Chapter 33
"Well, I'll try my luck on you."
Hindi man kumbinsido ay hinayaan ko na siya sa gusto niyang mangyari. Base sa haba ng oras ng paglalaro namin, napakapangit niyang lumaban. Para bang wala siyang natututunan sa mga itinuro ko. Grabe, saan ka naman makakakita ng dealer na tinuturuan ang player na maglaro? Nagkabaliktad na yata ang posisyon namin sa buhay. Professor na ang tinuturuan...ng sugal nga lang.
Tsk. Paano ba naman? Imbes na sa baraha ang tingin, he was staring at me with those penetrating eyes.
Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Bakit siya narito? Imposibleng dahil gusto niya lang akong makalaro. Hindi iyon. At ang ipinagtataka ko ay paano niyang nalamang narito ako?
Nagsimula na kaming maglarong muli. His first card is the king of hearts.
"You know what? Forget about the money. If I win, you're coming home with me."
Tiningnan ko lang siya at umiling, kumpiyansang hindi siya mananalo. But it was as if he was really lucky.
Another card was drawn for him. I was merely surprised to see an ace of hearts. It is a blackjack. I saw him smirk while looking at me. "Guess you're coming home with me," pabiro niyang sambit.
"I never agreed." Ibinigay ko sa kaniya ng triple ang taya niya. "I am not coming with you, sir." Nakita ko kung paanong nawala ang ngiti sa mga labi niya.
Naglakad na ako paalis sa table after kong maiayos ito. Narinig ko pang tinawag ako ni Ismael, pero tuluyan na akong pumasok sa female comfort room upang magpalit ng damit dahil gusto ko nang umuwi.
I was surprised when I saw him outside the quarters waiting for me. At ang mas nakakagulat ay wala siyang hawak na kahit na ano. Did he just leave his briefcase on the table? What the fuck?
Nilampasan ko siya upang magpaalam kay Mr. Vargas na uuwi na ako. Pumayag naman siya at hinatid ako palabas ng opisina.
"You won't be here for three days, right? Starting tonight until Sunday?" pagkukumpirma niya.
"Yes, Mr. Vargas, but I will come back on Monday at the same time to fulfill my duty."
Tumango siya at ngumiti. "Alright, see you then. I'll send your paycheck later for this week. Hintayin mo na lang sa account mo."
Ngumiti ako at nagpasalamat. Akmang aalis na ako nang makita ko na namang muli si Ismael sa harap ko. Hindi niya ba talaga ako titigilan?
"Let's go now, Miss Alvandra. I'll take you home," pangungulit niya. Naiinis na talaga ako.
"Pwede ba? Tigilan mo na ako!" I was about to walk past him when I suddenly heard Mr. Vargas' voice.
"Mr. Mondalla, is that you?" Napalingon ako kay Mr. Vargas na ngayo'y namamangha sa nakikita niya. "I've been inviting you so many times here. What brought you here?" tanong pa nito.
I saw how Mr. Vargas looked at me. Mukhang alam niya na ang sagot.
"I've been declining since I don't know how to play," sagot ni Ismael na mukhang hindi nakumbinsi si Mr. Vargas.
"Don't fool me! I know you're best in math. Counting cards is easy for you. Hindi na ako magtataka kung malulugi ang casino ko kapag ikaw ang naglaro," natatawang biro nito na siyang nagpanganga sa akin. Hindi pa niya siguro alam na katatapos lang naming maglaro ni Ismael at natalo siya ng twelve million against him.
"Honestly, I already—" Hindi ko na pinatapos magsalita si Ismael dahil kinurot ko na ang kamay niya.
"He's here to take me home, Mr. Vargas. Uuwi na po kami. Ba-bye po," singit ko bago hinawakan ang kamay ni Ismael at inalayo siya roon. Baka kung ano pang masabi niya sa boss ko at mabawasan ang perang ipasasahod niya sa akin. Imagine, twelve million ang naipatalo ko sa propesor na ito.
Lumabas na kami sa casino. Syempre, hindi ko kinalimutan ang brief case ni Ismael. Ibinato ko iyon sa kaniya na mabilis niyang nasambot gamit ang isang kamay dahil ang isang kamay ay nakahawak sa akin.
Infairness, kinabahan ako roon, ah. Ano kayang magiging reaksyon ni Mr. Vargas kapag nalaman niya ang ginawa ko? Tatanggalin niya ba ako sa trabaho? Pero base naman sa sinabi niya kay Ismael, hindi na raw siya magtataka kung malulugi siya. Well, nalugi na siya ng twelve million.
"Get in."
Nabalik ang atensyon ko kay Ismael at doon ko lang napansin na kanina pa naghihintay ang kotse niya sa unahan namin.
Sumimangot ako at muling naalala ang away sa pagitan namin. Kinuha ko ang kamay ko mula sa kaniya at umiling. "No, I told you, I'm not coming with you."
"Stop messing with me and do what I say," seryoso ang tono ng pananalita niya na parang inuukit sa puso ko ang takot. Pinagbuksan niya ako at hinila ang kamay ko papasok sa kotse niya. Umupo naman siya sa driver's seat at nagsimula nang magmaneho.
Mabigat ang bawat paghinga ko pero hindi ko magawang magsalita. Hindi ko alam bakit napasunod niya na naman ako. This is so unfair.
Napansin kong iba ang tinatahak naming daan kaya napalingon ako sa kaniya. I muster up my courage to complain. "This is not the way to my home."
"We're not going there," mabilis niyang sagot sa akin habang nakatingin sa kalsada.
"I need to go home. I need to feed the cat."
"I already did. I saw your cat outside your house asking for help. What kind of mother are you to leave him without food?" Bakas sa tono niya ang inis. Pagdating talaga sa pusa, ang sensitive niya. Ako naman si tanga na pinarusahan 'yong pusa dahil kapangalan ng lalaking ito.
Napabuntong-hininga na lang ako sabay halukipkip. Tiningnan ko na lang ang labas ng bintana. Ngayon ko lang namalayan na papaumaga na pala. "Then, where are you going to take me?"
"Did you forget about our agreement?"
Kumunot ang noo ko at muling napalingon sa kaniya. "Agreement?"
"About the camping," simpleng sagot niya. Muli kong ibinaling ang tingin sa bintana.
"I know. Hindi ko nalilimutan. In fact, nagpaalam na ako kay Mr. Vargas about this so I won't be there for three days." At sakto naman dahil makakabawi ako ng tulog dahil ilang araw akong puyat. Isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi ako nakaka-attend sa klase ni Ismael ay dahil mas pinipili kong matulog pa.
Napaayos ako ng pagkakaupo nang makita ko kung saan tumigil ang kotseng sinasakyan namin. Sa Island Motel Bar.
"A-anong gagawin natin dito?" naaalarma kong tanong. Lumabas siya sa pintuan para pagbuksan ako.
"I told you, I'll bring you to my penthouse." Napansin ko ang katabing hotel kung saan niya ako madalas na dinadala. Napakataas pala nito kung titingnan mula sa labas.
"This is not the perfect day to go there, Ismael," matigas kong sabi na ako rin naman ang naapektuhan. Dahil binanggit ko ang pangalan niya, nagdulot iyon ng kakaibang pakiramdam sa puso ko.
"This is the perfect day, Miss Alvandra. Believe me. This place is much nearer to the university than your house. You can sleep here for a couple of hours before we go to Marcus," paliwanag niya.
"No, matutulog na lang ako sa biyahe."
Napabuntong-hininga siya at tinitigan ako nang matagal. Tila ba inaalam kung anong marapat na gawin sa isang tulad ko.
"Napakatigas talaga ng ulo mo. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan kita."
Nagulat ako nang yakapin niya ako pero hindi para patunayan ang sinabi niya kung hindi para buhatin ako na parang sako.
"I-Ismael! Bitiwan mo ako! Ano bang ginagawa mo?!" sigaw ko sa kaniya habang naglilikot para ibaba niya ako.
"Isa! Ibaba mo ako! Hindi ka ba nahihiya? Pinagtitinginan tayo ng mga tao!"
I tried to tap his shoulders but still, he didn't listen to me. Kahit anong palag ko ay hindi siya natinag. Nakita ko na lang na pumapasok na kami sa hotel niya. Kahit na sa elevator ay hindi niya ako binitiwan. Lalong pumupunta sa ulo ko ang dugo ko kaya mas nag-iinit ang ulo ko sa kaniya.
"Fuck! Ismael! Take me down!" I yelled.
"No, I won't. After you slapped me that hard the last time and ran your mouth so rude towards me, I am now in my limits. We need to talk."
"At sa penthouse mo pa?" sarkastiko kong tanong na may halong pagkainis.
"Yes, in my penthouse, para hindi ka na makatakas sa akin."
Tumunog ang elevator, hudyat na nasa pinakataas na kami ng building. Laking gulat ko nang sumalubong sa akin ang ganda ng lugar. Is this even real?
Napakalaki at napakaganda. Puro salamin. Siya lang ang nakatira dito? What the eff?
Ibinagsak niya ako sa kama. Mabuti na lang at malambot ito kung kaya hindi naman ako nasaktan. Lumayo siya sa akin upang maghubad. Agad akong napangiwi. "May pa-we need to talk ka pang nalalaman, ito lang naman pala ang gusto mo! Gusto mo na namang makaisa kaya dinala mo ako rito!" sigaw ko.
He turns to me looking so annoyed. His forehead was creased. "What are you talking about?"
Ismael walks towards me na para bang inilalapit niya lang sa akin ang work of art niyang katawan para mas makita ko. "I told you, I brought you here to sleep so sleep dahil mag-uusap tayo mamaya."
Tumaas ang kilay ko. "Eh, bakit ka naghuhubad?"
"Dahil magpapalit ako ng damit?" sarkastiko niyang sagot bago kinuha ang isang glass at binuhusan ng red wine. Nilagok niya iyon sa harap ko. At hindi ko alam na ako 'yong malalasing habang pinagmamasdan siyang inuubos ito. Gumagalaw ang kaniyang lalagukan na para bang nang-aakit.
Nang makabalik ang tingin niya sa akin ay agad kong iniwas ang mga mata ko. "Ano bang tumatakbo sa isip mo? Paano mo naisip na kaya ako lumalapit sa 'yo dahil habol ko lang ang katawan mo?"
Napalunok ako. Akala ko nakakatakot na siya kapag English ang sinasabi, mas nakakatakot pala siya kapag nag-Tagalog. Bumabaon sa buto ko lahat ng salita.
"There are a lot of women who's sexier than you. Soft-spoken, conservative, delicate...but here I am, head over heels to someone who couldn't even respect me. Who loves to throw baseless speculations and hurt my ego." He has a face like thunder. And I'm struck by his lightning too.
Napalunok na lang ako dahil kahit isang salita ay walang lumabas mula sa magaspang kong bibig. Those words of his struck my heart. Para bang kahit siya ay hindi matanggap ang nararamdaman niya kaya napainom na lang siya ng alak. Ako rin naman, hindi ko matanggap na he's been telling me he likes me when I know all the truth that he has someone else.
Baseless speculations?
Am I wrong when I saw him with another girl? Anong paliwanag niya ro'n? Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya rin pagbuksan ng pinto ang babaeng iyon. Kung paano siya makipagngitian. Kahit ang tingin niya sa babaeng iyon ay may laman. Siya ba ang tinutukoy niyang mas sexy sa akin? Soft-spoken? Conservative at delicate? Bakit hindi iyon ang dinala niya rito kung iyon naman pala ang tipo niya? Bakit ako ang sinasabihan niyang gusto niya kahit may iba naman talaga siya?
I feel hurt. Because of these questions in my head, that I can't even talk about with him since I don't want to get hurt, mas lalo akong nasasaktan dahil hindi nasosolusyunan. I am so afraid to question my rights to him dahil una sa lahat, wala ako no'n. Wala akong karapatan sa kaniya. Walang kami.
"Now, ikaw ang magsabi, katawan mo lang ba ang habol ko sa 'yo?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top