Chapter 7

Napakasama talaga ng ugali niya. Ano bang karapatan niyang pakialaman ang buhay ko at sabihing huwag sayangin ito sa isang walang kwentang lalaki?

Tuluyan na akong lumabas ng classroom at nagmadaling pumunta sa malapit na comfort room para umiyak. Hindi ko na napigilan. Ang lahat ng mga luhang nagtago ng ilang araw at linggo, bumuhos itong lahat.

I have no one else to turn to. At kahit sirain ko ang buhay ko, walang mayroon ng paki.

*****

Lumipas ang isang linggo at muli, makakaharap ko na naman ang Ismael na iyon pero may baon ako—baon ko ang paghihiganti. Sa lahat ng mga sinabi niya sa akin lalo na ang mga katagang hindi niya magugustuhan ang isang katulad ko. Nakakababa ng dignidad.

Inagahan ko ang pasok sa klase at tama nga ako naroon na siya kahit wala pa ang mga kaklase ko. Abala sa paggamit ng laptop.

Napangisi ako. Agad kong binuksan ang dalawang butones ng unipormeng suot ko tsaka ako naglakad sa harap niya. Maikli rin ang suot kong palda na siyang hapit na hapit na bumabakat ang dapat bumakat. Sinong hindi maaapektuhan?

Dumapo ang mga mata ni Ismael sa akin. Lagot ka na. Hindi mo na ako matatakasan.

Pero saglit lang ang tingin niya sa akin bago ibinalik ang mga mata sa kaniyang ginagawa. Did he just ignore me?

"Kindly fix your uniform, Miss Alvandra. Napakasakit sa mata ng suot mo."

Napanganga ako sa sinabi niya. Anong klaseng lalaki ang tatanggi sa grasya? I sucked my teeth as I marched my way to him. Inikot ko ang swivel chair niya para iharap siya sa dako ko. Nagtagpo ang mga mata namin at ilang segundong hindi bumitiw sa isa't isa. Totoo bang wala akong epekto sa taong ito?

"Are you gay?" bulalas ko.

"No," sagot niya sa malalim na boses na siyang nagpataas ng mga balahibo ko. "If you're trying to seduce me by wearing your uniform in that way and acting like a whore, I appreciate it but sadly it doesn't affect me."

"Anong klaseng lalaki ka?" napalakas na tanong ko sa inis.

"Not the man like Professor Sybill, I guess. Did you act like this in front of him?" sarkastiko niyang komento. Agad kong sinara ang mga butones ng damit ko at inayos ang itsura ko. Maging ang nakalugay kong buhok ay tinaas ko na.

"Hindi, 'no! Anong akala mo sa akin?"

"Then, why are you being like this in front of me?" nakangisi niyang tanong.

"Wala ka na ro'n!" sigaw ko tsaka ko siya tinalikuran pero bago ako makaalis ay nahawakan niya ang waist ko at muli akong napaharap sa kaniya.

Napalunok ako at sa unang pagkakataon ay kinabahan ako sa ginawa niya. Shit. Mukhang ako ang naaapektuhan sa mga pinaggagagawa ko, ah. This can't be.

"I don't know why this idea keeps coming into my mind. Are you doing this on purpose for me to notice you?"

Agad na kumunot ang noo ko. "What do you mean?" Muli kong naalala ang paratang sa akin ni Savannah. Is he telling me na nilalandi ko siya? No way!

"Are you trying to hit on me, Miss Alvandra?"

My forehead twitches. "No way. I don't like you!"

Nagulat ako nang hilahin niya ako paupo sa kandungan niya. Halos malagutan ako ng hininga dahil sa ginawa niya. "Kahit sa flirting ay magaling ako. Sigurado ka bang hindi mo ako gusto?" Tila ba ibinalik niya sa akin ang pagbabanta ko sa kaniya noong nakaraan.

And there I stopped and saw his damn gorgeous face. Ngayon ko lang siya nasuri ang mukha niya nang ganito katagal at kalapit. Napakunot ako.

Nanuot sa akin ang matapang niyang pabango na para akong hinihilang ubusin ang amoy na iyon. Lumapit ako sa leeg niya upang singhutin ang amoy niya. This scent. It is very familiar.

Napalunok ako nang lumingon siya sa akin na para bang nagtatanong kung anong ginagawa ko. Napakalapit...ng mga labi namin sa isa't isa. Amoy namin ang kani-kaniyang hininga. Nakakapanglambot.

Ngunit biglang natigil ang pagpapantasya ko nang may alaalang pumasok sa isipan ko. Ang panaginip ko at ang alaalang bumalik sa akin noon sa hotel room. Agad akong napatingin sa necktie niya at walang pasintabing hinawakan iyon upang tingnan ang likod.

M...

Muling tinagpo ng mga mata ko ang mga mata niya at sa pagkakataong iyon ay nabuo sa utak ko ang sagot sa mga tanong. He was the guy who saved me that night. He was the one who took care of me and brought me to the hotel room. He was the one I grabbed the tie and sealed a kiss.

Napatayo ako habang pinagmamasdan pa rin ang mukha niya. Hindi ako makapaniwala. I was about to confront him about what happened nang unti-unting nagsidatingan ang mga kaklase ko kaya wala na akong nagawa kung hindi pumunta sa upuan ko.

"Good morning everyone," bati ni Ismael. Hindi ko mapigilang tingnan siya habang nagsasalita at napapaiwas naman ako ng tingin kapag napapasulyap siya sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ako yata itong nakarma sa ginawa ko. Hindi ako makatagal dahil sa kabang nararamdaman ko. Ibig sabihin, siya ang tumulong sa akin pero bakit umaarte siyang parang walang nangyari. Kung siya nga talaga ang lalaking iyon, bakit hindi niya ako kinakausap tungkol doon? Nakita niya ako sa bar na sobrang lasing na naka-uniform. Hindi ba't isa iyong dahilan para ma-report sa Guidance? At isa pa, hinalikan ko siya.

Napatakip ako sa mata ko gamit ang isa kong kamay na ang siko'y nakatuon sa ibabaw ng desk ko. Hinilot-hilot ko pa ang gilid ng noo ko gamit ang thumb at middle finger ko. This is so embarrassing.

"Today, we're going to talk about section two point 4 which is the Chain Rule. In addition to product rule and quotient rule, there are certain functions where we have to use another rule. That rule is called the chain rule..."

My jaw dropped because it was the first time my attention got caught by Ismael. The way he talked and explained the lesson was way more enthusiastic and professional. Ipinasada ko ang tingin ko sa buong klase at pansin ko ang pananahimik nila. Lahat ng atensyon ay nasa propesor na nasa unahan.

"So if you have a function, let's call it p of x and that function is built on a function living within another function...so you have f of g of x..." Hindi ko na ito kinakaya. Talaga bang nakikinig ako sa discussion ng Ismael Mondalla na 'yan? Sa Calculus? At kailan pa ako nagkaroon ng interes na pakinggan siya? Dahil ba ito sa nangyari kanina?

No, no, this can't be. Natatalo na ba ako sa laban namin? Gayong nagsisimula palang ako? No, I should straighten up. I still want him to disappear and Professor Sybill to come back. So, what I should do now is ask Ismael kung may nangyari ba sa amin o wala. Dahil kung mayroon, hindi ko na alam kung mayroon pa akong mukhang maihaharap kay Professor Sybill kapag bumalik siya. At kailangan kong makaisip ng ibang paraan para mapaalis siya rito dahil mukhang hindi effective ang ginawa ko kanina. He is that numb as stone and cold as ice.

"Alright, class. See you on Wednesday," paalam ni Ismael sa amin. Naningkit ang mga mata ko habang sinusundan ang propesor na papalabas ng pintuan. Kailangan ko siyang sundan. But the moment I stood up from my chair was the moment Savannah blocked me. At hindi na lang siya mag-isa ngayon, may mga back-up na siya na akala mo naman kayang tapatan ang tapang ko.

"Ano na namang kailangan mo?" maangas na tanong ko. Marahas na tinapik ni Savannah ang balikat ko. "Napakalandi mo talaga, Jothea."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi pa ba siya nagtanda noong sinampal ko siya? Narito na naman siya at sinisira ang araw ko.

"Talagang hindi mo tinatantanan si Professor Mondalla, 'no? At talagang pumasok ka nang maaga para makita at masolo siya?" Napanganga ako. Noong una, naiinis siya dahil late ako palagi at pinagbibintangan niya akong nagpapapansin. Ngayon namang maaga ako, may masasabi pa rin siya. Ano ba talagang gusto ng babaeng 'to?

"Ano namang pakialam mo? Naiinggit ka ba sa 'kin?" deretso kong tanong sa kaniya.

She laughed at me in an insulting way while she crossed her arms. May pairap-irap pa siya. Kung dinudukot ko kaya ang mata niya? "Bakit naman ako maiinggit sa 'yo? Sino ka ba? Eh, wala ka ngang kahit na ano."

Ako naman ang ngumisi. "Iyon na nga, eh. Wala na nga ako ng kung anong meron ka. Wala akong pamilya, wala akong kaibigan, wala akong boyfriend, sukdulan na ang pagiging pakialamera mo sa buhay ko. Paano na lang kung magkaroon ako? Eh 'di, mas lalo kang nainis sa inggit?"

Akmang magsasalita pa siya nang may kumatok sa pinto ng classroom namin. I was surprised to see Ismael again standing straight at the doorway. "Miss Alvandra, come to me."

Agad na pumintig ang puso ko. Shit. What is this? "Why would I do that?" maarte kong tanong habang pinipigilan ang kakaibang kilos ng puso ko.

"Just do what I say."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top