Chapter 38
"What? No way!" sigaw ni Savannah nang malaman niyang ako ang ka-team niya sa forestry activity. Ako naman ay kalmado lang dahil pinipilit kong huwag mainis. Gusto kong magpakabait dahil ayoko nang magkaroon pa ng kung ano na madadamay na naman si Ismael. I need to be like him. I should be calm, kasi ganoon niya ako i-handle.
Lumapit na lang ako kay Savannah habang abala pa siya sa pagrereklamo. Ito kasi ang parusa namin dahil sa pag-aaway namin kagabi. Mabuti na nga lang at hindi naniwala 'yong mga estudyante sa mga sinabi niya kasi ipinaliwanag daw nang mabuti ng faculty members ang totoong dahilan kung bakit umalis si Professor Sybill. Para raw sa asawa niya. Doon ko rin nalaman ang totoo. Dean Dator and other members of the faculty literally saved me from him. I thought it was my fault, kaya napaalis si Professor Sybill. I thought it was because of our secret relationship. Iyon pala ay dahil gusto nilang matigil ang mga kahalayang ginagawa nito sa Marcus University. Marami pala kaming biktima ni Professor Sybill, hindi lang ako. And they kept it from us because they didn't want students to look down on Professor Sybill, but they had no choice but to tell it to them for the sake of me.
Nakaramdam tuloy ako ng guilt dahil sa inasal ko noon sa kanila, and that's why I want to behave with my best attitude now. Ayoko nang dulutan pa ng sakit sa ulo si Ismael.
"Come on! Are you just gonna stand there? They're leaving! We have to be the first to find five flags, so I won't be with you for long!" maarteng sigaw niya. Sinundan ko lang siya sa gubat dahil naroon daw nakatago 'yong flags na kailangan naming mahanap para manalo sa larong ito. Alas nueve palang ng umaga at nagkalat na kami sa gubat kasama ang mga partners namin. Kanina nga ay nag-zumba pa kami. Natatawa ako kay Ismael, kasi naroon siya sa unahan kasama ng iba pang mga faculty members at sumasayaw na siyang gagayahin namin.
"Bakit hindi ka nagsasalita? Inaasar mo ba ako?" Tumigil siya sa paglakad at lumingon sa akin.
"Hindi. I am focusing on finding those flags because I need money," sagot ko tsaka ko siya nilagpasan para tumalon doon sa may puno kung saan naroon ang isang flag. Binigay ko 'yon sa kaniya.
"Money? Bakit? Hindi ka na ba sinusustentuhan ng mga magulang mo, kaya nilalandi mo si Professor Mondalla?" she remarked as she continued walking past me. I rolled my eyes secretly. Gosh, she's really trying me.
But I have to be calm. "Yeah, katulad ng sinabi mo, my parents abandoned me. But no, I am not flirting with Professor Mondalla."
"Are you sure? Hindi ka nga raw bumalik kagabi sa tent niyo matapos kang ilayo ni Professor Mondalla. Tell me, what is going on between the two of you?"
The muscles in my body tensed up, mostly on my fist. I want to punch her face because she's not stopping fussing. I wanted to maintain my composure, but the words slipped from my mouth before I could stop myself. "You might get a heart attack if I tell you precisely what happened last night between us."
Her mouth dropped. I left her in awe. Iyon lang naman pala ang magpapatahimik sa kaniya. I will let her mind run wild.
Naglakad na ako pauna sa kaniya para maghanap pa ng apat na flags. Wala na akong paki kung sumunod siya sa akin o tumulong. Ako nang magbubuhat para sa sarili ko dahil ako naman ang nangangailangan ng pera dito pagka't sila'y puro mayayaman. Kailangan ko 'yong five thousand! Pandagdag din sa sahod na natanggap ko mula kay Mr. Vargas!
Napangiti ako nang may makita akong muli na flag doon sa may pile of dry leaves. Lumingon ako pppara ibigay kay Savannah 'yong flag. Naroon pa rin siya sa lugar, kung saan ko siya iniwan. Nakatayo pa rin at nakatunganga. Lumapit ako sa kaniya para ilagay sa kamay niya ang pangalawang flag.
"Are you okay? Na-heart attack ka na ba?" pabiro kong tanong. Ganito pala ang feeling ni Ismael kapag inaasar niya ako tuwing naiinis ako sa kaniya. "Pupunta ako roon sa taas para maghanap pa. Nasa sa 'yo kung susunod ka."
Naglakad na ako palayo sa kaniya. Nagulat ako nang sumigaw siya. "Hindi ako susunod sa 'yo!" Padabog siyang nagmartsa palayo. Tsk. Kanina lang ay gustong-gusto niyang mauna kaming makahanap ng limang flags, tumiklop na ba ang kasungitan niya sa akin?
Kaya pala sabi ni Ismael nang minsang tanungin ko siya kung bakit ang bait niya pa rin sa akin kahit na napakasama ng ugali ko ay wala raw nagiging magandang bunga kapag binawian ng masama ang masama. I don't know who taught him that, but I now understand what he meant.
Lumipas ang ilang oras ng paghahanap ko sa tatlo pang flags. Medyo nahirapan nga akong mahanap sila dahil ang isa'y naroon sa may kweba, ang isa naman ay naroon banda sa may dagat—doon sa bangka, at ang isa naman ay nakuha ko roon sa may basurahan.
Ang kailangan ko na lang gawin ay hanapin si Savannah para makuha ko sa kaniya ang dalawang flags at maisama rito sa tatlong flags na nasa akin. Nasaan na ba siya?
"Savannah?" sigaw ko, hoping na nasa paligid lang siya pero baka nauna na 'yong bumalik sa akin at iniwan na ako nang tuluyan. But I'll stick and check, kung naroon pa siya sa lugar kung saan kami huling nagkita. Hold on, saan nga ang daan pabalik?
I was in the middle of recollecting my memories of the path I took to be in this place when it started pouring rain. Napatingin ako sa langit. Medyo makulimlim na ito. Anong oras na ba? I should go back now.
I tried to find my way out, but I kept getting back to the same place. Fuck. Am I getting lost? Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Ismael, pero hindi kumokonekta sa kaniya dahil walang signal. Nakaramdam ako ng dagling kaba. May tao pa naman sa paligid, 'di ba? Kung hindi si Savannah, may iba pa namang narito para humanap ng flags, right?
"Hey! Is someone out there?" I shouted at the top of my lungs, hoping that someone might hear me, but there's no one. Tuluyan na akong nabasa nang malakas na ulan dahil, kahit na puno ay hindi ko masilungan. Nababasa pa rin ako.
I tried to calm down, even though I am now getting scared. Pakiramdam ko kasi ay nasa loop ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung saan ang daan pabalik sa resthouse.
I kept on biting my nails, but I just saw myself stuck like a statue. I keep on couraging myself. Makakaalis ako rito. May maghahanap sa akin. Hahanapin ako ni Ismael.
"Ismael? Are you there?" Puno ng lakas kong sigaw, umaasa na maririnig niya ako, pero mukhang imposible. Hindi naman kasama ang faculty sa activity na ito. Siguradong naroon lang siya sa may resthouse.
"Jothea?"
Napatigil ako nang makarinig ako ng boses ng babae.
"Jothea? Is that you?"
Agad akong nabalik sa reyalidad nang mapagtantong totoo ang narinig ko—may tumatawag sa pangalan ko.
"Jothea! I'm here! C-can you help me?" paos na sigaw ni Savannah. It was her, I know, but where the hell is she? At bakit siya sumisigaw at humihingi ng tulong? Nakaramdam ako ng kaba.
"Savannah? Where are you?" sagot ko pabalik sa tanong niya.
"Narito! Nahulog ako! Can you help me get out of here? I promised, I won't mess with you again! Just help me out! I'm begging you! I need you here!" Bakas sa boses niya ang takot sa pagitan ng mga malalim na hikbi. I tried to find where her voice was coming from. At nang may makita akong malaki at malalim na bangin ay sumalubong sa akin ang miserableng mukha ni Savannah. Namumula ang mga mata niya dahil sa kaiiyak. Puro dumi rin ang damit niya at basang-basa siya sa ulan.
"A-anong ginagawa mo d'yan? What happened to you?" nag-aalala kong tanong.
Malalim ang hukay na pinagkahulugan niya, at hindi ko alam kung paano ko siya kukunin mula roon. I'm trying to think!
"Nadulas ako kanina no'ng iwanan kita. This must be my karma," puno ng pagsisisi niyang sambit. "I'm really sorry, Jothea. Please don't leave me here. Alam kong marami na akong nagawang kasalanan sa 'yo, pero huwag mo akong hayaan dito. Please..." pagmamakaawa niya.
She's stomping her feet; that's why I noticed that the water from the rain is now building up on the pit.
Dumapa ako sa putikan para ilahad ang kamay ko sa kaniya. "Hold me."
Sinubukan niya akong abutin, pero masyadong maikli ang kamay ko para sa kaniya. So, I tried my best to extend my arms, but still, it wasn't enough.
Shit. Shit. Kapag bumaba pa ako baka imbes na mahila ko siya paangat ay ako ang mahila niya. Nararamdaman ko na rin ang dulas dahil sa putik.
"Jothea...please, please help me. I'll do whatever you wish; just help me on this," naluluha niya pang pakiusap. Mas lalo lang rumaragasa sa dibdib ko ang kaba.
"I will. I promise. I'll take you out from there." Mas bumaba pa ako para maabot ang kamay niya ngunit talagang madulas na ang lupang hinihigaan ko kaya napadausdos na rin ako. Napapikit na lang ako, pero agad na may humawak sa baywang ko, kaya lumingon ako kung sino iyon. It was Ismael. He picked me up from falling into the deep pit.
"What are you doing here? I've been trying to find you!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top