XXIX
Chapter 29
#TTFwp
"I think you should rest," sabi sa akin ni Giongco. Ako nga dapat ang nagsasabi sa kaniya niyan.
Umaga na pero andito pa rin kaming dalawa sa waiting area at parehong walang tulog. Ilang beses ko na siyang sinabihan na magpahinga na siya kasi babalik pa siya ng Manila pero hindi naman niya ako pinapakinggan.
"You too. Wala kang tulog paano ka pa b-byahe pa-Maynila?" Nagkibit balikat naman siya.
"Hindi ba tayo sabay babalik?" Kumunot ang noo ko sa kaniya.
"I don't think makakabalik ako. May mga aayusin pa ako dito as you can see." Hindi naman pwede na habang andito ako ay andito din siya. May sarili rin naman siyang buhay tsaka labas naman siya sa issue ng pamilya namin.
Pinoproblema ko pa ang pambayad ko sa ospital. Halos pang living expenses na lang kasi ang natira sa akin kasi pinapadala ko sa kanila lahat at mukhang nagastos na rin nila ang mga naipadala ko. May ipon naman ako para sa mga emergency na gaya nito so baka magkasya naman 'yon sa pambayad. Sana magkasya.
He nodded slowly. "So dito ka lang?"
"Baka matulog muna ako sa bahay. Hindi ko pa kaya pumunta ulit sa kwarto ni Mama." Kailangan ko rin kumalma at makapag-isip-isip ng kung ano bang gagawin ko para ayusin 'tong nangyayari sa amin.
"Hatid na kita then I'll probably sleep at a motel for a couple of hours before I go back to Manila. I drank coffee earlier and I'll drive slow to be sure." Hindi na ako pumalag sa alok niya dahil ubos na rin ang energy ko. Kung pwede lang kaladkarin niya na lang ako pauwi o kaya maglatag na lang ako dito sa lapag ng ospital ay gagawin ko na lang sa pagod.
Nakasunod lang ako kay Giongco papunta sa sasakyan niya. Pati tuloy siya nadamay sa pagod ko, hindi ko naman sinasadiyang isama siya dito pero nandito na siya ngayon at ginagawa lahat ng mga 'to para sa akin. Ganiyan lang ba talaga as a person?
Minsan nakakamangha na kaya niyang gawin lahat ng ginawa niya para sa akin dahil lang magkaibigan kami. Ang swerte naman pala ng mga kaibigan niya. Ang swerte naman na napabilang ako doon. Pero minsan napapaisip pa rin ako e kung kaibigan lang ba, dala ba 'to ng feelings ko para sa kaniya kaya nagiging malisyosa na ako?
"Gianni," pagtawag ko sa kaniya gamit ang pangalan niya. Napatigil siya sa paglalakad niya at lumingon sa akin.
Bahagya niyang tinaas ang kilay niya. Huminga ako nang malalim. "May gusto ka ba sa akin?" Ramdam ko na natigilan siya sa tanong ko. Hindi niya ine-expect ang tanong niya iyon sa oras na 'to. Paano ba naman kasi, pareho kaming pagod at puyat tapos ang daming nangyari in a span of 2 days then biglang itatanong ko iyon. Hindi ko naman siya masisisi.
Gusto ko lang malaman kasi minsan nagugulumihanan na rin talaga ako sa lahat ng ginagawa niya para sa akin. Hindi ko alam kung normal lang ba 'yon since mula bata ako, kulang na ako sa aruga kaya baka na-mi-misinterpret ko ang kabaitan niya kaya mas maigi na rin siguro na itanong ko, para matuldukan na.
Hindi na rin siguro kakabog ng sobra ang dibdib ko kapag may ginagawa siya na para sa akin kapag nanggaling mismo sa kaniya na wala.
"Gusto ko lang malaman kasi kung wala naman I'd be glad to draw a clearer line between us, minsan kasi hindi ko mapigilan mag-isip o bigyang malisya kahit ayaw ko 'yung mga bagay na gaya ng ganito. Siguro kasi may gusto nga ako sa 'yo. So at least kung sasabihin mo na hindi mo ko gusto--"
"Don't draw a line, Kalila. Because I'll trip trying to cross it for you." Hindi ako nakaimik. I'm trying to let that sink in. I'm trying to understand what he meant. Hindi kinakaya ng pagod kong utak ang sinabi niya kaya nag-lag ako ng ilang segundo.
And when I fully understand what he actually meant, I was just left speechless.
"May gusto ba ako sa 'yo? Well yeah. I got it bad, Kalila." Tumalikod na siya ulit sa akin at dumiretso sa sasakyan niya habang ako pakurap-kurap lang sa harap ng ospital.
Makakatulog pa ba ako ngayong araw?
Tahimik lang kami on the way sa bahay. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko after ng confession niya. Hindi ko rin naman kasi napaghandaan kasi ang iba ang in-expect kong sagot mula sa kaniya. Akala ko kasi wala.
Ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin from time to time and ganoon din ako sa kaniya. Gusto kong may sabihin man lang pero hindi ko kasi alam kung ano. Pareho kaming pagod at puyat so maybe pareho rin kaming lutang parang pag-usapan ang nangyari. Hindi ko rin talaga makapa ano bang sasabihin ko o anong gagawin ko pagkatapos kong malaman na 'yung taong gusto ko at 'yung taong hindi ko reach ay may gusto rin sa akin.
Gusto ko siya, gusto niya ako. So anong next?
First time ko rin 'to after all, ngayon lang ako namroblema sa feelings feelings na 'yan. I never had it for someone before Gianni.
Hindi ko rin akalain talaga ang sagot niya. Oo, minsan ay nabibigyan kong malisya ang mga ginagawa niya para sa akin. Na-fe-feel ko baka nga may gusto rin siya sa akin pero lagi ko 'yon inaalis sa isip ko dahil nga parang imposible naman na magkagusto siya sa katulad ko. Lalo na ngayon na nakita niya ang sitwasyon ng buhay ko.
But when he actually told me he got it bad with me parang hindi ako makapaniwala na after all ng na-witness niya na parang 10% pa lang ng problema ko, he still like me.
Sa mga mata ko, hindi kami magka-level ni Giongco pero mukhang hindi 'yon ang lagay para sa kaniya.
He doesn't care about our status in life like how I did, he just likes me for me.
And I really do appreciate na he sees me that way, but would it actually work?
***
Hindi ko na hinayaan na pumasok ang sasakyan ni Giongco doon sa maliit na daanan dahil nga sobrang nahirapan siya kagabi doon. Maliwanag naman na kaya pwede ko nang lakarin ang papasok papunta sa amin.
"Kaya ko na talaga," pagpupumilit ko pero sinara niya pa rin ang makina at pinark ang sasakyan niya sa tabi para samahan ako maglakad pauwi sa amin. Sana pagbalik niya okay pa ang sasakyan niya, agaw pansin kasi.
"Ang kulit talaga," bulong ko na lang na alam kong narinig niya pero hindi niya pinansin dahil desidido na siya sa paghahatid niya sa akin sa bahay.
"Do you always walk here alone before?" As a rich kid siyempre delikado talaga sa paningin niya ang lugar namin. Hindi ko naman siya masisisi. Ang aga-aga may mga tambay sa labas ng nga tindahan na titignan ka kapag dumadaan ka. Pero sa experience ko, harmless naman sila at tumutulong pa minsan.
Sa gabi naman walang ilaw kaya talagang madilim, hindi naman kasi pianpansin ng mga nakaupo sa posisyon ang lugar namin kaya wala talagang improvement kahit sa mga public places man lang.
"Wala naman akong choice pero ma-swerte pa rin siguro ako kahit papaano na hindi naman ako napahamak kailanman dito except na lang no'ng muntikan na ako habulin ng aso no'ng elementary ako." Ngumiti si Giongco sa kwento kong iyon. Totoo kaya 'yon na pauwi ako no'n galing school tapos may mga aso na nakaabang sa dadaanan ko. Kinagat ko 'yung dila ko bago sila lampasan pero sinundan ako no'ng aso tapos naririnig ko na nag-growl siya kaya napatakbo ako, hahabulin na sana ako nang may dumaan na tricycle kaya naiba ang daan ng aso. Grabe rin ang takot ko no'n ah!
"Talamak ang nakawan pero never naman kami nanakawan kasi baka wala rin naman manakaw sa bahay namin," biro ko ulit. Feeling ko talaga may nag-attempt na sa bahay namin sadiyang wala lang makuhang mukhang kapaki-pakinabang.
"Are you even comfortable here?" muling tanong niya. Siguro hindi siya makapaniwala na habitable ang lugar na nakikita na niya nang mas maayos ngayon dahil maliwanag na.
"You know what? Life's never comfortable for me. Kailangan ko lang mag-survive everyday. Thankfully, it gets better naman lalo na when I benefited from playing. Kaya lang ito nanaman, panibagong problema nanaman but I really try to think of it as blessing."
"It'll definitely get better again," he commented. Napatingala ako sa kaniya kaya tumungo siya para masalubong ang tingin ko.
"Ang sure mo naman!" He smiled and nodded.
"Of course. You are Kalila Rafaella, and you deserve better."
Malapit na kami sa bahay nang makasalubong ko ang tita ko na kagagaling lang doon. Shit.
Naningkit ang mga mata niya at sinisigurado kung tama ba ang nakikita niya. Napahinto ako kaya ganoon rin si Giongco na hindi maintindihan ang nangyayari.
"Aba! Umuwi ka pala," kumento agad ng tita ko nang pasinghal. Hindi naman ako sumagot dahil obvious naman na umuwi ako.
"Tamang-tama dahil kailangan niyo na magbayad ng renta, kagabi ko pa pinuntahan 'yang nanay mo pero walang tao." Sa lakas ng boses ni Tita ay parang gusto niya i-broadcast sa lahat ng kapitbahay namin ang sinasabi niya sa akin.
Jusmiyo, bakit ba ngayon pa nagpakita si Tita?! Napaka-eskandalosa pa naman nito! Kung kailan wala akong energy na pagpasensiyahan siya. Wala akong tulog utang na loob naman.
"Asaan ba nanay mo? Pati sila Klarisse wala? Tinataguan niyo ako no?" akusa niya sa akin kaya umiling ako.
"Babayaran kita tita, 'wag ka mag-alala," mahinahong sabi ko. Gusto ko na matapos 'to dahil nahihiya na ako kay Giongco na nakaka-witness nito ngayon.
"Kailan? Kailangan ko na ngayon." Nilahad ni tita ang palad niya sa akin pero wala akong dalang pera ngayon. Kung mayroon man ay hindi pa aabot sa kalahati ng renta namin.
"Tita, wala kasi akong pera--"
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko e!" Napapikit ako nang mariin dahil nakakahiya talaga maski sa mga kapitbahay ay nakakahiya na. Ang aga-aga tapos bunganga nitong si tita ang naririnig.
"Nasa ospital kasi ngayon si Mama kaya nagmamadali akong umuwi kaya wala ho akong dalang pera pero may pera akong pambayad hindi ko pang hawak ngayon," paliwang ko pa rin sa kaniya nang mahinahom dahil ayoko ng eskandalo.
"Naospital mama mo? Bakit ha? Ayan kasi, kung ano-ano inaatupag mo. Kinalimutan mo na nanay mo tsaka mga kapatid mo pinabayaan mo na." Nabaling ang tingin ko kay Giongco. Nakakunot ang noo niyang nakatingin kay tita.
"Tsaka bakit hindi ko alam ha? At hindi ko rin alam na umuwi ka. Tagal mong hindi nagparamdam ah? Nagpalit ka ba ng number at hindi na kita matawagan? O talagang tinataguan mo ako? Porket nag-TV TV ka lang mayabang ka na," sunod-sunod na sabi ni Tita na hindi ko na iyon masundan dahil sumasakit na ang ulo ko.
"Alis ka na, okay na dito," bulong ko kay Giongco at tinulak siya nang kaunti pero hindi siya natinag.
"Babayaran kita tita, hayaan mo lang muna ako i-settle 'yung sa ospital ni Mama. Kapag naman sinabi ko na babayaran kita, binabayaran naman kita 'di ba?" Hindi ako pinansin ni Tita dahil nakay Giongco na ang atensyon niya ngayon. Tinignan niya si Giongco mula ulo hanggang paa nang pa-ulit-ulit bago tumingin ulit sa akin. Akala siguro niya ay ipapakilala ko si Giongco sa kaniya. 'Wag na nga.
"How much is the rent?" tanong sa akin ni Giongco pero umiling lang ako. Hindi na niya kailangan madamay sa singilan ngayon.
"Bakit? Babayaran mo ba?" sabat ni Tita. Tumingin ako kay Giongco at umiling nang umiling pero ibinalik niya lang ang tingin sa akin bago kuhanin ang wallet niya sa likod na bulsa ng pantalon niya.
"Is this enough?" Naglabas siya ng ilang bills na tig-iisang libo sa wallet niya kaya nanlaki ang mga mata ko at sinaway siya.
Agad nag-iba at nanliwanag ang tingin ni Tita sa pera na nilabas niya na bago pa ako makapalag ay kinuha na ni tita ang pera. Sobra-sobra pa 'yon para sa renta namin.
"Buti pa ito mabilis kausap." Binilang ni Tita ang ilang libong kinuha niya kay Giongco.
"Babayaran ko 'yan," agad na sabi ko kay Giongco at tumango naman siya agad sa gusto ko.
Mukhang satisfied talaga si Tita sa nakuha niyang pera kaya akala ko aalis na siya pero humalukipkip siya at tumingin muli kay Giongco.
"Manang-mana ka talaga sa nanay mo, pareho kayong mahilig sa gwapo at mayaman na singkitin. Hindi ko naman kayo masisisi kung nabubulag kayo sa ganiyan." Naikuyom ko ang kamay ko sa sobrang pikon ko.
Kung pera lang usapan sige lang, may karapatan naman talaga siyang singilin kami at magalit kapag hindi kami nakakabayad pero itong idadamay niya pa si Giongco at ang tatay ko na hindi ko na alam kung nasaang lupalop na ba, aba sumosobra na siya.
"Siguraduhin mo lang Kalila na hindi ka niyan aanakan lang tapos iiwan din."
"Tita! Mahiya ka naman!" Hindi ko napigilan ang pagsaway ko sa kaniya. Hiyang-hiya na ako dito oh! Ang hirap magtimpi.
"Bakit ako mahihiya? Tama naman sinabi ko ah, mali ba ako? Nasaan ba tatay mo ngayon?" Hinawakan ko ang pulsuhan ni Giongco nang maramdaman ko na may sasabihin siya kay Tita. Ayoko na siya madamay sa gulo namin ni Tita.
"Hindi sila pareho ng tatay ko please lang," madiin ang pagkakasabi ko pero pinapanatili kong hindi magtaas ng boses dahil ayoko sabayan ang pag-e-eskandalo niya.
"Aysus! Narinig ko na rin 'yan sa nanay mo o ano napala niyo? Pare-pareho kayong walang tatay ng mga kapatid mo." May panunuya sa tono ni tita.
"Tita tama na. Nakuha mo 'yung pera 'di ba? Ayan naman ang ipinunta mo. Umalis ka na please hindi ko kailangan ang kahit anong lumalabas sa bibig mo. Sarilinin mo na lang 'yan dahil wala akong pake sa opinyon mo." Hinila ko si Giongco papasok ng bahay na sana kanina ko na lang ginawa para hindi na niya narinig pa kung paano kami tratuhin ng tita ko.
Ubos na talaga ang natitirang respeto ko sa kaniya.
Pagpasok namin sa loob nag-sorry agad ako kay Giongco. "Hindi mo naman kailangan bayaran si Tita, makakapaghintay naman 'yon kapag sinabi ko."
"It's better that you are indebted to me than to someone like her, you're really one strong soul, Kalila. Paano mo natiis 'yon?" He looks frustrated nang tignan ko siya. Actually hindi lang frustrated, galit siya talaga. Buti na lang napigilan ko rin siya kanina at kung ano pang masabi niya kay Tita. Though, deserve naman.
"Pasensiya ka na talaga, gano'n talaga 'yon. Ang sama ng ugali kahit noon pa. Hindi naman namin siya inoobliga sa kahit ano pero ang hilig makisawsaw, hindi naman siya masaway ni Mama dahil magkapatid sila e at mas matanda siya kaya pati kami walang magawa sa ugali niya."
"I'm sorry you have to deal with that." Nginitian ko siya. "Bakit ka naman nag-so-sorry diyan? Hindi naman ikaw tatay ko, pareho lang kayo na gwapo at mayaman at chinito," biro ko na lang para gumaan pakiramdam niya. Mukhang mas nabwisit talaga siya kay tita kaysa sa akin.
"We're not the same."
"Anong difference kung ganoon?" pang-aasar ko pa.
"I won't leave."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top