Chapter 48
I woke up from the ring of call. It was six in the morning on Sunday.
"Love, your phone," bulong ko habang mahinang tinatapik ang kaniyang dibdib. I heard him growling softly as he tried to reach for his phone on the side table. He's half-naked and just wearing gray sweatpants, while I'm wearing white lingerie. Madaling araw na rin kaming nakatulog dahil napasarap na naman kami, kaya pagod na pagod ako at hindi ko pa gustong bumangon.
Nang sagutin niya ang tawag ay muli akong pumikit at niyakap siya. I was lying on his chest comfortably.
"Good morning...yes, speaking." Ramdam ko ang vibration sa dibdib niya sa bawat salita niya. Gosh, I never thought I would be this clingy, but I want to cuddle him forever. Is this going to be my future when we finally get married? I cannot wait.
"What do you mean?" Napatunghay ako nang marinig kong bahagyang tumaas ang tono ng boses ni Ismael. Tinagpo niya ang mga mata ko at kita ko ang gising na gising niyang diwa dahil sa naririnig niya sa kaniyang kausap. "It was her brother?"
I gasped. Para bang nagkaroon ako ng context sa kung sinong tumatawag sa kaniya ng ganitong oras at kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila. It was about the updates on the burglary at my house.
"Alright, I'll be there."
He glanced at me when the call ended. "They say it was your brother who went to your house and stole your money," he reported to me. My breathing became shallow. I never expected that Joth could do that to me. "I'll take care of it. You just stay here."
Tumayo siya, pero pinigilan ko. "No, Ismael. This is a family matter—no, I mean..." Napabuntong-hininga ako nang mapagtanto ko ang sinabi ko. "I'm s-sorry..." Napayuko ako nang makita kong napatigil siya sa sinabi ko. "Isama m-mo ako," nahihiya kong sambit.
"Alright."
Hinaplos niya ang balikat ko bago siya pumunta sa closet niya upang kumuha ng damit. Umusbong ang awa sa puso ko. I shouldn't have said that. Mukhang nasaktan ko siya dahil sa sinabi ko. Hindi niya lang ipinapakita.
"Come here. Let's take a shower," pagyaya niya sa akin. I pouted as I gave him a tight hug to compensate for what I had done. Kahit kailan talaga ang bibig ko!
"Sorry, love."
*****
Nakarating na kami ni Ismael sa police station. Agad kong nakita si Roxsielle na naroon sa harap ng pulis habang nagrereklamo samantalang si Joth naman ay abala sa pagsigaw habang nakahawak sa rehas sa kulungan. I never expected that I would witness such an event. Nakita niya ako at hindi na siya nag-atubili para sigawan ako.
"Gagawin mo talaga sa akin 'to? Kapatid mo 'ko!" sigaw niya habang nanlalaki ang mga mata. Is he on drugs?
"Kapatid ngakita, pero hindi mo nga ako matawag na ate," matigas kong litanya nang makalapit ako sa kaniya. Binati naman ako ng mga pulis at pinaupo kaming dalawa ni Ismael habang si Joth ay panay pa rin ang sigaw kaya tinapatan na siya ng isang pulis para patahimikin.
Nakatingin sa amin si Roxsielle na para bang nagtataka kung bakit kasama ko na naman ang lalaking ito.
"Ate Jothea, please, huwag mong sampahan ng kaso si Joth. Nagmamakaawa ako sa 'yo," pakiusap niya. Pansin kong nagkaroon na ng laman ang mukha at katawan niya. Parang kailan lang ay payat na payat siya.
"I need to know why he did that," sagot ko bago ako tumingin sa pulis na mukhang kanina pa naghihintay ng atensyon ko.
"Miss Alvandra, your brother was caughtin a hidden camera planted on your cat," panimula ng pulis sabay harap sa akin ng laptop niya kung saan naroon ang footage ni Joth na pinaghahalungkat ang mga gamit ko. Rinig ko pang pinagbabantaan niya ang pusa ko, kaya lalo akong nakaramdam ng poot.
I saw how he desperately opened my vault. Kita namin ni Roxsielle, at maging siya ay naumid sa kaniyang nasasaksihan.
"How can he do this?" hindi makapaniwalang tanong ko habang naaaninagan pa rin ang paglalagay ni Joth ng pera ko sa dala niyang maliit na bag.
I bit my lip as I tried to maintain my composure. "Sobrang wala na ba talaga kayong pera para magnakaw?" Nilingon ko si Roxsielle. "Hindi ba't pinahiram na kita ng pera?" tanong ko pa.
"What? Pinahiram mo ng pera si Roxsielle? Kailan?" sabat ni Joth bago siya tumingin sa kaniyang asawa. "Bakit hindi ko alam ang tungkol dito, Roxsielle?"
"I told her to keep it a secret from you. The money is for your children!" sigaw ko pabalik.
"Ano? Bakit?" naiinis na tanong ni Joth bago muling ibinaling ang atensyon sa asawa. "Roxsielle! Akala ko ba hindi ka pinahiram ng kapatid ko? Akala ko ipinagtabuyan ka niya at ipinahiya? Kaya ka nga dinugo, 'di ba? Dahil tinulak ka niya?"
Napasinghap ako at hindi makapaniwalang napatingin kay Roxsielle. She looked away because she knew how my eyes can kill by just staring. What the hell? Did she fool me?
"What does this mean, Roxsielle? Did you lie to me?" galit kong tanong. "I considered helping you, kahit na iyon na lang ang natitira kong pera! Why did you do that to me?"
Tumingin siya sa akin. Isang masamang tingin na hindi ko inakalang ibabato niya sa akin. Tumayo siya para harapin ako. "Huling natitirang pera? Eh, bakit may nakita pa si Joth sa 'yo?"
Napasinghap ako at napatayo na rin. "That's my savings! Pati ba naman iyon pag-iinteresan niyo pa?" Nanginginig ang mga labi ko sa galit. Kung pwede ko lang siyang sampalin o saktan dahil kating-kati na ang kamay kong gawin 'yon pero pinipigilan ko.
"Bakit naman hindi? Huwag ka ngang makasarili! Ano ba ang ten thousand-twenty thousand sa 'yo? Mayaman naman ang lalaking kasama mo!"
Napabuga ako sa sinabi niya. Paano niya nasasabi 'yan sa akin? Akala niya ba porque mayaman si Ismael ay basta basta na lang ang pera? At hindi ko naman pera ang pera ni Ismael!
"Then you should be in jail instead. Your attitude doesn't seem to ask for forgiveness," matigas kong sambit.
Tumingin ako sa pulis at dahil nasaksihan niya naman ang naging pagtatalo namin, mukhang alam niya na ang gagawing aksyon dito.
"Napakayabang mo talaga!"
Nagulat ako nang itulak ako ni Roxsielle, at akmang sasampalin niya pa ako nang mapigilan iyon ni Ismael. "You can be sued for assault, just in case you didn't know, Miss," Ismael stated in his terribly serious tone, and even I became scared of it.
Agad namang binawi ni Roxsielle ang kamay niya. Hindi ko inakalang ganito pala ang totoo niyang kulay. Akala ko ay kinakawawa siya ng kapatid ko. Siya pala itong napakalaking sinungaling, na nagtulak sa kapatid ko na nakawan ako.
"Jothea! What's the meaning of this?" Lahat kami ay napalingon nang makita ko si mom kasunod si dad. Mabilis siyang dumeretso sa akin. Isang malakas na sampal ang binigay niya. Kung kanina ay hindi ko natanggap ang sampal mula kay Roxsielle, ngayon, mas malakas at mabigat na kamay ang gumising sa nananahimik na tigre sa loob ko.
"Bakit mo ipakukulong ang kapatid mo? Talaga bang wala ka nang ginawa kung hindi ipahiya ang pamilya natin? Ngayon pagbibintangan mo siyang magnanakaw?" she shouted in a strident voice, making everyone's attention point to us. Agad naman silang inawat ng mga pulis.
"I apologized, ma'am. Can I ask how you are related to this case?" sabat ng pulis.
"We are their parents," sagot ni mom.
But never been one to us.
Lalo na sa akin.
"Alright, Mr. and Mrs. Alvandra, we have solid evidence that points out her younger brother stole Miss Alvandra's money when she was away from her home," paliwanag pa ng pulis.
"Then it should be settled in our house privately. Bakit makakarating pa ito rito sa mga pulis?" tanong naman ni dad habang hawak ang baston niya at itinuturo sa paligid. "Ganito ka na ba kadesperada na sirain ang buhay namin, Jothea?" dagdag pa niya.
Bumigat ang paghinga ko. Ako na nga itong ginawan ng mali, bakit parang ako pa ang may kasalanan? Ako pa ang mali na itinawag ko sa pulis ang nangyari? Hindi ko naman alam na kapatid ko pala ang salarin! Hindi ba tamang humingi ako ng tulong sa mga pulis, kasi kahit isa naman sa kanila ay hindi ako tutulungan?
"I'm sorry to bug in, but Jothea is the victim here. She has the right to call the police for help, and she also has the right to put him in jail because the evidence proves that he's guilty," komento ni Ismael na nagpangisi kay dad. Tinapatan ni dad ng baston niya ang dibdib ni Ismael.
"And who are you again? Who are you to speak for my daughter? Are you her boyfriend?" Napalunok ako. Kita ko ang kademonyohan sa mukha ng ama ko. Kahit kailan talaga hindi niya ako pinahalagahan bilang anak niya. Ngayon naman na may nagbibigay ng halaga sa akin at ipinagtatanggol ako ay nagagalit siya, sila. "You're just her professor, so mind your own business. This is a family matter," dad continues as he puts his attention on his son, now behind bars. "Hindi mo ba palalayain ang kapatid mo, Jothea?"
"Why would I do that? Not until he gave it back to me!" may diing sagot ko. Kanina ko pa pinipigilan ang mga luha ko dahil ayokong makita nilang mahina ako. Now that Ismael is here with me, mas kailangan kong tatagan ang loob ko.
"You'll finish this ridiculous show of yours, Jothea! Now!"
My fists are clenched. Napabuntong-hininga ako at napalingon sa mga pulis. Bakit kahit gusto kong lumaban ay hindi ko magawa? Bakit ang laki pa rin ng pagpapahalaga ko sa kanila, kahit hindi nila iyon ibinabalik sa akin?
"Miss Alvandra," tawag pa sa akin ng pulis na para bang kung may magagawa lang siya para tulungan ako ay gagawin niya basta sabihin ko lang.
Wala na akong nagawa kung hindi aregluhin ang kaso. Pinalaya nila ang kapatid ko. Ano raw ang twenty-thousand na ninakaw ng kapatid ko para dungisan ko ang pangalan ng pamilya namin. I almost laugh in disgrace. What kind of family is he talking about? Kahit kailan hindi ko iyon naramdaman. Ako ang dehado, pero ako pa ang hindi pinaburan.
"I think you should at least apologize to your sister."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top