Chapter 8
Wala na akong nagawa kung hindi ang sundin si Ismael. I was following his steps kahit hindi ko alam kung saan kami papunta. Tsk. Ano bang kailangan niya sa akin?
"Get inside my office."
Napatingin ako sa pintong tinutukoy niya. Ito ang opisina ni Professor Sybill. Bumigat ang paghinga ko. Bumabalik sa alaala ko ang lahat maging ang pangungulila ko sa kaniya.
Ismael noticed that I wasn't in myself kaya hinawakan niya ang doorknob at binuksan ang pinto para sa akin. Nauna siyang pumasok habang ako'y nagdadalawang isip pa kung tutuloy sa loob. Ang hirap palang pumunta sa lugar na madalas mong puntahang kasama ang taong mahal mo ngayong hindi mo na siya kasama.
"Sit," utos pa ni Ismael kaya napatingin ako sa kaniya habang nakataas ang aking kilay. Napapansin kong para niya akong ginagawang aso, ah. Ang daming utos!
"Why would I?" tanong ko.
"Then, just stand there. Sino bang mangangalay?"
Umupo siya sa harapan ko kung nasaan ang table niya. Nakita ko ang nameplate ng pangalan niya. Anong ibig sabihin nito? Akala ko ba sub-professor lang siya? Bakit may nameplate na siya rito? Regular na ba siya? Hindi na ba babalik si Professor Sybill?
"Pinapunta mo ba ako rito para lalong saktan?" galit na tanong ko. Maging ang ngipin ko'y nagngitngit dahil sa inis. "Para ipamukha sa akin na sa iyo na itong opisina at mayroon ka nang pangalan sa lugar na ito?"
"No," sagot niya tsaka ipinatong sa lamesa ang dalawa niyang braso at pinagtagpo ang kaniyang mga kamay. "That won't happen hangga't ganiyan ang inaasal mo, Miss Alvandra. You're here because I want you to cooperate with me. I know you hate me and you want me to be dismissed, but I won't let it happen."
"So, are you threatening me?"
"No, I am here to request." Napatikhim ako sa sinambit niya. Request? Tama ba ang rinig ko? Magre-request ang isang Ismael sa akin? "I want this position. I want to teach here at Marcus University. And I don't want you to be the reason why I will be dismissed. This is my first time teaching here, and they told me that if one of my students failed, it will stain my records. My students are a reflection of how I teach." Bakas sa mukha niya ang sinseridad. Ano bang mayroon sa Marcus University at bakit gusto niya rito?
"Eh 'di, fake my records. You can pass me, I know, kahit magbulakbol ako."
Umiling siya. "Integrity, Miss Alvandra."
Bakit parang problema ko pa ngayon ang problema niya? Akala niya ba susunod ako sa gusto niyang mangyari? Gusto niya akong tumino? No way, now that I know his weakness I might take advantage of it. Sisiguraduhin kong matatanggal siya rito.
"I'm sorry, I can't help you," matigas kong sabi tsaka ko siya tinalikuran pero ang mga sunod niyang sinabi ang siyang nagpatigil sa akin sa paglakad.
"Then, I must do my part. Should I tell Professor Sybill about how you kissed me that night?"
I gulped. So now, he's trying to blackmail me. "Isn't that what a useless man would do?" sagot ko habang pinipigilan ang sarili. Ibig sabihin, kumpirmado ngang siya ang nakasama ko ng gabing 'yon at hinalikan ko siya. Posible bang may nangyari talaga sa aming dalawa? Hindi maaari! Nakakasuka!
"Aren't I a useless man in your eyes already?"
Napabuntong-hininga ako. Sukdulan na talaga ang galit ko sa kaniya. Akala ko ba narito siya para magrequest sa akin? Bakit parang ako pa ang dehado dito? Bakit kailangan niyang gamitin laban sa akin ang nangyari?
"It was a mistake! I thought you were Professor Sybill that's why I kissed you! Bakit ka ba kasi naroon sa bar? Bakit mo ako tinulungan? Bakit mo ako dinala sa hotel?"
"Why? Dapat ba sa bahay ko?"
Dapat philosophy na lang ang tinuro niya dahil napakapilosopo niya. Nakakainis! Inuubos niya ang pasensya ko! Kung pwede lang siyang sakalin, ginawa ko na!
"You shouldn't have helped me dahil kaya ko ang sarili ko. At isa pa, hindi naman ako humingi ng tulong sa iyo."
"And left you there being molested? You're my student after all. Why should I leave you?"
Nawalan ako ng sagot. Mas maigi pa ngang pilosopohin niya ako kaysa magsalita siya nang ganito. Mas lalong nawawalan ako ng salita laban sa kaniya.
I sighed. "What do you really want?" matigas na tanong ko. Nakakasawa nang makipagtalo sa kaniya. Para bang kung hindi ako susuko ay hindi rin niya ako pagpapahingahin.
"I told you what I want. I want to stay here."
"But I don't want you to stay here. Bakit ba gusto mo rito?"
"I have my reasons and I'm desperate."
Naumid ang dila ko sa sinambit niya. Kita ko sa mga mata niya ang lalim ng kaniyang pagnanasang magtagal sa lugar na ito na siyang wala sa akin. Bakit ko pa gugustuhing magtagal dito kung ang lagi kong maaalala ay ang pangungulila ko sa taong mahal ko? Pumapasok lang naman ako dahil umaasang makikita ko siyang bumalik o kaya naman ay magkaroon ng hint kung nasaan siya.
"If you want, I will help you locate where your Professor is."
I blink in an instant. Sa pagkakataong iyon, bumagsak ang luha ko dahil para bang nagkaroon ako ng pag-asang makita si Professor Sybill. Napaluhod ako at hindi ko na napigilang humagulgol sa iyak. Wala na akong pakialam kung makita ako ni Ismael na umiiyak dahil sa isang lalaki. Wala akong pakialam sa sasabihin niya, kung tanga ako, pero kung tutulungan niya akong mahanap si Professor Sybill...tutulungan ko rin siya na maging stable ang pananatili rito.
Napansin ko ang mga yabag ng paa papalapit sa akin. "Here." I looked up and saw him handing me his handkerchief. My heart shattered. Why is he being so rude all the time and in an instant he'll be this thoughtful?
"You shouldn't cry in front of guys, they might take advantage of your weakness," he said in a concerned manner. Inabot ko ang panyong ibinibigay niya at pinunas iyon sa pisngi ko.
"You won't take advantage of me since I am your last card." Tumayo ako. "Kapag hindi ka sumunod sa napagkasunduan, I'll definitely erase you here."
Ngumisi siya habang pinagmamasdan ang mukha ko na tila ba namamangha kung paano ako naka-recover sa sandaling pag-breakdown. "So, it's a deal?" tanong niya.
Tumango ako. Nagulat naman ako nang ilahad niya ang kamay niya. I exhaled as I held his hand.
"You really love that guy?" hirit pa niya.
"I do, so help me find his whereabouts in exchange for my kind behavior in your class. Pangako ring hindi ako magiging sagabal sa pangarap mo."
Ngumiti siya. "Right. You should behave." Nagulat ako nang ipatong niya ang kamay niya sa ulo ko at guluhin ang buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Am I a dog?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top