XXI

Chapter 21
#TTFwp

"I won't judge, Kaia." Pero sa tono ng pagsasalita ni Noah ay parang na-judge na rin naman niya ako.

"Dapat pala nagtatampo ako ngayon kasi hindi ako unang nakaalam, sa iba ko pa nalaman." Napakapaniwalain naman nito sa fake news. Mukha ba akong may time sa ganoon? Oo, may gusto ako kay Giongco pero hindi ko nga in-e-entertain ang feelings ko sa kaniya e. Ang dami ko nang problema, ayoko na dagdagan.

I mean, hindi naman si Giongco ang problema, pero baka lang kasi maging problema. Halimbawa maging problema sa iba lalo na't sikat si Giongco. Ayokong may masabi tungkol sa akin and at the same time ayokong may masabi sa kaniya ang mga tao.

"Magkaibigan lang kami no'n," mahinahon kong sagot kasi hindi ako seseryosohin nito ni Noah kapag pinagtaasan ko siya ng boses at nagtunog defensive.

"Weh? Hindi 'yan ang narinig ko." Aba mas paniniwalaan niya pa ang narinig niya kaysa sa akin!

"Kanino mo ba 'yan narinig?" Hindi siya sumagot, ibig sabihin wala siyang balak na sabihin sa akin kung kanino niya nalaman ang fake news na iyon.

"Basta magkaibigan lang kami, as if naman magiging kami no," paliwanag ko. Tinignan naman ako ni Noah nang mapanuri nang sabihin ko iyon.

"Ano nanaman?"

"Crush mo?" Natameme ako nang itanong niya 'yon. Gaano ba kalakas ang radar ni Noah sa akin?! Sa pagkakakaalam ko minsan lang naman kami mag-usap tungkol sa mga buhay namin, mas madalas pang puro kalokohan lang ang pinag-uusapan namin.

Hindi ko alam na ganito niya ako kakilala.

Tumawa siya ulit. "Crush nga," tatango-tango niya pang sabi nang ma-confirm niya sa itsura ko iyon kaya inabot ko siya para hampasin.

Hindi nga namin pinag-usapan ang problema ko pero napunta naman kay Giongco ang usapan, ewan ko kung mas gugustuhin ko ba 'to o ano e.

Nagtanong siya kung paano nagsimula, paano kami naging close at kung ano-ano pa. Wala na akong nagawa kung hindi i-kwento sa kaniya kasi alam na rin naman niya. Hindi naman madaldal si Noah pagdating sa mga ganiyan sa pagkakaalam ko kaya alam ko naman na hindi niya sasabihin kay Giongco, although malaki ang chance na aasarin niya ako madalas about doon kapag magkasama kami.

"Gusto mo ilakad kita?" alok niya. Ayan na, nag-uumpisa na siyang mang-asar.

"No thanks," agad na sagot ko. Kagaya ng sabi ko, wala naman iyon sa priority ko. Kung may choice lang ako hindi ko naman pipiliin na magkaroon ng feelings kay Giongco e kaso ganoon talaga, we tend to be attracted to those we can't have.

"Para nga kapag kayo na, papalakad ako kay Ilanna." Nabaling ang atensyon ko sa kaniya nang sabihin niya 'yon.

"Ano kamo?" natatawang pagpapaulit ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.

"Hindi ko alam na ganoon mo siya ka-gusto ah!" Once lang naman namin napag-usapan si Ilanna, akala ko basta type niya lang. Hindi ko akalain na talagang gusto niya sa ganoong level si Ilanna.

"Joke lang e, mapagpatol ka naman." Inirapan ko siya dahil hindi ko na alam kung ano ba talaga ang joke.

"Inaaliw lang kita kasi badtrip ka," dugtong niya pa. Totoo man ang sinabi niya o hindi, thankful pa rin ako kasi kahit papaano, nalibang din naman talaga ako dahil sa kaniya.

Binabawi ko na ang sinabi ko noon, hindi ko na i-FO 'tong si Noah.

***

Blinock ko ang number ni tita para sa peace of mind kahit hanggang matapos lang ang season. Sinabihan ko na rin ang mga kapatid ko na kapag kinulit sila ni tita tungkol sa akin ay sabihin nila wala silang alam, totoo naman kasi rin na wala naman talaga silang alam.

Ayoko na maulit ang nangyari last training. Kailangan ko bumawi dahil sa nalalapit na game 2 kaya hindi ko talaga need ang distractions mula sa kahit na ano at kahit na sino.

Maayos na ang performance ko sa training ngayon kahit pagod na pagod na ako dahil magdamag na kami nag-t-training. Half kasi ay nasa gym kami at nag-w-weights or nag-wo-work out tapos other half naman ngayon is naglalaro na kami tsaka mga drills gamit ang bola.

"Parang okay ka na ah," bati ni Jamie at tinapik ang braso ko. Nginitian ko siya at tumango. Halata pala talaga nila na hindi ako okay noong nakaraang training.

"Buti naman, nag-alala kami sa 'yo." Na-touch ako sa sinabi niyang iyon. "May nangyari lang, pasensiya na kayo." Umiling naman siya at tinapik ulit ang braso ko.

Dahil maganda ang naging play ko ngayong training ay tinignan ako ni Coach Rick at tumango-tango. Ewan ko kung disappointed pa ba siya sa akin dahil hindi niya rin ako kinausap ngayong training o baka hinahayaan niya lang muna ako dahil okay naman na ako.

Gusto ko sana mag-sorry sa kaniya but at the same time ay nahihiya rin ako kaya after na lang siguro ng game ako mag-so-sorry and hopefully maging maayos ang play ko at manalo kami that day.

Dumating na ang araw ng game 2 na sana ay last na. Super dami ng tao na common naman na kapag championship tsaka dahil SHU vs RVU nanaman ang naglalaban. Pangatlong beses na yata ito na laban ng SHU at RVU sa finals.

Compared sa previous game, mas chill ako ngayon, hindi ko alam kung dapat ikatuwa ko o hindi na hindi ako masyadong kinakabahan ngayon.

Siguro andoon kasi ako sa point na gusto ko na lang 'to matapos. Siguro 85% kung bakit gusto ko manalo ay para wala nang game 3 tapos 15% lang doon ay gusto ko manalo kasi siyempre masaya manalo tsaka para worth it lahat ng pagod plus may dagdag allowance din kasi kapag may medal and 'yung cash prize din from sponsors.

Habang palabas na kami sa may court ay kausap ko lang si Ate Asmara about sa mga strategy namin. May mga pino-point out rin siya sa akin kada play namin. Depende kasi kay Yayan mostly talaga ang play namin kaya dapat alam namin pare-pareho ang gagawin niya.

"Okay lang, Ate. Palo ka lang ba-back up agad ako." Hindi ko rin alam saan ko kinukuha ang confidence ko for today's game pero I swear, gagawin ko talaga ang lahat para ma-back up-an ang mga ka-team ko.

Last year na ni Ate Asmara kaya gusto ko rin manalo kasi for sure 'yun ang last goal nila bago umalis ng SHU team.

"Oo talaga! Alam ko naman isasalba mo ang bola," siguradong sagot niya sa akin.

Nag-start na kami mag warm-up with foot drills tsaka kung ano-ano pang drills bago mag-start ang game proper.

Naloka ako sa panonood sa setter ng RVU at the same time namangha rin ako sa kaniya kasi hindi talaga basta-basta nababasa ang set niya. Magkandahilo ka na lang bago ma-predict kung sino ang papalo sa mga spikers.

Buti na lang may Yayan kami. Matalino rin kasi maglaro si Yayan. Hindi rin basta nakikita ang pattern niya sa pag-se-set and gamit na gamit niya lahat ng spikers namin. Lahat pumupuntos na kahit mag-sub pa ay okay lang. Parang kabisado niya lahat ng set na akma sa mga spikers. Nakakabilib din talaga.

Kalaunan ay pinasok na rin ako ni Coach Rick sa laro.

Kagaya ng lagi kong ginagawa, habol lang nang habol sa bola hanggang sa nauna na kaming umabot ng 20s mark pero ilan lang naman ang lamang namin sa RVU. Kaunting mali lang mahahabol nila agad kami.

Matatapos na ang unang set pero litong-lito pa rin kami sa mga set ng setter ng RVU, nahihirapan na rin ang mga blocker namin dahil hindi nila ma-tyempuhan talaga.

Parang ilang taon ang nababawas sa buhay ko kada mag-se-set si Suarez. Agad akong tumakbo nang makita ko na hindi ma-b-block ni Zoe ang atake dahil walang nakabasa sa play ng kabila.

Kinabahan ako dahil sa tantya ko nahuli na ako ng takbo kaya sa sobrang pagkadesperada ko ay inabot ko gamit ang paa ko ang bola at buti na lang na-save ko iyon.

Muntik na 'yon!

"Nice one!" bati sa akin ni Ceres bago sinet na ni Yayan ang bola na agad ini-spike ni Zoe.

Grabe! Binawian niya agad ang RVU dahil sa na-miss niyang i-block.

Sa tuwa naming lahat nang makapuntos ay nilapitan namin si Zoe. "Nice kill!"

Nakuha namin ang 1st set kaya lang hindi kami pinalad na makuha ang pangalawa.

Best of 5 ang game kaya ramdam ko na ang kapaguran dahil for sure masasagad na ang laro hanggang 5th set.

3rd set ay nakuha namin pero pagod na pagod na ako. Nilalabas naman ako ni Coach from time to time pero grabe pa rin ang pagod ko. Ni hindi ko na nga pinapakinggan si Coach Rick habang time out at may sinasabi siya sa amin e. Palagay ko wala na ring nakikinig sa kaniya masyado.

Naghiyawan ang mga tao habang time-out pa kaya nagtaka rin kami kung ano bang mayroon. May sinasabi ang mga commentators kaya napatingin kami sa monitor sa may taas.

Agad akong siniko ni Ceres. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Napakabilis talaga ng isang 'to sa mga ganiyang bagay.

Pinakita kasi si Giongco sa monitor. Nanood pala ulit siya, malay ko kung ako ba ulit ang dahilan. Hindi naman kasi siya nag-me-message sa akin.

Not sure kung kikiligin ba ako o ma-co-conscious dahil nanonood siya but I think the best thing I could do is alisin sa isip na nanonood siya. Mas okay na 'yon kaysa sa kung ano pang emosyon ang maramdaman ko.

"Welcome to the club na talaga, Kaia." Kinindatan pa ako ni Ceres bago kami nagsibalik sa court dahil tapos na ang time out.

Para kaming pinaglalaruan dahil hindi pa namin nakuha ang 4th set. Sinasabi na nga ba ay aabot talaga 'to ng 5th set. Mukhang ayaw na rin ng mga ka-team ko dahil nakailang reklamo na rin sila sa referee dahil sa mga bad call nito.

Gusto niya yatang umabot pa talaga ng 5th set hangga't maaari e.

Enjoy na enjoy ang mga nanonood pero paano naman ako na pagod na pagod na?

Hingal na hingal na ako habang nakaabang sa service nila, kahit gusto ko na lang lumupasay sa gitna ng court ay naging alerto pa rin ako kasi mahirap na baka malingat lang ako makapuntos na ang kabila. Sobrang importante pa naman ng bawat puntos lalo na kung hanggang 15 na lang tapos championship pa.

Hindi ko na nga maipaliwanag lahat ng nararamdaman ko ngayon.

Maayos naman ang pagkaka-serve ng kabila pero mukhang pagod na rin sila dahil hindi na kasing tusok ng mga service nila kanina ang service ngayon.

Pagod na sila, pero pagod na rin kami kaya namali ng dig si Therese kaya paspasan ang pagtakbo ko at buti na-pancake ko iyon.

Nag-sorry si Therese pero wala lang naman 'yon, lahat naman kami may moments na gano'n, kaya nga kami magkaka-team e para may sasalo sa amin if ever magkamali kami.

Nagtuloy-tuloy na ang rally kaya palakas nang palakas ang hiyawan at ang tunog ng drums. Palakas nang palakas na rin ang kabog ng dibdib ko.

Mag hunos dili naman kayo! Parang sasabog na puso ko.

Malapit na matapos ang laro na naghahabulan lang ng score kaya hindi ko na rin alam anong score matatapos dahil for sure hindi sakto 15 ang tapos nito dahil nga ang bilis lang nahahabol ang mga score.

Feeling ko magdudugo na ang labi ko habang nakaabang sa mangyayari sa pag-se-set ni Yayan dahil isang puntos na lang panalo na kami. Ready na tumalon si Ate Asmara nang i-dump ni Yayan ang bola sa kabilang net.

Hindi ko inaasahan iyon, at mukhang hindi rin inaasahan ng kabila.

Napatalon ako nang ilang beses dahil panalo na kami. Ni hindi ko na narinig ang pito ng referee, basta alam ko na na panalo kami.

Legit ba 'to?!

Grabe! Parang kailan lang hinihiling ko lang na sana makaranas man lang ako ng panalo sa buong 4 years ko sa SHU tapos naranasan ko agad sa 2nd year ko pa lang.

Napaiyak na lang din ang mga senior namin kasi siyempre, ga-graduate silang panalo. Ako rin kaya ga-graduate na champion?

Saka ko na i-wi-wish 'yon. For now, magsasaya na lang ako kasi panalo kami at wala na munang training! Makakapahinga na ako.

Nagyakapan kami ng mga teammates ko. Niyakap ko sila Ate Asmara kasi super deserve niya 'tong pagkapanalo na 'to. Alam namin lahat 'yung pinagdaanan niya this season, lahat ng stress, pressure, anxiety at lahat ng klase ng pagod.

"I'm super proud of you, Kalila," bati niya sa akin at tinap niya pa ang likod ko and sobrang okay na ako kahit 'yon pa lang ang naririnig ko. 'Yung validation from her ay sobra-sobra na para makapagpasaya sa akin.

I don't have my family now para magsabi sa akin na proud sila sa akin and also hindi naman nila ako nasubaybayan from the start pero 'yung mga teammates ko alam nila at nakita nila lahat kung paano ako nagsimula at kung paano ako nag-improve hanggang sa unang talo ko at ngayon 'yung unang champion ko.

Hopefully, sa susunod marinig ko na rin sa pamilya ko na proud sila sa akin.

"I'll still watch you sa last 2 playing years mo ah kaya keep it up." Tumango naman ako. Hoping I'd still be with the team for my last 2 years.

Ginawa na namin lahat ng after game ceremony and also awarding of course.

I'd forever remember this moment. This surreal moment that a gold medal is hanging on my neck.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top