Chapter 34

"Now, ikaw ang magsabi, katawan mo lang ba ang habol ko sa 'yo?"

Naglakad siya papalapit sa akin. Gamit ang red wine glass ay inangat niya ang baba ko para mahuli niya ang mga nagtatago kong tingin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakatitig lang naman ako sa kaniya, pero bakit parang hinihipnotismo niya akong umayos ng sagot dahil hindi niya na tatanggapin pa ang kahit anong pabalang na salita o pamimilosopo.

"I don't know." I averted my gaze and tried to find some good words that wouldn't offend him, but I guess I'm built like this, so any words coming out of my mouth will be hurtful. "Kung dinala mo ako rito para matulog, then I will sleep."

Napansin ko ang pagbuntong-hininga niya. Hindi niya siguro inakalang iiwasan ko ang tanong niya.

"Alright, pwede naman tayong mag-usap sa iba pang pagkakataon. You rest for now," he surrendered. I can see in his eyes the hopes that are now fading away because I refuse to talk about what he wants.

Kumuha siya ng damit bago tuluyang lumabas upang pumunta roon sa may tabi ng pool. Kita ko siya mula sa kamang inuupuan ko dahil glass barrier ang division ng penthouse. Nakaupo siya sa ilalim ng malaking payong at nagbabasa ng isang puting libro.

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa kamamasid sa kaniya.

*****

Nagising na lang ako na hindi na ganoon kataas ang araw. Agad akong napatayo mula sa pagkakahiga nang hindi ko agad nakita si Ismael. Shit. Napahaba ang tulog ko. Anong oras na ba? I checked the clock on the side table, and it was past four in the afternoon.

Paano na ang camping?

Hinanap ko si Ismael sa buong penthouse, pero hindi ko siya nakita. Naikot ko na ang buong bahay, pero kahit anino niya ay hindi ko naaninagan. Iniwan niya ba ako? Saan siya pumunta? Nagtatampo ba siya dahil tinulugan ko siya?

Halos makabisado ko na nga ang lugar dahil sa paghahanap sa kaniya, pero hindi ko nakita si Ismael. Muli akong bumalik sa labas kung saan kahit nakayapak ay hindi madudumihan ang paa dahil sa bermuda grass na nakahanay sa sahig. Agad na nawala sa isip ko ang paghahanap ka Ismael. In fairness, ang sarap ng hangin dito sa penthouse niya at ang ganda ng tanawin dahil kitang-kita ko ang mga magagandang building na nakapalibot sa amin. Ganito pala ang itsura ng Lourdez City kung titingnan mula sa taas.

Nilakad ko rin iyong malaking grass field sa may right side na pwedeng pwedeng takbuhan dahil sa lawak. Gaano ba kalaki ang penthouse ni Ismael?

Nilingon ko ang kabuuang bahay at napanganga na lang ako nang makitang may dalawang floor pa pala ito mula sa inaapakan ko. May mga kwarto rin doon sa taas at terraces na pwedeng tambayan. Hindi ako makapaniwala. Sigurado ba siyang solo niya lang ito? Kasya dito ang isang soccer team.

Doon ko lang na-realize na may maliit na pool dito sa right side, habang may malaki namang pool doon sa left side, kung saan nakatambay si Ismael kanina. Pumunta akong muli roon at umupo sa inupuan niya. I noticed the book on the side table, so out of curiosity, I took a look at it.

"It Didn't Start With You," basa ko sa title ng puting libro na may drawing ng dalawang mukha na magkatalikod. "How Inherited Family Trauma Shapes Who We Are And How To End The Cycle..." dugtong ko pa.

My forehead wrinkled. Bakit binabasa ito ni Ismael?

"Gising ka na pala."

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Ismael, kaya hindi ko sinasadyang mabitiwan ang libro.

"No, no, no, no, no!" natataranta kong sigaw, ngunit tuluyan na itong nahulog sa pool. Shit. Anong katangahan 'to?"

Agad ko iyong kinuha pabalik sa akin, pero hindi ko maabot dahil masyado na siyang natangay ng tubig palayo. Napansin ko na lang ang kamay at braso ni Ismael na inaabot iyon para sa akin.

Nalungkot ako nang makitang basang-basa iyong librong binabasa niya kanina. Ni hindi ako makatingin kay Ismael dahil sa hiya sa nagawa ko. "Sorry..."

"It's okay," bulong niya. "I know you didn't mean to."

I glanced at him. Nakatingin siya sa librong hawak niya na ngayo'y hindi na mabuklat nang maayos dahil kapag binuklat, nasisira na 'yong pages. Labis labis na panghihinayang tuloy ang naramdaman ko. I feel so guilty for what I have done. Anong gagawin ko? Nakita ko siyang masusing nagbabasa kanina tapos ngayon, masisira ko lang ang libro niya. Kahit alam kong kaya niyang bumili, hindi iyon dahilan para hindi pahalagahan ang isang bagay.

"Sorry, Ismael..." sambit ko pa, habang nangingilid ang mga luha sa mga mata. Nakukunsensya ako sa nagawa ko.

"I said, it's okay. Don't worry about it," sagot niya pa nang hindi ako tinitingnan. Galit ba siya kaya hindi niya ako sinusulyapan? Ano ba kasi itong kapalpakan ko? Bakit naman umabot pa rito sa penthouse ni Ismael? Tuwing tulog lang talaga ako nakakagawa ng mabuti. Lahat puro perwisyo sa kaniya.

"I'm so sorry," patuloy kong paghingi ng tawad sa kaniya. Nanunuot na sa ilong ko ang hapdi dahil pinipigilan ko ang pagluha ko.

"What are you even sorry for? I told you it was nothing."

"If it's nothing, why aren't you looking at me? Are you trying to hide that you're mad?" tanong ko.

"No, I'm not... I promised." Sumulyap siyang saglit sa mga mata ko bago ibinalik sa libro ang tingin.

"Then, bakit hindi ka tumitingin sa akin?"

"Because I..." Sinara niya ang libro at tinagpo na ang mga mata kong kanina pa nakikiusap na tingnan niya. "I am collecting all of my strength to look at you because I know the moment it lands on you, I will feel weak. Your eyes always make me surrender."

He is right. Whenever he looks at me, I feel strong. I feel like he's giving all his energy to me. He's the biggest source of my strength, which makes me believe I was never weak.

"Ismael..." pagtawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?"

"I'm sorry for having a rude mouth and always hurting you with my words when all you did was to shower me with words of peace and comfort," I whispered in a deep sense of apology that I wished to convey. His eyes shone, and a sweet smile flashed at me. Now, I'm forgiven. I know I am.

"Did you hit your head or something while you're sleeping?" Kinatok niya ang ulo ko nang mahina tila ba hindi makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Agad na natunaw ang puso ko kung gaano kabilis niyan magpatawad. Paano ko nagagawang saktan ang isang tulad niya na walang ibang ginawa kung hindi alagaan ako?

Umiling ako habang hindi binibitiwan ang matagal naming pagtitinginan. "And I'm sorry for slapping you last time," dugtong ko pa sabay haplos sa kaniyang pisngi. "I am sorry for getting mad at you, even at the casino."

Bumabalik sa aking alaala lahat ng masamang ginawa ko sa kaniya. Puro sakit. Hindi ko alam kung alin doon ang dahilan kung bakit niya ako nagustuhan dahil wala akong makita.

"I was so childish, warfreak, and immature. That was my initial response when I saw you with another woman. I felt betrayed. I thought you liked me, but then some issues about you dating have arisen. I thought you lied to me. Did you lie to me?" tanong kong puno ng pagsusumamo na sana hindi oo ang sagot niya.

Umiling siya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. "I never lied to you. What I told you was the truth. I like you. Even now...I like you even more." He faced me. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko na para bang sinasabing tingnan ko siya mata sa mata para mapatunayan kong totoo ang sinasabi niya.

"Then can I ask, who is she? Why are you with her? I see you with her everytime," tanong ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko at gusto kong maiyak. Nakakaramdam ako ng labis na paninibugho kahit hindi naman dapat. Kahit kailan hindi ko naranasang magtanong ng ganito...kahit sa pamilya ko. Hindi ako nagtatanong dahil pakiramdam ko wala akong karapatan. At ngayong ginagawa ko ito kay Ismael, hindi ko mapigilang kabahan. I am so afraid to be rejected, which is why I don't have the courage to ask.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Hindi ko inakalang hindi niya tatanungin ang karapatan kong magtanong. He's here, trying to explain himself when he didn't do anything. "Those issues that are circling around—it wasn't true, Jothea. She's my younger sister—Isa." [*Pronounce as aysa]

Napanganga ako sa inamin niya. Then, mali nga ako? Sinampal ko ang isang propesor dahil lang sa isang chismis na hindi naman pala totoo?

Abot langit ang kahihiyang nararamdaman ko sa puso ko. Hindi ko na magawang tumingin sa mga mata ni Ismael. Nanliliit ako. How could I do that? Saan nanggaling ang lakas ng loob kong sampalin siya at patuloy na bastusin sa maraming tao? Bakit ganito ako? Bakit ang sama-sama ng ugali ko?

Hindi ko naiwasang mapaluha. I feel so ashamed of myself. Disappointed. Gusto kong putulin ang kamay ko sa ginawa ko sa kaniya. This guy, all he did for me was help me and take care of me...at dahil lang sa negative issues about him, I got swayed and doubted all of the good deeds he did for me. What kind of human being am I? I am the worst.

Ako ang may kasalanan, pero ang lakas pa ng loob kong pagsalitaan siya ng masasakit na salita roon sa casino hanggang dito sa pamamahay niya. Ako ang walang anuman at siya ang mayroon, pero parang siya pa ang nanghihingi mula sa akin. Napakasama ko. I don't deserve his kindness, not even his feelings.

I feel terribly guilty.

"She's my reason why I wanted to teach at Marcus, Jothea. Gusto ko siyang bantayan dahil katulad mo, napakatigas din ng ulo niya. She never listens to me. May sarili rin siyang desisyon sa buhay, at majority roon ay hindi mapagkakatiwalaan," he explained.

"I'm so sorry, Ismael...I am really, really sorry," paghingi ko ng tawad. Kung kaya lang maibalik ang oras ng isang sorry, pero hindi. Nagawa ko na. At pakiramdam ko, hindi sapat ang isa o dalawa o marami pang sorry para mapatawad ko ang sarili ko sa nagawa ko.

Marahan niyang pinunasan ang mga luha ko, habang pinagmamasdan ang nalulungkot kong mga mata. "I know, but I understand. I am not that mad now since you became so honest with your feelings. Now I understand why you slapped me that day and even hated me. You felt jealous, weren't you?"

Tumango ako. "I did, kahit wala ako sa posisyon. I am really sorry." Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.

Hinaplos niya ang ulo ko na para bang sinusubuhan niyang pagaanin ang loob ko. "Jealousy is normal, but you have no reason to be so. It is you who I like, Jothea. Haven't I emphasized it before?"

Muli akong tumango. He did. He always did. Masyado lang akong tanga para hindi makita and ibig niyang sabihin sa bawat ginagawa niya para sa akin.

Hinila niya ako para yakapin. Ramdam ko ang mainit niyang katawan na tumutunaw sa malamig kong puso. Kakaiba ang haba ng pasensya niya sa akin. Hindi ko alam saan niya hinuhugot ito para patawarin ako nang mabilis.

"I'm really sorry..." sambit ko pa. Wala na akong ibang alam sabihin kung hindi humingi ng tawad. Sobrang bigat ng nararamdaman ko para sa kaniya. Ako ang naaawa sa kaniya dahil sa akin. Parang ang dami kong kasalanan. At gusto kong maramdaman ng puso niya na nagsisisi ako sa ginawa ko. "Hindi na mauulit, Ismael." Napayakap ako sa kaniya at patuloy na humikbi. Nakasalo lang ang katawan niya sa akin habang tinutulungan niya akong ilabas lahat sa pamamagitan ng pag-iyak. Hindi niya ako pinatatahan.

"It's okay to get mad, Jothea, but don't let your anger eat your kindness. If something bothers you, you're free to ask me or even confront me. Every question of yours will be honestly answered." Hinaplos niya ang likod ko habang nakayakap pa rin ako. Mainit ang kaniyang kamay, puno ng pag-aalaga at pag-iingat.

"You can get mad at me, and I won't fight back."

My eyes are now clouded with tears, tears that every drop is offering to this guy in front of me. He already told me before that he doesn't even deserve a single tear, but every time I get to see him, I always cry. It was as if he were my crying shoulder. My protector. Even if I get to show him my weakness, he'll be my strength and armor.

"You don't have to hide your feelings. You don't have to be strong when you're with me. I am not your enemy, Jothea."

I was wrong to treat him as my enemy before. Lagi akong nakikipag-away sa kaniya. I was really mad at his existence and wanted him to vanish, but here he is, helping me to live more.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo," dagdag pa niya. "Maiintindihan kita palagi."

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kaniya upang tingnan siya. Hindi ako makapaniwalang makakatagpo ako ng lalaking napakabait at napakabuting tao.

Hinalikan niya ang noo ko at muli na namang may ibinulong pero sa pagkakataong ito, narinig ko na. "I'm starting to love you, Jothea."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top