Chapter 41

"Not here, Ismael."

Kinuha ko ang kamay niya tsaka ko siya hinila paalis doon. Kakaiba sa pakiramdam ang mahawakan ang kamay niya nang ganito kalaya. Tutal anong oras na, sigurado akong nasa kani-kaniya nang kwarto at tent ang lahat. Kami na lang ang naiwan ni Ismael sa labas ng field.

Abot tainga ang ngiti ni Ismael pero agad din iyong nawala nang makita niya kung nasaan kami—sa resthouse upang kumuha ng first aid kit.

"I saw you earlier, napaso ka. At nakita ko rin ito noong hinuhugasan ko ang mga kamay mo. I think we should apply an ointment to it for a cooling effect so it won't sting. Para mabilis na rin ang paggaling," paliwanag ko habang pinapahiran siya ng ointment for burns. "And it won't scar."

Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin habang patuloy kong pinapahiran ang kamay niya. Tila ba parang hindi makapaniwala sa ginagawa ko.

"Don't look at me with those eyes, Ismael," sambit ko.

"Why? What's with my eyes?" tanong na sagot niya sa malambing na paraan. "This is how I look at you every day."

Our eyes met, and in an instant, I felt like I was being hypnotized. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko dahil kung hindi baka kung ano nang nagawa ko sa kaniya.

How he looks at me is making me think of hope that we can become something in the future. Na hindi lang kami hanggang dating lang. Pakiramdam ko may pupuntahan ang relasyon namin. But at the same time, I felt like if I became greedy and selfish about staying with him, I might get his career in danger. I'm torn. Lalo pa't alam na ni Raviel ang tungkol sa amin ni Ismael. I can feel that he's going to do something about this that I surely wouldn't like.

"Why a sudden sigh, baby?" tanong niya sabay haplos sa pisngi ko gamit ang likod ng kaniyang palad.

Hindi ko namalayang bumuntong-hininga na pala ako. "Wala naman. Napagod lang ako ngayong araw. We should rest now."

Pinagmasdan niya ang mukha ko na para bang sinusuri niya kung okay lang ba ako. Simple ko siyang nginitian.

"Right. We can still talk tomorrow. Have some peaceful sleep and night, Jothea."

Nagpaalam na kami sa isa't isa. Ako naman ay naglakad na papunta sa tent. Akala ko ay makakatulog na ako sa sobrang pagod, hindi pa rin pala. Bukas pa rin kasi ang diwa ko sa naging pag-uusap namin ni Raviel.

Ala una na nang madaling araw, pero mulat na mulat pa rin ang mga mata ko. Kinuha ko ang cellphone ko upang maglaro sandali ng anti-stress game para antukin pero pinagalitan lang ako ni Atacia dahil ang liwanag daw ng ilaw na nanggagaling sa phone ko. Hindi pala siya nakakatulog kapag hindi madilim.

Napagpasyahan ko na lamang na lumabas ng tent para sa labas maglaro, pero walang epekto. At hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko kung bakit ako naglakad-lakad sa may gubat na para bang hindi ako naligaw kanina.

Sa isip ko ay ayos nang maligaw basta dapuan ako ng antok.

Dahil sa malalim na pag-iisip, hindi ko na namalayan kung nasaang parte na ako ng gubat. Madilim pa naman at tanging flashlight lang na nagmumula sa phonr ko ang ilaw ko. Nang ma-realize ko kung nasaan ako, agad na tumimo sa akin ang takot. Lalo na't maraming puno at halaman sa paligid. Paano kung may magpakitang multo?

Agad akong nataranta. Tatawagan ko na sana si Savannah nang maalalang baka tulog na siya kaya mas pinili ko nang huwag siyang abalahin.

Mas lalo naman si Ismael. Pagkatapos ko siyang pauwiin kanina, paano ko siya pababalikin sa akin? Baka isipin niya, gusto kong makipagkita sa kaniya dahil gusto kong may gawin kami. Hindi! Hindi lang katawan ang habol ko sa kaniya!

Naestatwa ako nang may marinig akong kaluskos. Shit. What have I done? Paano kung sa paglingon ko ay may magpakita sa akin?

Nakarinig pa ako ng kakaibang tunog pero ngayon ay iba na—mga hampas ng tubig. Hindi ko alam kung anong katapangan ang sumanib sa akin para hanapin kung saan nagmumula ang tunog na iyon. Tumambad sa akin ang isang ilog na hindi ko matandaang nadaanan ko kanina noong may flag activity kami.

Napasighap ako nang may makitang lalaki na naliligo roon. Agad akong nagtago sa puno upang sulyapan kung sino iyon. Sigurado akong isa sa mga narito sa camping.

Umahon ito mula sa ilog. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko itong hubo't hubad. Shit. Nagkakasala yata ako. Kay Ismael lang ang gusto kong makita. Kailangan ko nang umalis dito! Bigla akong inantok!

"Who's there?" Nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Was that Ismael? What is he doing here? Napalunok ako nang mapagtantong ang nakita kong katawan ay ang sa boyfriend ko.

Mabilis ang paghinga ko habang naririnig ko ang mga kaluskos ng dahon palapit sa akin. Naaapakan iyon ng malalaking paa. Papunta na siya sa akin.

I shut my eyes when I suddenly felt a man behind me. "Baby? What are you doing here?"

I never thought that "baby" was a good endearment. Akala ko ay napaka-corny, pero kapag nagmumula sa malalim niyang boses ay may kakaibang sensasyon akong nararamdaman sa loob ko.

"Ha? Ah...n-nagpapaantok lang," nauutal kong sagot. Nakita kong nakatapis na ang ibabang bahagi ng katawan niya.

"You want to talk instead?" he offers.

"S-sure." He holds my waist as he leads me to walk near the riverside. Inilatag niya ang damit na pinaghubaran niya upang maupuan ko. He is so sweet in different ways.

"What keeps you awake?" tanong niya nang makapagsuot na siya ng damit. Tama, masyadong malamig ang gabi para maghubad siya. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit madaling araw ay naliligo pa siya sa ilog. Hindi ba siya nilalamig?

"I was just trying to ease my mind. Ikaw?"

"Same reason."

Sandaling katahimikan ang nanatili sa pagitan naming dalawa. Napatingin na lang ako sa malinaw na tubig ng ilog na sinasalamin ang magandang pagkislap ng mga bituin kasabay ng malaking buwan na siyang naging sinag sa mapagmahal na gabi.

"What are you thinking of? Care to share, my love?"

Agad akong napatingin kay Ismael nang muling magbago ang paraan ng pagtawag niya sa akin. Napangiti siya na para bang may napagtanto.

"Tell me about it. I want to hear what bothers you."

Naalala ko ang sinabi niya sa akin—na kahit anong bumabagabag sa akin ay malaya niyang pakikinggan kahit pa komprontahin ko siya.

I heaved a sigh and tried to choose the right words to articulate my thoughts and feelings. "Are you sure about me, Ismael?" mahinahon kong tanong sa kabila ng malakas na kaba sa dibdib.

Pinagmasdan niya ang mga mata kong naghihintay sa mga sasabihin niya. Handa naman ako kung umatras siya. Handa nga ba ako?

Inilagay niya ang kaunti kong buhok sa likod ng aking tainga habang patuloy na tinitingnan ang mga mata. "I am sure of you, Jothea. Can I ask why you're doubting it?"

Umiling ako. "I am not doubting you. But thoughts are keeping me awake; you are a professor, and I am your student. Paano kung malaman nila ang relasyon natin? Hindi ka ba natatakot na mawala sa 'yo ang lahat?"

Nakita kong gumalaw ang lalagukan niya. He is staring at me intently, trying to convince me that everything he will say is none other than the pure truth. "You leaving me is way scarier than everything, Jothea."

Ako naman ang napalunok at bumigat ang paghinga. I am trying to suppress myself from crying. His confession is way too beautiful to make me cry. "Those days that you were not attending my classes, I was really trying to hold myself back. I was at peace, but at the back of my head, I was annoyed. It was you who didn't respect me, who always made me feel like garbage, but why do I feel like I still wanted to see you?"

I saw a glimpse of annoyance in his eyes, but annoyance at caring for someone because he couldn't control that someone even if he tried.

"I did question myself a lot about whether my feelings for you were real, and when I saw you in the casino, I realized that my feelings have been with me for a long time. I just never noticed it early," dagdag pa niya. "And I felt jealous towards Raviel."

Kumunot ang noo ko sa inamin niya. He was jealous? I never noticed. "You are?"

Tumango siya. "Somewhat, I realized what you meant before. I also want to show my love for you freely, not like this, Jothea."

Napapikit ako. "But we can't at this time. Maraming makakakita. Ano na lang ang iisipin nila sa 'yo? Kasi kung ako lang, kaya ko naman kung tungkol sa akin."

I remember that time when my classmates were spitting bad things about him. Hindi ko talaga kayang pakinggan. Nag-iinit ang ulo ko.

"Why do I feel like you're considering breaking up with me?" malungkot niyang sabi. "We just started, Jothea."

Napayuko ako at hindi ko na napigilan ang pag-amin. "Savannah and Raviel know about us now. Pero hindi si Savannah ang inaalala ko kung hindi si Raviel. He warned me about this, and I don't want to be selfish, Ismael. I don't want to destroy you."

"But you're destroying me now."

Hindi ko na napigilang lumuha. Why do I feel like I made this guy miserable just by loving me? He doesn't deserve this. He doesn't deserve to be shaken by my doubts and fears.

Niyakap ko siya at sa sandaling iyon ay hindi ko na talaga hinayaang ikubli pa ang totoo kong nararamdaman. "What should I do, then? Hindi ko na rin gustong mawalay sa iyo, Ismael, pero hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako."

Mahigpit niya rin akong niyakap. Hinahaplos niya ang likod ko na para bang iniibsan niya ang pangamba sa bawat paghagod niya sa akin. "I understand your anxiety about our relationship. I made you feel like that." He's caressing my hair like he wanted to tell me that he apologized for everything, but it's not his fault. It was I who started everything between us. I was the one who messed with him; I even asked for a night with him and became such a burden. Bakit siya pa ang humihingi ng tawad sa akin?

I never imagined I would receive some special treatment like this, and I tend to doubt if I deserve it all. Do I really deserve this?

"But just like what I said before, you don't have to worry about this. I am the man in our relationship. All you have to do is trust me and endure. Everything will be under my care, even you." He kissed my forehead, even my cheeks, eyelids, nose, and lips. Napayakap na lang akong muli sa kaniya. How am I so fortunate?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top