X

Chapter 10
#TTFwp

Naka-ilang basa pa ako ng iba't ibang article bago ko natapos ang essay na ginagawa ko. Ini-stretch ko ang leeg ko dahil medyo nangalay na ako sa pagkakayuko.

Napatingin ako kay Giongco na nakaupo sa tapat ko. Wala pa si Gigi pero papunta naman na siya, may upuan naman na para sa kaniya pagdating niya.

Nag-hi-highlight lang ngayon si Giongco sa libro niya about governance yata iyon. Hindi ko masyado makita ang cover page pero ang alam ko PolSci student siya kaya gano'n.

Naka-sweatshirt lang siyang itim at shorts na color beige tapos white shoes. Hindi siya masyadong ma-effort sa sinusuot niya pero okay pa rin ang itsura niya. Siguro dahil alam niyang bagay naman din sa kaniya kahit ano pa isuot niya kaya siguro hindi na siya nag-e-effort.

Ano kayang feeling ng gano'n?

"Why are you staring?" tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Wala lang, natulala lang ako," sagot ko na lang. Sinara na niya ang libro na binabasa niya, hindi ko sure kung tapos na ba siya doon o naistorbo ko ba siya.

Last na activity na lang ang gagawin ko bago 'yung nga ituturo sa akin ni Gigi kaya natuwa ako dahil ang productive ko ngayon at hindi masyado naagaw ng kung anu-ano ang atensyon ko kahit na nasa harap ko si Giongco, hindi niya masyado nagulo ang pag-fo-focus ko kahit paminsan-minsan napapasulyap ako sa kaniya at sa ginagawa niya.

Bago ko gawin ang last activity ko ay napatingin nanaman ako kay Giongco. Wala na siyang ginagawa bukod sa uminom ng kape. Tapos na yata talaga siya. Sana all.

"Lagi ka dito?" tanong ko. Ilang beses ko na kasi siyang nakikita dito, basta umaga ay bigla siyang susulpot. Minsan lang naman ako magpunta dito, kapag kasama ko lang si Gigi o kung sino man sa mga ka-team ko.

"I buy my coffee here every morning," sagot naman niya. Sabagay, walking distance lang sa school nila ang cafe na 'to. Madalas talaga ng mga makikita mo rito mga taga-West Hill.

"Ikaw ba?" Umiling naman ako bilang sagot.

"Si Gigi lang naman mahilig mag-breakfast dito," dugtong ko pa. Kung hindi ko kaibigan si Gigi baka nasa library lang ako ngayon. Kung puno naman sa library baka kahit saan lang na pwede tambayan sa may SHU. Pwedeng sa open court or kaya sa mga bakanteng rooms, hindi naman kasi lahat ng rooms occupied every time.

Speaking of Gigi, bumukas ang entrance ng coffee shop at pumasok ang kaibigan kong parang madaling-madali pa.

Nang makita niya kung saan ako nakaupo ay dumiretso agad siya dito. "Beb, super traffic," reklamo niya pa at nilagay ang tote bag niya sa upuan. Inabot ko naman sa kaniya ang kape na inorder ko para sa kaniya. Iced coffee naman iniinom niya kaya malamig pa naman 'yon nang dumating siya.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-inom niya ng kape nang mapatingin siya kay Giongco na nasa kabilang upuan, bahagiya pang nanlaki ang mga mata niya.

Pabalik-balik lang ang tingin niya sa amin ni Giongco. "Giongco, si Gigi 'yung friend ko," pakilala ko sa kanilang dalawa para hindi naman awkward.

"Gi, si Gianni, kilala mo naman." Awkward na ngumiti si Giongco sa kaibigan ko at iniwas agad ang tingin niya. Natatawa ako sa itsura niya. Sinabi ko naman kasi sa kaniya kanina pa na may hinihintay ako, siya naman ang may gustong umupo pa rin sa tapat ko.

Umupo na si Gigi sa tabi ko at pinanlalakihan ako ng mata kaya siniko ko na lang siya. "Order muna pala ako," paalam ni Gigi.

Nang umalis si Gigi parang nakahinga nang maluwag si Giongco. "Ang mahiyain mo naman, ba't parang hindi ka naman ganiyan no'ng unang beses mo ako kinausap?"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tumingin sa relo niya. "You know what, I have class." Nailing na lang ako habang tinitignan siyang ayusin ang gamit niya.

"See you around, Go." Tumayo na siya at paalis na nang tawagin ko siya ulit.

"Giongco."

"Yes?" sagot niya paglingon niya.

"Good luck sa upcoming game." Naalala ko kasi bigla na malapit na nga pala ang first game nila.

Ngumiti lang siya nang konti at kumaway ulit bago tuluyan nang umalis ng coffee shop, nakita ko pa siyang awkward na kumaway rin nang makita si Gigi. Ang damot talaga sa ngiti ng isang 'yon. Mukha tuloy siyang suplado, maski sa chat hindi nag 'hahaha' o kahit emoji man lang ka-stress.

"May naistorbo ba ako ha, Kalila Rafaella?" Nangunot ang noo ko at umiling. May panunukso sa tono ng boses niya at may pagtaas pa ng kilay nang sabihin niya iyon.

"Hindi mo man lang ako ininform na makikita ko pala siya dito," sabi niya pa habang nilalabas ang mga gamit niya sa table. "Buti na lang hindi ako nag-fangirl mode on ha! Kinilig pa nga din ako no'ng nag-ba-bye siya sa akin." Natawa ako sa pag-k-kwento niya. Hindi ko na kasi siya sinabihan kanina na kasama ko si Giongco kasi tatanungin pa niya ako nang kung anu-ano so mas okay na na kung kailan umalis na Giongco saka na siya mag-ingay diyan.

"Close na kayo?" Akala ko tapos na ang pagtsismis niya sa akin pero to be continued pa pala.

Nilabas niya ang sandamakmak na yellow pad niya na may mga sample problems para mas madali niya maituro sa akin.

"Saks lang." Sumimangot siya sa naging sagot ko. "O sige na, mamaya na nga ulit," sabi niya bago siya nag-start na turuan ako habang hinihintay namin ang pagkain na inorder niya.

***

"Napadala ko na po, okay na po." Kinukulit ako ni tita dahil hindi ko agad napadala sa kaniya 'yung pera sa mga nabenta ko. Wala lang kasi akong oras pumunta sa padalahan ng pera dahil nga habang wala pa kaming game ulit ay tinapos ko na ang mga dapat kong tapusin sa school.

"Baka mamaya inuutakan mo na ako ha," sagot niya pa kahit na ilang beses ko na yata sinabi na naipadala ko na sa kaniya. "Busy lang talaga ako, Ta," mahinahong sagot ko sa kaniya kasi pagod din ako ngayong oras kaya pinipilit kong 'wag ma-badtrip sa kaniya.

"Kapag nalaman kong dinadahilan mo lang 'yan ah malilintikan ka talaga sa akin." Napapikit na lang ako nang mariin at binaba ang tawag. Wala akong masyadong energy na magpasensiya ngayon.

Naiisip ko tuloy kung kumusta na ba talaga sila Mama sa bahay. Kapag tumatawag naman kasi ako laging sinasabi niyang okay naman daw sila, hindi naman daw sila hirap pero minsan naiisip ko baka sinasabi lang 'yon ni Mama para hindi ako mag-alala.

Nahilamos ko na lang ang mga kamay ko sa mukha ko sa pagod at sa halo-halong nararamdaman ko.

Dumiretso na ako ng balik sa school para umuwi sa dorm after kong magpadala ng pera kay tita. Itutulog ko na lang ang panibagong sama ng loob na nakuha ko ngayong araw.

Ayoko muna mag-isip ng kahit ano, baka mag-break down nanaman ako. Ayoko pa naman na nag-b-break down dahil hindi naman ako mag-isa sa dorm.

Nagising ako nang madaling araw at nakaramdam ako ng gutom. Hindi pala ako nakapaghapunan dahil natulog na lang ako pag-uwi ko.

Wala naman akong pagkain dito sa dorm kung hindi tinapay at saging kaya no choice akong kainin iyon para mabusog lang ako. Hindi ito ang oras para mag-inarte.

Nagcheck lang ako ng social media dahil wala akong ibang magawa dahil madaling araw na, ayoko rin naman mag-aral muna.

Nag-s-scroll lang ako hanggang sa dumaan ang isang shared post ng highlights ng game ngayong araw.

Ngayon ang West Hill vs CDSG. Parehong panalo West Hill sa women's and men's volleyball. Hindi naman na iyon nakakagulat, hindi naman sa minamaliit ko ang CDSG pero bihira lang talaga magkatalo ang West Hill to think na first game pa lang nila iyon.

Ka-bracket namin sila kaya kahit wala pa man din ay minsan napapa-overthink na rin kami ng mga ka-team ko na paano kung hindi kami umabot ng finals dahil sa West Hill though mas maganda ang standing ng SHU kaysa sa West Hill sa women's division pero hindi naman kasi gaano nagkakalayo.

Sunod-sunod na ang shared post ni Claui about sa game kanina. Hindi ko alam kung nanood ba siya ng live o hindi kasi kahit naman sobrang fangirl ng babaeng 'yon hindi naman niya kaya i-set aside ang pag-aaral niya tapos engineering pa siya. Hindi naman daw siya ganoong katapang na unahin ang mga crush niyang volleyball at basketball player kaysa sa program niya.

At dahil nga puro post ni Claui iyon, puro highlights ng men's volleyball team ang nakita ko kaya pinanood ko na lang din.

Unang-una sa highlights ang perpektong pagkaka-set ni Niccholo Antonio ng bola kay Giongco na dahilan kaya nakapuntos sila. Halata ang satisfaction ni Giongco sa mukha nang makapuntos siya pero hindi pa rin siya nakangiti sa tuwa sa halip mas lalong naging competitive ang itsura niya.

Next na highlight, set ulit ni Niccholo Antonio at atake ng captain nila na si Sebastian Ortega. Grabe, ang ganda mag-set ni Niccholo Antonio.

Para sa akin medyo hindi talaga pansinin ang mga setter unless volleyball player ka or fan ka talaga ng volleyball pero kung casual ka lang nanonood, hindi mo talaga sila gaano ma-a-appreciate unless umatake sila pero kung maiintindihan mo ang volleyball, super hirap din talaga ng position nila at super vital ng role nila sa game.

Pinanood ko na lang lahat ng videos na shinare ni Claui habang kumakain ako dahil sobrang nakaka-enjoy din naman ang mga ganap sa first game ng West Hill. Pinipigilan ko na nga lang ang mga reaksyon ko dahil baka magising ang roommate ko.

Kakanood ko ng highlights ng West Hill, puro ganoon na tuloy ang nasa suggested videos ko kaya habang nag-s-scroll ako ay napadaan ang video ng interview kay Giongco kaya pinanood ko na rin.

Seryoso lang ang itsura niya roon habang nakikinig siya sa sinasabi no'ng courtside reporter. Suot niya ang dark red jersey nila tapos may suot lang siyang wristband na medyo malapit na sa siko niya nakalagay. Gulo rin ang buhok niya and medyo makintab ang mukha at leeg niya sa pawis pero maayos pa rin ang rehistro niya sa camera, hindi siya mukhang haggard, mukha siyang glowing. Mabango pa rin siya tignan. Ang unfair naman.

Siguro if one day, ma-i-interview rin ako after game ma-co-conscious ako sa kalalabasan ng itsura ko sa interview. Alam ko naman na lahat ng games ay may TV telecast pero saglit lang naman napapakita ang mukha ko roon, tsaka hindi naman masyadong malapit at steady unlike kapag may post game interview. Tipong kahit pagod ka pa at haggard, sabak agad sa camera tapos ang gaganda at fresh pa ng courtside reporter na itatabi sa 'yo. Ay nako na lang talaga.

Very serious lang ang mga sagot ni Giongco sa mga tanong ng courtside reporter, very intelligent din ang dating niya. Bawat tanong, may naisasagot agad siyang maayos. May iba kasi na talagang na-ba-blangko at hindi pa masyado nag-si-sink in ang mga nangyari pero siya parang alam niya talaga lahat ng ganap sa court.

"Nonetheless, we are delighted with the outcome of our first game," tatango-tango siya sabi bago natapos ang interview sa kaniya.

Kalila Go: Napanood ko interview mo. Hindi ka naman mukhang delighted.

Hindi naman ako nag-e-expect ng reply sa kaniya dahil anong oras na rin tapos galing pa siyang laro pero ilang minuto lang din ay may reply na siya sa chat ko.

Gianni Giongco: What do you want me to do then?

Hindi naman kami laging magkausap ni Giongco pero kapag ka-chat ko siya, naririnig ko na boses niya. Siguro dahil 'to sa iisang tono lang ng boses niya. Kaya siguro kahit sabi niya delighted siya sa outcome ng game nila ay 'yung boses niya monotone pa rin.

Kalila Go: Smile?

Gianni Giongco: Hmm next time

Akala mo naman talaga ikasisira ng buhay niya ang ngumiti pero sabagay wala naman akong say diyan, maski ako naman hindi rin naman ako palangiti. Ang hirap din naman kasi talaga humanap ng dahilan para ngumiti sa mundong 'to, parang kasalanan na maging masaya ngayon. Tipong kapag masaya ka, alam mo na agad na may kapalit na namumuong sama ng loob.

Hindi na ako nag-reply sa kaniya dahil liligpitin ko na ang mga kalat ko sa pag kain ng tinapay. Nag-toothbrush na rin ako para makatulog na ako ulit. Wala naman akong pasok bukas kaya okay lang na ganitong oras na ay gising pa ako, sayang nga at hindi nagtuloy-tuloy ang tulog ko hanggang kinabukasan para sana man lang makabawi-bawi ako sa sakit ng katawan, pagod, at sama ng loob na nakuha ko ngayong araw.

Nang makabalik ako sa kama, nag-scroll na lang ulit ako sa facebook, puro ganoon pa rin ang mga lumalabas na video hanggang sa may video doon na pinapakita ang stats nila for the game.

Ang what do you expect from the super rookie of West Hill. You don't expect anything less.

Kapag nakikita ko tuloy si Giongco maglaro and 'yung performance niya every laro, na-mo-motivate din ako galingan pa mag-volleyball. Virus ba 'to? Ba't nakakahawa?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top