Chapter 36
"What about the camping, Ismael?" tanong ko nang matapos kaming kumain. Dinalhan kami ni Mrs. Estanislao kanina ng iba't ibang klase ng pagkain. Nagulat pa nga ako nang makita siya at hindi ko naiwasang yakapin siya sa tuwa.
"Oh, I told Dean Dator that we'd follow."
Napanganga ako at lumapit sa kaniya. Ilang beses pa akong napakurap habang tinitingala ko siya dahil sa taas niya kaysa sa akin. "Alam ni Dean Dator na magkasama tayo?"
"Yeah?"
Kumunot ang noo ko. "P-paano? Anong sabi? Alam niya talagang magkasama tayo? Hindi ba siya nagtaka kung bakit?"
"No?"
Nainis ako sa one-word reply niya. Daig niya pa ang nagcha-chat sa sobrang tipid ng mga sagot. Nag-iipon ba siya?
At doon ko naintindihan kung bakit hindi naghinala sa amin si Dean Dator dahil may kasama pala kami sa sasakyan niya—ang iba pang mga estudyanteng susunod din sa camping event kasama namin ni Ismael.
Napanguso na lang talaga ako sa inis dahil akala ko ay dalawa lang kaming babyahe papunta sa camping place.
"We're here," sambit ni Ismael nang makarating kami sa bahay ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Dumeretso naman ako sa bahay at nakita ko ngang naghihintay ang pusa ko roon. Nakaramdam ako ng awa.
"Mael, baby, how are you? I'm so sorry, napabayaan ka ng mommy. I won't do it again. I will be a good mother starting from now on," sambit ko nang puno ng paglalambing. Hinahaplos ko pa siya, habang kilik ko siya. Gamit ko kasi ang isa kong kamay sa pagbukas ng pinto. Nahulog pa nga iyon. Mabuti na lang at nasambot ni Ismael, kaya siya na ang nagbukas para sa akin.
"Mael?" tanong ni Ismael sa akin, pero ang pusa ang sumagot sa kaniya. Pinakawalan ko na ang pusa at mabilis iyong nagpunta kay Ismael.
"Yup. Wala na akong maisip na pangalan kundi pangalan mo kaya iyon na lang ang ipinangalan ko. Ayaw mo ba?"
"I will be assigned to name our children in the future. You suck even in this matter."
Inirapan ko siya, pero saglit lang iyon dahil mas lamang ang kilig. Paano niya nagagawang pagsamahan ang pang-aasar at pagpapakilig sa kaniyang pananalita? Ibig bang sabihin...gusto niyang magkaroon ng anak sa akin? Gusto niya akong maging asawa? Naisip niya kaagada 'yon? Does he really have plans with me?
Hinayaan niya lang akong mag-impake habang naroon siya sa couch at pinaglalaruan ang pusa. Sa sobrang tagal ko nga, ang mokong, nag-vacuum pa.
"Done?" tanong niya.
"Yes!" Dala ko na ang maliit kong maleta papunta sa kaniya na nag-aabang na sa pintuan. "Thank you for waiting." I gave him a peck. Nakita ko namang nagulat siya roon, pero agad nakabawi nang hawakan niya ng baywang ko at bigyan ako nang mas malalim at matagal na halik.
Tinulungan niya akong magdala ng maleta ko papunta sa kotse niya at doon ko lang muling naalala na hindi nga lang pala kaming dalawa ang sakay ng kotseng ito mamaya. Akala ko naman masosolo ko siya! Hindi pala!
Huminto muna kami sa isang convenience store para bumili ng mga instant na pagkain. Medyo nahirapan pa nga akong mamili dahil sinisita ako ng lolo Ismael. Pati ba naman daw sa pagkain ay mali-mali pa rin ang desisyon ko? Mabuti na lang at pinagbigyan niya ako dahil minsan lang naman. Kakaiba talaga ang words of affirmation niya, puro refutation.
Sumakay na kaming muli sa kotse niya. Siya ang nag-ayos sa trunk ng mga gamit. I can't help but smile. Kahit sa mga gamit ay napaka-organize niya. Kabaliktaran ko na basta lagay lang kung saan, kaya nalilimutan ko kung saan ko naipapatong.
"Ilan daw sila rito?" tanong ko.
"Dalawa. Paparating na rin siguro," komento niya bago ibinaba ang phone niya. Dito raw kasi sa convenience store kami mag-stop dahil malapit lang ang bahay ng dalawang kasabay namin papunta sa camping. Teka, nasa'n na kaya sila? Mag-alas nueve na kasi ng gabi.
"Hey, your seatbelt," puna niya.
"Wala pa naman," komento ko habang palinga-linga sa bintana para mataan kung may dalawa bang taong magkasama na naghahanap ng kotse.
"Baka malimutan mo."
"Papaalalahanan mo naman ako," hirit ko.
"Ang kulit mo talaga."
Lumapit siya sa akin at inayos ang seatbelt ko. Sabi ko na nga ba at aayusin niya ito para sa akin. Iba talaga ang pag-aalaga ng isang Ismael. Lumalabas lahat ng feminine energy ko. Maging ang utak ko'y hindi ko nagagamit kapag kasama siya.
Mabilis kong ninakawan ng halik si Ismael nang mapalapit ang mukha niya sa mukha ko. Nagulat naman siya roon at hindi tuluyang naikabit ang seatbelt ko.
"What in the world, Jothea?" gulat niyang tanong habang pinipigilan ang pagngiti. He looks so shocked, and I can confirm that because his ears are now turning red. Kinikilig? In fairness, mukha siyang kaedaran ko lang kapag ngumingiti o tumatawa. Kung dati kasi ay mukha siyang thirty years old and above, dahil sa nakakatakot niyang awra. Ngayon ay parang bumata siya ng limang taon.
"You're so cheeky." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinisil ito. "You're starting it again."
"What? Hindi, ah. I just want to kiss the lips of my boyfriend," sambit ko. Ako naman ang kinilig ngayon. Napansin ko rin ang pagpipigil niya ng ngiti. Ganito ba talaga ang feeling? Is what I'm feeling right?
"Pa'no ba 'yan? I want to kiss my girlfriend's lips too," he proudly said. Shit. It came from his lips. It is confirmed. We are actually dating now.
"Do it." I licked my lips and nodded as I waved my two fingers from him to me. Naalala ko 'yong tagpong dinilaan ko ang labi niya dahil sa galit kasi sinabi niyang hindi niya gusto ang spoiled brat na katulad ko. But look, kung saan siya dinala ng mga sinabi niya...sa akin din.
He leaned closer to me, so I closed my eyes. I was anticipating his lips to meet mine when a sudden knock from the outside immediately interrupted our moment.
Ito na nga ba ang sinasabi ko! Narito na ang mga asungot!
Napabuntong-hininga na lang ako habang si Ismael ay napapailing sa panghihinayang. Isa-isa nang sumakay ang mga abala sa masayang buhay namin ni Ismael. Mabuti na lang at hindi naman nagtagal ang pagsusundo namin sa kanila, pero sana lang ay tinagalan nila ng isa o dalawang minuto.
Ilang oras ang lumipas nang makarating kami sa camping place. Mga alas onse na ng gabi. Hindi ko nga namalayan kanina dahil sa walang sawa naming pagkukwentuhan ni Ismael. Pag-aasaran at paglalandian. Mabuti na lang, tulog ang dalawa sa likod namin, kaya malaya naming nahahawakan ang kamay ng isa't isa.
Agad na nagsipuntahan ang dalawang estudyante mula sa ibang section doon sa mga classmates, nila samantalang ako ay naiwan dahil hindi ko alam kung may pupuntahan ba ako. I am not even close with my classmates. Kung hindi lang dahil sa utang ko, kay Ismael ay hindi ako pupunta rito. Well, nandito rin siya, kaya syempre sasama ako.
"See you around, babe," bulong sa akin ni Ismael na naging dahilan ng pagkaestatwa ko. Shit. Tinawag niya ba akong babe? Napagkasunduan ba namin 'yon? Kung ano-ano na lang ang itinatawag niya sa akin. Nag-eexperiment ba siya kung anong bagay? Lahat naman nakakakilig, eh!
Hindi na ako nakabawi, nang tuluyan na siyang maglakad papunta roon sa isang mahabang table kung saan naroon ang mga faculty members. Dala niya ang ibang gamit niya at ang mga pinapadala pa ng ibang members ng faculty. Kung titingnan, siya nga ang pinakabata sa faculty members. Kahit ako'y nagulat din nang malamang twenty-seven lang siya. Ang gwapo kasi! Ang laki pa ng katawan! Ang sarap pa, nakakaloka!
Ipinasada ko ang mga mata ko sa paligid. May malaking bahay na minimalistic sa 'di kalayuan. Sa field naman ay may mga naka-set up na iba't ibang table games katulad ng table tennis. May punching bag din sa may gilid. Sa may kaliwang parte naman ay may body of water na hindi ko sigurado kung parte ba ng dagat o ano. Sa kanang parte mula sa kinatatayuan ko ay ang mga naka-set up na malalaking tents. Hindi ko sigurado kung sino ang para roon, kasi may bahay naman na pwedeng tulugan.
In fairness, maganda nga rito at maaliwalas. Malakas lang ang kuliglig. Mas calming siguro ang lugar kung makikita ko ito bukas nang umaga.
Ibinaling kong muli ang atensyon ko sa unahan kung nasaan ang mga estudyanteng makakasama ko sa natitirang dalawang araw. Kapwa abala sa pagkain at pagkukwentuhan. May anim na mahabang lamesa na naka-set up. Ang isa ay para sa faculty kung saan naroon na si Ismael, habang ang lima pang table ay para sa mga most outstanding section noong foundation day at kabilang doon ang section namin. Natanaw ko ang maramig nakahanay na iba't ibang pagkain habang naglalakad ako hila-hila ang maliit kong maleta. Parang magbabakasyon lang! I deserve this!
"The bride is here!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top