XXV

Chapter 25
#TTFwp

"Masakit ulo mo?" Napairap ako nang tunog nagmamalasakit ang boses ni Noah sa kabilang linya.

"Ay ang bait na friend," sarkastiko kong sagot. Baka akala niya hindi ko na maalala na siya nagsabi kay Giongco na iuwi ako! Iniiwasan nga 'yung tao para makamove on. Ayan tuloy wala akong usad.

"Ang sungit! Inaano kita diyan?!"

"Hinatid ako ni Giongco kagabi, ikaw raw nagsabi." Tawa ang isinagot niya sa akin nang sabihin ko iyon. Oh 'di ba? Gustong-gusto niya talagang nahihirapan ako.

"E nagpapaalam na rin siya no'n e, sakto nakita ko text mo," pangangatwiran niya pa pero hindi ako naniniwala. Basta kapag si Noah Salviejo, kaduda-duda talaga lalo na napag-usapan namin si Giongco kagabi kaya feeling plinano niya lahat kahit wala naman siyang kasalanan na nalasing ako kaya wala na akong nagawa.

Patuloy lang ang pang-aaway ko sa kaniya at ang pangangatwiran niya hanggang sa kinailangan na niyang ibaba ang phone.

Hindi ko masyado maalala ang mga nangyari kagabi nang detalyado, pero hindi naman ako totally nagka-amnesia levels kagaya ng iba. Naalala ko 'yung highlights ng nangyari kagabi. Isama pa ang mga IG story ng mga teammates ko na talaga namang makakapagpaalala sa akin ng mga pinaggagagawa ko.

Maski 'yung moment na kasama ko si Giongco sa parking lot, naalala ko.

It was so peaceful and serene. That moment was simple yet beautiful, something I'll always remember.

The things is, I'm conflicted. 'Yung mga ganoong pagkakataon, as much as possible ayoko na maalala or magkaroon ako ng remembrance sa kung anuman ang nararamdaman ko para sa kaniya pero deep inside me I'm thankful that I remember that moment.

Hindi ko rin alam gaano ba kami katagal na nakaupo sa parking block na iyon pero nag-uusap lang kami peacefully about random things. I can't remember every detail ng pinag-usapan namin because obviously hilo ako no'n pero naalala ko 'yung feeling.

And I also remember that he always wear the same perfume he wore the day we met just because I like that one.

Iyon ang hinding-hindi ko makakalimutan sa lahat ng sinabi niya.

Super conflicted tuloy talaga ang feelings ko ngayon. Sana kasi hindi na lang kumplikado lahat, sana pareho na lang kami ng mundong ginagalawan at sana wala na lang akong ibang iniisip kundi siya na lang.

Sana ganoon na lang kadali lahat pero hindi e kaya mananatiling ala-ala na lang mga ganitong pagkakataon.

***

Ilang linggo na rin ang nakalipas nang mag-victory party kaya naman back to normal na kami. May duration kami ng pahinga after season pero maikli lang kaya balik na rin ulit kami sa training, mas konti na ang training hours namin kapag tapos na season so no need na mag-absent talaga sa classes.

Wala naman akong inaatupag these days kung hindi mga kailangan aralin sa mga subjects ko at magpahinga, hindi pa ako nakakabalik sa pagbebenta kasi blinock ko nga pala ang number ni Tita. Hindi ko pa alam paano ko siya co-contactin ulit dahil for sure kung ano-ano nanamang lalabas sa bibig no'n na hindi ko magugustuhan lalo na't ang tagal ko na siyang hindi kinakausap.

Nakailang text na rin sa akin si Klarrise na nagtatanong kung nagpalit daw ba ako ng number kasi kinukulit sila ni Tita na bakit hindi na raw ako ma-contact. Sinabi pa na inabanduna ko na raw sila at nagsarili na raw ako dito sa Maynila.

Sa totoo lang pwede ko naman na 'yon gawin kasi why not? Maganda na ang career ko ngayon sa volleyball. Maliban sa allowance na medyo malaki na ngayon ay may iba pang mga sponsorship na dumadating sa team. Laking tulong pala talaga dulot kapag nanalo ang team overall. Bukod pa sa cash prize, may mga iba pang incentives at opportunities na dumadating kagaya no'ng nakaraan ay may pinapost lang sa akin sa instagram tapos binayaran na nila ako. Medyo naloka ako kasi gano'n pala 'yon? Kung hindi pa ako nagtanong-tanong kila Ate Asmara ay wala akong kaalam-alam sa kalakaran na ganoon kaya kung gugustuhin ko magsarili, kaya ko naman. Pero hindi ko magagawa sa mga kapatid ko 'yon at kay Mama.


Nakasurvive ako na hindi na tumutulong kay Tita ay dahil nga kumikita ako sa ibang paraan. Sa totoo lang mas madali rin ang ginagawa ko.

Siguro dahil hindi ako minamaliit ng nga gusto akong makatrabaho. Magaan nga ang loob ko nitong mga nakaraang buwan, dahil nga siguro hindi ako nakakarinig ng mga masasakit na salita galing kay Tita.

Nakakaguilty lang dahil alam kong si Mama at mga kapatid ko ang napagbubuntungan. Ako kasi, isang block ko lang ayos na, samantalang sila kayang-kaya silang bulabugin ni Tita dahil si Tita ang may-ari ng tinitirahan namin doon.

Nakaka-guilty man ay kailangan ko rin naman 'to, kailangan ko mapahinga sa asal ng tita ko. Ayoko na maulit na mag-breakdown ako dahil sa kaniya, naaapektuhan pa ang performance ko sa training baka sa susunod pati pag-aaral ko maapektuhan pa. Ayoko naman no'n.

Maayos naman akong nakakapagpadala sa pamilya ko, sa katunayan niyan mas malaki ang npapadala ko ngayon na nagtataka na si Mama kung anong ginagagawa ko sa buhay ko. Saka ko na i-e-explain kapag nakauwi na ako, mahirap kasi i-explain dahil ang dami ring nangyari at nakaka-overwhelm din talaga. Konti na lang din naman at sembreak na saka ko na ulit haharapin ang tita ko. Siguro naman wala siyang mairereklamo dahil on time kami magbayad ng renta at wala naman na akong pabor na hinihingi sa kaniya.

Pauwi na ako ng dorm galing sa pagbili ng pagkain sa may cafeteria nang tumawag si Claui sa akin which is bihira lang niya gawin.

"Hell--" agad naputol ang pagsasalita ko dahil agad-agad siyang nagsalita.

"Babaita ka talaga ng taon! Ano 'tong nababasa ko ha!" Excited ang tono ng boses niya pero wala akong ma-gets ni isa sa mga sinabi niya.

"Huh?" Ramdam ko ang pag-irap niya dahil sa naging sagot ko.

"Nasaan ka ba?" Mahinahon na niyang tanong this time. Mukhang na-realize na niya na hindi ko talaga alam kung anuman ang sinasabi niya.

"Pabalik pa lang ako ng dorm, why?" Bumuntong-hininga siya.

"For sure sabog ang notifs mo, uwi ka muna dali!" Naging excited na ulit ang boses niya. Dapat ba akong matuwa sa kung anuman ang alam niya o dapat akong kabahan?

"Ano ba kasi 'yon?"

"Basta! Tawagan kita ulit mamaya." Bago pa ako makapalag ay binabaan na niya ako ng phone. Bastos talaga no'n!

Nagmadali tuloy ako makauwi para makasagap ng wifi dahil feeling ko may kakaibang nangyayari.

Buti na lang may shuttle akong nasakyan at hindi na ako nahirapan na makabalik ng dorm. Umakyat ako agad at tinignan kung connected na ako sa wifi.

Sakto bumuhos na ang chat sa group chat namin ng teammates ko, may PM din sa akin si Ceres at Gigi pati na rin si Claui at Noah.

Umupo ako sa kama pagkatapos ko ilapag ang pagkain na binili ko sa table.

Inuna kong mag-backread sa GC dahil ang dami talagang message tapos nakailang mention sila sa akin.

Nang maabot ko ang dulo, may link na sinend doon si Yayan. Nang buksan ko iyon ay link pala ng video na kuha sa isang sports channel.

Ininterview pala si Giongco doon? Wala akong kaalam-alam.

Simula no'ng victory party, hindi pa kami ulit nagkita o nagkausap. Medyo matagal na rin pero okay na rin para sa akin para mas madali kong makalimutan kung anuman ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi kasi nakakatulong kapag nakikita ko siya lagi.

Nag-uusap sila sa GC kung ako ba raw 'yung tinutukoy sa interview na naging inspiration niya sa paglalaro ng volleyball at kung sino 'yung nagpupush sa kaniya even after the injury.

There's this one person that always believe in me and supported me all throughout kahit no'ng nagsisimula pa lang ako kaya naging inspiration ko na rin talaga siya. Also, I disappointed that person already so I can't just give up with one injury, for sure magagalit 'yon. Also, as an athlete nakakatakot talaga magka-injury but I believe that injury is not the end of it.

Hindi naman ako 'yan. Wala naman ako no'ng umpisa tsaka ramdam ko lang talaga na hindi ako 'yon.

Tumawag si Claui nang makita na online na ko.

"Hindi ako 'yan!" agad na depensa ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko sinend sa iba't ibang tao na hindi ako ang tinutukoy niya doon.

"Weh?" Inulit ko pa ulit sa kaniya na hindi ako 'yon.

Kinwento tuloy sa akin ni Claui na dahil daw sa interview na 'yon in-assume agad ng nga tao na girlfriend ang tinutukoy ni Giongco doon sa sinabi niya kasi very vague daw. Kung parents daw pwede namang diretsong sabihin na parents or friend or teammate or whatever kaso "that person" kaya ayon.

Kung paano naman napunta sa akin ay dahil ang daming testimony na nakakita sa aming dalawa. Wala raw ibang kasama si Giongco na babae maliban sa classnate niya which is si Ilanna tsaka ako kaya lang ang daming back up na kwento sa mga araw na magkasama kami ni Giongco. Akala ko walang pake ang mga taong nakakasalamuha namin pero mali pala ako. Minsan akala ko si Giongco lang pinagtutuunan nila ng pansin pero hindi pala.

Habang hinuhulaan nila kung sinong girlfriend ni Giongco, ang daming nagsabi kaya raw siguro nanood si Giongco no'ng finals game namin dahil nga 'girlfriend' daw ako tapos may mga gumatong na ilang beses na raw kaming nakita na magkasama sa may West Hill pati 'yung pinipicturan ako ni Gionagco no'ng finals ay naungkat din.

Siguradong-sigurado tuloy sila na ako talaga 'yon. Hindi naman ako assumero para isipin na ako 'yon at paano ko rin naman iisipin na ako 'yon e hindi naman tugma sa akin.

Pagkatapos kong replyan lahat ng mga kaibigan ko na nakikiusyoso ay kumain na lang ako. Hindi na rin ako nagbasa ng mga comments ng mga tao kasi baka may mabasa pa akong hate comments or what, ang agressive pa naman ng ibang fans baka mabadtrip lang ako.

Ganito pala feeling na pinag-uusapan ng karamihan. I mean sanay na ako na pinag-uusapan ako ng mga tao dahil sa amin pa lang pinagtsitsimisan na ako dahil kung ano-ano sinasabi ng tita ko tungkol sa amin nila Mama pero itong pati sa internet, nakakapanibago.

Iba na talaga ngayon kaysa noong nag-uumpisa pa lang ako na wala pang may pake sa akin o wala pang nakakaalala ng pangalan ko, ultimo jersey number ko.

Sabagay, lahat naman ng bagay may positive and negative effects. I just have to deal with it. Tama lang na 'wag na ako magbasa ng mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa akin. Wala naman akong ginawang masama at sila lang din naman nag-assume na ako 'yon.

Hindi ako sigurado kung kakausapin ko ba si Giongco tungkol doon o hayaan na lang na mawala ang tsismis. Hindi naman kami artista para tumagal ng sobra ang mga ganiyang klase ng usapin. Kung ako man 'yon o hindi wala naman silang iba nang magagawa.

***

Kinailangan ko pumunta sa may West Hill banda dahil may binili ako sa bookstore doon. Ayoko sana munang mapadpad doon dahil feeling ko minamata ako ng buong West Hill community. Ang sikat kaya ni Giongco sa school nila.

Hindi ako nakakasigurado kung may kukuyog sa akin dito o ano kaso kailangan ko talaga bumili ng materials para sa isang subject. May national bookstore sa loob ng SHU pero mas mura kasi doon sa lagi na naming binibilhan ng mga libro ni Gigi kaya doon pa rin ako nagpunta.

Para mapabilis ang pagbalik ko ng school ay napagpasiyahan ko na mag-jeep na lang kahit normally pwede ko namang lakarin. Nag-aantay ako ng jeep nang may ilang estudyante na napapatingin sa akin.

Gusto ko isipin na baka dahil fan sila ng PCAA kaso hindi ko mapigilan na isipin na dahil kay Giongco kung bakit namumukhaan nila ako ngayon.

Kung kailan kailangan ko na makaalis saka naman walang dumadaan na jeep na dadaan sa may gate na malapit sa dorm, lahat ay halos papuntang main gate lang. Ayoko naman sakyan 'yon dahil mapapalayo pa ako.

Mayamaya lang ay may humintong sasakyan sa harap ko. Binaba no'n ang bintana at nanlaki ang mata ko nang makita ang chinitong dahilan kung bakit nagmamadali akong umuwi ngayon. Paano niya nalaman na andito ako? May radar ba 'to sa akin?

Napatingin agad ako sa paligid ko, buti na lang kasasakay pa lang ng jeep no'ng mga kasabayan ko kanina dito. Agad akong lumapit at pumasok sa sasakyan niya. Dapat sisilip lang ako sa bintana kaso baka lalong may makapansin.

"Buti walang nakakita sa 'yo," sabi ko agad sa kaniya pero nang tignan ko siya ay wala namang halong kaba.

Ako lang ba ang apektado dito? Wala lang ba 'yon sa kaniya? Hindi ba nakakahiya doon sa totoong "that person" na tinutukoy niya?

Nag-drive lang siya nang walang sinasabi hanggang sa makarating kami sa maliit na parking lot ng hindi ko alam kung ano pero wala naman masyadong tao.

"First of all, I'm sorry," sambit niya nang makahinto na kami roon.

"Para saan naman 'yan?" Alam ko naman kung tungkol saan ang sinasabi niya pero bakit siya nag-so-sorry dahil doon? Hindi naman niya 'yon kasalanan.

"For dragging you to this." Umiling naman ako dahil hindi naman niya nabanggit ang pangalan ko para idamay ako, mga tao lang talaga ang nag-assume.

"I guess it's fine? Wala naman tayong magagawa kung nag-conclude sila ng ganoon unless sabihin mo na hindi ako 'yon."

"Don't worry I will, gusto ko lang muna talaga makausap ka about this and to apologize before anything else." Tumango naman ako.

"Nag-d-drive ka na pala ulit," kumento ko. Siguro dahil medyo matagal kaming 'di nagkita kaya para bang may mga nagbago na ulit sa kaniya.

"Yeah pero hindi muna malayuan." After that there was an awkward silence. Not sure bakit kami awkward, dahil ba matagal kaming hindi nag-usap o dahil ba sa tsismis, hindi ko rin talaga alam.

"Uhm..."

"'Yung tinutukoy mo sa interview, hindi ba siya nagalit na may ibang pinagkamalan ang mga tao?" tanong ko na lang after ng mahabang katahimikan.

"Nope. He's probably laughing at me right now." Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon.

"He?"

"Yeah, why? Feeling mo girlfriend din 'yung tinutukoy ko?" Inaasar ba ako nito?

"Malay ko. Sabi nila e." I shrugged.

He smiled for a bit. "Nope, he's a friend." Tumango lang ako.

Friend naman pala, mga tao talaga! Ang sweet naman pala talaga niya sa mga friends niya, pinagselosan ko pa si Ilanna e ganoon naman pala talaga siya. May soft spot siya para sa friends niya kaya rin siguro mabait siya sa akin kasi tinuturing niya akong kaibigan niya.

"Anong sabi niya na akala ng mga tao jowa mo 'yung tinutukoy mo?"

"Nothing. He's busy having fun in heaven."






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top