Chapter 32
"I'll play."
Napalingon ako at nagulat nang makita ko si Ismael sa harap ko. Mabilis na nawala ang angas sa mukha ko at napalitan ng galit. "What are you doing here?" matigas kong sabi habang nakatingin sa kaniya. I tried to compose myself, but his presence makes me remember what I have learned about his dating issues. Kahit ako, nakita ko rin siyang pauwi kasama ang babaeng nali-link sa kaniya. It was confirmed. He's dating someone else, and it shattered my heart into pieces. Kaya narito rin ako sa lugar na ito to be distracted.
"I told you, I'll play," sagot niya bago ipinatong sa table ang isang brief case. Ikinubli ko ang nanlalaki kong mga mata nang buksan niya iyon at tumambad sa akin ang maraming pera na ipapapalit niya sa mga chips.
I rolled my eyes and glanced at him. "You're not supposed to be in here. You're a professor," litanya ko sa kaniya sa paraan na maintindihan niyang hindi ko siya gustong makita. I already told him that I didn't want to talk to him or see him. Hindi ko na nga sinasagot ang mga tawag at texts niya because I hate him and these feelings inside me dahil ayokong pagtuunan ng pansin at lumala. Hindi niya naman ako sasaluhin.
Kahit sa mga klase niya ay hindi ako nagpapakita. Now, he's here?
"It is you who's not supposed to be in here, Jothea."
Hindi ako agad nakapagsalita nang tawagin niya ang pangalan ko. Napakagaling niya talaga sa mga babae, alam na alam niya kung paano paikutin. Kahit ako na matigas ay napapalambot niya.
"I am working, so get out of here and leave me alone," I uttered, clenching my teeth in anger.
"You don't have to work in this disgusting place, Jothea. I can give you all the money you need." Tama. Alam niyang hindi na ako susustentuhan ng mga magulang ko dahil naroon siya sa dinner at narinig niya ang lahat.
"In exchange for what? Sex?" inis kong sigaw sa kaniya. Hindi ko na maipreno ang bibig ko dahil sa inis ko. His presence annoys the hell out of me now. Gaano ba siya karangal na tao para bansagang disgusting place ang lugar na ito na siyang nagbibigay sa akin ng pera? "You're being so kind because you want to fuck me again, right? You're willing to give me your money, kasi napapakinabangan mo ako. Daig ko pa ang pokpok."
"What?" Napatayo siya at kita ko sa mga mata niyang hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa akin. Naglakad siya papalapit habang ako'y naninigas sa kinatatayuan ko. "What are you talking about? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Jothea?"
"Stop calling me by my name! It is disgusting!" Nanginginig ang mga labi kong sigaw sa kaniya. "And I don't need your money! You're not my husband to give me what you have! You're not even a friend! You're just my professor!"
Napabuga siya. He even stuck out his tongue out of frustration towards me. Tumitingin pa siya sa ibang dako na para bang humahanap ng pasensya para sa akin. "Don't talk to me in that way, Miss Alvandra, if you don't want me to rip your mouth off," he warned.
"Why? Are you hurt? Are you disappointed? This is who I am. I am not a good woman, so if you don't want to hear bullshit, get lost."
Matagal niya akong tinitigan na tila ba sinusuri kong bakit ako nagkakaganito. Hindi niya pa ba alam? Maraming dahilan para hindi niya ako magustuhan at ipinapakita ko na sa kaniya ang lahat ng iyon. Naiintindihan ko kung bakit katawan lang ang habol niya sa akin dahil magandang asal ay wala ako.
"May problema ba rito?" Pareho kaming tumingin sa nagsalita. It was a guard who helped me earlier. He interrupts our overly loud arguments that are now disturbing other guests. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala kami pinagtitinginan ng mga tao. Isa pa 'to, eskandalosa kasi ako. Isa sa mga dahilan na ikatu-turn off ng mga lalaki. I bet Professor Sybill didn't really love me before. He despises me. Habol niya lang din ang ligayang naidudulot ko sa kaniya sa kama.
"I just want to play with her," sagot ni Ismael na hindi pa rin mawawala ang inis sa tono ng boses. "Those are my cash," tukoy niya sa brief case niyang nasa ibabaw ng lamesa. "Hindi lang siya makapaniwala sa laki ng halaga na dala ko."
The guard looked at me, waiting for me to confirm what this professor said. Wala na akong nagawa kung hindi ang gawin ang trabaho ko. I was so distracted that I merely noticed that I was supposed to leave.
Iniwan na kami ng guard nang makita niyang kalmado na ang bawat isa sa amin. Calm outside, chaos inside. Nakakainis na pati sa pananahimik ko'y narito siya at binubwisit ako. Paano ako makakalimot kung parati siyang lumalapit sa akin? I am trying to forget my growing feelings towards him, but here he is, as if he knows, and he's trying to mess it up with me.
"Place your bet," matabang na wika ko.
"Hundred thousand."
Napapikit ako, hindi dahil sa laki ng initial bet niya, kundi dahil hindi niya alam kung alin sa mga chips ang ilalagay niya sa ibabaw. Paulit-ulit akong napabuntong-hininga at napairap dahil sa kaniya.
"You don't even know how to place your chips; how can you play this game?" inis kong bulong na sakto lang para marinig niya. Isa-isa ko siyang binigyan ng cards. Five of hearts and queen of clubs while I have the hidden card and the king of clubs.
"I can't. I don't know how to play this game. I just want to play with you," kalmado niyang tugon. Fuck. Ano na naman ba itong sinisimulan niya? Napakagaling niya talagang aningin ang isang tulad ko gamit ang mga mapaglaro niyang salita. Mas lalo akong naiinis sa kaniya dahil alam na alam niya kung paano ako talunin. Isang kalmadong sagot na para bang sinasabi niyang nagpapatalo na siya sa akin at ako na ang panalo sa aming dalawa.
"Maybe you were in the wrong game. This is not a game to play with someone's feelings," I hissed. Walang ngiting lumalabas sa mga labi ko kumpara sa nga naunang players na kaninang naglalaro ay nakakaya kong bigyan ng pekeng ngiti, pero itong si Ismael, ay hindi ko mabigyan.
"I don't know how to play with someone's feelings either," he uttered in his breathy, deep voice na akala niya naman ay napapaniwala ako. Tsk.
He remained calm despite the hurtful words he heard from my filthy mouth earlier and how I act towards him now.
"Do you wanna hit?" tanong ko.
"Hit you? No. I don't hit." God, please bring me some patience over here. He doesn't even know what a hit means. Mas malala pa ang kainosentehan niya kumpara sa unang beses akong tinuruan ni Raviel nito.
"I mean, do you wanna get another card?"
Umiling siya. I showed him my hidden card, and it is an ace of hearts. A blackjack. Kinuha ko ang bet niya dahil ako ang panalo.
"Place your bet," utos kong muli dahil sigurado akong gusto niya pang maglaro.
"A hundred thousand," sambit niya na para bang wala lang sa kaniya ang pagkatalo niya ng isang daang libo kani-kanina lang. Muli na naman siyang tumaya ng isang daang libo, kahit alam niyang matatalo lang siya laban sa akin.
"Alright."
I draw two cards again for each one of us. Nagpatuloy lang sa ganoong estado ang laro namin. He is losing all of his money, and it seems like it doesn't bug him. Habang ako'y nanghihinayang sa mga nasasayang na pera. Ni hindi naman siya marunong! Pero kung makapagtaya siya ay akala niya piso lang ang nawawala sa kaniya. Pinamumukha niya ba sa akin kung gaano ako kahirap?
"Are you sure you still wanna play?" I inquired, not leaving him a hint of concern. "You can stop now."
"So you can play with other guys?" inis niyang tanong pabalik. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin nang seryoso. "No, thank you. I am willing to lose all of my money rather than see you playing with other men."
Huminga ako nang malalim. "Hindi na ako makikipaglaro. I am just waiting for you to finish. My duty has finished already an hour ago." Hindi ko namalayang alas singko na ng madaling araw at apat na oras na kaming naglalaro. I don't know; hindi ko rin napansin.
"What? Bakit hindi mo sinabi?" He seemed worried, looking at me. Iniwas ko ang tingin ko at bumuntong-hininga. "Why would I?"
"How much did I lose?" tanong niya na para bang hindi narinig ang pabalang kong sagot sa kaniya.
"Almost two million," tugon ko. "Let's stop now. Marami ka nang natalo. It will affect your business if you become addicted to playing this." Now, hindi ko na maitago pa ang concern ko sa kaniya. Marami na akong nakitang players na naubos ang pera rito dahil sa pagkasabik na maibalik ang pera nilang natalo sa sugal. Mayroon pang itinataya ang sariling lupa, negosyo, kotse, at alahas.
"Let's play one last time."
"But why?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi naman sa inaantok na akong kalaro siya.
"I'll try to get my two million back." I almost laughed at what he said. I knew it. But how can he do that? Ni hindi nga siya nakaranas manalo kanina kahit isang beses laban sa akin. Paanong maibabalik niya ang natalo niya?
"You'll probably gonna lose another two million, sir."
"Well, I'll try my luck on you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top