko na rin talaga makauwi at may point naman talaga siya.

Ako na ang nag-input ng lugar namin sa GPS at nagsimula na siyang mag-drive. Nakatutok lang ako sa cellphone ko at kinakausap ang kapatid ko at nakikibalita.

Ang sabi ng doktor ay hypertension since may history din talaga si Mama no'n pero mas maigi daw na ma-test si Mama para sure daw na walang other heart complications since ang chest pain daw ay pwedeng cause ng maraming bagay or pwedeng 'yung hypertension niya ay mag-cause ng mas malalang complications.

Kating-kati na ako na makarating sa amin pero hindi ako pinagbibigyan ng lecheng traffic na 'to kaya pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil hindi ako mapakali sa inuupuan ko ngayon. Sinisilip ko na lang sa bintana kung gaano na ba kahaba ang traffic na 'to.

Habang nakahinto pa kami ay naramdaman ko ang hawak ni Giongco sa kamay ko kaya naagaw no'n ang atensyon ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin at sunod na napatingin sa kaniya. Natigilan tuloy ako roon.

Nginitian niya ako ng tipid. "It's going to be fine, Go," assure niya sa akin. Although, nagulat ako pero hindi ko naman maitatanggi that the warmth of his hands comforted and calmed me.

And once again, I am thankful. He just always say the words I want to hear at the right time. Also, it's what I needed the most now.

Paano pa ba ako makakaahon sa kaniya nito?

Tumango na lang ako at sinuklian ang ngiti niya sa akin, I just hope he knows and feels that I appreciate everything na ginawa niya para sa akin. Balang-araw makakabawi rin ako.

***

"Tita Deliah," pagtawag ko nang sunduin ako ni Tita nang makarating ako ng ospital.

Nagpaalam na ako kay Giongco kanina, nakakahiya man pero ang sabi ko wala akong maaalok sa kaniya. Alangan namang patulugin ko siya sa bahay namin e baka hindi rin naman siya kumportable. Ang layo ng condo niya sa bahay namin baka hindi rin siya makapagpahinga. Sabi ko babawi na lang ako sa susunod, ayoko sana siya magmaneho pabalik agad ng Maynila kasi ilang oras nanaman iyon kaya sinabihan ko na lang siya na mag-check in sa maayos na hotel, babayaran ko na lang sa susunod pero sabi niya lang siya na raw ang bahala. Hindi na ako nakipagtalo dahil gusto ko na makapasok ng ospital.

"Oh, ang sabi ko sa kapatid mo bukas ka na pumunta e. Kaya ko naman magbantay sa mama mo, bumyahe ka pa tuloy nang ganitong oras," nag-aalalang sabi niya. Ngumiti ako kay Tita Deliah at humawak sa kamay niya.

"Nako tita nakakahiya naman tsaka hindi rin naman ako mapapakali hangga't wala ako dito." Hinigpitan ni Tita ang hawak niya sa kamay ko at nginitian ako.

"Okay naman ang mama mo, na-stress lang talaga." Naglalakad na kami papunta sa kung saan man naka-confine si Mama.

"Bakit daw? Nagkaproblema ba sa bahay? Nag-away ba sila ni Tita?" Huminga nang malalim si Tita Deliah.

"Ang sabi ni Karl, nag-away daw si mama niya at si Ate Klarisse niya." Nangunot ang noo ko. Ano namang pinag-awayan nila to the point na na-stress si Mama nang ganito. Alam ko pasaway paminsan ang mga kapatid ko lalo na 'yung dalawang bunso, siyempre bata pa e. Maski ako na-s-stress no'ng ako pa talaga ang nagbabantay at nag-aalaga sa kanila pero ngayon lang na na-ospital si Mama dahil doon.

Kinabahan tuloy ako na baka hindi lang stress ang dahilan kaya na-ospital si mama.

"Ano pong sabi ni Klarisse?"

"Hindi ko na tinanong kasi parang kinabahan talaga siya nang malala nang himatayin ang mama mo, siguro ikaw na lang ang kumausap sa kaniya."

Mayamaya lang din ay nakarating na rin kami sa kwarto nila mama. Hinawi ni Tita Deliah ang kurtina na naghihiwalay sa mga pasyenteng kasama rin ni Mama sa kwarto.

"Ate!" Agad na lumapit si Klarisse sa akin at yinakap ako. Hinagod ko ang likod niya. Si Karl at Kurt naman ay magkasandal sa upuan at natutulog. Ako ang nahirapan sa pwesto nilang dalawa.

"Umuwi na kayo, ako na dito," utos ko kay Klarisse habang nakayakap pa siya sa akin. Hindi rin naman kasi pwedeng maiwan 'yung dalawang lalaki sa bahay nang sila lang kaya kailangan kasama si Klarisse.

"Ayoko, dito na muna ako Ate." Bumitaw si Klarisse sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa akin. Magsasalita pa lang ako nang sabihin ni Tita Deliah na siya na lang muna magbabantay sa dalawa kong kapatid na bata.

"Nakakahiya sa 'yo, Tita Deliah." Umiling naman siya sa akin. "Okay lang, mas okay nga. Ang lungkot sa bahay dahil iniwan ako ni Claudia!" biro pa niya kaya napangiti ako at tumango sa kaniya dahil nakakahiya man ay malaking tulong na rin kung siya muna ang magbabantay sa dalawa.

"Dito ka lang talaga Klarisse?" Tumango agad siya nang walang pag-aalinlangan. Mukhang nabigla talaga siya sa pangyayari na ayaw niyang umalis dito o magpahinga muna kaya hindi ko na rin muna siya tinanong kung anong pinag-awayan nila ni Mama.

Natutulog pa naman si Mama pero maayos na ang lagay niya. Kailangan na lang niya ng mga test tapos kapag okay naman ay pauuwiin na rin naman daw siya agad.

"O sige, ako na lang kukuha ng gamit sa bahay," sabi ko at sumang-ayon din naman siya. Huminga ako nang malalim at saka pinuntahan si Karl at Kurt para gisingin pero dahil si Karl lang ang nagising ay kinailangan ko buhatin si Kurt.

Grabe, ang tagal ko bang nawala. Ang laki na ni Kurt at ang bigat na rin, parang dati lang hinehele ko pa 'to e ngayon parang kasing bigat na siya ng weights na pinapabuhat sa amin tuwing training.

Si Tita Deliah ang may hawak sa kamay ni Karl habang naglalakad kami palabas. Nasa may entrance na kami nang makita ko si Giongco na nasa waiting area. Napatayo siya nang makita ako.

"Bakit andito ka pa?" Hindi niya pinansin ang tanong ko.

"Are you going home?" tanong niya lang kaya tumango naman ako. Napahinto rin si Tita Deliah nang mapansin na hindi ako nakasunod sa kanila ni Karl.

"Kukuha lang ako ng gamit tsaka ihahatid mga kapatid ko." Nabigla ako nang dahan-dahan niya kuhanin si Kurt sa akin at binuhat. "Uy..." mahinang sabi ko at nakailang kurap na nakatingin sa ginagawa niya.

Buhat na niya si Kurt ngayon na sobrang tulog mantika, nagpagpasahan na siya't lahat hindi pa rin natitinag.

"Ihahatid ko na kayo." Hindi na ako nakapalag kasi hindi ko pa nga alam ano i-re-react ko sa fact na buhat niya ang kapatid ko ngayon.

Imbis na tatawagan sana ni Tita Deliah ang driver niya ay si Giongco na ang nag-drive sa amin pauwi. Hindi ko rin talaga alam bakit andito pa siya e pero at least hindi siya nag-drive agad pa-Manila. After all, kararating lang din namin.

Inihatid namin ang dalawa kong kapatid sa bahay nila Tita Deliah. Si Giongco pa rin ang nagbuhat kay Kurt pababa ng sasakyan at papasok sa bahay nila Tita.

"Tita thank you talaga ah, bawi ako sa 'yo. Susumbong ko si Claui kapag may ginawang kalokohan," biro ko kay Tita Deliah pero talagang grabe ang pasasalamat ko sa kaniya dahil kung wala siya baka hindi na alam ng kapatid ko ang gagawin niya.

"Wala 'yon ano ka ba! Basta sabihin niyo lang sa akin kapag may problema ha, tsaka boyfriend mo ba 'yon?" May paghampas pa si Tita Deliah sa balikat ko at ngumuso pa sa taas dahil doon ibinaba ni Giongco ang bunso kong kapatid.

"Hindi Tita! Kaibigan lang po." Ngumisi siya sa akin. "Kaibigan lang o kaibigan pa lang?" Natawa na lang ako at umiling dahil pababa na ng hagdan si Giongco.

Nagpaalam na rin ako kay Tita, hindi ko na rin naipakilala nang maayos si Giongco kasi kailangan na rin namin dumaan sa bahay para kumuha ng gamit para makabalik din ako agad ng ospital.

"Si Tita Deliah pala 'yon. Mama ni Claui, 'yong kinwento ko sa 'yo na fan ng team niyo," kwento ko na lang habang nasa sasakyan kami ni Giongco pauwi sa bahay.

"Ahh 'yung sa condo na hinahatiran ko sa 'yo no'ng salubong at victory party?" Tumango naman ako. Naalala pa pala niya si Claui.

"Nga pala, bakit nasa ospital ka pa? Akala ko naman nag-check in ka na somewhere."

Tumuro ako pakanan para sabihin sa kaniya na lumiko siya doon, medyo masikip ang daanan papunta sa amin pero kaya naman ng sasakyan, mahihirapan nga lang siya umikot kapag palabas na.

"Just in case you need anything," sagot niya na tutok na tutok sa pag-drive dahil nga masikip ang daan tapos may mga bike at tricycle pang nakaparada sa gilid na mas lalong nakakapagpasikip.

"Hinatid mo na nga ako sa ospital, hinatid mo pa ako dito tapos ihahatid mo pa ako pabalik. Wala naman akong balak gawing driver ka." Masaya ako makitang nag-stay siya pero mas lalo lang yata siyang napagod dahil sa paghahatid niya sa akin plus binuhat niya pa kapatid ko. Alam ko malakas naman siya kasi athlete siya at mukhang nag-gy-gym din pero kahit na.

"But you can, seriously it's fine. Mas okay sa akin na ihahatid kita kaysa uuwi ka rito na mag-isa." Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kaya sana hindi niya naririnig. Ayoko marinig niya ang epekto niya sa akin.

"Thank you talaga, babawi talaga ako promise," desididong sabi ko. Umiling naman siya.

"Just let me help you then I'm good."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top