IX

Chapter 9
#TTFwp

Nakaupo lang ako sa may bench habang nanonood ng laro. Hindi pa kasi ako pinapasok ni coach kaya standby lang ako rito.

Tutok na tutok ako sa bawat paggalaw ng bola kahit na andito lang ako sa bench at kahit pa nasa kabila ang bola ay tinitignan ko maigi ang paglalaro nila.

CDSG ang kalaban namin ngayon. First game.

Sabi ni Coach Rick maganda ang floor defense ng CDSG. Hindi man daw sila masyadong mabilis umatake, magaling naman sila mag-receive ng bola. Sabi pa ni Coach na hindi lang kasi libero nila ang ganoon maglaro, halos lahat sila maganda mag-receive at mag-save ng bola kahit na gaano pa kabilis.

Kaya tutok ako sa kanila kasi iyon ang kailangan kong tapatan dahil most likely iyon naman talaga ang main task ko sa game.

Mga ilang minuto pa ay ipinasok na ako ni coach. Suot suot ko ang jersey namin na dominant ang white kaysa sa green dahil naka-dominant green sila, lagi kasi dapat ibang color ang jersey ng libero sa rest since may ibang rules na nag-a-apply lang sa amin.

Few minutes after kong maipasok sa laro, wala pa rin nakaka-points kasi sobrang haba ng rally. Kagaya ng sabi nila Zoe, nakakapagod talaga silang kalaro. Buti na lang din nakaka-keep up pa rin naman kami sa kanila kahit na ganoon.


"Nice one, Kaia," bati ni Ate Asmara nang pabalikin ko sa loob ng court ang bola na out na sana. Akala ko nga hindi ko na mapapabalik, buti na lang sakto lang ang pagkaka-receive ko no'n at hindi na susobra ang touch namin sa bola bago pa kami makaatake.

Malayo na ang scores, gusto ko man makampante pero hindi ko magawa. Hangga't hindi natatapos ang laro walang kasiguraduhan kung panalo na o hindi, iyon lagi ang sinasabi sa amin ni Coach Rick. Hangga't hindi panalo, marami pa ring pwede mangyari kaya hindi kami pwedeng makapante o magsaya agad.

Limang puntos na lang panalo na kami. Lahat kami ayaw na namin ng 3rd set, 'yung pagod ko nga pang 3rd set na yata tsaka first game pa lang, grabeng kaba na agad kung sakaling aabot na agad ng 3rd set kaya talagang mas lalo lang kaming nag-focus no'ng konti na lang match point na.

Tensed na ang parehong team dahil isang puntos na lang talaga.

"Please, please," bulong ko sa sarili ko. Gusto ko na matapos 'tong laro na 'to. Enough na ang pagod ko for the day.

Ceres spiked the ball papuntang kabila and then napatalon na lang ako nang bumagsak na sa wakas ang bola sa court nila.

Thank you Lord at wala ng 3rd set.

Tumakbo na ako palapit sa mga ka-team ko at nag-chant lang kami at nag-group hug. Ito siguro ang isa sa mga paborito kong part ng pagiging volleyball player. Grabe din naman kasi talaga ang satisfaction with every win, the same with the devastation kapag talo. Gano'n talaga. Pero priceless din talaga kapag nanalo, nakakawala ng pagod kahit papaano tsaka nakakaganda ng mood.


Dumiretso lang ako sa waiting room namin after ng post game activities. May mga nag-i-interview na mga court side reporters at mga fans na nagpapa-picture, kampante naman ako na walang maghahanap sa akin kaya dumiretso na lang ako sa loob. Wala naman akong pamilya, kaibigan o boyfriend na nanood sa akin.

Ni hindi nga alam nila Mama na naglalaro ako ng volleyball, ayoko na rin makarating kay tita kasi kung anu-ano nanaman ang sasabihi no'n kahit hindi naman niya naiintindihan. Baka sabihin lang no'n na mas maigi pang magtrabaho na lang ako at bakit ang dami ko pang oras para maglaro kahit na ganito na nga kalagayan ng pamilya namin.

Hindi na ako nakakauwi dahil nga sa dami ng ginagawa ko at iniisip ko plus 'yung pamasahe pa. Umuuwi naman ako kapag Christmas break, sembreak at bakasyon pero maliban doon ay hindi. Lagi ko naman kinukumusta sila Mama tsaka mga kapatid ko. Madalas pa ang pagsusumbong ng mga kapatid ko dahil kay Tita. Wala naman akong magawa bukod sa sabihin sa kanila na magpasensiya na lang. Kapag naka-graduate naman ako at nakahanap ng trabaho agad ay pwede na kaming lumipat ng matutuluyan na malayo sa tita ko.

Nagpahinga lang ako sa waiting area habang hinihintay kaming makumpleto para sa meeting. Hindi ko alam kung dito ba o sa school pa kami mag-me-meeting. Usually, sa school na kami nag-me-meeting pero kapag may lakad si Coach Rick ay dito na mismo.

Wala namang kaso sa akin kahit dito o doon, pareho lang naman dahil sasabay pa rin naman ako sa bus pabalik ng school dahil doon naman ako nakatira. Minsan kasi ang iba sa amin hindi sumasabay sa bus pero kapag tapos na ang meeting pero kapag hindi pa, hindi rin pwede na umalis na agad.

Pumasok na si Coach ng room at nakita ako rito na nakapagpalit na ng damit at ready na umalis.

"Maganda ang play mo ngayon, tuloy-tuloy mo lang." Nginitian ako ni Coach Rick kaya ngumiti na lang din ako kasi hindi ko pa rin alam hanggang ngayon paano ba mag-react sa compliment sa akin about sa paglalaro ko. Ang hirap pa rin paniwalaan na naglalaro ako ng volleyball ngayon.

Kinausap lang ni Coach ang manager namin at ilang mga coaching staff habang andoon sa waiting room hanggang sa nakumpleto na kami at umalis na para bumalik sa school.

Tulog lang ako sa bus habang pabalik kami ng school, hindi rin kasi ako nakatulog nang maayos kagabi. Nakakakaba naman kasi tsaka siyempre first game din kaya talagang hindi ko rin maiwasan na mag-overthink din.

Nag-discuss lang si Coach about sa laro ngayong araw at mga gagawin sa 2nd game laban CDSG. May 2nd game pa kaya talagang nag-meeting din kami about sa mga napansin namin sa kanila ngayong laro tsaka mga advantages nila and disavantages namin. Mga mali naming ginawa at ang mga dapat lang ipagpatuloy namin.

After ng meeting, bumalik na rin ako agad sa dorm kasi gusto ko na matulog talaga. Kapagod kalaro CDSG, kaloka.

Nakakapagod naman talaga ang volleyball in general pero kapag matagal kasi ang rally, mas nakakapagod plus 'yung kaba pa kasi balik lang nang balik 'yung bola sa court namin.

Parang please naman, ang tagal mamatay ng bola!

Pagdating ko ng dorm ay sumalampak na lang ako sa kama ko. Tinignan ko muna ang phone ko at sinagot ang ilang messages ng mga kaklase ko at nila Claui na nag-co-congrats kasi panalo kami ng 1st game.

Nang mabasa ko na lahat ng message, sinwitch ko iyon sa business account ko dahil hindi ko na-check iyon magdamag, baka kasi may mga inquiries na pwede ko naman i-direct na lang kay Tita kasi wala pa akong time ngayon.

Gianni Giongco: Nice play for first game, Go.

Hindi ko akalain na may message ang isang 'to sa akin kasi week after ng salubong, hindi naman na kami nag-usap na. Busy na kasi talaga lahat ng athletes kapag PCAA season na kasi siyempre, training plus acads plus games plus kung ano pa man ang pinagsasabay-sabay namin.

Kaia's Closet: Thank you. Akala ko naman may buyer ako

Gianni Giongco: Then allow me to add you on your personal account.

Kaia's Closet: Hindi ako nag-aaccept ng walang profile picture

'Yung facebook niya kasi talaga parang hindi facebook. Parang troll account lang. Halatang ginagamit niya lang talaga para sa messenger e.

Sabagay, sikat nga kasi siya at wala ring pake sa ganap ng mga tao sa paligid niya.

Gianni Giongco: Pahingi na lang number.

Hindi ko napigilan ang mapatawa dahil sa message niyang 'yon. Gaano ba kahirap maglagay ng profile picture at mas pipiliin niyang number ko na lang kaysa messenger.

Kaia's Closet: Minsan lang ako magkaload hindi ako makakareply

Hindi agad siya nag-reply sa akin kaya hinanap ko na lang ang Instagram niya baka sakaling may post siya roon. 'Yung IG ko walang laman, ginagamit ko lang pangtingin sa mga pictures ng mga kakilala ko pati panonood ng IG story nila.

Wala lang. Wala akong mapost.

Hindi naman ako mahilig mag-picture, maski ang facebook ko wala rin namang laman bukod sa profile picture ko. Naaaliw lang kasi ako sa mga shared post ng mga kaklase ko tsaka sa mga random videos na lumalabas kaya gumagamit ako ng facebook bukod don sa business account ko.

Konti lang din pala ang post niya pero at least meron kaysa wala. Nag-scroll ako para tignan kung may post ba siya ng sarili niya.

Nakitang kong pinost niya ang picture niya na parang galing pa sa isang article tuwing may game. Last year pa ang picture na 'yon. First season niya ng PCAA.

Stolen shot iyon. Medyo naka-side view siya at nakatingala sa may monitor sa taas, medyo kita rin  apelyido niya sa likod ng jersey niya.

ggiongco: PCAA Season 75

Ilang scroll lang nagawa ko at naabot ko na agad ang dulo. Mostly ng mga post niya ay sa gym at tungkol sa volleyball. Isa lang 'yon na picture niya ng sarili niya na siya lang, 'yung iba group photo na ng West Hill players.

Gianni Giongco: I sent my friend request already

Nakita ko na may profile picture na siya nang mag-chat siya sa akin sa business account ko.

Agad akong nag-switch para ma-aacept siya sa personal account ko. Pagka-accept ko sa kaniya, tinignan ko agad ang profile picture na nilagay niya.

Stolen picture niya iyon habang nag-se-serve. Naka-white shirt lang siya doon at jersey shorts, mukhang sa training kuha iyon.

Kalila Go: Tagal mo bang naghanap ng picture?

Gianni Giongco: Yup I don't have a lot kaya lang someone is so picky on accepting friends so I have to find one.

Napairap ako dahil sa pagka-sarcastic  niya sa reply niya. Gusto ko lang naman kasi makitang may profile picture siya. Napakadami kayang Gianni Giongco na walang profile picture nang mag-search ako. At least madali ko na ma-di-distinguish na siya 'yon.

Kalila Go: Search mo sa google madami kaya

Hindi ako nakatulog agad dahil sa pakikipagchat kay Giongco. Hindi siya madaldal pero it just happens na kung saan-saan napupunta ang pinag-uusapan namin. 'Yung binati lang naman niya ako para sa first game tapos kung saan saan na kami napadpad.

But the bottomline is hindi na ako na-a-awkward sa kaniya.

***

"Samahan kita pero kain muna tayo breakfast," kausap ko si Gigi sa phone kasi sinabi ko sa kaniya na gagawa na ako ngayon no'ng mga sinend niya sa akin na mga na-miss ko na activities at mag-aaral na rin ako para sa mga quizzes na hindi ko pa na-take.

"Kumain na ako e," sagot ko naman. Hindi naman talaga niya ako kailangan samahan kasi mamaya pa naman klase namin, sadiyang maaga ako kasi nga maghahabol ako sa iabng subject para mabawasan na mga iniisip ko pero sabi niya sasamahan niya raw ako at ituturo niya sa akin 'yung mga na-miss kong topic. Mahirap daw kasi mag-self study about doon sa topic baka matagalan pa raw ako lalo.

Sobrang na appreciate ko talaga ang isang 'to.

"Kain ka ulit, libre kita. Hintayin mo na lang ako doon sa coffee shop sa West Hill. Maliligo na ako!" Hindi na ako nakapalag kasi binabaan na niya ako ng phone dahil nga maliligo na raw siya.

Nasa tapat na ako ng library pero dahil nga kay Gigi lumabas na lang ako sa pinakamalapit na gate at nag-jeep papuntang West Hill.

Sumilip ako at kaunti lang naman ang tao, hindi naman siguro nakakahiya kung papasok ako at maghihintay kahit wala akong bibilhin 'di ba?

Mapapansin pa ba nila 'yon?

O dapat ba bumili na lang ako kahit ano lang. Ang mahal kasi ng kape nila nasa 150+ na agad, mas mahal pa sa tanghalian at hapunan ko na pinagsama.

After ng matagal na pagdadalawang isip ay napagpasiyahan ko na pumasok na lang at bumili ng isang kape. Ibibigay ko kay Gigi mamaya, pa-thank you ko na rin kasi nag-effort siya kahit na ang aga-aga pa. Imbis nga naman na ako ang ilibre niya, dapat lang naman na ako ang manlibre kahit papaano. Kung hindi dahil sa kaniya hindi ko rin naman alam paano ko madaling mahahabol ang mga activities ko.

'Di bale na 'yung 150 pesos, minsan lang naman tsaka PCAA season naman na may mga matatanggap naman akong extra allowance pa kahit papaano.

Pumili muna ako ng table at nilagay ang gamit ako bago ako pumunta sa counter. Nasa akin naman ang phone ko at siyempre wallet kaya panatag naman ako na walang kukuha ng gamit ko na iniwan ko sa table tsaka wala rin naman yatang mananakaw sa akin kahit gustuhin man nila.

Hinahanap ko kung ano 'yung laging order ni Gigi sa may board sa likod para hindi ako magkamali pagkatapos ay nag-order na ako. Bumalik na ako sa table ko at sinimulan na gawin 'yong mga activities and assignments sa minor na pwedeng madaan sa pag-s-search sa google para kapag pagdating ni Gigi dito ay proceed na kami sa mga complicated concepts and mga analyzations.

Kapag accountancy kasi plus and minus lang naman talaga mostly ang math dito pero hindi biro ang analyzation, nakakalito talaga. Ang hirap kapag lutang ka kasi hindi mag sisink-in sa utak mo 'yung mga given situation kaya need ko rin talaga ng tulong para mas mapadali ako since 'di ako nakaka-attend sa ibang discussions.

Nakakunot pa ang noo ko habang nagbabasa ako ng article na need sa essay ko sa isang minor subject nang maramdaman ko ang taong nakatayo sa harap ng table kung nasaan ako.

"Hi, can I sit?" tanong ni Giongco.

 











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top