XXVI
Disclaimer: Dialogue heavy
Chapter 26
#TTFwp
I've been silent for a couple of minutes trying to sink that in. "Sorry," tanging nasabi ko nang ma-gets ko na ang ibig niyang sabihin.
Pinapanood lang namin ang mga taong dumadaan at mga paparating na mga sasakyan at pati na rin ang mga paalis sa parking na 'to. Hindi rin naman kami makalabas kasi baka may makakita lang sa amin e kasagsagan pa nga no'ng issue. I mean, dapat wala naman kaming katakutan kasi alam naman namin 'yung totoo tsaka personal na buhay naman namin 'to.
"It's fine. Matagal na rin 'yon." Hindi ako umimik baka kasi ayaw niyang pag-usapan kaya ayoko magtanong nang magtanong about sa kaibigan niyang iyon.
"Remember when I told you that I'm not a good person?" Napalingon ako sa kaniya at tumango. Diretso lang ang tingin niya sa labas habang mga kamay niya ay nakapahinga sa manibela.
Kitang-kita ko ang paglunok niya nang paulit-ulit at saka ko lang napansin na pinipigilan niya umiyak. Nag-alala tuloy ako. Ano bang nangyayari?
I never thought I'll ever see Gianni Giongco cry.
"Sabi mo secret mo 'yon, you don't have to tell me. Hindi pa kita natatalo sa bilyar." He looked at me at ngumiti siya nang tipid. Whatever his story is, I didn't have to know. Hindi naman porket na-link ako sa kaniya ay kailangan ko na ang buong detalye.
"I'll tell you my secret then tell me if you still like me after." Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa sinabi niya. Para akong kinakabahan na ewan e. Kailangan ko ba mag-prepare? Mabibigla ba ako sa revelations?
Did he commit a crime?
Bakit parang ayoko na tuloy marinig? Bakit ayoko magabago tingin ko sa kaniya?
Pero hindi, I trust the man I knew.
"Okay, that will just be another confession from me," confident na sagot ko. Gusto ko na mawala na ang nararamdaman ko para sa kaniya pero ayoko naman na sa ganitong dahilan. Ayoko na siya magustuhan romantically pero ayoko magbago ang tingin ko sa kaniya as a person kasi naging mabuti naman talaga siya sa akin.
Huminga siya nang malalim. "That person's my bestfriend since high school," panimula niya so I just look ahead kung saan niya nakatingin and pay attention to everything he'll say kahit na kinakabahan ako sa maririnig ko.
"Another bestfriend namin ni Teigan. Nagsisimula pa lang ako matuto mag-volleyball suportado na niya ako even though I almost lose interest beacuse I wasn't improving at all." This is new to me, I thought Giongco has always excelled on anything he wanted to do. Akala ko noon pa man, ganiyan na siya kagaling. But no, he has his fair share of failures.
He's really human after all.
"First try out ko, hindi ako natanggap. What if i-try ko na lang daw magbasketball kasi matangkad naman daw ako. I almost considered it, I thought na baka roon ako tanggapin but you know?" Naramdaman ko ang paglingon siya sa akin kaya napalingon rin ako. I met his eyes and he smiled as if he's reminscing a happy memory.
What went down kung happy memory dapat itong kwento na 'to?
"Tinanong ako ni Eric, his name by the way, gusto ko ba raw talaga mag-basketball. Hindi ako nakasagot kasi ayoko naman talaga no'n, I know how to play but I never liked it." Pansin ko lang ang saya niya talaga habang kinukwento ang parte na 'yon. Deserve ko ba mapakinggan 'to? It feels too personal.
"So he told me na 'wag ko ituloy kung hindi ko naman talaga gusto, instead I should try again the next year na makapasok sa volleyball kasi pwede naman daw 'yon."
"I practiced with them kahit hindi sila gano'n karunong just so I can enter the team until I really did." Napangiti ako. I remember Gigi. Tinulungan din ako ni bruha mag-practice kahit wala kaming alam pareho.
"Ako lang naman nakapasok pero they're as happy as I am." He chuckled and then heaved a deep sigh.
"But then, Eric got sick around the same time I got in the team. Teigan and I promised to visit him everytime when he got hospitalized later on para hindi siya malungkot."
"Can I ask anong sakit niya?"
"Leukemia, at first I can't believe it. I was not a fan of teleseryes but I really thought it only happens there." Tumawa siya nang mapait. Wala pa man din ay ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko nang umpisahan na niya nag parteng iyon.
"Teigan always visited, walang mintis. Samantalang ako, every weekends na nga lang minsan hindi pa kasi nga kapapasok ko lang sa team. Siyempre madaming pinapatunayan and also I got busy with training." Tumatango-tango lang ako and trying to sink everything in. Gusto ko siya i-comfort ngayon palang kahit hindi pa tapos ang kwento niya.
"They both understand, so I was very thankful. I was thankful to the point that I took advantage of it and of the time. Huli na pala 'yon."
"On the middle of my very first game against another school since I was accepted to be part of the team, Teigan called." Mabigat na ang paghinga niya ngayon. Nasa sasakyan lang kami kaya ramdam na ramdam ko even the slightest changes on his voice which minsan lang mangyari kaya pati ako bumibigat na ang paghinga dahil parang alam ko na ang kasunod.
"May nangyari daw kay Eric, pumunta raw ako doon kasi natatakot daw siya. Eric was already fighting for his life that time and I couldn't go."
"...and it's not like I can't, I chose not to."
"Bakit? Is it because of the game?" I asked at agad naman siyang umiling. Okay, akala ko dahil talaga sa game. Parang ang hirap naman paniwalaan kapag gano'n.
"It's not the game pero mas pinili ko na idahilan 'yung laro, Eric died without me on his side and Teigan was left alone in that hospital, witnessing everything with his eyes." Hindi umiiyak si Giongco ngayon, ewan ko paano niya nakaya pigilan or maybe he just doen't want me to see him cry but I could feel his heart breaking kasi ako ngang nakikinig lang, ganoon ang nararamdaman ko. Parang gusto ko umiyak kasi ang bigat sa pakiramdam.
How painful it is to lose someone you love. Na parang isang araw hindi mo na makikita 'yong tao na 'yon kahit ano pang gawin mo.
I don't know why he's telling me all these things pero hindi naman nawala kung ano ang nararamdaman ko sa kaniya kagaya ng inasahan ko.
"Pagdating ko sa ospital after ng laro, galit na galit si Teigan sa akin. Sinapak niya ako at siguro kung pwede lang pupuruhan niya talaga ako and I wasn't even mad at him for doing that to me, hindi ako lumaban o pumalag."
"Sabi niya mas pinili ko pa raw 'yung lintek na laro na 'yon but the thing is I was not ready to accept things. I was scared to see a friend slowly dying. I was scared to lose a friend. Ayoko maniwala kaya pinili kong 'wag makita." Pinunasan ko ang luha na tumulo sa mata ko nang mabilis bago niya pa makita. Nakakahiya naman kasi na umiiyak ako tapos siya hindi naman, yumuko na lang tuloy ako.
"I did not play that time, nasa CR lang ako. I'm not even religious but I was praying hard kaya napagalitan din ako after pero hindi naman ako naalis but even if naalis ako, deserve ko naman."
"Why are you crying?" biglang tanong niya sa akin. Napansin pala niya. Ayoko naman umiyak, hindi rin naman ako iyakin dahil masyado na akong sinubok ng buhay pero ewan ko ba, gusto ko umiyak para sa kaniya.
"Ang lungkot lang kasi, sorry."
Buti may box ng tissue ang kotse niya kaya nakihingi ako at pinunasan ang luha ko bago tumingin sa kaniya.
"Yeah, it's sad. It felt like I don't deserve every support they gave me, I I didn't deserve to be their friend. I disappointed the both of them." I shooked my head immediately.
There's this slight urge na hawakan ang kamay niya pero pinigilan ko. I don't want to cross lines. Alam ko naman kung hanggang saan lang ako.
"Alam mo 'yon, wala naman ako magagawa if it's really his time to go pero parang may kasalanan pa rin ako na because of what I did hindi ako pwede maging masaya. I chose to turn my back to them, I chose to run away instead of staying with them when they needed me the most." He stopped talking and bumuntong hininga nang pa-ulit-ulit.
I looked at straight into his eyes. "Pero feelings mo 'yan e. People have different ways to cope up with loss or to cope up with difficult situations. It does not mean you chose to run away, you care less. Kagaya nga ng sabi mo, natakot ka. You're feelings are valid, Gianni." I know hindi naman siya nanghihingi ng advice but I just want to let him know that his feelings are valid. It's not like wala siyang pake kaya hindi siya pumunta, hindi siya pumunta kasi natakot siya na makita na unti-unti nang nawawala sa kanila 'yung kaibigan nila. Hindi lahat ng tao matapang harapin ang ganoong sitwasyon.
There will always be someone who'll choose to run away instead of facing it head on and that's okay. Hindi naman lahat ng tao matapang.
"Did you notice?" Nagatataka ang tingin ko sa kaniya sa naging tanong niya.
"Ang alin?"
"You called me Gianni," sagot niya naman. Napakurap naman ako ng ilang beses, napansin niya pa 'yon.
"Wala lang. Kapag tinatawag kasi kita sa apelyido mo parang ikaw 'yung star player ng West Hill, kung paano kita nakilala gano'n. E sa kinwento mo ngayon, ang personal kaya parang gusto ko lang tawagin ka sa pangalan mo. Weird ba?" Umiling naman siya agad and gave me a small smile.
"Thank you for telling me that my feelings are valid," saad niya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan.
"Hindi ko naman sinabi 'yon para lang pagaanin loob mo, totoo lang talaga 'yon. Kaya ibig sabihin valid din ang kay Teigan, he wants you there though, I can't say na tama na sinapak ka niya."
"Pereho kayong nawalan, magkaiba lang kayo ng ginawa during that time. Tumakbo ka, nag-stay siya at naiwan doon pero pareho kayong nasaktan, wala kayong kasalanan pareho, nagkaroon lang kayo ng pagkakaiba sa paano kayo umakto during that time," dagdag ko pa.
"Until now I still regret that choice. I wish I was there until the last time. Hanggang ngayon I'm still asking for forgiveness, I almost quit volleyball after high school pero Eric was the one that pushed me to play, hindi niya magugustuhan kapag tumigil ako, I think that made Teigan a lot more mad." sagot naman niya.
"But okay na kayo ni Teigan 'di ba?" Tumango siya at napangiti ulit sa thought na 'yon.
"Alam mo na ba na when I got into the accident, Teigan ditched an official game to come at the hospital." Hindi ako nakaimik kasi parang alam ko nga 'yung balita na umalis si Teigan ng game pero hindi ko siguro pinansin kasi nga occupied 'yung utak ko no'n kasi nga nalaman ko rin na naaksidente siya. Siya pala dahilan no'n.
"Dahil doon kaya kami nagkabati, fuuny right? He did something that I didn't do kahit na hindi na kami nag-uusap talaga that time. God knows how happy I am to see him that time. Parang naisip ko na, I still have him. Siguro kung pumunta ako that day kay Eric, Teigan would feel the same. Na he still have me and that we're in this together."
"Sabi pa niya na ako na nga lang 'yung nandito, so bakit pa siya magagalit sa akin. He forgave me but I still feel sorry for him and I still can't even show my face on Eric's grave," pag-k-kwento niya.
"Maybe you feel that way because you haven't forgiven yourself for the choice you made," I said. He's being too hard on himself. Hindi naman niya kasalanan 'yung nangyari, siguro nga mali para sa kaniya 'yung naging choice niya pero tapos na 'yon and wala naman siyang masamang intensyon sa ginawa niyang 'yon. He's scared and hurt and at that moment, ayon ang pinakabest choice para sa kaniya.
"You are sorry for not being there for them and you've been forgiven by your friends already, I think it's time for you to forgive yourself this time, you deserve to be forgiven."
Matagal din kaming nahinto sa parking na 'yon. Hindi talaga kami lumabas ng sasakyan.
Tahimik na lang kami sa mga nagdaan na oras. Hinayaan ko lang kasi baka malalim ang iniisip niya. Habang ako ay napapaisip din sa lahat ng sinabi niya. Hindi ko pa rin inaakala na may ganoon siyang kwento. Wala sa itsura niya at sa kilos niya.
Kaya siguro super dedicated niya sa paglalaro, he's not just playing for himself, kasama si Eric sa bawat laro niya hoping he won't disappoint him again.
That's true love right there.
"You wanna go home already?" tanong niya bigla sa akin at nagkibit balikat naman ako kasi baka kailangan niya pa ng kasama.
"Okay ka na ba?" Nginitian niya ako at tumango. "I feel a lot better. Thank you for listening to me, it's been a while since I talked about this and I feel so much better telling them to you. I'm glad it was you." Napangiti na rin ako sa sinabi niya. Buti naman mas gumaan pakiramdam niya. Ang hirap din isipin na ang tagal niyang bitbit 'yung kwento na 'yon na even after those years and even after nila magkabati ni Teigan, ganoon pa rin nararamdaman niya. He was still haunted by what happened. Ang hirap no'n to be honest, 'yung gusto mo na umusad pero parang wala kang karapatan, parang hindi pwede.
People sometimes tend to blame themselves for the things out of their control, blame themeselves for how they reacted and how they feel when they are just being human.
"I'll take you home," sabi niya sa tonong hindi ako tinatanong, parang ini-inform niya lang ako. Hindi na ako pumalag dahil ayoko na rin naman mag-commute mula dito, hindi ko nga alam saan ba 'to?
Pero bago pa siya makapag-drive ay may naalala akong sabihin sa kaniya.
"For your information lang, gusto pa rin kita. Convince me harder, Giongco."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top