Chapter 39
"What are you doing here? I've been trying to find you!" bulyaw ni Ismael nang magtagpo ang aming mga mata.
Napatingin si Ismael sa may bangin at kita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita si Savannah. Lumingon si Ismael sa akin na para bang gusto akong tanungin kung bakit napunta roon ang kaklase ko pero dahil matalino siya ay agad niya namang nakuha na mas mahalagang matulungan naming makaalis si Savannah muna kaysa pag-usapan ang nangyari.
Tinulungan muna ako ni Ismael na makatayo bago naman tinulungan si Savannah na ngayo'y walang humpay na umiiyak at niyayakap si Ismael habang walang sawang nagpapasalamat. Nakangiwi si Ismael sa akin habang nagso-sorry. Hindi naman ako selosa kaya ayos lang sa akin. Dala na lang siguro ng takot kaya napayakap si Savannah sa tumulong sa kaniya.
Lahat ay nagulat sa itsura naming tatlo na puro dumi ang katawan. Kapuwa nagtatanong kung anong nangyari.
"Jothea, what happened?" tanong ni Raviel nang makita ako.
Agad naman akong hinatak ni Ismael papalapit sa kaniya. "You should clean up now," bulong niya. "Baka magkasakit ka pa dahil nabasa ka ng ulan." Matigas niyang sabi bago naglakad palayo sa amin.
"O-okay," habol kong sagot na hindi niya naman narinig. Nilingon ko si Savannah para yayain maligo nang makita ko siyang nakatitig kay Raviel. Sandali...
Napanganga ako nang mapagtanto ang lahat.
"Savannah!" pagtawag ko sa kaniya. "Halika na, maligo na tayo. Ang dumi na natin."
She glanced at me and followed. Akala ko ay makikipagtalo pa siya sa akin. Mabuti na lang at hindi dahil wala na akong enerhiya para roon.
Sabay kaming pununta sa shower room para maligo. We were both naked.
Napapikit ako nang maramdaman ang kapaguran. Kanina pa nga pala ako palakad-lakad at paakyat-akyat sa hill sa gubat dahil sa paghahanap ng flags. Hold on, nasaan na nga pala 'yong flags?
"Savannah, nasaan 'yong flags natin?" tanong ko sa kaniya. Napansin ko siyang nakatunghay at pinagmamasdan ang pagtulo ng tubig sa shower. Hindi siya sumagot.
"H-hey, are you okay?" Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat. Lumingon siya sa akin.
"May gusto ka ba kay Raviel?" Nagulat ako sa tanong niya. But it confirms that my hunch was right. She likes Raviel, and maybe that was the reason why her blood boils for me.
"Wala. Si Ismael ang gusto ko," hindi ko na napigilang ang bibig kong sagutin siya nang deretso. Kita ko ang dagling pagkurap niya. Shit. Bakit naman napaka-honest ko? "Si P-professor Ismael..." pagtatama ko pero mukhang huli na.
"And he likes you too..."
Tumango ako. "He likes me too."
I saw a glimpse of hope in her face. I feel like something has changed about her. Kalmado na siyang nakikipag-usap sa akin. Effective nga. What Ismael said to me was real. Kapag hindi mo binawian ng masama ang masama, matatapos ang pagtatalo niyo. Mas maginhawa pala talaga kapag walang kaaway.
"I see. Maybe there's something that Professor Mondalla sees in you that's why he liked you...and somehow, I can see a part of it now. Thanks for helping me earlier. If it wasn't for you, I wouldn't be here."
Ngumiti ako at umiling. "Ismael helped you. It wasn't me."
Pagkatapos naming maligo ay bumalik na kami sa field. Lahat sila ay nakatingin sa amin ni Savannah. Nagtataka naman akong napatingin kay Ismael para sa tanungin siya kung anong meron pero ngumiti lang siya. Napansin ko ang hawak niyang limang flags. Sandali, sa amin ba 'yon?
"And to our winners, Miss Savannah Dela Fueroz and Miss Jothea Alvandra! May we call on the team in front?"
Napanganga ako nang marinig ang pangalan ko. I looked up to Savannah; she was surprised too. Ngumiti ako at hinila siya para kunin ang premyo namin. Ayos na rin ang two thousand five hundred kapag pinaghatian! Makakabili na 'to ng bigas!
"Majority ng team ay hindi nakumpleto ang pagkuha sa flags dahil umulan at ang natira lang na nakatapos ay ang team ni Savannah at Jothea!" paliwanag ni Dean Dator. "I never expected that these two ladies would join forces and work as a team for a common goal. Congratulations! This is what we promised—a prize of five thousand pesos! Sponsored by Professor Ismael Mondalla."
Napatingin ako kay Ismael at nakita ko siyang sinisiko si Dean Dator na para bang nahihiya dahil hindi niya gustong ipasabi na siya ang nag-sponsor. Tsk. Ang kuripot, ha? Bakit five thousand lang?
Tinanggap ni Savannah ang premyo namin. Nagulat ako nang ibigay niya sa akin lahat. "Actually, it was only her who worked for the both of us," sambit ni Savannah nang alukin siya ni Dean Dator na magsalita sa may mic para magpasalamat. "She found the five flags herself because I was too immature to help her. But karma made me realize that not all people you treat as your enemies are also treating you as their enemies. A while ago, I was trapped in a pit. I was losing hope, and I never expected that the least I could imagine would not help me was the one who actually offered her hand to help me—it was Jothea. It was my partner. So I'm giving all the reward to her because she deserves it."
Napanganga ako sa sinabi niya. I never expected this. Sa kabila ng ulan ay nararamdaman ko ang init sa puso ko. Mas ikinagulat ko ang pagyakap niya sa akin. Is this real? What happened to her to be this kind to me? Kanina lang ay sinisigawan niya ako.
I saw Ismael smiling at me proudly. Napangiti na rin ako.
*****
"Actually, Jothea was the reason why we had a lot of sales that day," sambit ni Atacia. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan dito sa may mahabang lamesa. Ang dami na namang nakahanay na pagkain, pero ngayon puro inihaw—inihaw na liempo. Si Ismael ang nag-iihaw. At ayon siya, hindi kalayuan sa pwesto namin.
Kanina nga ay panay ang bati sa akin ng iba pang mga estudyante. Dahil sa ginawa ni Savannah, pakiramdam ko naging mabait sa akin ang lahat.
"Nalaman kong majority pala ng lower years ay crush si Jothea. Nakita ko pang ang dami nilang stolen pictures!" dagdag pa ni Atacia na mababakas sa mukha ang saya. I never thought that in just one day, magbabago ang lahat ng pakikitungo nila sa akin. Tinuturing na nila akong kabilang sa kanila at bawat tagpo ng mga mata ko sa kanila ay nginingitian nila ako.
"Ako? Crush?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Atacia.
"Yes! And that's why I also wanted to thank you. Mabuti na lang at ikaw ang ginawa naming bride dahil aminado naman kaming sobrang ganda mo."
Sabagay, it is called a crush because it lacks information. Kapag nakilala nila ako ay katulad ni Ismael, sasakit din ang ulo nila.
Speaking of Ismael, lumapit siya sa amin upang ibigay, 'yong mga karneng naihaw niya na. Sumulyap siya sa akin sandali at nagtagpo ang aming mga mata. Para naman akong nakuryente sa mga saglit na tingin niya at hindi ko maiwasang makaramdam ng sobrang kilig.
"Ang landi, ha?" bulong ni Savannah kaya natawa ako. Tuwing magkakatinginan kami ni Ismael, o kung makikita niya ako na hinahanap si Ismael sa paligid ay nahuhuli niya ako at ang kasunod no'n ay ang pag-irap niya. Mukhang hindi niya maatim ang kalandian kong taglay sa lihim. Mabuti na lang at hindi niya na iyon ginagamit laban sa akin. Nagkaroon ako ng tiwala sa kaniya bilang isang kaibigan.
"Jothea, kain na," sambit ni Raviel na siyang ikinagulat ko. Binigyan niya ako ng karne at inasikaso ang pagkain ko. Napanganga na lang ako at napatingin kay Savannah.
"O-okay lang ako! Ano ka ba? Hindi ako kumakain ng karne!" wika ko tsaka ibinigay kay Savannah ang pagkain.
"Hindi ka kumakain ng karne ng baboy?" pag-uulit niya. Napatingin ako kay Ismael nang marinig ko siyang sumigaw habang iniinda ang kamay niya. Napaso ba siya?
Akmang papatayo na ako para puntahan siya ng pigilan ako ni Savannah. Right, I can't. I can't expose my concern to Ismael.
Napaupo na lang akong muli, habang patuloy na nag-aalala sa napasong kamay ni Ismael. I hope he's fine.
*****
"What if maglaro tayo ng put your finger down at kung sinong matalo siya ang magliligpit?" pagyayaya ni Atacia nang mapansin niyang halos lahat ay tapos nang kumain. At dahil ayaw maghugas ng iba, itinaas na nila ang kanilang kanang kamay na para bang game na game sa larong iyon.
Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumali dahil ang umayaw daw ay automatic na magliligpit.
"Put your finger down, kung gutom ka pa."
Ibinaba ko ang thumb ko dahil hindi naman ako nakakain nang maayos pagka't inaalala ko si Ismael.
"Uy! Be honest! Alam kong bitin ka pa! Nagyayaya ka pa ngang magluto ng ramen, eh!" sigaw ng isa naming kaklase habang inaasar ang best friend niya.
"Put your finger down, kung masaya ka ngayong araw."
Nakita kong ibinaba ni Raviel ang kaniyang daliri bago tumingin sa akin. Napansin kong ganoon din si Savannah. Paano naman ako sasaya kung hindi ko pa nakakapiling si Ismael? Pero sabagay, napasaya niya ako sa zumba niya kanina.
Ibinaba ko ang isa index finger ko. Masaya rin ako at nagkaayos na kami ni Savannah.
"Ang boring mo naman, pres! Put your finger down, kung may jowa ka na!" bulalas ng isa naming kaklase na kabilang sa LGBTQ+ na ngayo'y tinitingnan kung alin sa mga daliri ang bumaba. Actually, sa mga lalaki lang siya nakamasid pero nanlaki ang mga mata niya nang mahuli niya ang daliri kong bumaba.
"Jothea, may boyfriend ka na? Sino?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top