IV
Chapter 4
#WWSwp
Wala na akong nagawa kung hindi makipaglaro ng bilyar sa mga taga-West Hill. Sanay naman na ako na kapag naglalaro ay may mga nanonood din kahit hindi naman kakilala.
Wala namang pustahan ngayon, laro lang talaga pero siguro agaw pansin din kasi 'tong mga kasama ko.
Dalawang super rookie ng West Hill at isang trouble maker ng SHU. Bonus na lang na may kalaro silang babaeng pula ang buhok.
Magaling maglaro 'yong dalawa, una pa lang akala ko hindi na kami makakatira ni Noah dahil sunod-sunod na pasok ang tira nila kaya nang ma-bad shot sila, sineryoso ko rin ang paglalaro para makahabol man lang.
Hinampas ko gamit ang likod ng palad ko ang tiyan ni Noah nang ma-bad shot siya. Hinimas niya tuloy ang tiyan niya at nagpaawa sa akin.
"Kaia naman," reklamo niya kaya inirapan ko lang siya.
"Excuse me," agad akong napatabi nang lumapit si Giongco kung nasaan ako dahil nakatayo pala ako sa part ng table kung saan siya titira. Naglakad na lang din tuloy ako papunta sa kabilang side ng table para lumayo sa kaniya.
Hindi ko sure kung naaalala niya pa ba ako o ano, ilang araw na rin naman ang nakalipas no'ng tinanong ko siya about sa pabango niya.
Ngayon, sa kabi-kabilang sigarilyo na amoy na amoy ko, nangingibabaw pa rin ang amoy niya lalo na no'ng lumapit siya kanina.
Konti na lang panalo na sila. Nakapamewang lang ako habang nakatayo at ang kabilang kamay ay may hawak na cue stick habang tinitignan din ang anggulo mula sa kung nasaan si Giongco.
Kuha na yata nila.
Titig na titig lang ako sa cue ball at inaantay siyang tumira. Napasulyap ako sandali kay Giongco dahil ang tagal niya, hindi ko alam anong hinihintay niya. Nakasalubong ko ang tingin niya pero agad niyang iniwas bago siya tumira nang biglaan.
Bad shot.
Bahagya akong napangiti dahil doon. Akala ko panalo na sila agad e. Umikot ako sa table para tignan ang pinaka magandang option.
Maayos naman lahat ng tira ko kaso itong Noah ang problema kaya sinamaan ko siya ng tingin. Umakbay lanh siya sa akin nang na-shoot na nila Giongco ang 8 ball at tapos na ang laban.
"Punyeta ka." Tawang-tawa naman si Noah. "Relax, wala namang pusta 'yan." Inalis ko na ang pagkakaakbay niya kaya naglakad na lang siya papunta sa may bench sa gilid.
Sumandal ako sa table at pinagpagan ang palda ko dahil nalagyan na ng pulbo.
Biglang may tumabi sa akin at hindi ko na kailangan pang lingunin dahil alam ko na agad kung sino iyon dahil sa amoy pa lang. Bigla siyang may sinabi na hindi ko na-gets kung bakit niya sinabi kaya napalingon ako.
Ako ba kausap nito?
"Huh? Ano?" naguguluhang tanong ko. Kami lang naman dalawa ang nakasandal sa table nang tignan ko kaya ako yata talaga ang kausap niya. Plus, nasa tabi ko talaga siya.
"My perfume." Napapikit na lang ako nang mariin. Naaalala niya pa pala talaga ako. Sabagay, baka ang weird para sa kaniya na may stranger na magtatanong na lang bigla ng pabango niya.
"Ahh," tanging nasabi ko dahil ano pa bang masasabi ko. Iyon lang din naman talaga ang gusto ko itanong sa kaniya.
Hindi naman siya umalis sa tabi ko kaya na-awkward ako na umalis na lang din bigla. Kaya humalukipkip na lang ako habang nakasandal pa rin sa table.
"By the way, nice game, Go." Napaangat ang tingin ko sa kaniya nang tawagin niya ako sa apelyido ko.
"Kilala mo 'ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. Sinalubong niya ang tingin ko at tumango.
"SHU libero, right?" Napakurap na lang ako at hindi nakapagsalita. Hindi ko in-e-expect 'yon ah. Hindi naman ako remarkable no'ng freshmen ako sa team kaya hindi ko talaga in-e-expect na may mga makakakilala sa akin.
May mga teammate kasi ako na sikat talaga pero hindi ako kabilang doon bukod sa isang season pa lang ako naglalaro ay wala rin naman ako masyadong playing time at sakto lang naman ang skills ko.
Hindi ako born na talented pero nakukuha ko sa practice ang skills ko unlike no'ng iba na natural talaga sa court plus practice din siyempre.
"Gian, let's go," aya no'ng kasama niya sa kaniya kaya umalis na lang din ako sa may table at pumunta kung nasaan ko nilapag ang bag ko para magpahatid na rin kay Noah.
Ewan ko kung maglalaro pa siya pero nang makita ko siya, nakatingin lang siya doon sa tatlong paalis na.
"Type mo?" Ngumuso ako sa may exit ng bilyaran. Nakatingin kasi siya doon sa babaeng kasama nila Giongco. Hindi ko naman siya masisisi kasi ang amo ng mukha no'n.
How I wish gano'n ang mukha ko. Parang anghel na 'di makabasag pinggan.
"Yeah."
"Hindi ba girlfriend 'yon ng isa sa kanila?" curious na tanong ko at tinabihan siya sa may bench. Na-curious ako kasi sinama nila dito kahit parang hindi siya sanay sa ganitong lugar tapos tinuruan nila magbilyar, e karamihan sa magjojowa rito ganoon ginagawa.
"Nope." Tumango na lang ako. Mabuti naman, akala ko may crush siya sa girlfriend ng tropa niya e ang weird naman ng gano'ng feeling.
"Uwi na tayo," aya ko na sa kaniya nang matapos na ako tsismisin siya. Agad din naman siyang tumayo at inakbayan ako palabas ng bilyaran.
Pag-uwi ko sa dorm si-nearch ko 'yung pabango na sinabi ni Giongco at hindi kinakaya ng hamapaslupang kagaya ko ang presyo ng pabango na 'yon. Normal ba 'yon? Grabe? Tapos parang pinapaligo niya pa yata o baka naman kaya siya mamahalin kasi nga kapit na kapit talaga ang amoy.
Naloka ako, parang sumakit ang ulo ko sa nakita ko, parang pwede na halos ipang-tuition ang presyo no'n. Palagay ko worth it naman dahil nga mabango, hindi nakakahilo, at lakas maka-gwapo ang amoy pero feeling ko may gano'n din naman na medyo mas mura.
Ang lala talaga, never talaga ako makaka-relate sa mga mayayaman.
In-exit ko na ang na-search ko at naligo na lang.
After ko maligo nag-check ako ulit kung may dapat bang gawin pero salamat naman at wala naman talaga kaya natulog na lang ako nang gabing iyon
***
After class, nagmamadali akong pumunta sa gym dahil may training kami ngayon. Nag-extend kasi ang isa kong prof kaya nagmamadali tuloy ako papunta sa gym, ni hindi pa ako nakabihis kaya talagang lagot ako nito.
Malapit pa lang ako sa gym nang marinig ko na ang tunog ng sapatos tsaka ng bola kay mas nataranta ako. Ayoko pa naman na-la-late kasi extra ang pinapagawa ni Coach Rick sa mga late unless may sched talaga ng klase ng ganitong oras, sa kaso ko wala naman pero prof ko kasi may kasalanan ayan tuloy mukhang hapong-hapo nanaman ako ngayong gabi.
Tahimik akong pumasok ng gym para hindi ako makakuha ng atensyon. Papunta na sana ako sa locker area nang mapapikit na lang ako ng mariin nang marinig ang boses ni Coach Rick.
"Kalila, late!" Nag-sorry na lang ako agad kay coach with peace sign at tumakbo na papasok ng locker area para makapagpalit ng damit.
Paglabas ko siyempre nag-warm up na ako agad. Pinatakbo ako ni coach paikot at iba pang warm-up na normally naming ginagawa pero dinagdagan niya ang set dahil nga late ko.
Hindi pa ako naglalaro pero pagod na ako!
"Kaia, kapag ganito, dapat nakabantay ka lagi okay? Hindi nila itatarget ang bola diyan kung nandiyan ka," nagtuturo ngayon si coach ng floor defense namin gamit ang whiteboard at mga gagawin sa start ng season. May bracket na dahil malapit na talaga ang PCAA season kaya nag-s-strategize na rin kami.
"Kapag nasa likod na si Zoe o si Therese, palit na kayo." Medyo nabigla ako kay coach dahil feeling ko mas marami akong playing time this year kasi dini-direct niya sa akin ang instruction. Puro Kaia dito, Kaia doon. Hindi ako nagrereklamo, nabigla lang talaga ako na seryoso ba ipinagkakatiwala na 'to sa akin ni coach?
Actually, last year hindi ko talaga akalain na nasa roster ako at makakapaglaro ako since dalawang libero lang per team e first year pa lang ako no'n pero sinama pa rin ako sa set of players ni coach. Sobrang kabado ako that time kasi first time ko sa ganoong set up, biruin mo huling laro ko ng volleyball ay high school intrams na parang saling pusa lang ako. Feeling ko that time tinetesting na rin ako ni coach kaya pressured din talaga ako, buti na lang maayos naman ang laro ko last year.
"Excited ka na this season?" tanong sa akin ni Lesley habang naglalakad inaayos namin ang gamit namin sa may locker area. Tapos na ang training at ang sakit nanaman ng kasu-kasuan ko, umiinom na nga ako ng gatas palagi e. Hirap talaga kapag tumatanda.
"Kinakabahan ako, hindi na-e-excite," sagot ko. Masaya naman mag-volleyball sa totoo lang pero may times na nakaka-drain lang din talaga. May mga oras na ayoko na mag-training, 'yung gusto ko na lang hatakin ang paa ko papuntang gym kasi ayoko na talaga o kaya gusto ko na lang umuwi sa amin kasi ayoko na at pagod na ako mag-aral at mag-training kaya lang kapag naiisip ko ang uuwian ko napapabangon na lang din ako bigla para mag-aral at napapatakbo papuntang gym.
Wala naman kasi akong choice.
"Bakit? Kasi mukhang madalas kang paglalaruin ni Coach Rick?" Tumango naman ako bilang sagot habang isinisiksik ang gamit ko sa duffel bag ko.
"Malay mo, 'yan na ang break mo. Nako Kaia, kapag may mga brands na nakapnsin sa 'yo magkaka-extra pera ka para sa mga kapatid mo."
"Galingan natin!" Pang-mo-motivate niya pa sa akin na akala mo namomroblema rin siya sa pera gaya ko pero nakakatuwa lang din kasi na-motivate din naman talaga ako.
Pag-uwi ko nanood lang ako ng mga previous game ng kung anu-anong team. Hindi ako nag-stick sa isa kasi iba-iba rin talaga ang style ng paglalaro ng mga team at mismong players every game, nanood lang ako hanggang sa napunta na ako sa West Hill recorded games.
Kapag West Hill laging may bago talagang play, 'yon ang napansin ko habang nanonood ako ng games nila. Hindi sila nag-s-stick sa isang strategy sa whole season, parang per kalaban may iba silang ginagawa. Ang hirap ma-predict. Last year, wala naman akong pake kasi sa mata ko ang volleyball basta maipasa mo lang sa kabila ang bola nang hindi na-o-out goods na tapos ang nasa isip ko lang, kailangan ko habulin ang bola, kailangan ko paangatin ang bola. Kung ano ang instruction ni coach sa akin, 'yon lang.
Pero patagal nang patagal, kailangan din pala talaga nag-iisip ka kahit under pressure ka na sa court na kahit malakas ang hiyawan at madaming nanonood tapos bitbit mo pa pangalan ng univeristy kailangan matalino ka pa rin maglaro.
Kaya ngayon, nag-t-take down notes talaga ako sa bawat games na pinapanood ko. Natapos ko na ang mga latest games ng West Hill women's volleyball kaya napunta ako sa men's volleyball team nila na laging may place sa kahit anong season.
Napanood ko na ang mga laro na 'to noon pero pinanood ko lang dahil nga kay Giongco, pinanood ko lang bakit nahumaling agad ang mga tao sa kaniya at kung gaano ba siya kagaling. Kaya ngayon, panonoorin ko na ang buong laro.
Magkaiba ang paglalaro ng women's at men's volleyball team nila pero may mga pagkakapareho pa rin in terms of players, siguro kung dito ako nag-try out pinaalis na agad nila ako at hindi binigyan ng chance. Parang pro kasi yata lahat ng kinukuha nila, bawal magkaroon ng weaker link.
Parang dapat hasang-hasa ka na bago ka pa makapasok sa team nila. Hulog talaga ng langit si Coach Rick at naniwala siya sa non-existent potential ko. Buti na lang din siguro fast learner ako at mabilis mag-improve kagaya ng sabi niya kaya eto ako ngayon, surviving.
Magaling talaga maglaro si Gianni Giongco pero mas lalo siyang nangingibabaw dahil sa setter nila na si Niccholo Antonio na bali-balita na kahit saan mo ilagay ay magaling kaya siguro volleyball gem ang tawag sa kaniya ng iba.
Super Rookie plus Volleyball Gem e kaya naman pala hirap na hirap din ang ibang team na talunin sila e, pero tao pa rin naman sila at natatalo. Last year hindi naman sila ang champion kahit na nawindang ang lahat sa mga rookie na 'yon kaya I can say, may chance pa rin talaga ang ibang team. Hindi naman iyon hopeless case.
Inabot na rin ako ng madaling araw kanonood ng games last season kaya natulog na ako after no'n.
Kinabukasan nagising ako dahil sa tawag ni tita. Wala akong pasok ngayon kaya nasa dorm pa rin ako kahit tanghali na.
"Hello po?" wala pa sa ulirat na sagot ko sa tawag ni Tita.
"Mayroon daw 'yung sinasabi mo, ipapadala ko sa dorm mo ang isang box kapag natanggap ko na, siguraduhin mong uubusin mo 'yon," bungad ni Tita. Medyo nag-lag pa ang isip ko kaya hindi ako nakasagot.
"Kalila!" pagtawag niya pa kaya, nailayo ko ang phone ko sa tainga ko. 'To naman si Tita, masyadong magagalitin.
"Okay po," sagot ko na lang kahit hindi pa nag-sink in sa akin ano ba sinasabi niya. Binabaan niya ako ng tawag agad. Napatulala na lang tuloy ako sa kawalan at nagmuni-muni dahil hindi na rin ako makakabalik sa pagtulog.
Isang araw, pag-uwi ko na lang ng dorm, ibinigay no'ng guard sa akin ang isang box na sinasabi ni Tita kaya pahirapan ko iyong dinala papuntang kwarto at agad na binuksan.
Mga pabango pala iyon.
Nang maamoy ko ang pamilyar na amoy, saka ko lang naalala na tinanong ko nga pala si Tita kung may inspired bang pabango doon sa pabango ni Giongco. Hindi ko akalain na mayroon pala talaga 'yung supplier niya.
Ngayon, paano ko 'to ibebenta at uubusin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top