Chapter 42
"Coffee," pag-aalok ko kay Ismael. Tinanggap niya iyon sabay bayad ng isang matamis na ngiti. Sinuklian ko siya ng ganoon ding katamis na ngiti. Kasalukuyan kaming nasa field, nakaupo sa table habang pinagmamasdan ang sunrise sa may dagat. Nakakakalma. Pakiramdam ko lahat ng pag-aalala ay nawala.
"Professor Mondalla! Nagkakape ka na naman? Hindi ba't uminom ka na kanina?" tanong ng isang guro, habang nakataas ang mga kilay at natatawa. Napatingin ako kay Ismael at sabay kuha no'ng kape mula sa kaniya.
"Nakainom ka na kanina? Bakit hindi mo sinabi?" asik ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang tatanggapin niya ang alok kong kape kahit na uminom na pala siya kanina pa.
"Because you made it for me, so give it back, honey."
Napanganga ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin. I was caught off guard. Muli niyang nakuha sa kamay ko ang kape at ininom niya iyon.
"Ang kulit mo!" naiinis kong sigaw sa kaniya.
"Well, revenge time." Kinindatan niya ako. Ako naman ay napalinga-linga at baka may nakakita sa ginawa niya. Mabuti na lang, kahit ang professor kanina ay nakaalis na rin. Ngayon na ang pangatlong araw namin dito. Ang sabi nila ay hindi na raw magpapalipas ng gabi dito dahil babyahe na para makapasok bukas.
"Guys, I told you, may multo rito. I don't want to spend another night here." Napalingon ako sa nagsalita. It was one of my classmates. Kasama niya sila Savannah at ang iba naming mga kaklase. "Naalimpungatan ako kaninang madaling araw, so I decided to go for a walk, but it creeped me out to hear some noises. Nakakakilabot pa rin kapag naaalala ko. May umiiyak, may tumatawa, may umaalulong."
My eyes immediately went to Ismael. I saw how he smirked, and that made me flush in embarrassment. Gosh. Was I that loud last night? I pressed my lips and averted my eyes, but the moment I looked away, I saw Raviel standing there, staring at us. Muli na naman akong kinabahan, but I know Ismael will do something. I trust him and his words.
Mabilis na lumipas ang araw at nakabalik na kami sa Lourdez City. Aminado akong nag-enjoy ako, kahit dalawang araw lang akong naroon. Masasabi kong naging malapit ako sa mga kaklase ko, kahit na hindi maaalis ang pang-aasar nila sa akin at pangungulit kung sino ang boyfriend ko. Mabuti na lang at laging naroon si Savannah para ipagtanggol ako sa mga kaklase namin. I felt like, because of that camping, I made a friend, but I also made an enemy—Raviel.
I was on my way to Marcus University when a lady blocked me. She was familiar. She is looking at me with those striking eyes, ready to pull my hair.
"Are you that Miss Alvandra?" tanong niya sa akin. Sinuri ko ang itsura niya pati na rin ang kaniyang damit. She must be in a lower year.
"Yeah," matipid kong sagot.
A smirk graced her lips. "I'm Isa Mondalla. I'm your boyfriend's sister." Inilahad niya ang kaniyang kamay at hindi ko pa iyon agad naabot dahil gulat ako sa biglaan niyang pagpapakilala sa akin. Dagling rumagasa sa dibdib ko ang kaba. Ismael's younger sister is in front of me, which was the reason for my jealousy last time. And she knows our relationship?
Hinawakan ko ang malambot niyang kamay at pinilit na ngumiti sa kabila ng kaba. "It was nice meeting you," sambit niya habang nakangiti. Hindi ko mabasa. Mayroon sa loob kong hindi sumasang-ayon sa nangyayari na para bang isang gulo na naman ang pinasok ko.
"Great to meet you," sagot ko naman habang nakahawak pa rin sa kamay niya at sinasalo ang mga mapanuring tingin.
"I wanted to invite you to our family dinner this weekend. I hope to see you there, sister-in-law."
She left me with my jaw dropped. Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad papasok sa Marcus University. What is this about?
Nanatili pa ako sa ganoong kalagayan hanggang sa ma-absorb ko ang nangyari. Isa invited me to a family dinner? What the hell?
Mabilis akong pumasok sa campus nang panay ang dasal na sana hindi totoo ang nangyari. Sana imahinasyon ko na lang ang pagkikita namin ni Isa. Hindi ako makapaniwala. Did Ismael tell her about us? And what family dinner was she talking about?
I bit my lip in anxiety. Pakiramdam ko, bawat araw na dumating sa buhay ko ay puno ng pagsubok. Palagi na lang akong pinapakaba.
I was about to go to Ismael's office to ask him about the family dinner her sister was talking about when I saw him enter our class. That was why I had no choice but to be in the class too. Napansin ni Savannah ang pagkabahala sa mukha ko, kaya tinabihan niya ako sa upuan.
"Hey, Thea, Are you okay? Para kang nakakita ng multo," pangungumusta niya.
"Hindi lang multo, Sav. I feel like I met a grim reaper inviting me to a death ceremony."
Tiningnan ko siya at mukhang hindi lang ako ang may problema. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at lungkot.
"What about you? May problema ka ba?" tanong ko. “Ayos na ba ang paa mo?” Naalala ko ang nangyari sa kaniya doon sa camping.
"My foot is fine now, but…Raviel isn't here."
Nilingon ko ang upuan kung saan madalas umupo si Raviel. Wala siya rito. Napalunok ako nang muling maalala ang sinabi niya sa akin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang galit siya noong malaman na may namamagitan sa amin ni Ismael. Hindi katulad ni Sav, na tinutulungan pa akong maglihim sa lahat.
Mabilis na natapos ang klase ni Ismael, kaya noong umalis na ang mga kaklase ko sa room ay nagkaroon ako ng pagkakataong kausapin siya. I immediately closed the door.
"Why did you close it?" tanong niya. Nilingon ko siya at tinagpo ang mga mata niyang pilit na umiiwas sa akin. Napakunot ang noo ko.
"We need to talk."
"I have class to attend."
Napakurap ako nang sabihin niya iyon. Para akong sinaksak ng mga salitang wala namang ibig sabihin na hindi maganda, pero nagdulot ng maraming isipin at bagabag sa akin.
Akmang lalabas na siya nang magsalita ako. "I met your sister. She was inviting me to your family dinner."
"You don't have to go there."
Napasinghap ako nang tuluyan na siyang lumabas. Fuck? What is that? What's with his sudden change of attitude? Is he trying to ignore me?
Hahabulin ko pa sana siya nang makitang wala na siya sa corridor. Bumigat ang paghinga ko. What the hell has happened? Bakit parang nagbago siya?
I tried to compose myself and even understand him. He told me before to endure and just trust him, so that's what I'm going to do. Kahit na parang pakiramdam ko ay naitsapuwera ako kanina.
No, his classes are way more important than attending to my needs. I am just his girlfriend, in secret.
Mabilis na lumipas ang araw at patuloy na ganoon ang ginagawa sa akin ni Ismael. Pakiramdam ko ay dumidistansya siya sa akin, at kahit pilit kong itanong ay tinatanggihan niya iyong pag-usapan. Bakit biglang naging ganito? Maayos ang naging pag-uusap naming dalawa doon sa camping. Ayos pa kami no'n, pero nitong bumalik na kami sa Lourdez City, nawalan na siya ng amor sa akin. Sumasama na ang loob ko sa kaniya.
Umuwi na ako para maghanda sana sa pagpasok sa casino nang mapansin kong bukas ang doorknob ng bahay ko. Sa pagkakatanda ko ay sinusian ko ito kanina. Sumalubong sa akin ang magulong kwarto at mga kagamitan sa bahay ko. May nakapasok bang magnanakaw?
Agad kong pinuntahan ang vault ko na nakatago sa may closet. Nanlumo ako nang makitang wala na itong laman. Napaluhod na lang ako dahil maging ang mga tuhod ko'y nanghina sa nasaksihan.
Kinuha ko ang phone ko para tawagan sana si Ismael, pero naalala kong mas masasaktan lang ako kapag narinig ko sa kaniyang busy siya sa kumpanya niya, kaya hindi niya ako mapupuntahan o matutulungan. Tinipa ko ang number ng pulisya. Habang umiiyak ay ikinikuwento ko ang nangyari.
Ilang sandali pa ay dumating na ang mga pulis upang imbestigahan ang nangyari sa bahay ko. Ang sabi nila, may nakakita raw na may isang lalaking pumasok sa bahay ko noong Lunes pati kaninang umaga. Akala nila ay kakilala ko.
"May naiisip ka bang pwedeng gumawa nito sa 'yo?" tanong ng isang pulis. Umiling ako.
"Taong may galit sa 'yo, wala?" Napaisip ako. Bukod sa pamilya ko, si Raviel na lang ang naiisip ko, pero imposibleng siya ang pumasok sa bahay ko dahil una sa lahat, hindi niya alam ang bahay ko. At para kunin ang pera ko? Mas mayaman siya kaysa sa akin.
"Kung wala talaga, posibleng ordinaryong magnanakaw ang pumasok sa bahay mo. Ang nakapagtataka lang ay bakit dalawang beses pupuntahan ang bahay mo."
"Meow meow."
Napatingin ako sa baba nang makita ko si Mael. Nakaramdam ako lalo ng lungkot. Buti pa siya narito para sa akin. Kinuha ko si Mael upang kalungin. Napansin kong nakatingin ang pulis sa pusang iyon.
"Sandali, Miss." Inunat niya ang kamay niya upang hawakan ang pusa ko. May kinuha siya mula sa leeg nito. Isang maliit na kwintas na ngayon ko lang napansin dahil mabalahibo ito.
"Kindly check what this is. Mukhang hidden camera," sambit ng pulis sa isa pa niyang kasama. Napasinghap ako. May ganoon palang kaliit na camera? Mas maliit pa sa butones?
"I wish for you to remain calm, Miss, but I believe you are being followed by a stalker. That someone put a camera on your pet," paliwanag niya na naging dahilan ng pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan.
Maya-maya pa ay may lumalit muling lalaki sa kausap kong pulis. Bumulong ito sa kaniya. Mas lalo tuloy akong kinakabahan, habang nakatayo malapit sa sala.
"We've checked the CCTV in the parameters, and they found out. There are two different guys who went to this house. And it is confirmed that the necklace attached to your pet is a hidden camera."
Bumigat ang paghinga ko. Sino naman ang gagawa nito sa akin?
"Mas makabubuti kung tumuloy ka muna sa kaibigan mo ngayong gabi hangga't hindi pa naa-identify kung sino ang dalawang lalaking 'yon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top