XIV
Chapter 14
#TTFwp
Nasa waiting shed lang ako at tinitignan ang mga jeep at bus na puno. Kung keri ko lang sumabit baka sumabit na lang ako sa jeep dahil wala talagang masakyan.
Ang dami ko ring kasama sa waiting shed na nag-aantay rin ng pwede nilang sakyan.
Kita rin mula dito ang traffic na namumuo sa hindi kalayuan. Grabe naman. Anong oras na bakit ganito pa rin ka-traffic.
Nang tignan ko ang phone ko para sa oras saka ko lang na-realize na Lunes nga pala ngayon kaya ganiyan.
Hindi pa naman ganoon kalapit sa West Avenue itong ospital, anong oras pa ba ako makakabalik sa school?
Hindi rin nagtagal ay umambon pa, may bubong naman ang waiting shed kaso mas lalong mag-ta-traffic kapag umulan.
Ang malas naman.
Parami lang kami nang parami sa may waiting shed dahil wala talagang masakyan. Palagay ko mula sa terminal pa lang punuan na talaga, ano pa kaya pagdating dito.
Napatingin ako sa langit at parang kumikidlat na sa ibang lugar dahil umiilaw iyon kahit na wala namang tunog. Huminga ako nang malalim at tumayo bago naglakad pabalik sa ospital.
Doon na lang ako kaysa antayin na lumakas ang ulan sa labas.
Muli akong umakyat sa kwarto ni Giongco. Hindi ko sure kung tulog na ba siya o ano pero kumatok ako nang ilang beses ulit bago sumilip.
Halat ang gulat sa mukha niya nang makita ako. Pumasok ako at dumiretso sa may upuan sa gilid ng kama niya. Nilapag ko ang payong ko sa lapag dahil medyo basa iyon dahil sa ambon.
"I thought you're going home? Did you change your mind?" Wala naman talaga akong balak na samahan siya rito kahit lowkey inalok niya ako kanina kaso mukhang sabi ng langit na bantayan ko na lang ang isang 'to tutal andito na rin lang ako.
"Wala akong masakyan tapos mukhang uulan pa nang malakas." Tumango naman siya sa naging sagot ko.
"Just book a ride, Go." Umiling naman ako. "Sa dami ng nag-uuwian for sure wala akong ma-b-book and at the same time ang mahal kaya," reklamo ko sa kaniya.
"Hindi na rin ako aabot sa curfew edi samahan na lang kita," dugtong ko para hindi na siya masyadong matanong tutal okay lang naman sa kaniya na nandito ako kagaya ng sabi niya kanina.
Nakatingin lang siya sa akin at tumango. "Kumain ka na ba?"
Oo nga pala. Nakalimutan ko na kumain dahil sa badtrip ko kanina dahil nga wala akong masakyan.
Mukhang nahalata naman niya na hindi pa nga ako kumakain. "It's late already, Go. You have to eat." Siguro hindi ko rin gaano naramdaman dahil nga kumain naman ako ng mansanas kanina bago ako umalis dito.
Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang wallet ko. "Bibili muna ako pagkain sa baba, may ipabibili ka?" Hindi ko alam kung magkano ba ang pagkain dito, siguro naman hindi naman aabot ng isang daan mahigit no? Kaso private hospital 'to e, mahal din ba kapag ganoon?
Umiling lang siya kaya lumabas na ako para bumili ng pagkain ko. Chineck ko ang phone ko para tignan kung anong oras ang training bukas para alam ko kung anong oras ako aalis dito. Buti na lang at hindi sobrang aga ang training namin kaya may oras pa ako bukas.
Pagdating ko sa canteen ay may available pa naman na pagkain kahit late na. Para din siguro sa mga nag-hihintay at nag-aalaga hanggang madaling araw lalo na 'yung mga kamag-anak ng mga inooperahan, ang alam ko oras oras talaga ang tinatagal no'n.
Medyo okay naman ang presyo sa may canteen, hindi naman siya sobrang nakakasakit sa bulsa kaya buti na lang din dahil baka sumpain ko na talaga ang araw na 'to dahil doon, baka ako na lang ang umubos sa mga prutas para kay Giongco.
Bumalik din naman ako agad sa kwarto ni Giongco nang matapos ako kumain. Nang makapasok ako ay nadatnan kong tulog na siya kaya hindi na ako nag-ingay masyado.
May couch naman dito sa room niya na pwede kong tulugan kaya walang problema kung dito na muna ako. Uuwi na lang bukas ng ala-siete ng umaga, papapasukin na ako ulit sa dorm nang ganoong oras.
Umupo na lang ako sa upuan sa tabi ng kama niya. Nakabukas pa ang TV nang makatulog siya kaya pinanood ko na lang ang kung anuman ang palabas sa channel na iyon.
Hindi nagtagal ay nabaling ang tingin ko sa kaniya habang natutulog siya. Seryoso pa rin ang itsura niya kapag tulog siya. Ang puti-puti niya at ang kinis-kinis ng mukha niya, it's either naaalagaan mabuti o nasa lahi lang talaga nila. Ang tangos din ng ilong niya, hindi sobrang defined ang nose bridge niya, nasa softer side iyong pagkatangos ng ilong niya.
Ang unfair ng mundo talaga.
Inayos ko na lang ang kumot niya at pinatay na ang TV dahil wala na rin naman akong maintindihan sa pinapalabas.
Tumayo na ako at aayusin na sana ang couch nang biglang nag-ring ang phone niya sa tabi. Nagdalawang isip ako kung kukuhanin ko o hindi kasi hindi naman iyon sa akin para pakielamanan kaso nga lang baka magising siya sa tunog e mukhang katutulog niya pa pa lang.
Kinuha ko iyon at may basag basag ang phone niya pero gumagana naman. Ayaw tumigil ng pagring kaya sinagot ko na lang.
"Hey man!" bati no'ng nasa kabilang linya. Si Niccholo Antonio iyon ayon sa caller ID.
"Hi, uhm sorry pero tulog na kasi si Giongco," nahihiyang sagot ko kaya hindi ko alam kung naintindihan niya ba ang sinasabi ko sa hina ng boses ko.
"Oh? Sino 'to?" nagtatakang tanong niya.
"Kaibigan niya." Iyon na ang pinaka-safe na sagot na pwede kong sabihin. Hindi ko naman alam kung kilala niya ba ako sa pangalan kahit na nagkita na kami sa bilyaran before.
"Ah, looks like that guy has a lot of friends than I expected." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya. Hindi naman nga kasi mukhang friendly si Giongco. Hindi sa itsura, hindi sa boses at lalong hindi rin sa aura niya dahil nga mukhang wala siyang pake sa lahat.
"If he wakes up, tell him that me and Ilanna will come help him tomorrow," bilin niya sa akin at um-oo na lang ako kahit hindi ko alam kung masasabi ko pa ba 'yon kay Giongco o hindi. Baka kasi kapag umalis ako bukas ay hindi pa siya gising pero kung magigising siya edi sasabihin ko.
"Okay thank you, Gian's friend." Binaba na niya ang tawag kaya ibinalik ko na rin ang phone ni Giongco sa side table na parang nabugbog dahil sa basag na screen.
Inalis ko lang ang ilang mga gamit niya na nasa couch dahil doon na muna ako habang nagpapalipas ng oras. Nag-phone lang ako hanggang sa nakatulog na rin ako roon.
Mga ilang oras pa lang ako nakakatulog nang magising ako dahil medyo sumakit ang leeg ko sa pagkakapwesto ko sa couch. Hindi naman kasi ako nakahiga, nakasandal lang ako habang ang mga legs ko lang ang naka-stretch sa kahabaan ng couch.
Paggising ko, saka ko lang napansin na may kumot nang nakalagay sa akin. Thank you naman dahil ang lamig din talaga dito sa hospital room niya. Hindi ba siya nilalamig?
Tumayo ako para mag-CR nang makita ko na gising na si Giongco, nakatingin lang siya sa TV na naka-mute naman. "Ang aga mo naman gumising," sabi ko sa kaniya. 5 AM pa lang kasi, madilim pa nga yata sa labas e.
"You too."
"Ahh sumakit na kasi leeg ko, okay lang din naman kasi uuwi na rin ako mayamaya." Dumiretso na ako sa CR para makapagmumog man lang at maghilamos.
Paglabas ko ay sinabi ko sa kaniya na may tumawag sa kaniya habang tulog siya at sinabi ko na pupuntahan siya rito, tumango lang naman siya.
Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya at nagtingin-tingin lang sa may side table niya. "Gusto mo ng mansanas? Saging? Orange?" alok ko kasi baka kanina pa siya gising baka gutom na siya ulit. Umiling naman siya. Nakatingin siya sa akin tapos bigla niyang iiiwas tapos titingin nanaman.
Ang weirdo naman nito.
Kinuha ko ang remote ng TV mula sa kama niya at in-unmute ang palabas dahil nakakabingi 'yung katahimikan. "Go..." mahinang pagtawag ni Giongco kaya agad napabalik ang tingin ko sa kaniya at itinaas ang kilay ko.
Iniwas niyang muli ang tingin niya at may sinabi siya kaya lang hindi ko narinig dahil mahina ang pagkakasabi niya.
"Hmm?"
"I need help," pag-ulit niya sa mas malakas na boses na.
"Saan? Bakit? May masakit ba?" umiling naman siya. Napaubo siya at napakamot sa may leeg niya.
"I need to go to the CR."
"Ah okay, tara," sagot ko agad kahit hindi ko rin talaga sigurado kung paano ko ba siya tutulungan na mag-CR.
Inalalayan ko na lang muna ang legs niyang may cast dahan-dahan bago ko inalalayan ang likod niya para makabangon siya at makaupo siya sa edge ng kama niya.
Kinuha ko ang provided na crutch sa gilid niya at ibinigay sa kaniya. Inalalayan ko na rin siya para makatayo. Siyempre, dahan-dahan lang din kaming dalawa habang naglalakad papuntang CR.
Nakaalalay lang ako sa kabilang gilid niya at sa kabila naman ay gamit niya ang saklay niya.
"Kaya mo na ba dito?" tanong ko habang nasa pinto na kami ng CR. Tumango naman siya pero inantay ko na lang muna siya na makapasok sa loob, mamaya kasi bigla siyang madulas o ano.
Napalingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Are you going to watch me?" Nanlaki nang bahagya ang mata ko sa sinabi niya, kapal nito! Tinutulungan na nga e. Pabagsak ko tuloy na sinara ang pinto ng CR.
Nakatayo lang ako sa may pintuan na parang guard hanggang sa matapos siya sa kung ano man ang ginagawa niya sa loob.
"Go... I'm okay na," pagtawag niya. There's a slight change sa tone of voice niya kaya hindi agad ako nakaimik. Parang ang soft ng pagkakasabi niya or maybe effect lang kasi nasa loob siya ng CR?
"Are you there?" Binuksan ko na ang pinto nang magsalita siya ulit.
Inalalayan ko ulit siya pabalik sa kama niya hanggang sa makahiga na ulit siya nang kumportable roon.
"Sabi mo pa okay ka lang nang mag-isa dito." E paano pala kung hindi ako nag-stay dito? Sino tutulong sa kaniya? Magtatawag ba siya ng nurse?
"Paano ka mag-C-CR mag-isa ha?" Sumilay ang kaunting ngiti sa labi niya.
"I didn't know you're such a nagger, Go," pang-aasar niya pa. Siguro nga, nagger talaga ako. Sa mga kapatid ko pa lang e, sa sobrang pasaway minsan nahahawa na rin ako sa pagtatalak ni Mama.
"You deserve the nagging, Giongco," sagot ko naman. Dahil ayaw niya kumain ng prutas, ako ang kumakain ng mga iyon. Ang mahal kaya ng prutas ngayon tapos ayaw niya kainin.
"Yeah right... thank you for staying with me tonight." Nang tignan ko siya ay nakangiti pa rin siya nang sabihin niya iyon kaya tumango na lang ako at nginitian din siya. Aba, ang mahal kaya ng ngiti niya.
Kumakain lang ako nang biglang may nagbukas ng pinto ng room niya. "How are you, bro?" Napalingon ako at nanlaki ang mata ko nang makita si Niccholo Antonio at 'yung crush ni Noah na kaibigan nila na Ilanna ang pangalan.
Napatingin ako sa relo ko, wala pang ala-siete ah. Ang aga naman nila?
Nalipat din agad ang tingin niya sa akin. Tinagilid niya ang ulo niya na parang nag-iisip. "You are Kalila Go, right?" Tumango ako dahil hindi pa ako nakaka-move on sa gulat na andito na sila nang ganito kaaga. Hindi ko plinano na madatnan pa nila ako rito pero andito na sila.
"Ikaw 'yung kagabi?" tanong niya pa ulit kaya tumango lang ako. Nakangiti lang sa akin 'yung babae na parang masaya siyang makita ako ngayon kahit hindi naman kami totally magkakilala.
"Why are you here already? It's too early, Niccho," reklamo ni Giongco na nakasimangot at parang sumakit bigla ang ulo nang makita sila Niccholo.
"Why? Is there something you don't want me to see?" Halata ang mapanuksong tono sa boses ni Niccholo. Inirapan naman siya ni Giongco.
"I already told him that but you know this guy," sabi naman ni Ilanna.
"He called me around quarter to 5," pagsusumbong pa nito kay Giongco.
Ang amo talaga ng mukha niya. Bagay sa kaniya 'yung layered na buhok niya at manipis na bangs.
May binulong naman si Niccho kay Ilanna na naging dahilan kaya napailing na lang si Ilanna sa kaniya.
"Hi, I'm Ilanna. Do you remember me?" pakilala niya nang bumaling siya sa akin. Tumango naman ako at tinaggap ang inalok niyang kamay.
"Kalila."
"Did you stay here for the night?" tanong niya pa.
"It's obvious, Lana, I talked to her last night," pag-uusap nila na para bang wala ako rito.
"I didn't know Gian has a helenian friend." Halatang may malisya sa kaniya ang nangyayari ngayon. Hindi ko alam malisyoso pala 'tong volleyball gem ng West Hill. Sabagay, si Giongco nga tsismoso e.
"Shut up, Niccho. You're weirding her out," saway ni Giongco sa kaibigan niya. Inubos ko na lang ang kinakain kong prutas at hinayaan silang mag-usap. Hindi rin naman kasi ako maka-relate sa mga pinag-uusapan nila.
Napatingin ako sa relo ko at nakitang mag-se-seven na kaya tumayo na ako sa may upuan at nagpunta sa couch.
"Alis ka na?" rinig kong boses ni Giongco kaya lumingon ako at tumango lang at inalis na ang tingin sa kaniya dahil tatlo silang nakatingin pabalik sa akin. Ang awkward.
Sinukbit ko na ang bag ko at tinupi na rin ang kumot na ginamit ko.
Humarap ulit ako sa kanila. Nakatingin lang si Giongco sa akin habang nag-uusap si Ilanna at Niccholo.
Sinenyasan ko si Giongco na aalis na ako. Nginitian niya ako nang tipid at tumango.
"Take care and message me," bilin niya na naging dahilan kaya biglang napatingin 'yung dalawa niyang kaibigan sa akin tapos sabay din napunta kay Giongco ang tingin nila at pabalik-balik sa aming dalawa.
Mukha silang nakakita ng multo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top