Chapter 37
"The bride is here!" sigaw ni Raviel tsaka tumayo mula sa kinauupuan niya upang salubungin ako. Grabe. Kani-kaniyang lingon naman ang mga kaklase ko patungo sa akin. Ang dami pala namin dito?
Nakita kong naroon din si Savannah at inirapan ako. Bumulong pa siya ng "the bitch is here" sa hangin. Well, she's right, pero iniwasan ko na lang siya ng tingin. I am not here to fight. I am here to pay for my debts. I am here to rest. I am here to have fun, kahit na sa mga titig palang nila ay nauubusan na ako ng social battery.
Nagulat ako nang lumapit si Raviel sa akin upang kunin ang maletang dala ko. "Akala ko hindi ka pupunta," dagdag pa niya. "I'll bring your luggage to your respective tent. Yung mga nanalo lang sa activities kanina ang matutulog sa bahay, the rest sa tent na. You can sit there while eating, tapos na naman ako." Turo niya sa vacant space kung saan siya umalis.
"Ha? Oh, okay, pero ako nang bahala sa luggage ko." Pilit ko iyong kinukuha mula sa kaniya, pero hindi niya ibinibigay.
"Ako na, d'yan lang naman para makakain ka na rin doon," giit pa ni Raviel.
"I'll hold it for her."
Agad na hinatak ni Ismael ang luggage ko mula kay Raviel. Gosh. Akala ko nakaalis na siya?
Nanlaki ang mga mata ko at napanganga sa ginawa niya. What the hell? Bakit siya nakipag-agawan kay Raviel? Hindi ba siya natatakot? Anong isisipin ng mga nakatingin? Akala ko ba secret relationship?
"A-ako na po, p-professor! Kaya ko na! Nadala ko nga 'yan papunta rito. Dalhin pa ba sa tent ay hindi ko kaya?" Kinuha ko na ang luggage ko sa kaniyang kamay upang hindi na sila magtalo pa. Nagsisisi na akong nagmaleta ako ngayon! Sana lang ay hindi iyon bigyan ng ibig sabihin ng mga nakakita. Pasaway talaga si Ismael. Gusto niya bang mapatalsik sa Marcus University?
Mabuti na lang at sinalubong ako ni Atacia, ang classroom president namin tsaka binati bago tinuro ang tent namin. Kasama ko raw siya sa loob ng tent at ang isa pa naming kaklase. Tumango na lang ako, kahit na sobrang laki na ng pagkailang na nararamdaman ko. Hindi talaga ako sa sanay! Parang gusto ko nang umuwi.
*****
"Jothea! Anong ginagawa mo d'yan? Halika rito!" tawag ni Raviel sa akin nang makitang narito lang ako sa labas ng tent at pinagmamasdan sila. Hindi ko kasi alam kung pupunta ba ako roon sa kanila. Wala naman akong kaibigan. Hindi katulad ni Ismael na abala sa pakikipag-usap sa ibang mga professor.
Hinila ako ni Raviel papunta roon sa malapad na lamesa kung saan naroon din ang mga kaklase ko na kapwa abala sa pagkain. Tama nga ang hinala ko, marami ngang pagkain na nakahanay sa gitna.
"Oh, kumakain ka ba nito? Malinis 'yan."
Napatingin ako sa pinggan na inaabot ni Raviel sa akin. May lamang kanin, inihaw na bangus, longganisa, kamatis, itlog na pula, kangkong, at puto. Napangiti ako sa loob ko. Ngayon na lang uli ako makakakain nito, ah.
"I don't know what you really like to eat. Kumakain ka ba ng mga 'yan?"
Tumango ako. "Oo, maraming salamat," simpleng sagot ko bago nagsimulang kumain.
Umupo siyang muli sa tabi ko at inabutan ako ng bote ng soft drinks. In fairness, naman kay Raviel, maasikaso. Naalala kong siya nga pala ang tumulong sa akin para makapasok sa casino at magkaroon ng trabaho. I never had the chance to thank him for that.
"Thank you rin pala dahil ipinakilala mo ako kay Mr. Vargas."
Ngumiti siya. "Don't mention it. Magkaibigan naman tayo. We're supposed to help each other, aren't we? So help yourself too and eat," wika niya bago ako hinayaang kumain.
For the first time in my life, naging conscious ako sa mga tao sa paligid ko. I know they are looking at me, kahit na nasa dulo ako ng upuan at katabi sa kaliwa si Raviel. Mabuti na lang at masarap ang pagkain, kaya nabubura sila sa isip ko. I should full myself, dahil baka maghirap na ako ng tuluyan sa mga susunod na araw.
"So, totoo ba ang balita, Jothea?" Napatingin ako sa isa kong kaklaseng babae. "May dine-date nga si Professor Mondalla?"
Nasamid ako sa tanong na iyon. Agad silang nanahimik at kapwa tinigil ang kanilang pagkain para marinig ang sagot ko. Maging ang kabilang table ay napatingin sa amin upang makiusyoso.
"Bakit mo sa akin tinatanong?" litanya ko sa kaniya pagkatapos kong inumin 'yong iniabot sa aking tubig ni Raviel. Napatigil tuloy ako sa pagkain.
"Why not? Hindi ba't magkaaway kayo ni Professor Ismael? Who knows kung may alam ka sa kaniya and your using it against him? Baka nga, ikaw ang nagpakalat ng issue."
I gasped. Ako pa ang nasisi? Eh, ako nga 'yong unang nadurog nang marinig ko ang balita at makita ko 'yong picture ni Ismael kasama 'yong babae na kapatid niya naman pala.
"Oo nga! This whole week, hindi ka pumasok sa klase niya! May kinalaman ka ba sa issue niya, Jothea? Were you trying to avoid him?"
Napanganga ako sa mga bintang nila. Iba talaga ang way nila ng pag-iisip. I have been scared for them to think or notice that Ismael and I are in a secret relationship, but here they are thinking that we hate each other when, we...uhm...let's forget about the thought since I don't want to be in the mood. Just thinking about Ismael made me pleased.
"I don't think she's avoiding him..." sabat ni Savannah na ngayo'y sinisingkitan ako ng mga mata. "Sabay nga silang pumunta rito. I think she's really flirting with Professor Ismael. Kaya siya nawala ng isang linggo ay dahil nalaman niya 'yong dating issue ni Prof sa ibang babae. She was probably jealous," gigil na paliwanag ni Savannah habang sinusubukang paniwalain ang lahat ng mga kaklase ko.
I can't react; all of the things she blurted out were right. Sana ginagamit niya sa acads, 'yong ganito niyang talent.
"It was you who's probably jealous of me, Savannah," tirada ko sa kaniya. "Ano ba talagang problema mo sa akin?"
"Your kalandian! Akala mo ba hindi ko alam na you flirted with Professor Sybill before? You were the reason kaya natanggal siya, 'di ba? And now, you're seducing Professor Mondalla to your trap! Para ano? Para mapaalis din? Come on, Jothea! At least grow up! You're being such a bitch and whore!"
I stood up. "I'm not a whore!" Tumaas na ang boses ko dahil sa inis. Hindi ba talaga sapat sa kaniya ang sampal na ibinigay ko dati? I am trying my best to behave, but she's pushing me to my limits. "I am a fucker, so stop shouting at me with your fucking mouth if you don't want me to fuck up with your face!"
"Oh, shut up! What can you do now against me? Your parents have abandoned you, and now you're being a sucker because you have no life ahead! Ano pa bang ginagawa mo rito? You're not welcome here!"
My teeth are clenched just like my fists are. Nagdilim ang paningin ko at hindi ko napigilan pa ang sarili kong umakyat sa ibabaw ng lamesa para sugurin siya. Siya ang nagsimula, kaya tatapusin ko ito nang malakas na sampal at sakal. Hindi ko siya titigilan hangga't hindi siya humihingi ng tawad.
Akmang tatalunin ko na siya nang may humawak sa baywang ko para ilayo ako sa babaeng 'yon. It was Ismael. Buhat niya ako.
"Let go of me!" sigaw ko habang pumipiglas. "She started it! I was behaving! It was her who triggered me!" Nagpupumiglas pa ako, pero hindi ako ibinababa ni Ismael.
"Professor Mondalla, kami na po ang bahala rito," sambit ni Atacia na para bang sinasabi kay Ismael na ilayo niya na ako sa kanila.
"Fuck you, Savannah! Hindi pa ako tapos sa 'yo! Babalikan kita! Fuck you!"
Tuluyan na akong nailayo ni Ismael sa mga kaklase ko. Nanggigigil pa rin ako sa Savannah na 'yon. Ang hilig-hilig niyang paulanan ako ng mga salitang nakakahila ng galit. Kung hindi lang pinigilan ni Ismael, natuluyan ko na talaga ang bibig niyang walang habas sa pagkuda.
"Babe, your heart," sambit ni Ismael para pakalmahin ako. Ibinaba niya na ako sa lupa. Doon ko lang napansin na nakalayo na nga kami mula sa faculty at sa mga estudyante. Narito kami sa tapat ng isang tent. Tent niya ba 'to?
"Siya naman ang nauna, eh," panunumbong ko na parang bata. Dahil sa itinawag niya sa akin, bumaba na ang dugo mula sa ulo ko. "She keeps on blabbing about my past, and then she also mentioned my parents. How am I supposed to react to something like that?"
"Come inside," utos niya. "Come inside my tent." May tanong man sa isipan ko ay sinunod ko siya. Pumasok ako sa tent; sumunod naman siya. "Now, tell me what she said."
I let out a deep sigh and tried to compose myself. "Alam niya ang tungkol sa amin ni Professor Sybill at iniisip niyang nilalandi kita para mapalayas ka rin dito. My classmates heard that and also those who are near our table. Now, how can I be calm? You'll be involved because of my mess." Napayuko ako na siyang hindi ko dapat ginawa dahil bumagsak na ang mga luha ko. Ano na lang ang iisipin ng mga tao kay Ismael kapag nalaman nilang pumatol siya sa akin? I'm just a student. He is a substitute professor waiting to be regular. Pero dahil sa panggugulo ko sa kaniya dahil gusto ko siyang mapaalis, mukhang magkakatotoo pa. This is because of me. All because of me. At pakiramdam ko, wala na akong matatakasan pa.
"I literally want to be involved with you, and I don't mind. You don't have to worry about me, Jothea. You don't even have to worry about yourself. All your worries should be mine. Focus on enjoying your life and yourself. I won't even become a botherment to you, even now that we're dating."
Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. Mas lalo tuloy akong naluluha sa ginagawa at sinasabi niya. Napakabuti niya talagang tao. Ni sabihing kumalma ako ay hindi niya ginawa. Hindi niya rin sinabing hayaan ko na sila. Wala. Wala akong narinig na kahit na anong komento mula sa kaniya tungkol sa inasal ko.
He kissed my temple, making me feel his words were bound to me only. "You're my baby. I'll take care of everything." A smile graced his lips, showing security that everything he omits is an oath.
I touched his face with amazement while staring fully at his mesmerizing, gorgeous face. I want to see this face this close forever. "I'll take care of you someday, too, Ismael."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top