VII

Chapter 7
#TTFwp

"Yup, pupunta nga ako." Kausap ko si Lesley sa phone kasi hinahanap daw ako nila Yayan. Andoon na kasi sila sa club kung saan gaganapin ang salubong this year. Akala yata nila hindi talaga ako pupunta.

Okay lang naman sa akin pumunta since natapos ko na rin ang mga gagawin ko kaninang umaga at for sure hindi rin papayag si Noah at sila Yayan na hindi ako pupunta para daw makapag-enjoy naman daw kaming lahat bago man lang kami ma-busy sa buong season.

As if hindi pa ako busy sa normal na araw-araw ko 'di ba?

"Okay, saan ka na?"

"Nasa dorm pa ako, inaantay ko lang si Noah," sagot ko kaya napanatag na sila sa sagot ko na iyon dahil alam nilang sisiguraduhin ni Noah na madadala niya ako sa salubong.

Sinuot ko lang ang dress na bigay ni Noah. Simpleng dark blue na spaghetti strap lang naman iyon tapos pinatunang ko na lang ng maong na jacket para kumportable ako buong gabi.

Wala naman akong kakaibang ginawa sa mukha at buhok ko bukod sa tinted na lip balm dahil wala din naman ako masyadong gamit pang ayos sa mukha. Gusto ko man na ma-level up pa iyong mukha ko, hindi ko naman magawa kaya kumakapit na lang ako sa kung ano ang pagkakahulma sa akin ni Lord.

Kapag umuwi nga ako, itatanong ko si Mama kung may mga naibigay ba sa kaniyang pang ayos galing sa salon na pinagtatrabahuhan niya, minsan kasi binibigyan sila no'ng may ari ng kung anu-anong sobra sa salon kagaya ng mga nail polish, pang hot oil at mga pang scrub sa paa para naman matuto na akong mag-ayos.

Mga ilang minuto rin ang inantay ko bago dumating ang sasakyan ni Noah sa tapat ko. "Oh sabi na e, bagay 'yan sa 'yo," proud na pagkakasabi niya nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Oo nga e, color yellow na lang mukha na akong bandila," biro ko. Hindi naman matingkad ang pagka-blue ng damit kaya bumagay din talaga siya kahit na pula ang buhok ko. Hindi rin naman kasi matingkad ang pagkakapula ng buhok ko, hindi naman kasi blineach ni Mama iyon.

"Kung ikaw lang din naman ang bandila, kakanta ako para sa 'yo," banat niya pa kaya tawang-tawa ako bago niya ako pagbuksan ng pinto ng sasakyan.

"Ganiyan ka ba bumanat sa mga babae?" tanong ko. Tumawa siya at tumango di naman kalaunan.

"Kaya pala wala kang girlfriend." Sumulyap siya sa akin sandali pero hindi nakatakas ang masama niyang tingin sa akin.

"Foul," inis na sabi niya.

Nakasuot lang si Noah ng polo shirt na bukas ang karamihan sa butones na may sumisilip na kwintas na may cross at ilang kwintas pa na magkakapatong, naka-ripped shorts din siya at silver na relo.

Nagdaldalan lang kami ni Noah hanggang makarating kami sa isang club kung saan gaganapin ang salubong. Maraming nang sasakyan na nakapark doon, iba't ibang klase. Marami din namang mga sasakyan na may mga hinataid lang, siguro mga grab iyon o mga may driver.

Nagtext na agad ako kay Yayan na andito na ako at tinanong saan sila banda dahil napakarami nang tao. Nagpahatak na lang ako kay Noah sa loob nang hindi sila magreply agad, siguro nagkakasiyahan na kasi sila sa loob.

May mga nakita na akong pamilyar na mukha, 'yung iba naman hindi ko talaga kilala. Mostly kasi na kilala ko ay 'yung mga taga-West Avenue lang. Wala ako masyadong kilala pa sa mga taga-East maliban na lang sa mga women's volleyball nila na nakalaban namin last year.

"Ayon na sila," sabi ko kay Noah nang matanaw ko na sila Ate Asmara na nagkakatuwaan na nga sa isang couch malapita sa dance floor.

"Okay, text mo na lang ako mamaya," paalala ni Noah kaya tumango ako at pumunta doon sa mga teammates ko.

Ito ang sinasabi ko kay Noah, gusto niya akong sumama dito kahit alam naman naming pareho na may kaniya-kaniya kaming makakasama pagdating dito kaya hindi ko alam bakit lagi akong dinadamay no'n pero dahil andito na rin naman ako edi mag-e-enjoy na lang din ako tutal minsan ko lang naman 'to ma-experience.

"Kaia!" tawag ni Ceres sa akin dahil siya ang unang nakapansin sa akin.

Kararating ko pa lang inabutan na agad niya ako ng bote ng beer. Hindi ko talaga gusto ang lasa ng alak pero tolerable naman kaya iniinom ko na lang din. Nalasing na ako once dahil may masarap na pinainom sila sa akin at sobrang daldal ko kapag lasing ako, sinasabi ko yata lahat ng naiisip ko kapag lasing ako tapos kahit anong bagay ay tinatawanan ko. Ayoko na maging bida sa mga IG story ng mga teammate ko kaya hangga't maari hindi ako malalasing ngayong gabi, ayoko na umulit.

Inaaya nila ako sumayaw pero ayoko dahil hindi talaga ako marunong. Ang tigas-tigas ng katawan ko kaya nga no'ng tinanong ako dati ni Gigi na baka pwede raw ako sa pep squad ay maski 'yung pagiging desperada ko ay hindi gumana dahil wala talaga akong future doon.

Okay na ako na magbantay ng mga gamit nila. Wala naman akong energy masyado para makipag-usap at makipag-kilala sa mga taga-ibang school o kaya 'yung ibang sport ang nilalaro pero kapag sila naman ang nauunang kumausap sa akin ay okay lang din naman.

Hindi naman ako masungit, tamad lang ako magsalita.

Kausap ko lang sa may couch si Ate Asmara, medyo siya na lang din ang matino ngayon at nagsisimula na magkatama ang mga ka-team ko.

"Ayaw mo sumayaw, Ate? Ako na magbabantay dito," alok ko sa kaniya. Hindi naman kasi ako lasing, hindi ko pa nga nauubos 'yung beer na binigay sa akin na kanina pa kaya mas lalong hindi na masarap ngayon dahil hindi na malamig.

"Masakit na paa ko," natatawang sagot niya kaya natawa na lang din ako. Sa dami ba naman ng tao sa gitna ewan ko na lang kung hindi pa talaga matatapakan ng kung sino ang paa mo lalo na't hilo na yata ang iba diyan.

Lumalalim na ang gabi at pinilit ko na lang inumin ang panibagong beer na bigay ni Noah dahil dinamay nanaman niya ako na maglaro ng beer pong. Hindi ako marunong pero sinunod ko lang lahat ng sinasabi niya about sa laro. Siya lang din ang umiinom sa kung saan man mapunta 'yung ping pong ball.

Enjoy naman siya kaysa na sumayaw ako sa gitna pero pagkatapos ko ubusin ang beer sa cup ay nagpaalam na muna ako na mag-CR. Medyo nakakaubos ng energy sabayan ang energy ng mga kasama ni Noah at si Noah na rin mismo.

Pagkatapos ko sa CR ay umupo na lang ako sa may bar counter. Wala kasi masyadong tao roon.

"Water lang po," sagot ko nang tanungin ako ng bartender kung anong gusto kong drink. May bayad ba patubig nila dito? Pero ang alam ko naman libre naman mostly ngayon.

Mayamaya lang ibinigay na rin ng bartender ang tubig ko at kasabay no'n ay may tumabi sa akin.

Nangiti ako.

Hindi nga siya nagpalit ng pabango.

"Water din please," rinig kong sabi niya sa bartender. Ininom ko lang ang tubig ko at tumingin lang sa isa pang bartender na nag-mi-mix ng drinks.

"Why are you alone?" Lumingon ako kay Giongco at nakatingin siya sa akin kaya I assume ako ang kausap niya.

"Inaantok na ako," sagot ko. Siguro kasi dahil hindi naman ako lasing pero nakainom pa rin naman ako kaya siguro antok ang nararamdaman ko ngayon.

"Bakit hindi ka pa umuwi?"

"Thank you," sabi niya sa bartender nang iabot ang tubig sa kaniya tapos binaling niya na ulit ang atensyon niya sa akin.

"Kasabay ko si Noah uuwi." Nagsasaya pa 'yon for sure, napakadaming energy ng lalaking 'yon. G na g pa nga siya sa pag-be-beer pong kahit no'ng umalis ako kaya hinahayaan ko na muna siya.

Tumango lang siya at ininuman ang baso ng tubig niya. "Ikaw? Bakit mag-isa ka?" Nakita ko na siya kanina pa pero hindi naman kami close para lapitan siya at mag-hi dahil lang nakita ko siya. Tsaka marami rin ang kumakausap sa kaniya kanina.

"Got tired."

"Social battery, you know?" explain niya pa nang hindi ako umimik. Sabi niya kasi pagod na siya e kaya tumahimik lang ako.

Gets ko naman siya dahil nakaka-drain din talaga minsan makipag-interact sa ibang tao. Kumbaga may certain time lang na may energy ka para doon na once maubos na, parang kailangan mo na mag-recharge especially kapag ang tataas ng energy ng mga kasama mo.

"Edi uwi ka na," suggest ko na lang din sa kaniya kalaunan. Mukhang hindi naman siya lasing e so kaya niya naman umuwi nang siya lang.

Inubos niya ang tubig niya kaya kitang-kita ko ang paggalaw ng adam's apple niya, medyo natatamaan pa siya ng purple lights dito sa may bar counter kaya mas pansin ang side profile niya. Ang ganda ng tama ng ilaw sa mukha niya.

"You want a ride? Just tell your boyfriend that I'll bring you home." Hindi agad ako nakasagot kasi parang bumagal ang pag-iisip ko at in-a-absorb ko pa ang sinabi niya.

"Si Noah?" pagkumpirma ko dahil nga nag-slow down talaga ang isip ko. Side effects din ba 'to ng alak?

"Yeah. May iba ka pa bang boyfriend?" curious na tanong niya pa. Nakaka-offend na hindi siya mukhang nag-jo-joke.

Mukha ba akong two-timer?

"Gago. Hindi ko kasi boyfriend si Noah." Napairap ako at inubos ko na rin ang tubig sa baso ko para mahimasmasan na sa alak.

"Oh," tanging nasabi niya. Napairap muli ako. "Tsismoso mo talaga Giongco."

Napatingin ako sa relo at nakitang lagpas na lagpas na ako sa curfew ng SHU kaya hindi na ako papapasukin ng dorm. In-expect ko naman na 'to pero naalala ko na hindi ko pa nga pala nasasabihan si Claui na makikitulog ako sa condo niya.

"Why?" tanong ni Giongco nang mapansin niya na medyo nag-panic ako.

Gising pa kaya si Claui? Sabagay, engineering naman siya, for sure gising pa 'yon.

"Hindi nga pala ako sa dorm matutulog lagpas na ako sa curfew," wala sa sariling explain ko habang mine-message si Claui na sana ay gising pa.

Si Noah kasi ay umuuwi sa bahay nila kapag hindi siya umaabot sa curfew, malapit lang naman kasi bahay nila pero mas convenient daw kasi sa training kapag nasa dorm siya kaya doon siya nakatira madalas.

"Saan ka matutulog?"

"Sa condo ng kaibigan ko." Online pa si Claui pero hindi niya pa ako na-se-seen. Uuwi lang ako kapag na-seen na niya ako, kapag hindi, baka makitulog na lang ako sa mga teammate ko. Ang iba naman sa kanila ay hindi sa dorm nakatira kaso for sure mamaya pa sila uuwi.

"Why don't you just move out of the dorm? I think athletes are not required to stay there," suggest niya pa. Hindi ko alam bakit andito pa siya sa tabi ko at kinakausap ako kahit na pagod na raw siya at naubos naman na niya ang tubig niya.

"Kaya nga ako nag-volleyball para sa dorm tapos aalis lang din ako roon?" Kung may extra pera lang din talaga ako, hindi ko rin naman pipiliin sa dorm ng school. Kung tutuusin nga kung hindi ako volleyball player, mas mahal ang dorm ng school kaysa sa mga dormitory tsaka mga boarding house sa labas.

Hindi umimik si Giongco kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin at hindi makapaniwala sa narinig niya.

Ngayon lang ba siya nakarinig ng volleyball player na nag-volleyball dahil sa libreng dorm?

"You play solely for that?" tanong niya nang maka-recover.

"Hindi naman 'yon lang."

"Libreng dorm, full scholarship, allowance, monthly check-up," pag-enumerate ko sa mga bagay na umengganiyo sa akin na mag-try outs. Bonus na lang na may sponsor na mga sapatos at gamit galing sa sikat na mga brand.

Tumango lang siya. Hindi ko alam ang benefits sa kanila since magkaiba naman kami ng school pero for sure maganda rin benefits nila kasi kilalang-kilala ang West Hill in terms of sports kaya for sure maganda ang support ng school nila sa kanila. May ibang school kasi na hindi masyado suportado ang mga atleta nila e kaya hindi rin tuloy masyado nabibigyan ng justice 'yung mga talent ng players nila.

"Siguro weird pero hindi ako maglalaro kung walang gano'n," dugtong ko pa.

"Ikaw ba?" tanong ko na lang din sa kaniya kasi hindi na siya nagsasalita. Nasagad na siguro ang "social battery" na sinasabi niya.

"I love playing." Hindi naman na ako nagulat nang isagot niya 'yon. Halata naman sa mga games nila tsaka magaling talaga siya sa volleyball para siyang naglalaro na wala nang bukas. Baka sakali lang na may iba pa siyang dahilan 'di ba.

"Ginagawa ko naman best ko kahit hindi ko passion ang paglalaro na katulad mo," pag-defend ko sa sarili ko kahit hindi naman niya ako jinu-judge. I just felt like bigla kong kailangan depensahan ang sarili ko.

"Kahit papaano, utang na loob ko pa rin naman kay Coach Rick kaya nakakapag-aral pa ako ngayon." Kaya nga kahit pinapagalitan ako ni Coach minsan, hindi ko talaga dinadamdam dahil alam kong para sa akin din naman 'yon. Tsaka lalo ko lang ginagalingan kapag gano'n kahit training lang at kahit pagod na ako, ayoko kasi magsisi siya na kinuha niya ako.

Sobrang milagro lang din talaga na tinanggap niya ako kasi sobrang late ko na natuto maglaro, 'yung ibang mga SHS nga na natuto sinasabihan na nilang late na e, ako pa kaya. Although, nakakapaglaro nga ako sa school intrams pero mema lang 'yon, ni wala namang training 'yon. Sobrang hulog talaga ng langit si Coach.

"Why?"

Hindi ko alam bakit ko ba sinasabi 'to sa kaniya pero okay na rin kaysa awkward kaming dalawa rito. Hindi naman niya siguro ipagkakalat dahil hindi naman kakalat-kalat ang ganap ko sa buhay at for sure wala namang interesado.

"Hindi naman talaga ako sobrang marunong mag-volleyball. Sobrang nagkalat ako no'ng try out pero nakitaan niya raw ako ng potential kasi maganda 'yung mga receive ko kahit bobo ako mag-serve," kwento ko na lang sa kaniya.

"Binigyan niya ako ng chance." Kapag naiisip ko 'yon napapangiti pa rin ako kasi parang everything fell at its place after no'n. Nasagot ng volleyball ang half ng mga problema ko.

Tinignan ko si Giongco kung nakikinig pa ba siya at medyo nabigla ako nang makitang nakabaling lang ang tingin niya sa akin habang nakatukod ang siko niya sa counter at nakasandal ang ulo niya sa kamay niya.

"Can't blame your coach, you play really well now."





















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top