Chapter 43
"Pasok ka," salubong sa akin ni Savannah nang makarating ako sa unit niya. "Kumain ka na ba? You want me to get some food?"
Umiling ako. "I'm really sorry for bothering you, Sav," nahihiya kong sambit habang naglalakad papasok sa bahay niya dala ang isang bag na may lamang uniform at ilang piraso ng damit.
"It's okay, Thea. As you can see, mag-isa lang naman ako rito. I have no friends, so...I have been waiting for this day to come. Sa wakas may na-invite na rin akong kaibigan sa bahay ko." Ngumiti siya. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na sinampal ko noon ang isang taong tutulong pala sa akin ngayon. "Alam mo? You can stay here as long as you want."
"Thank you, Sav."
Inalalayan niya akong makaupo sa couch at pinaghandaan ng pagkain. Ngayon ko na-realize na wala pala talaga akong karapatang magmalaki sa kaniya noon dahil sobrang yaman pala talaga ng pamilya niya. Kaya niya nga yata akong bilhin. Napakasama lang talaga ng ugali ko at nangliliit ako sa sarili ko habang idinadait ang katawan sa mga mamahaling bagay na pagmamay-ari ni Sav.
"Are you sure you don't want Professor Mondalla to know what happened to you? Are you two in a fight ba?" tanong niya habang binubuhusan ng tsaa ang maliit na tasa para ibigay sa akin. May nakahanda ring mamahaling prutas sa gilid.
Umiling ako sabay tingin sa kanang bahagi ng bahay niya kung saan may malaking glass barrier na sa pagitan no'n ay balcony kung saan matatanaw ang malalaking buildings. "Ayoko lang maging pabigat."
I heard her sigh. "You're not a burden, Thea. Baka iniisip mo rin na pabigat ka sa akin. Definitely not. I know we had a lot of arguments before, but that was in the past. You saved my life, and it is my only chance to give back the favor."
"Hindi naman ako ang nagligtas sa 'yo kung hindi si Ismael."
"But Professor Mondalla wouldn't find me if you weren't there," she insisted. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa kaniya.
Naputol ang pag-uusap namin nang marinig namin ang malakas na tunog ng telepono niya. Agad siyang pumunta roon upang sagutin.
"Professor Mondalla?" Napalingon ako kay Sav nang marinig ang pangalang iyon. Ang mga mata niya'y nagsasabing hinahanap ako ng lalaking iyon. Umiling ako. "She's not h-here."
I stood up and went to the bathroom. I want to wash away all the burdens inside me. Lalo na sa nangyari kanina sa bahay ko, it would take time for me to finally come back there. Paano kung bumalik sila at ako naman ang puntiryahin nila? And what fucking great is that I have no family to ask for help, kahit man lang makuwentuhan ng nangyari sa akin ay wala akong maasahan sa kanila.
Pagkatapos kong maligo ay sumalubong sa akin si Sav. "Kanina ka pa raw tinatawagan ni Prof., pero hindi ka sumasagot. Hinahanap ka niya."
"Let him."
Kinuha ko ang phone ko at nakita ni Sav na low battery iyon, kaya nasagot na rin ang tanong niya kung bakit hindi na ako matawagan ni Ismael. At isa pa, hindi ko naman sasagutin kung sakaling buhay pa ito at tumatawag siya.
"Ano ba talagang naging problema niyo? Pati tuloy ako nadadamay. He said that if I was lying, he would reconsider my exemption from the final exams," paliwanag niya.
I gasped. What kind of professor is he? Talagang gagamitin niya ang pagiging professor niya para mahanap ako? Manigas siya. He was the one who ignored me first, and now is the time to pay back. I'll make him feel what he made me feel before. "Don't worry, he won't do it," sambit ko tsaka ko hinaplos ang balikat ni Sav. "He won't stoop that low."
"I'm sorry, Thea," kagat niya ang kaniyang labi habang humihingi sa akin ng tawad. Dahil sa sinabi niya, alam ko na ang ibig niyang sabihin. "I was in panic."
I tried my best to maintain my composure. "It's okay. I would probably do the same if I were in your position."
"I'm so sorry," saad niya pa habang kumakamot sa ulo. "Gusto naman talaga kita dito, but I think it would be best if you stayed in his place so you two could talk about your problems. And if things don't work out the way you wanted, my house is welcome to your return. Kahit dito ka pa tumira forever."
Tumango na lang ako bago pumunta sa guest room, kung saan niya tinuro sa aking tutulugan ko. Kinuha ko ang bag ko at iniligpit ang damit ko na kaninang nilabas ko.
"Where are you going?" naaalarma niyang tanong.
"I'll go to work, I think."
"Bakit? Anong oras na? Gabi na, Thea! Delikado na sa labas! Hintayin mo na lang si Prof!"
"No, I don't want to see him."
Nagmadali na akong lumabas habang bitbit ang mga gamit ko. "Thank you for accommodating me here, Sav. Promise, I am not angry with you. I just don't want to cross paths with Ismael right now."
Lumabas na ako sa pintuan ng unit niya, but to my surprise, I was late to escape my destiny. Ismael is now standing before my eyes, wearing his dark gaze that I, in a split second, am fascinated with.
"Thank you, Miss Dela Fueroz, for your kindness. We're now leaving," said Ismael.
"Uhmm... of course, Professor. Take care of my friend."
Sumara na ang pinto at naiwan kaming dalawa ni Ismael sa harap ng unit ni Savannah. I am still trying to comprehend what's with him and why he was here; after all, he has treated me these past few days.
"We're coming home." Hinawakan niya ang kamay ko pati na rin ang bag ko, pero kinuha ko 'yong muli sa kaniya. Tinanggal ko rin ang kamay niya sa kamay ko.
"I am not coming with you."
Naglakad ako pauna sa kaniya. "Then, where are you going?"
"Anywhere, as long as you're not around!" sigaw ko pabalik habang patuloy sa paglalakad palayo sa kaniya.
"Jothea Mendez Alvandra!" Yumanig ang boses niya sa buong floor, causing me to stop walking. Tinawag niya ang buo kong pangalan. Galit na galit na siya. Pero mas galit ako. Siya ang nagsimula nitong cold war sa pagitan naming dalawa. Sa akin niya pa ginawa, eh, mas matigas ang ulo ko.
Siya ang unang nagbalewala sa akin. Ngayong hindi ko lang nasagot ang tawag niya, hindi ko gustong makasama siya, aartehan niya akong parang ako pa ang may kasalanan. How many times did I approach him and just get ignored? I thought he'd be the man in our relationship, but I feel like I have no man at all.
Muli ko siyang tinalikuran upang sumakay sa elevator, pero hindi pa nagsasara ang pinto kaya nakasakay pa siya. Iniwas ko ang mga mata ko kahit na nakatitig siya sa akin na naghihintay na salubungin ang tingin niya. No, I won't give you what you want after you act like I have no right to be with you.
"Jothea..." pagtawag niya sa pangalan ko. "Look, I'm sorry."
Nanatili akong nakatitig sa kawalan nang deretso. Gusto kong maramdaman niyang galit ako. Galit ako dahil mas pinili kong tawagan ang mga pulis kaysa sa kaniya na normal kong nagagawa kapag kailangan ko ng tulong. Galit ako dahil para akong nawalan ng karapatan sa kaniya.
"You don't even know what you're sorry about," matigas kong sabi. Hindi siya nakasagot, kaya muli akong nagsalita. "At nagsosorry ka dahil alam mo at aminado ka sa sarili mong may ginawa kang mali. Hindi mo lang alam kung ano."
"I know. I know what I did."
Napatingin ako sa kaniya. Lalong nanuot sa dibdib ko ang galit. So, ibig sabihin, sinasadya niya ang lahat? Sinasadya niyang saktan ako? Bakit? Gusto niya bang magkahiwalay na kami?
"I tried to ignore you."
"You did not try, Ismael. You do ignore me. You treat me like I wasn't there, even if I am near you. I tried to be blind and acted the same when I knew you blatantly wanted me to not exist. I tried to understand you, but all I got was the answer: You are not your words. All of the things you promised me were lies. You left me alone, with no right to call you when I'm in need, when all you did before was tame me to depend on you. It was you who pushed me into having this romantic feeling for you, making me believe that you would always be there, but the truth is, you're gonna leave me hanging on the fence. Now tell me, why are you even here?"
Muli, walang lumabas sa bibig niyang kahit na anong salita. Kaya no'ng magbukas ang pinto ay nilagpasan ko na siya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta malayo sa kaniya, okay na ako.
Patuloy lang akong naglakad sa lobby ng hotel nang humarang si Ismael sa harapan ko. Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. I never imagined he would do this.
He knelt down before me. I was really shocked.
"Forgive me. I am really sorry. Please, let me explain."
Agad na nangilid ang mga luha ko. How can he do this in front of so many people?
"Please, let's talk. Give me another chance, Jothea."
I am left with no words. I don't even know how to react. My mind immediately went black. He is down on his knees, waiting for my answer. Ang mga mata niya'y nagsusumamong bigyan ko ng pagkakataon.
"Kuya! What are you doing? Are you trying to embarrass our family?"
Napatingin ako sa babaeng nagpapatayo kay Ismael. It was Isa. She turned to me. "Come on, Ate Thea! You don't want to ruin your soon-to-be family, don't you?"
Dahil sa bilis ng pagsasalita niya ay nataranta ako. Lumapit ako kay Ismael at hinawakan ang kamay niya para itayo. "Are you drunk? Or in drugs? Why would you do that?" sunod-sunod kong tanong.
Hinila na namin ni Isa ang kapatid niya papasok sa kotse.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top