XXIV

Chapter 24
#TTFwp

Ilang araw akong nagpanggap na parang wala lang. Na parang hindi ko sinabi kay Giongco ang feelings ko. Dedma kung dedma.

Ilang araw ko rin kinumbinse ang sarili ko na tama naman 'yung ginawa ko, na mas marami mabuting nadulot ang pag-amin na ginawa ko kaysa sa kahihiyan. Pero ewan ko ba sa sarili ko, tinamaan ako ng hiya kung kailan tapos na, kung kailan nagawa ko na.

'Yung paggaan ng loob ko? Scam 'yon, panandalian lang dahil nagsisisi na ako na sinabi ko 'yon. Ano nang mukha ang ihaharap ko kay Giongco?

Sabagay, magkikita pa ba kami no'n? Tapos na ang PCAA season and minsan lang ako makitang nasa labas kapag ganitong mga panahon kasi focus na ako sa pag-aaral ko tsaka tutulong na ulit ako kay tita sa pagtitinda kaya busy ako sa online shop ko.

Ngayong gabi, hindi ko sure kung makikita ko siya. Ngayon kasi magaganap ang victory party at siyempre pupunta ako. Nanalo kami e, para saan pang nanalo kami kung hindi ko ma-ce-celebrate kasama ang PCAA community 'di ba? Tsaka bago man lang kami bumalik sa kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan, makapagsaya man lang.

Ayoko na ipagdamot sa sarili ko 'to, kahit ngayon lang.

Naghihintay lang ako na sunduin ni Noah para sabay kaming pumunta, wala rin naman talagang ibang susundo sa akin kung hindi siya, okay na rin kasi ayoko naman talaga pumunta roon nang mag-isa. If ever man baka sumabay na lang ako sa mga rookie namin na nag-s-stay din dito sa dorm.

Wala naman na akong ginagawa kaya nag-aantay na lang talaga ako, katulad nga ng sabi ko, umaasa lang ako sa pagkakahulma ng mukha ko kasi hindi ko talaga alam paano mag-ayos which is gusto ko talaga matutunan para magmukha naman akong presentable kahit minsan. Nakasuot lang ako ng fitted shirt na itim tsaka high-waisted na faded blue jeans kaya hindi naman masyado labas ang tyan ko, baka kabagin pa ako.

Ilang sandali lang din nang tumawag na si Noah kaya lumaba na ako ng dormitory, this time sinabihan ko na agad si Claui na sa condo niya ako uuwi para wala na akong isipin mamaya.

"Congratulations my bff for life, galing mo," pagbati ni Noah sa akin pagpasok na pagpasok ko ng sasakyan niya pero hindi ko sure kung nakakatuwa ba 'yon o sarcastic dahil sa way ng pagkakasabi niya.

"Sure ka na for life?" pang-aasar ko na lang na agad niya ikinasimangot at nagsimula na lang siyang mag-drive.

"Grabe ka na, ako nga lang nakakaalam ng feelings mo kay Gianni." Aba ang galing gumanti ah.

"Sure ka, ikaw lang?" natatawa kong tanong muli sa kaniya. Hindi siya makatingin sa akin dahil nga nag-d-drive na siya pero halatang gusto niyang tumingin sa akin dahil sa narinig niya.

"Huh? Sino pa? Si Claui? Si Gigi?" Nang itanong niya iyon ay saka ko lang narealize na oo nga no? Siya lang ang nakakaalam ng feelings ko kay Giongco kung hindi lang ako umamin.

"Hindi."

Napasulyap siya saglit sa akin at kita ko ang pangungunot ng noo niya kahit na madilim na. "Luh sino pa? May iba ka pang bff?" Natawa ako at umiling not sure if nakita niya.

"Siya mismo," sagot ko after ilang minuto.

Dahil may stoplight ay malayang napatingin si Noah sa akin na nanlalaki ang mga mata dahil hindi makapaniwala.

"Paano niya nalaman? Hindi ako nagsabi ah." Tawang-tawa na ako sa pagiging defensive niya, wala namang naninisi sa kaniya pero kung makatanggi wagas.

"Weh, ikaw yata e!" pagsakay ko sa sinabi niya. "Maang-maangan ka pa diyan," dugtong ko pa.

Natahimik siya at mukhang nag-iisip. "Luh nasabi ko ba kay Niccholo? Nag-inuman kami no'ng nakaraan." Sira ulong 'to! Hindi pa sure! Kung sakali pala ipagkakalat niya talaga.

Hinampas ko agad ang braso niya kaya napa-aray siya at hinimas-himas iyon. "Hindi e, hindi ka naman namin napag-usapan no'n," pagtataka niya pa.

Nag-green na ang ilaw kaya naman back to pag-d-drive na siya. "Kung ako man, hala sorry Kaia! Sasabihin ko na lang na fake news ako." Halata naman sa boses ni Noah na sincere siya sa pagso-sorry niya at willing siyang gawin ang lahat para lang mabawi niya ang nasabi niya raw kay Niccholo na hindi naman nangyari. Hindi ko tuloy alam kung aaminin ko na ba na niloloko ko lang siya o hayaan siya kaso baka magsabi nga siya kay Niccholo at mas lalo pang kumalat ang tsismis.

"Joke lang, masyado ka namang guilty na madaldal ka." Hindi siya kaagad nagsalita na para bang may iniisip.

"Wait edi sino?" confused na tanong niya.

"Edi ako."

"Umamin ka?!" Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Hindi ko naman din siya masisi kasi hindi talaga kapani-paniwala 'yung nangyari. Dinapuan lang naman ako ng panandaliang lakas ng loob na iniwan din ako kaagad pagkatapos.

"Oo nga!"

"I'm so proud of you." Ganoon pa rin ang reaksyon niya, feeling ko kung pwede niya lang akong palakpakan, papalakpakan niya ako ngayon din.

"Anong sabi niya sa 'yo?" Mukhang nag-sink in na sa kaniya ang sinabi ko kaya mahinahon na ang pagtatanong niya ngayon.

"Wala yata, ayoko na alalahanin." Nahihiya ako lalo kapag naalala ko. As much as possible ayoko na ng rerun no'ng araw na 'yon sa isip ko kasi parang gusto ko na lang ipukpok ang ulo ko sa pader.

"Ngayon ka pa mahihiya, nagawa mo na nga edi lubusin mo na," payo niya pa sa akin na akala mo napaka-expert niya.

"Ayoko, sinabi ko lang naman 'yon para maka-move on na ako."

"Oh nakakakamove on ka naman ba?" pang-asar na tanong niya. Kahit hindi ko masyado kita pero pakiramdam ko may ngisi sa labi niya.

"Basta! 'Wag kang magulo. At please kung malalasing ka ngayong gabi 'wag mo akong tsi-tsismisin sa iba! Gagong 'to." Nag-promise naman siya na hindi raw talaga hanggang sa nakarating na kami sa club kung saan ginaganap ngayon ang victory party.

"Mag-text ka kung uuwi ka na at sino ang mag-uuwi sa 'yo. Kapag nakita ko agad, ako na maghahatid sa 'yo," bilin niya sa akin dahil nga sa nangyari no'ng salubong. Sinabi ko naman sa kaniya na kung gusto niya pa mag-stay hanggang madaling araw okay lang at ako na bahala kaya ayan i-text ko raw kung sino kasabay ko uuwi if ever.

***

Siguro dahil na rin iba ang vibes ngayong victory party kaysa no'ng salubong, mas at ease ako ngayon. Siyempre, no'ng salubong mag-s-start pa lang ang games kumbaga lahat pa kabado at busy sa kung anuman ang mangyayari sa buong season.

Ngayon, tapos na. Malaya na makapagsaya ang karamihan sa amin. Hindi naman natatapos ang pagiging atleta namin kapag tapos na ang PCAA season, pero para sa akin mas nakakagaan kapag tapos na. Ilang oras din kasi ang ginugugol namin sa training kapag mag-s-start pa lang ang season. Most likely mas matagal ang training hours kapag paparating palang kaysa kapag tapos na.

Lahat ng inaabot sa akin ni Ceres na tagay ay mabilisan kong pinapasa sa katabi ko na si Therese na wala namang pakialam at hindi napapansin ang ginagawa ko. Iinom naman ako pero baka mamaya na, medyo maaga pa kasi, sayang naman kung mahihilo na ako agad.

Buti na lang sa kalagitnaan, naisipan ng karamihan sa kanila na sumayaw muna. May mga naiwan din naman kagaya ko pero at least hindi ko na kailangan pang dayain ang mga inaabot sa akin. Kumuha na lang ako ng bagong bukas na beer at iyon ang ininom habang tinitignan ang mga nagsasayawan sa gitna.

Paminsan-minsan may mga lumalapit na galing sa ibang team para makipag-usap sa amin. May kakwentuhan akong taga-RVU na athlete, naglaro din siya no'ng finals pero hindi masyado, mas naglaro siya no'ng practice game kaya iyon 'yung pinag-uusapan naming dalawa, libero din kasi siya.

"Grabe, sobrang latest mo lang naglaro? Posible ba 'yon?" Natawa ako at nagkibit balikat na lang kasi hindi ko rin sure anong himala ang nangyari sa akin pero ayoko na i-kwestyon ang nga bagay-bagay lalo na't naging okay ako dahil doon.

Habang nag-uusap kami ay agad akong napaiwas ng tingin dahil nakasalubong ko ang nata ng taong ayoko sana makita ngayong gabi. May kausap din naman siya sa isang gilid habang may hawak-hawak ding bote ng beer.

Napainom din tuloy ako sa hawak ko.

Mayamaya lang din ay nakabalik na ang ilan sa mga teammate ko, nagpaalam na rin 'yung kausap ko na babalik sa table nila. Hindi pa rin ako makatingin sa kung nasaan man si Giongco, kasi ubos na nga ang tapang ko.

Busy ako sa pag-iwas at pag-s-strategize para maka-survive ako tonight nang hindi siya nakakausap kaya lahat tuloy ng inaabot sa akin ay iniinom ko hanggang sa hindi ko na namalayan na lasing na ako.

Sobrang saya ng pakiramdam ko, tawa ako nang tawa kahit walang nakakatawa. Doon ko na-realize na, may tama na ako.

Nagkukwentuhan kami ng nga teammates ko ng mga ganap namin sa training. Sino madalas na late, madalas pagalitan, sino 'yung maraming excuse at mga kagagahan na nagawa namin sa court.

Ultimo si Coach ginagaya namin kapag nagagalit siya. Active participation ako ngayon dahil quota ako sa galit niya this season. Aminado naman na ako doon.

"Baka makarating kay Coach 'yang video ko ha!" Maka-video kasi sila sa akin parang walang bukas, tapos itong si Ceres sobrang trip ako. Feeling ko siya talaga ang dahilan bakit ako lasing ngayon at bakit ang bigat na ng ulo ko.

"Quota na nga ako."

"Same!" sagot ni Zoe. Magaling maglaro si Zoe tapos every training niya lagpas 100 percent pa rin ang binibigay niya as if huling laro na ng buhay niya 'yon, pero madalas lang din talaga siya mapagalitan hindi dahil sa skills niya kung hindi madalas may issue siya.

Nito lang, nakita ni Coach na nakasuot siya ng RVU jacket sa laro ng boyfriend niya. Hindi naman siya pinagalitan pero parang nagkahinanakit si Coach dahil doon at alam ni Zoe 'yon. May pagkamatampuhin din kasi 'yon si Coach Rick hindi lang niya pinapahalata.

Tahimik lang akong tao pero 'pag lasing talaga ako doon ko nilalabas lahat ng ingay ko, kaya iniiwasan ko sanang malasing.

Kaso wala e, ito na e.

Sa kadahilanang hindi lang naman ako ang lasing, mayamaya lang din ay umiiyak na ang iba sa amin dahil nga ga-graduate na sila Ate Asmara. Malungkot pero hindi na ako nakiiyak baka mag-alala pa sila lalo sa amin na mga maiiwan sa team.

Sa halo-halong nararamdamn ko ngayon, dapat na akong umuwi.

To: Noah
Uwi njo

To:Noah
Inssntpk ns ko

Hindi ko na sure ang tina-type ko kasi doble-doble na ang nakikita ko at gusto ko na matulog pero hopefully ma-gets ni Noah, tutal self proclaimed bff for life naman siya.

Hindi naman ako nasusuka, ang bigat lang talaga ng ulo ko at ng mata ko. Naubos na rin ang energy ko sa katatawa at kasasakay sa trip ng mga teammates ko na nilubos-lubos nanaman ang pagkakataon dahil minsan lang nila ako malasing.

"Si Kaia? Ayon oh borlogs na," rinig ko ang boses ni Ceres pero hindi ko alam kanino niya sinasabi dahil wala akong narinig na sagot. Hindi ko na rin mamulat ang mata ko.

Mayamaya may gentle na tapik akong naramdaman sa braso ko. "Hmm?" agad kong tinaboy ang kamay na tumatapik sa akin paulit-ulit dahil nakakairita.

"Sabi mo uuwi ka na," rinig ko ang pamilyar na boses kaya bahagya kong minulat ang isa kong mata pero agad din sumara. Ang bigat ng mga talukap ko!

"Ikaw ba na-text ko?" Imposible, wala naman akong number niya. Sa facebook lang kaya kami nag-uusap kaya alam kong hindi ako na-wrong send. Hindi rin naman ako nagbukas ng data dahil wala ako no'n, hindi ako nakapagregister.

"No, but Noah told me." Bff for life daw! Traydor!

Naramdaman ko na pag-alalay niya sa akin patayo, wala na akong energy kaya hindi ako makapalag. Nakapikit na ako't lahat umiikot pa rin 'yung nakikita at nararamdaman ko. Itim na nga lang, umiikot pa rin, posible pala 'yon?

Hindi ko na alam saan kami nakarating, ang alam ko lang naririnig ko siya na nagpapaalam kay Ceres at sa iba ko pang ka-team.

Ano ba 'yan! Nakita nanaman ni Ceres, tsismosa pa naman ang position no'n sa team namin. Kukulitin nanaman ako no'n na may relasyon kami ng amoy mayaman na 'to kahit wala naman.

Sobrang jelly ng legs ko kaya for sure hirap na hirap siya kontrolin ang lakad ko pati na rin ang kaniya. Naalala ko tuloy 'yung injury niya. Nag-re-rehab pa yata siya until now tapos pinapahirapan ko pa.

Noah kasi e! Deserve talaga ma-unfriend!

"Wait, wait, upo muna tayo," pagpigil ko sa kaniya. Sumilip ako ng bahagya at nakitang nasa parking pa lang naman kami sa tapat, halos kalalabas pa lang namin ng club kaya umupo ako sa bakanteng parking block bago pa siya makapalag.

"Magpapaalis muna ako ng hilo," dugtong ko para hindi siya mahirapan bitbitin ako dahil nga may injury pa siya bonus na lang din na baka mamaya mas mahilo rin ako lalo kapag umandar na ang sasakyan.

Nakayuko lang ako dahil sa bigat ng ulo ko pero ramdam ko 'yung pagtabi niya sa akin sa parking block na inuupuan ko. Hindi ko napigilan na isandal ang noo ko sa balikat niya na parang inaakit ako kahit hindi ko nakikita. Ang bango-bango niya lang kasi talaga.

"Ang bango mo palagi," kumento ko. Nahihilo ako pero hindi ako nahihilo sa amoy niya.

"Because I did not change my perfume," sagot niya. Alam ko 'yon dahil tuwing kasama ko siya amoy ko siya. Kahit yata nakapikit ako alam ko na agad na siya 'yon dahil sa amoy niya. Unless maamoy ko rin 'yung mga may same na pabango ng kaniya.

"Oo nga e, bakit?" For sure marami naman siyang ibang pabango. 'Yung iba kasi, depende sa suot at mood 'yung pabango.

Si Claui, kapag colorful 'yung suot niya mga fruity scents sinusuot niya, kapag naman naka-dress siya mga flowery scents tapos kapag formal nasa elegant side 'yung scent na gamit niya.

Akala ko gano'n lahat.

"You like this one."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top