VI
Chapter 6
#TTFwp
Ibinalik ko agad ang tingin ko sa phone ko. Siya lang mag-isa ang dumating ngayon, wala 'yung babae at wala rin 'yung Niccholo.
Nag-chat lang kami ni Claui habang hinihintay ko si Noah na matapos makipaglaro dahil nga kakain kami ng dinner.
Habang nag-aantay, nakaramdam ako ng tumabi sa akin. Initial reaction ko ay mapatingin sa kung sino ang tumabi sa akin at si Giongco iyon.
Bakit ba parang napapadalas ang encounter ko rito kung kailan hindi naman kailangan at ayoko. Bigla bang lumiit ang West Avenue?
Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa phone ko para hindi awkward. Hindi naman kami super magkakilala para mag-hi ako no? So okay lang naman na dedmahin ko siya.
"This. You?" napalingon muli ako sa kaniya at nilapit niya sa akin ang phone niya kung saan naka-display 'yung facebook ko kung saan naka-post 'yung pabango tapos may ilang comments pa na binanggit ang pangalan niya.
"Bakit mo tinatanong? Bibili ka?" sagot ko sa kaniya. Umiling naman siya bilang sagot.
"So this is really you," tatango-tango niya pang sabi kaya nangunot ang noo ko. "Ano naman?" bulong ko sa sarili ko.
Bakit kasi kailangan talaga makaabot sa kaniya 'yon? Paano siya umabot sa facebook ko? Nakakahiya! May pangalan niya pa sa comments, nakakaloka!
Hindi ko naman sinasadiya na mabenta ko iyong pabango niya dahil sa kaniya e. Hindi ko naman sinasadiya magamit ang pangalan niya.
"How do they know?" tanong niya pa habang nag-s-scroll sa comments sa post nang sumilip ako kaunti sa phone niya.
"Ang tawag doon ay marketing strategy," sagot ko na lang. Ayoko na ng mahabang explanation na may kaibigan akong avid fan at pinagkalat niya sa iba pang avid fan hanggang sa ang dami nang naghanap tsaka hindi naman kami close para i-kwento ko pa ang buong nangyari.
"Gine-gate keep mo ba?" tanong ko pa pero umiling naman siya agad. Feeling ko oo kasi nga may mga ganoong tao na ayaw may kapareho sila ng amoy. Signature scent kasi pero parang imposible naman na nag-iisa lang sila na may ganoon 'di ba? Hindi naman personalized 'yung pabango niya.
"'Wag ka mag-alala, mostly babae ang bumili. Baka inii-spray lang nila sa unan 'yan," pangungumbinse ko pa sa kaniya pero alam ko namang hindi malabong ginagamit talaga ng mga bumili 'yon para matchy sa kaniya ng amoy.
Napatingin naman siya sa akin at tinaas nang bahagya ang kilay. "Bakit naman sa unan?" tanong niya na parang weird para sa kaniya iyon.
"Para kaamoy mo 'yung unan nila?" hindi ko rin sure na sagot kasi malay ko ba bakit sila bumili dahil lang ganoon ang amoy niya, hindi ko naman na tinatanong ang mga ganoong detalye sa mga buyer ko.
Nakatingin lang siya sa akin at kumurap-kurap na parang hindi niya pa rin gets. Hindi ba siya aware sa impact niya sa kababaihan at mga fans niya?
Napahinga ako nang malalim. "Hindi ko rin alam okay? Malay ko ba kung anong rason nila at binili nila 'yon dahil sa 'yo."
Humalukipkip ako at sumandal, ginaya naman niya ako at sumandal rin sa pader. "So that marketing strategy of yours worked?" Hindi ko alam kung nang-aasar siya o ano kasi hindi ko rin mwari sa tono ng boses niya kasi parang normal lang naman iyon.
"Oo, ubos na nga e," pagyayabang ko pa in case na inaasar niya nga ako kasi akala niya sinadya ko siyang gamitin para makabenta.
"I should have a commission then," biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya nang hindi makapaniwala at kumurap-kurap pa ako na hinihintay na sabihin niyang joke lang pero parang inosenteng bata lang siya na tumingin pabalik sa akin.
Ito! May pambili ng libo-libong pabango tapos babawasan pa ang kumisyon ko sa tita ko.
"Alam mo ba na mas mahal pa rin 'yung pabango mo kaysa sa kabuuang kinita ko?" Mga ilang pabango rin ang nabenta ko ah tapos isang original na pabango niya lang taob agad 'yong kinita ko tapos hindi pa 'yon lahat mapupunta sa akin, kay Tita pa ang karamihan doon.
"Just kidding," sambit niya pero wala namang bakas ng pag-jo-joke sa mukha niya kaya inirapan ko na lang siya.
"Uubusin mo pa yata pera ko, Noah." Rinig kong biro ng kalaro ni Noah nang matapos ang laro nila dahil panalo yata ang mokong. Kinuha ni Noah ang pusta at nilagay sa wallet niya. "Swerte ka ngayon," kumento pa ng isa. Hindi ko na maalala pangalan nilang dalawa kahit sinabi naman kasi kanina pa 'yon kaya nakalimutan ko na.
Napasulyap ako saglit sa katabi ko, mula nang dumating siya nakaupo lang siya sa tabi ko. Akala ko pa man din maglalaro siya pero mukhang wala naman yata siyang balak. So anong trip niya? Sa dami ng lugar na pampalipas ng oras, dito talaga sa amoy usok ng sigarilyo siya tatambay.
"Swerte mo yata si Kalila e." Nalipat ang tingin ko sa mga kalaro ni Noah nang marinig ko ang pangalan ko. Bakit naman nadamay ako diyan?
Nakaturo pa siya sa akin nang sabihin iyon. Ngumiti naman si Noah at talagang walanghiyang tumango at tumingin pa sa akin "Alas ko 'yan e." Napairap na lang ako sa kaniya.
Daming alam.
"So you're dating Noah?" biglang kumento naman nitong katabi ko na prente pa rin na nakaupo sa tabi ko at mukhang wala talagang balak maglaro at gusto lang tumambay at umusiyoso.
"So tsismoso ka pala?" balik ko ng tanong sa kaniya. May subtle hint ng ngiti akong nakita sa kaniya pero agad din namang nawala.
"I just didn't find Noah as the dating type." Totoo naman ang sinabi niya. Marami nang naging type o crush si Noah pero hindi ko rin alam bakit wala pa siyang naging girlfriend simula nang maging magkaibigan kami. Ewan ko lang no'ng high school siya.
Aaminin ko naman, may itsura naman siya, maganda katawan, malakas ang appeal. Basagulero nga lang pero pwede na rin. Mukha siyang babaero pero hindi talaga siya gano'n. Hindi nga siya masyado nagsasalita about sa kung sinong babae. Kagaya na lang no'ng kasama nito nila Giongco no'ng nakaraan. Sabi niya type niya daw pero hindi ko naman na ulit narinig mula sa kaniya.
Parang hindi siya interesado masyado.
"Hindi ko rin in-expect na tsismoso kang talaga," sagot ko naman. Sa itsura kasi ni Giongco parang wala siyang pakialam sa mga bagay sa paligid niya.
Mukha lang siyang tahimik na snob, gano'n. Hindi naman ako mali kasi tahimik naman talaga siya pero hindi siya snob in fairness naman pero tsismoso.
"Kaia, CR lang ako tapos kain na tayo," paalam ni Noah kaya tumango lang ako sa kaniya.
Hindi na sumagot si Giongco sa akin at tumingin lang siya sa relo niya at kinuha na ang bag niyang nasa gilid niya. Mukhang aalis na rin siya.
"If you need more perfume recommedation, just ask me." Tumayo na siya at sinukbit ang bag niya sa isang balikat.
Palakad na siya paalis nang may maalala ako. "Giongco," pagtawag ko sa kaniya kaya napalingon din siya agad dahil hindi pa naman siya nakakalayo.
Tumingala ako sa kaniya dahil nakaupo pa rin ako sa bench. "Yes?"
"'Wag ka muna magpapalit ng pabango ah! Baka sabihin nila sinungaling ako," paalala ko. Hindi naman sa demanding ako pero baka naman mapagbigyan niya ako.
Bigla ko kasing naisip nang banggitin niya na if need ko pa daw ng recommendation tanungin ko lang siya so siyemore ibig sabihin madami pa siyang pamalit tsaka ang yaman niya rin naman kaya for sure hindi lang isang pabango ang mayroon siya. E paano na lang kapag may lumapit sa kaniya tapos iba naman pala amoy niya baka sabihin scam pa ako nito baka wala nang bumili sa akin.
Bigla siyang napangiti at napailing sa sinabi ko. "Okay," sagot niya din naman agad.
Mabilis pala siya kausap at marunong pala siyang ngumiti.
***
"Gi, pahingi na lang ng notes or kahit picture lang ha," paalala ko kay Gigi. May mga hindi na kasi ako mapapasukan na subject dahil sa training.
Ito yata ang pinakaayaw ko sa lahat kapag PCAA season na. Ayoko talagang may na-s-skipan ako na mga klase, activity, quiz at kung ano pa man kasi mahirap maghabol. Kahit naman excused kaming mga athlete sa klase, may responsibility pa rin kami as a student kaya super hirap din talaga kapag kailangan na maghabol ng mga na miss. Hindi naman ako ulirang eatudyante na gustong pumapasok at palaaral, ang iniisip ko lang talaga ay mas madali na may mga kasabay ako kaysa mag-isa akong gumagawa ng mga activities na nakaligtaan ko.
"Ako bahala, Kaia. Ililista ko na din lahat ng gagawin namin habang wala ka," sagot niya sa kabilang linya.
Papunta na kasi ako ngayo ng gym para sa training. Opening na sa Sunday ng PCAA season kaya busy na rin talaga ako.
Buti rin pala naubos ko na lahat ng pinapabenta ni Tita sa akin. Hindi muna siguro ako magsasabi sa kaniya. Papakiramdaman ko muna kung kaya ko pa isabay iyon sa mga ginagawa ko.
"Salamat sobra, Gi!" Binaba ko na ang tawag at dumiretso na sa gym.
Nagmeeting muna kami pagdating ko sa gym. Mga gagawin namin, strategies, defense, floor defense, offense at kung anu-ano pa about sa upcoming games. Sinabihan din kami ni Coach Rick ng mga dapat namin iwasan at mga paalala na dapat tandaan namin kapag andoon na kami sa game.
After no'n ay nag-start na kami mag-warm up and then start na ng training.
After ng ilang drills at work out ay nag-break muna kami. Sumalampak ako sa lapag sa sobrang pagod ko. Kahit naging athlete na ako, medyo mas mabilis pa rin ako mapagod kaysa sa kanila, siguro kasi hindi ako nag-gy-gym. Nag-gy-gym lang ako kapag ni-re-require ni Coach na mag-weights kagaya ngayon pero kapag hindi ay hindi ako nag-wo-work out.
"Kaia, punta ka sa salubong?" tanong ni Yayan sa akin.
Oo nga pala sa Sabado na pala ang salubong nawala na rin sa isip ko. Ang nasa isip ko na lang talaga ay 'yung first game namin laban sa CDSG. Kinakabahan kasi ako baka hindi ko magampanan ang inaasahan nila sa akin kaya naka-focus talaga ako sa training bukod pa sa pag-aaral.
"Hindi ko sure," sagot ko. Depende kung makakapunta ako, baka kasi mag-aral na lang ako sa dorm o matulog na lang tutal mukhang kukulangin ako sa tulog sa mga susunod na buwan.
"Punta ka na, bago man lang tayo ma-stress," pangungumbinse sa akin ni Yayan.
Last year, wala naman ako masyadong ginawa sa salubong, pumunta lang ako kasi siyempre bago ako sa team e kailangan makisalamuha. Salubong kasi ang tawag sa party ng mga PCAA athletes bago mag-start ang season. First time ko uminom ng alak that time, hindi ko nagustuhan ang lasa kaya hindi naman din ako nakarami pero hindi ko naman ipagkakaila na masaya naman talaga.
Ang daming tao galing iba't ibang school, iba't ibang klaseng athletes at mga alumni. Maingay tsaka magulo pero masaya 'yung vibes. Madaming nagtatawanan, ang lakas lang makaganda ng mood parang enjoy lang talaga at walang iniisip na problema. Doon ko rin na-realize kung bakit marami rin talagang gumigimik, baka kasi nawawala problema nila kapag gumigimik sila. Hindi ganoon ang kaso ko dahil kung lagi ako sa gimikan lalo lang dadami ang problema ko.
"Oo sige, kapag wala masyadong pinapagawa sa amin." Nagkwento pa si Yayan ng mga masasaya at nakakahiyang mga experience niya sa mga past na salubong niya. Kinumbinse niya pa lalo ako na pumunta kasi nga minsan lang naman iyon.
Bumalik na rin kami agad sa training after ng sandaling breaktime.
Habang pabalik ako ng dorm, iniisip ko kung pupunta nga ba ako ng salubong. Bigla ko kasing naisip na apat na beses ko lang iyon ma-e-experience. Feeling ko rin mas ma-e-enjoy ko siya ngayon dahil marami na akong kakilala tsaka ka-close tapos hindi na ako masyado naninibago dito sa Maynila.
Mayamaya lang ay may umakbay sa akin habang naglalakad. "Bigat!" reklamo ko kay Noah. Siya lang naman ang may lakas ng loob na gawin 'yan sa akin. Nang tignan ko siya ay mukhang galing din siyang training pero kagaya ko ay nakaligo na rin siya.
"Look, I got you something." Proud niyang pinakita sa akin ang paper bag ng isang brand ng damit.
"Para saan 'yan?" Hindi ako nagbibiro nang sabihin ko na hindi ko talaga gets ang pagwawaldas ng pera nitong si Noah kasi ganiyan siya talaga, hindi lang sa akin. Very generous siya sa friends niya. Hindi ito ang first time na bigyan niya ako ng kung anu-ano.
May one time na binigyan niya ako ng hair brush, mukha yata akong hindi nagsusuklay sa paningin niya. Minsan vitamins naman ang binibigay niya, mukha yata akong kulang sa nutrisyon. Hindi ko na rin talaga alam kung anong pumapasok sa isip niya pero tinatanggap ko na rin kasi natutuwa siya kapag tinatanggap ko e.
"Kahit saan mo gusto," sagot niya lamg. Inabot niya sa akin ang paper bag kaya kinuha ko na lang sa kamay niya at mamaya ko na lang titignan sa dorm.
"Bakit ba trip na trip mo kong bigyan ng kung anu-ano?" tanong ko sa kaniya. Nilingon ko siya at napaisip naman siya nang tanungin ko 'yon.
"Dahil ba wala akong pera?" sunod na tanong ko pa. Hindi naman ako ma-o-offend nang todo kasi totoo naman na wala akong pera at alam naman niya 'yon.
Umiling naman siya. "Bawal ba kitang regaluhan e bestfriend kita," tumingin siya sa akin at nginitian ako na parang proud din siya sa naging sagot niya.
"Self proclaimed ka?" Tumawa naman siya at napahawak sa dibdib. "Grabe one sided friendship pala 'to?" Inirapan ko lang siya at hindi sinagot.
"Kahit sobrang yaman mo pa Kaia, reregaluhan pa rin kita, wala kang magagawa."
Deep inside, nagustuhan ko na bestfriend ang turing niya sa akin kahit na lagi ko siyang sinusungitan at inaaway, gusto niya pa rin akong kasama.
"Isuot mo 'yan sa salubong, sabay tayo punta," biglang sabi niya.
"Hindi ko pa alam kung pupunta ako." Huminto siya kaya napahinto din ako dahil nga nakaakbay siya sa akin.
"Bakit hindi?"
"Busy akong tao, hindi katulad mo." Sinimangutan naman niya ako nang sabihin ko 'yon.
"Whatta hardworker."
"Dali na samahan mo na ako," kulit niya nang hindi ako sumagot.
"Ang dami-dami mong kasama doon!" paalala ko sa kaniya. Most of the team pupunta doon tapos for sure team din namin.
Mga taga-RVU na tropa niya pa, sila Giongco rin na taga-West Hill.
"Sayang naman 'yung binili ko, para nga magamit mo," pangungulit niya pa rin sa akin.
"Hindi mo talaga ako titigilan?" tanong ko at umiling naman siya. "Hindi."
"Hatid at sundo mo ako ah." Agad na natuwa siya sa narinig ko. Napakakulit. Feeling niya siguro wala akong social life kaya pinapapunta niya ako. As if naman magkasama kami pagdating doon.
"Sure!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top