XV
Chapter 15
#TTFwp
Kagagaling ko lang sa waiting room nila Noah nang mapadaan ako sa waiting room ng West Hill men's volleyball team.
Napahinto ako roon at napatingin lang. Sayang. Dapat andito si Giongco ngayon pero at least nakauwi na siya ngayon at nagpapagaling na lang amd for rehab na lang.
Paalis na sana ako nang lumabas si Niccholo Antonio. Kumaway siya sa akin at nginitian ako kaya nginitan ko na lang din siya pabalik dahil baka isipin niya suplada ako kapag hindi.
"Gianni's on his condo." Hindi ko alam bakit niya sinasabi sa akin, hindi ko naman tinatanong at hindi ko rin naman kalangan malaman. Maloko siyang nakangiti sa akin kaya hindi ko alam kung may pinapahiwatig ba siya sa akin na hindi ko masundan.
"Oo nga raw," sagot ko na lang. Hindi naman kami close nito, no'ng nagkita kami sa ospital, hindi rin naman kami nag-usap masyado.
Tumango naman siya. "Ah right. Siyempre alam mo na." Malawak lang ang ngiti niya sa akin na para bang ang saya-saya niyang makita ako which is weird.
"Anyway, goodluck Kalila." Nginitian ko na lang siya ulit bago kumaway na para umalis dahil hindi ko na rin talaga alam ang sasabihin ko sa kaniya at the same time ayoko na rin i-goodluck siya dahil no'ng huli ko 'yong ginawa ay nanalo sila.
Hindi ko naman sinasabi na nakasalalay sa goodluck ko ang scores pero 'wag na lang siguro dagdagan pa ang swerte nila but hopefully, walang ma-injure during the game.
At sana gumana 'yung goodluck niya sa amin.
Bumalik na ako sa loob dahil malapit na magsimula ang men's volleyball. Hindi ko alam kung malaking pagbabago ba kung wala si Giongco, ang sabi kasi lahat naman daw ng nasa West Hill magagaling na kahit may wala, hindi raw malaking problema iyon sa kanila. Kaya rin siguro talagang laging nasa-top ang team nila kasi hindi talaga nila inaasa sa isa lang ang pagkapanalo nila which is tama lang dahil team game ang volleyball. Hindi naman uubra na may isang magbubuhat lang.
Sana manalo sila Noah para may 3rd game pa. Ilang taon na rin no'ng nakapasok SHU men's volleyball sa finals. Ang saya lang kung makapasok sila tapos makapasok din kami. For sure tuwang-tuwa na ang mga taga-SHU kapag gano'n ang nangyari pero mas fulfilling kung andiyan si Giongco.
Bakit kasi ang galing no'n?
Kahit na wala si Giongco, maayos at planado pa rin ang play ng West Hill. Totoo nga ang sabi nila, hindi rin naman ramdam kapag may isang kulang sa kanila. Siguro kung wala rin si Niccholo Antonio, doon lang mapapansin na may nagbago pero ngayong si Giongco lang ang wala, parang wala lang.
Sa pagtagal ng panonood ko, gets ko na kung bakit volleyball gem ang tawag nila kay Niccholo. Kahit saan mo yata siya ilagay, magaling siya. Kung sa pag-se-set lang naman, may magagaling din sa ibang team pero 'yung kagaya niya na magaling sa lahat, bihira yata 'yon.
First set pa lang pero nauungusan na ng West Hill agad ang SHU. Ang suporta ko ay nasa SHU pero ang galing lang din talaga ng West Hill. Ang solid talaga ng play nila.
Hindi talaga nila kailangan ng goodluck, kasi kayang-kaya na nila talaga ang mga sarili nila.
Siguro naghanda rin talaga sila nang husto knowing na injured si Giongco. Ano kayang klase ang training ng mga 'to? Or baka sadiyang talented lang talaga sila.
Ang ingay na sa buong venue. Mukhang matatapos ng West Hill ang laro ng dalawang set lang. Mukhang ayaw na nila maulit 'yung first game na konti na lang ay kuha na nila, tapos hindi pa natuloy. If ever na natalo pa sila last game mas masaklap iyon para sa kanila.
Natapos ang men's volleyball na napailing na lang si Coach Rick dahil talo nanaman sila Noah. Nakakapanghinayang pero hindi rin kasi talaga maitatanggi na deserve naman ng West Hill.
Tinawag na kami ni Coach Rick para maghanda at ang paulit-ulit na litaniya niya bago ang laro siyempre pati reminders na rin.
Hindi ako masyado kinakabahan ngayon, siguro after no'ng first game namin ay medyo tumaas ang confidence ko sa sarili ko pero siyempre hindi naman ako pakakampante, mahirap na no.
Palagay ko naman makatutulong naman sa paglalaro ko ang kaunting confidence na na-gain ko. Sana talaga makuha namin ang laro ngayon.
Nag-chant lang kami tapos ay lumabas na rin kami at nag-warm-up.
Pinapaluan lang ako ni Therese ng bola habang nag-s-start na ang telecast at nag-s-start na ang mga court side reporter sa kaniya-kaniya nilang spiel.
"Sobrang bilis mo mag-improve, Kaia," bati ni Ate Asmara sa akin at tinapik ang balikat ko. Mas lalo tuloy akong na-motivate na mas galingan pa dahil sa mga salitang 'yon ni Ate Asmara.
"For sure linis ang court natin sa 'yo," kumento pa ni Yayan sa akin. Natawa ako at nailing. Ayan talaga ang way nila para ganahan kaming lahat maglaro and I can say effective rin naman kasi talaga.
Kapag grumaduate sila feeling ko malulungkot ako. No'ng pumasok ako sa team siyempre isa ako sa mga pinakabata sa team. Sa team ko naranasan na kahit papaano ay dumepende sa iba, humingi ng tulog kapag kailangan ko, magpaturo kapag hindi ko alam gagawin o kapag hindi ako sigurado sa ginagawa ko. Alagang-alaga kami sa team pati no'ng mga seniors last year.
Dito ko lang sa team naranasan na maging bunso, 'yung may aalalay sa akin kapag nahihirapan na ako. Sa bahay kasi siyempre ako panganay kaya sa akin nakadepende ang mga kapatid ko. Wala namang problema sa akin pero minsan lang talaga nakakapagod din.
Minsan na-gui-guilty nga ako na wala ako roon, hindi nila ako kasama ngayon pero para din naman sa kanila kaya ako nandito at nagpupursigi.
Tama, para sa kanila 'to.
***
"Tapos na me, ikaw?" Tumango ako at nagsimula nang magligpit ng mga gamit ko sa table. Sabay kasi kaming gumawa ni Gigi ng assignment dahil tinuruan niya rin naman ako. Kumain lang kami ng dinner nang mabilis tapos tinuruan niya ako kaya tapos na kami ngayon.
Nag-compare muna kami ng mga sagot pero pareho naman kami kaya pinagkatiwalaan na namin na tama iyon. Hindi kasi namin sure kung pareho ba kami ng sagot dahil iyon 'yung tama o baka dahil siya ang nagturo sa akin kaya pareho ang kinalabasan pero hindi na namin in-overthink iyon.
"Dito na ako sasakay beb, maglalakad ka na lang ba pabalik sa school?" tanong niya kaya tumango ako. Magga-gabi pa lang naman kasi kaya marami pang estudyante.
"Edi samahan na lang pala kita pabalik." Umiling naman ako sa kaniya. Okay lang naman dahil marami pang mga naglalakad na estudyante.
"Hindi na kailangan ano ka ba!"
"Baka mapano ka, baka madapa ka bigla," natatawang sabi niya pero inirapan ko lang siya kaya kumaway na siya sa akin dahil may paparating na jeep na sasakyan niya.
"Ingat ka." Kumaway na lang din ako. Nang makalayo na ang jeep na sinakyan niya ay nagsimula na akong maglakad pabalik sa school.
Habang naglalakad ako ay napahinto ako sa may pedxing. Tinignan ko nang mabuti kung si Giongco talaga ang nakikita ko sa waiting shed sa kabilang side.
Mukhang siya nga dahil may saklay sa tabi niya at maraming nakakapansin sa kaniya na mga dumadaan din. Mukha lang siyang bored na nag-aantay roon kaya tumawid ako papunta sa kung nasaan siya. Mukhang wala rin kasi siyang kasama.
Tumabi ako sa kaniya pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Natawa ako dahil wala talaga siyang pake sa paligid niya.
"Hi." Napalingon na siya sa akin at medyo nabigla pa siya nang makita ako.
"Sino hinihintay mo?" tanong ko dahil mukhang wala nanaman siyang balak magsalita.
May ilan pa rin talagang tumitingin sa kaniya habang andito siya sa waiting shed. Grabe, hindi pa ba nasasanay ang mga taga-West Hill na nakikita siya. Sabagay, kung si Claui nga rin ay ganiyan.
"Grab."
"Walang magsusundo sa 'yo?" Ang alam ko kasi sila Niccholo at Teigan ang tumutulong sa kaniya. Pati si Ilanna. Lahat naman sila may kotse yata.
"No one. Busy sila sa training," sagot niya. Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Wala namang kakaiba nang sabihin niya iyon dahil minsan lang naman magbago ang tono ng boses ni Giongco. Madalas default mode lang iyon. Pero naisip ko gusto niya na rin mag-training ulit.
"Malungkot ka?" tanong ko. Nag-lean forward pa ako para makita ang itsura niya. Nakatingin kasi siya sa kawalan e.
Lagi ko siyang tinatanong kung malungkot ba siya kasi feeling ko nahihirapan siya na i-express 'yung sarili niya kasi ang tahimik niya lang. I mean wala namang sapilitan kung ayaw niyang sabihin o ipakita sa akin ang nararamdaman niya, gusto ko lang alam niya na okay lang naman 'yon at normal lang na malungkot sa mga ganoong bagay.
"Bakit naman?" tanong niya pabalik.
"Kasi hindi ka makapag-training." Pakiramdam ko kasi siya 'yong tipong nanghihina kapag hindi nakaka-training. Parang 'yung iba akong ka-team na parang hindi makahinga kapag hindi nag-t-training. Hindi katulad ko na parang inapi na kapag sa training.
"It's fine though."
"Pero malungkot nga?" Binalik niya na ang tingin niya sa akin.
"A bit," pag-amin niya.
"Pinanood mo ba 'yung laro niyo laban sa amin?" Tanong lang ako nang tanong sa kaniya kasi feeling ko wala siyang balak magsalita hangga't hindi ko siya kinakausap. Gold yata ang laway niya e.
Or baka may scarcity. Malay ko.
Umiling siya bilang sagot sa akin. "Panoorin mo. Ang galing ng team niyo." Sumandal ako at humalukipkip nang sabihin ko iyon.
"I thought you're a loyal Helenian?" May kaunting ngisi na sumilay sa labi niya nang sabihin niya iyon. Tignan mo 'to, pinagtatawanan pa yata ako. Pinupuri na nga sila e.
"Oo nga. Team SHU hanggang mamatay pero bawal bang i-acknowledge kayo? Lugi ka pa ha?" Imbis na sumagot ay tuluyan na niya akong tinawanan. Naging isang straight line na lang ang mga mata niya dahil sa pagtawa niya. Ang saya ha.
Kung palaging ako ang dahilan kaya siya tatawa nang ganiyan ay mas mabuti nang sumimangot na lang siya habang buhay.
"Bakit hindi mo pinanood 'yong laro? Ayaw mo?" Umiling naman siya sa sinabi ko.
"Just busy with school, absent ako nang matagal plus 'yung mga araw na excused pa ako and also inaasikaso ko 'yung rehab ko para sa injury ko." Sabagay, kung ako nga na ilang klase lang ang na-skipan nahihirapan pa rin maghabol, siya pa kaya na ang tagal na absent.
"I watched your interview though." Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniya na nakatingin na sa akin at inaantay ang reaksyon ko.
Andiyan nanaman ang ngisi sa labi niya.
"Sa lahat naman ng panonoorin mo 'yon pa." Hindi ko ine-expect na ang first postgame interview ko ay magaganap sa game namin laban West Hill. Hindi ako prepared pero simple lang naman ang mga tinanong sa akin tsaka hindi naman kailangan mag-english kaya feeling ko naitawid ko naman.
Grabe talaga. Hindi ako masyado kinabahan noong laban pero grabe ang kabog ng dibdib ko nang interviewhin ako. Nakakahiya pa nga dahil 'yung unang tanong ay hindi ko masyado maintindihan dahil sa ingay tapos sobrang kaba ko nag-o-overthink ako kaya hindi nag-sink in ang tanong sa akin. Pinaulit ko pa tuloy. Nakakahiya.
"You're making fun of mine so I watched yours." Halata sa mukha niya na inaasar niya ako kasi pinipigilan niya ang ngiti niya.
'Yung mata niya mawawala na nang tuluyan kapag hindi niya 'yan pinigilan.
"First time ko kaya." Palibhasa kasi, first year pa lang siya na-interview na siya kaya nasanay na siya. Tsaka hindi ko naman pinagtawanan ang kaniya, sabi ko lang hindi man lang siya ngumiti. Bagay nga sa kaniya maging lawyer kung 'yon man ang dahilan kung bakit siya nag-polsci.
Natahimik na ako at sinamahan na lang siya na antayin 'yung grab niyang naligaw na yata ng landas.
"Babalik kang SHU?" Siya na ngayon ang nagtanong. Improving.
Tumango naman ako bilang sagot. "Why?"
"Technically, doon ako nakatira."
Tumango-tango siya. "Oo nga pala." Natawa ako nang sabihin niya iyon pero thanks na rin sa effort niyang magtanong sa akin ah at kausapin ako.
"Doon ang sakayan." Tumuro pa siya sa kabilang side kaya tumango naman ako. "Alam ko." Kumunot ang noo niya.
"Sinasamahan lang kita, lalakad na rin ako pag-alis mo." Hindi na siya nagsalita nang sabihin ko iyon at tahimik kaming nag-antay.
"Saan na ba grab mo, naligaw na yata." Tinignan niya ang phone niya at 6 minutes away na lang daw iyon kaya tama lang na hintayin ko na.
"Go," pagtawag niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Want to watch the game with me? I have my laptop here." Napakurap ako ng ilang beses sa pag-aaya niya.
"Okay lang. Kaso parating na grab mo e." Na-realize ko na baka gusto niya ng kasama manood kasi baka malungkot lang siya kung mag-isa lang niya panonoorin ang game na dapat nandoon siya.
Hindi ko rin kasi masabi kung ano ba talagang nararamdaman ni Giongco. Mukha naman kasing okay lang sa kaniya pero naiisip ko na may part pa rin sa kaniya na nanghihinayang kasi hindi siya makakalaro this season. 4 years na nga lang ang maximum playing year sa PCAA nabawasan pa ang kaniya.
"There's coffee shop sa baba lang ng condo, if gusto mo lang." Nag-aalangan ang tanong niya pero may pagka-hopeful din ang tono. Hindi niya rin ako matignan habang sinasabi niya iyon. Baka kaya rin hindi niya pa pinapanood ang laro dahil wala siyang kasama manood. Gusto yata talaga ng may kasama kaya pumayag na ako.
"Sige ba." Tapos naman na ako sa assignment ko at wala naman na akong ibang gagawin sa dorm.
Napanood ko na ang buong laban pero okay lang naman sa akin kung panonoorin ko ulit kasama niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top