Chapter 9

CEASEFIRE. That's what we are. Lumipas ang mga linggo na pumapasok ako nang maaga at nakikinig sa mga klase ni Ismael. And just like what he promised, he helped me locate Professor Sybill.

"Ano ba kasing kinalaman ng Calculus sa Business Management?" pagrereklamo ko sa kaniya.

"Did you also ask that to him?" Inirapan ko siya sa tanong niya. "Look, students should learn Calculus since it can be applied in economic and business settings such as maximizing profit or minimizing average cost, finding elasticity of demand, or finding the present value of a continuous income stream. Remember the Chain Rule? It helps us deduce rates of change in the real world. From the Chain Rule, we can see how variables like time, speed, distance, volume, and weight are interrelated. Imagine you're standing on a mountain, and you need to reach the bottom by taking a series of steps, each leading to a lower level. The chain rule is the mental map that guides you through each step, ensuring you land exactly where you intend. In calculus, it helps us navigate the intricate paths of composite functions." Napanganga ako sa paliwanag niya pero hindi pa pala siya tapos. "A composite function is like a chain reaction. It's the composition of two or more functions. Think of it as putting one function inside another, creating a new function. The chain rule provides a way to calculate how changes in the input of the outer function ripple through to affect the output. Haven't I already discussed this?" paliwanag na may kasamang reklamo ni Professor Mondalla. Napakamot ako sa ulo ko.

"Ang hirap kaya," bulong ko. Kasalukuyan akong narito sa office niya dahil pribado niya akong tinuturuan sa mga lessons na hindi ko masyadong naintindihan. Masyado kasi siyang perfectionist, eh, ako? Ako ang pinakamababa ang performance sa klase niya. Sa sobrang ayaw niyang maging delikado sa mga mata ng board members lalo na kila Dean at sa iba pang faculty, he's trying his best to teach me. "Ibang chain kasi ang alam ko."

He stared at me in disbelief. Hindi ko alam kung conservative ba siya pero sa tuwing magbibiro ako nang ganoon ay sinasamaan niya ako ng tingin. "Bakit na naman? Wala naman akong ibig sabihin?"

"I am not stupid, Miss Alvandra."

"Oo na po, Professor Mondalla." Mas sanay akong tawagin siya sa first name pero dahil gusto niyang galangin ko siya kahit kaunti ay wala naman akong nagawa kundi tawagin siya sa paraan ng pagtawag niya rin sa akin. Infairness naman, nagugustuhan ko na ang paraan ng pagtawag niya sa akin. Masyadong professional. "So, bago ang lahat, may progress na ba sa paghahanap mo kay Professor Sybill? Baka naman hindi mo talaga siya hinahanap, ha? Baka iniisahan mo lang ako," litanya ko habang nilalayo sa akin ang mga libro at notebook.

"I have my connections. And yeah, I forgot to tell you about this but this Saturday, he'll be at the bar where I saw you."

Saturday? Sandali, that is our first anniversary. Why would Professor Sybill be there? Napakagat ako sa labi. Dahil ba umaasa siyang pupunta ako roon kahit hindi niya sabihin? Doon sa bar na siyang tinuro niya sa akin kaya doon din ako pumupunta tuwing tumatakas ako sa mundo. Makikita ko na ba talaga siya?

Muli na naman akong naging emosyonal. Kita sa mukha ko ang sukdulang kaligayahan. Ngayon palang na may balita kung saan ko siya makikita ay sobrang saya ko na, paano pa kung makita ko na siya sa harap ko?

"Anong oras? Pupunta ako."

"Around eight in the evening. Sabi sa akin ng kaibigan ko, nagbook daw roon ng private room si Professor Sybill," paliwanag niya.

Napangiti ako. "Okay, copy."

"Are you sure you wanna go there? Baka may mangbastos na naman sa 'yo," saad niya. Umiling ako. "Yakang-yaka ko 'yon, ano ba? Tsaka naroon naman si Professor Sybill, siguradong hindi niya ako pababayaan."

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa wakas may impormasyon na ako tungkol kay Professor Sybill. May pagkakataon na akong makita siya at makausap tungkol sa nangyari. Magkakaroon na ng sagot ang mga tanong ko.

Tila ba nagkaroon ako ng inspirasyon na tapusin ang ginagawa ko. Sinagutan ko lahat ng mga binigay sa aking tanong ni Ismael at kahit siya'y napanganga na nasagot ko lahat nang tama. Well, iba ang nagagawa ng pag-ibig.

*****

Saturday came and I am so nervous. Para akong natatae na ewan. Sukdulan ang kaba sa dibdib ko at kahit anong gawin kong pagpapakalma ay hindi ko magawa. This is the day of our first anniversary and I can't believe makikita ko siya.

Sa sobrang excited ko ay seven p.m. palang ay nakatambay na ako sa Island Motel Bar. Napagtanto ko rin na ang hotel na pinagdalahan sa akin ni Ismael noong gabing nakita niya ako rito ay katabi lang ng bar na ito. Hindi ko pa rin siya natatanong tungkol sa buong nangyari pero sigurado namang wala talagang nangyari sa amin dahil hindi niya naman ako type. At hindi ko rin siya type, utang na loob! Kahit na ang bait-bait niya sa akin nitong mga nakalipas na araw pero syempre dahil iyon sa gusto niyang mangyari, ayaw niyang maging sagabal ako sa mga plano niya kaya tinuturuan niya ako. Nagkaroon pa ako ng private tutor for free.

Tiningnan ko ang mobile phone ko para i-check ang oras. Quarter to eight. Kaya pala dagsaan na ang mga tao sa loob ng bar. Mabuti na lang at hindi ako pinagtitinginan ng tao. Wala ring lumalapit na lalaki. I sipped my tequila which I ordered the moment I came here. Naalala pa nga ako ng bartender at siya na ang nagtanong kung 'yong usual ba ang kukunin ko. I was amazed.

Biglang tumunog ang phone ko. I leaped because of shock. I immediately answered the call when I saw Ismael's name on the screen.

"What is it?" tanong ko.

"Nothing. I just want to know where you are but base on the loud screams and music, you're at the venue now."

Ngumiti ako. "Yeah, and I thank you for helping me. Hindi na ako makapaghintay na makita si Professor Sybill. This night will be long. It's our first anniversary after all."

"Right. Take care."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top