XXII

Chapter 22
#TTFwp

Nasa arena pa rin kami dahil siyempre kapapanalo pa lang and nag-ce-celebrate lahat tapos may ilan din na nagpapapicture kasama ako. Hiyang-hiya pa rin ako dahil hindi ko alam na aabot talaga sa point na 'to na may magpapapicture sa akin.

May mga kinausap din akong mga players from RVU kanina kaya hindi pa talaga kami nakakabalik sa waiting room namin. Hindi ko alam kung ngayon din agad ang press conference pero base sa nangyari last year, ngayon na rin ata.

Babalik na sana ako sa kung nasaan ang team nang pahintuin ako ni Ceres. May hawak siyang camera, disposable film camera yata 'yon, mahilig kasi siya doon.

"Smile, Kaia." Kagaya ng sabi niya ay ngumiti na lang din ako para naman may remembrance din ako ng araw na 'to.

Nang matapos si Ceres picturan ako, may isa pang humabol. Tinapat niya ang phone niya sa akin at hindi man lang bumilang para naman prepared ako.

"Oy!" reklamo ko pero kasabay no'n ang pagpindot pa rin niya sa phone niya nang maraming beses. Ano bang trip nito?

Nang ma-satisfy siya ay tinignan niya ang phone niya at nag-scroll sa mga nakuhaan niya. Tinignan ako ni Ceres nang mapanghinala bago siya kumindat at tumakbo na palayo.

Bakit ba laging si Ceres ang nakakakita sa amin nitong si Giongco. Asang-asa tuloy siya na magiging katulad niya ako.

"Oy, anong trip mo!" Lumapit ako sa kaniya at pilit sinisilip ang phone niya pero hindi ko maagaw dahil hawak-hawak ko pa ang bulaklak na binigay sa amin kanina. Itinaas niya lang lalo ang phone niya habang tinitignan ang mga kuha niya.

Ano ba namang laban ko sa height niya 'di ba?

Wala na siyang saklay ngayon, mukhang okay na talaga ang paa niya nang walang tulong no'n pero siyempre kailangan pa rin niya mag-ingat sa paglalakad niya.

"Bakit mo ba ako pinipicturan?" Kumakalabog ang puso ko sa thought na may picture ako sa phone niya at hindi lang 'yon isa.

Ano ba naman 'to nakikisabay pa sa bugso ng damdamin ko ngayong araw.

"Remembrance," sagot niya. Bakit kailangan niya ng remembrance ng mukha ko huh?

"Ng mukha ko? Talaga lang ha?" sarkastiko kong tanong habang sinubukan ulit silipin ang phone niya. Nakatingkayad na ako't lahat pero wala pa rin talaga.

"You just look so happy, Go."

"Tignan mo." Pinakita niya sa akin ang isa sa mga picture ko na kuha niya.

Tama nga siya. Ang saya ko roon. Hindi tuloy ako nakaimik kasi ang ganda ng kuha niya sa akin doon sa pinakita niya.

Parang hindi ko pasan-pasan ang mundo sa likod ko kagaya ng usual na istura ko.

"Isa pa nga dali," utos niya sa akin pero hindi ako kumilos at kinunutan lang siya ng noo. Tinuro niya pa ang pwesto ko kanina para papuntahin ako kaya dahan-dahan na lang ako pumunta roon.

"Bite your medal," utos niya pa ulit. Hindi ko napigilan ang matawa, hindi ko akalain na may ganito siyang side.

May stage mother personality pala siya? Okay na rin since wala sila Mama dito ngayon para magpicture sa akin.

"Daming alam!" reklamo ko pero kinagat ko rin ang medal ko kagaya ng inuutos niya sa akin. Hindi na rin ako nahiya mag-pose ng iba pa kahit na siya pa ang kumukuha ng picture ko. Hindi na ako na-conscious kahit na kumakalabog pa rin ang puso ko sa thought na phone niya ang gamit sa pagpicture sa akin.

"Ipost mo 'to." Nakakunot pa ang noo niyang namimili sa mga pictures ko. Napakadesisyon niya naman ngayong araw? Ano bang mayroon?

"Dami mong utos, feeling ten commandments 'yan?" pang-aasar ko sa kaniya pero busy lang siya i-mark ang mga picture, i-se-send niya na yata sa akin. I-de-delete niya kaya after?

"Walang laman IG mo, lagyan mo." Napairap ako kahit alam kong at the end of the day, susundin ko ang sinabi niya. I-po-post ko talaga 'yon! Ayon talaga ang dahilan kaya niya pinapapost ang picture ko ha.

"Iniistalk mo ako?" Umiling din siya agad sa naging tanong ko pero hindi ako naniwala.

"How can I stalk you? Wala ngang laman 'di ba?" masungit na sagot niya.

"E kung may laman?" pangungulit ko. Hindi niya ako madadaan sa pagsu-sungit niya tapos na ako diyan. Hindi na niya ako inimik ulit after at tumutok na lang sa phone niya.

Iniwan ko na lang siya dahil tinawag na ako ni Ceres para lumapit sa mga ka-team ko.

Mayamaya lang din ay kinailangan na kami para sa interview ng buong team. Hindi ko nga sure kung lahat ba kami kailangan doon kasi usually 4 players lang naman ang nakaupo kasama ni Coach Rick pero manonood pa rin naman kasi kami, sandali lang naman iyon.

Sinasagot lang nila 'yung about sa naging preparations ng team for the game pati na rin anong naging motivation at kung ano-ano pa about sa game. Hindi rin naman ganoon katagal ang naging interview kaya bumalik na rin kami para mag-ayos.

Supposedly may victory dinner kami for the team kaso sabi nila bukas na lang daw para madami energy since mga pagod na rin kami tapos 'yung iba kasama 'yung family nila ngayon and sa totoo lang gusto ko na lang matulog sa dorm. Ang tagal ko inantay ko ah.

Pabalik na kami sa bus nang makita na super dami pa ring mga fans ang nasa labas, may mga inaabot din silang mga regalo sa mga teammates ko. Nakakatuwa naman kasi sobrang  effort binibigay nila sa team namin.

"Paabot po kay Yayan!" Napalingon ako at ako pala kausap niya, nakaakyat na pala si Yayan sa bus kaya nginitian ko siya at kinuha ang mga paper bag na inaabot niya.

"Sayo po 'yung isa," sabi niya pagkakuha ko nung mga paper bag. Nginitian niya ako kaya nagpasalamat na lang ako kasi kailangan ko na rin pumasok sa bus.

Agad ko hinanap si Yayan at binigay ang paper bag sa kaniya. Binuksan ko ang kurtina para ituro sa kaniya kung sino ang nagbigay para makita niya tapos nag-heart sign na lang si Yayan sa fan niya na iyon, buti nakita niya na nakarating kay Yayan ang pinabibigay niya. Halatang super saya niya.

Ako rin masaya. Hindi ko in-expect na mabibigyan din ako. Sobrang nakakakilig habang nakikita ko ang paper bag, hindi ko pa alam anong laman pero parang damit or towel yata iyon.

Mamaya ko na sa dorm titignan.

Mabilis lang ang naging byahe ko pabalik sa dorm at ramdam na ramdam ko na ang pagod ko. Hindi ko kasi masyado dama kanina kasi grabe 'yung hype kasi siyempre nanalo kami and sobrang saya sa puso no'n habang nakikita ko 'yung dami ng tao na masaya rin para sa amin.

Naligo muna ako at nagpalit ng damit bago ako humiga sa kama ko. Binati ako ng roommate ko dahil nag-aaral pa siya nang maabutan ko.

Nagtitingin ako ng mga tweets about the game nang maalala ko 'yung mga pictures na sinend ni Giongco sa akin, 'yung mga kuha niya.

Hindi ko na pala siya nabalikan kanina, dahil sa mga ganap. Umuwi na rin siguro agad 'yon.

Kalila Go: Thank you pala kanina, hindi na kita nabalikan nakauwi ka na?

Mga nasa 5 minutes din bago siya nagreply.

Gianni Giongco: Congrats again, Go! And yup I got home already.

Ni-reactan ko na lang ng heart 'yon dahil wala na akong masabi. Medyo overwhelming pa rin sa akin na nanoood siya ng laro para sa akin, ramdam na ramdam ko 'yung suporta niya sa akin kanina.

Just when I exactly need it.

Nag-scroll ako sa mga pictures na sinend niya sa akin kanina. Ang saya ko lang talaga doon. I love that version of me kaya lang madalang lang 'yon mangyari but at least it's possible.

Pumili ako ng ilan doon sa sandamakmak na pictures and decided to post sa Instagram.

kalilago: First win, first post 💚 #Season76

Wala pang ilang minuto ay nilike na 'yon ni Giongco. Napangiti na lang ako nang makita ang notification na 'yon.

Nanonood lang ako ng mga highlights ng game kanina tapos everytime na may mag-co-comment sa post ko ng something ay binabasa ko. 'Yung mga nag-dm din sa akin na mga kakilala ko na nag-co-congrats ay nirereplyan ko kahit medyo inaantok na ako.

From: Mama
Congrats nak! Pinanood kta at proud kmi syo ng mga kptid mo

I don't know why pero nang ma-receive ko ang message na 'yon galing kay Mama ay parang automatic na naiyak ako. Akala ko wala pakialam si Mama, akala ko hindi nila naiintindihan kung anumang ginagawa at pinagkakaabalahan ko ngayon. Akala ko nasa isip nila ay kagaya ng sinabi ni Tita na kung ano-ano lang inaatupag ko.

Pero proud pala sila sa akin.

Tinanong pa tuloy ako ng roommate ko kung okay lang ako kasi parang may button na na-click tapos bumuhos lahat ng luha ko.

Siguro nga, at some point I was longing for that words. Kahit sabihin ko na hindi, sanay na ako, at okay lang may part sa akin na gusto ko pa rin talagang masabihan nang ganoon.

Hindi ako nakapagreply agad kay Mama pero thankful ako na sinabi niya 'yon kasi iyon 'yung gusto ko marinig mula sa kaniya.

***

"May dadaanan pa ako," sagot ko kay Gigi na nag-aaya kumain. Nakuha ko na ang cash prize and also incentive dahil nga champion kami kaya ipapadala ko na kayla Mama para mabayaran 'yung renta at para na rin panggastos nila. Hindi ko pa naman kailangan ng sobrang pera ngayon kaya kanila na lang. In fairness din naman kasi sa SHU, generous naman sila sa mga athletes nila, ine-effortan naman nila kami as well as 'yung mga sponsors lalo na kapag star player.

Okay naman talaga, okay pa sa okay. Siguro kung sakto lang ang pamumuhay namin at nakakaluwag naman kami sa buhay baka sobra-sobra pa ang natanggap ko. Pero sa ngayon, sapat naman para makapag-aral ako at the same time may maipadala ako kahit na wala na akong part time.

Dahil nga nanalo kami, may trip to Singapore din kami sa bakasyon pero baka hindi ako sumama, i-cash ko na lang dahil pwede naman daw. Masaya sana kasi bonding kasama ang mga teammates ko pero nakakaguilty kasi na sumama roon. Ewan ko ba pero minsan feeling ko hindi ko deserve 'yung mga ganiyang luxury. Hindi ko rin ma-e-enjoy, tsaka uuwi ako sa amin sa bakasyon para tumulong kay Mama sa pag-aalaga sa mga kapatid ko at tumulong din kay Tita para hindi na siya masaydo magbunganga o kaya sa akin na lang 'wag na kayla Mama.

"Ay ganun, okay bukas na lang." Nagpaalam na rin naman agad si Gigi sa akin kasi uuwi na raw siya. Naglalakd na ako papunta sa sakayan ng jeep para pumunta doon sa padalahan ng pera. Nagsabi naman na ako kay Mama na magpapadala ako, sabi ko na lang 'wag na banggitin kay Tita na galing sa akin.

Medyo malaki rin kasi iyong ipapadala ko kaya ayoko naman na mag-expect si Tita na padadalhan ko rin siya nang ganoong kalaki o ayoko isipin niya na malaki talaga kinikita ko ngayon. Ayos na na tingin niya sa akin wala akong pakinabang at pabigat lang sa nanay ko kaysa maabuso pa ako.

Kung mabait lang sa amin si Tita baka kahit konti ipipilit kong bigyan siya kasi deserve niya eh kaso hindi, kaya magbunganga na lang siya habang buhay. Nakakapagod lang siya.

Nang matapos ako makapagpadala ng pera, naka-receive ako ng message galing kay Giongco na nagtatanong kung asaan ako.

Weird, never naman siyang na-curious kung asaan ako pero sinagot ko pa rin.

Pagbalik ko ng SHU andoon na siya sa gate kung saan malapit ang dorm. Konti lang ang estudyante sa gate na 'to nang ganitong oras, nakaalis na siguro ang karamihan tsaka malayo kasi 'to sa main.

"Let's play volleyball," aya niya pagkalapit na pagkalapit ko sa kaniya. Nangunot ang noo ko at nalipat ang tingin sa paa niya. Mukhang okay naman na siya talaga.

"Kagagaling mo lang, sira." Tumingin siya sa paa niya at ginalaw-galaw iyon.

"Tsaka bakit ako inaaya mo? Saan mga teammates mo?" Never in my life na maiisip ko na maglalaro kami ni Giongco ng volleyball though magandang opportunity rin 'yon kasi duh ang galing naman niya kasi talaga maglaro.

"They won't allow me." I scoffed. Eh malamang hindi talaga, nag-re-rehab pa nga yata siya tapos gusto na niya maglaro.

"So akala mo papayag ako?" Tumango naman siya agad kaya inirapan ko. Pero on the side note, baka na-mi-miss na niya kasi maglaro kaya from the moment na feeling niya ay okay na siya, the first thing na gusto niyang gawin ay maglaro.

Grabe, baka hanggang panaginip naglalaro ng volleyball ang isang 'to. Mas nagkaka-energy yata siya kapag naglalaro siya ng volleyball kaysa mapagod eh. Paano niya kaya na-survive 'tong injury na 'to nang hindi nanghihina?

"Hindi rin ako payag, baka mapano pa 'yang paa mo. Mas lalo kang 'di makapaglaro sige ka." Mukhang disappointed naman siya sa naging sagot ko sa kaniya. For a moment, gusto kong mag give in at makipaglaro na lang sa kaniya dahil talagang halata na gusto niya kaso para sa kaniya rin naman kaya hindi ako pumayag.

"Alam ko na. Magbilyar na lang tayo," aya ko sa kaniya. Magaling din naman siya magbilyar e. Hindi siya agad sumagot at napaisip muna kung papayag siya o hindi pero kalaunan na-realize niya na hindi talaga ako papayag sa volleyball. Okay lang din naman kung magbibilyar na lang kami ah.

Never pa ako nag-aya na magbilyar, laging si Noah lang ang humahatak sa akin pero para sa kaniya sige.

"But when I'm fully recovered, maglalaro tayo." It sounded like a statement nang sabihin niya iyon pero pumayag pa rin ako. Wala namang kaso sa akin kung maglalaro kami, in fact gusto ko nga rin. For sure marami akong matututunan sa kaniya kapag naglaro kami.

"Sige ba," pagpayag ko agad-agad.

"Basta fully recovered ah. Ayoko magkipaglaro sa hindi kondisyon," I joked kaya tumango naman siya looking so determined dahil sa pagyayabang ko.

I smiled to myself

You'll be able to play again, Giongco.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top