Chapter 24
Texts are not enough. They keep calling me in the middle of the class. I was almost scolded by Ismael again, but thankfully, he did not.
I rolled my eyes when the class finished. Hindi ko man lang naintindihan ang discussion ni Ismael o kung may pinaliwanag ba siya dahil masyadong natuon ang isip ko sa mga spam messages from my parents.
They want me to go to a restaurant this weekend for dinner, and they want me to bring Ismael. How can I invite my professor to be there? Hindi na lang ako pupunta! Bahala sila!
Padabog akong lumabas ng room para kumain pero kakagat palang ako sa sandwich na binili ko ay may nagtetext na naman. Nawala ang kunot sa noo ko nang makita ko ang pangalan ni Roxsielle. Agad akong nakaramdam ng awa.
Inubos ko na ang pagkain ko at nagmadaling lumabas ng campus para magwithdraw. Mas mabuti kasing sa kaniya ko na ideretso ang pera kaysa kay Joth na hindi ko alam kung saan dinadala ang sustentong ibinibigay sa amin ng mga magulang namin.
Hindi na ako nagdalawang isip na ipahiram sa kaniya ang ibang natabi kong pera para sa buwan na ito. Ten thousand. Hindi na lang muna ako mag-o-order ng pagkain sa labas kapag tinatamad akong magluto para hindi ako mamulubi.
Nakipagkita ako kay Roxsielle sa simpleng restaurant sa bayan. Binilhan ko rin siya ng masarap na pagkain dahil mukhang hindi iyon ibinibigay ng kapatid ko.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo? Bakit lumabas ka kaagad sa hospital?" tanong ko.
Ngumiti siya at umiling bago ibinaba ang kutsara para kausapin ako nang maayos. "Hindi ko na gustong madagdagan pa ang hospital bill ko, ate Jothea. Salamat nga pala at inasikaso mo ako."
Umiling ako. "No, it's okay. Hindi ko naman maitatangging kasalanan ko rin dahil naitulak kita. I'm so sorry. I shouldn't have done that."
"Okay lang po. Huwag mo nang isipin. Ako rin, nadala rin ako kasi sobrang kailangan namin ng pera."
Ilang sandali pa kaming nag-usap bago siya tuluyang nagpaalam sa akin. Inabot ko na rin sa kaniya ang perang hinihiram niya.
Palabas na ako ng restaurant nang muli ay makatanggap ako ng message. At mukhang alam ko na kung kanino ito galing. It is from my mom, and what she said left me with no choice.
I heard what you did to Roxsielle. Your allowance would go to her next month.
Napanganga ako. How could she do this to me? Cutting my allowance again? Paano ako mabubuhay? Ang natitira kong pera ay para na lang sa natitirang araw ngayong buwan. Pinahiram ko si Roxsielle dahil umaasa akong padadalhan nila ako.
I closed my eyes out of frustration. I am trying my best to calm down, but how can she do this to me? I need to talk to dad.
Pero hindi ko pa natatapos ang tinitipa kong mensahe ay naka-receive na naman ako ng text...mula naman kay das.
Bring that guy this weekend, or else I'll cut your allowance next month.
What the hell? Anong mayroon sa kanila?
Bakit ba parang sabik na sabik silang makilala si Ismael?
"Yes, Miss Alvandra?"
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Ismael. Ngayon ko lang napagtanto na nasa opisina na ako ni Ismael. Kumatok ba ako?
"What brings you here?" tanong pa niya. Lumakas ang kabog sa dibdib ko. He is just sitting there looking at me, but why can't I breathe? I feel like he's taking it away from me—my breathing.
"Ah...ano kasi..." nauutal kong panimula. I am trying to gather my thoughts, but I am really distracted by him. Paano ko sasabihin ang pakay ko? This is embarrassing.
"Are you alright? I noticed you were kind of distracted in my class earlier. Is there something that bothers you?" sunod-sunod niyang tanong. Hindi ako agad nakapagsalita dahil masyado akong naantig sa mga tanong niya. Pakiramdam ko, may nag-aalala para sa akin na siyang hindi ko nararamdaman sa pamilya. Kaya ba ganoon ako kabilis nahulog kay Professor Sybill dati? Dahil umasa akong aalagaan niya ako?
Hindi ko napigilang lumuha sa harap niya. He was shocked and immediately went to me. "H-hey, may problema ba?" Inalalayan niya ako. Samantalang ako'y patuloy lang sa pag-iling. Gusto kong huminto sa pag-iyak pero dahil narito siya sa harap ko, hindi ko magawa. How did I end up being this close to him?
Naramdaman ko na lang ang mainit niyang bisig na nakapalibot sa akin. Niyakap niya ako pero hindi niya ako pinatatahan. Tinatapik niya lang ang likod ko at paminsa'y hinahaplos. I am not at home, but why do I feel like I am?
"Whatever your problem is, you can tell it to me anytime, Miss Alvandra. If you need someone to listen to, talk to, or be with, I'll be there for you. I am here."
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may laman ang mga salita niya. Hindi naman iyon sasabihin ng isang lalaki dahil lang professor ko siya, hindi ba? Dahil sa mga sinasabi niya, mas lalo kong napatutunyan na may nararamdaman na ako para sa kaniya. Nahuhulog na ako. Kahit paminsan niya lang ipinapakita sa akin ang kabutihan niya at mas lamang ang gaspang ng kaniyang pag-uugali, parang isang mahika na nakapagpapahipnotismo na umibig ako sa kaniya. Paano niya nagawa ito sa akin nang ganito kabilis? Paano niya ako natulungang kalimutan kaagad ang taong nanakit sa akin at ibaling ang atensyon sa kaniya?
Ilang sandali pa kaming nanatili sa ganoong sitwasyon hanggang sa kumalma ako at mahimasmasan. Hindi naman ako nakawala sa mga tanong niya habang pinupunasan niya ang mga luha ko.
"Now, tell me, what brought you here, Miss Alvandra?"
I let out a sigh before I looked up at him. "My parents want to meet you."
Halata ang gulat sa mga mata niya. Kahit naman ako ay ganoon ang naging reaksyon ko maliban sa inis dahil imbes na kumustahin nila ako, ay mas inuna pa nilang alamin kung sino ang lalaking kasama ko noon sa hospital.
"Mukhang sinabi sa kanila ni Joth ang nangyari and even you being with me paying our bill. But if it will cause inconvenience for you, or if you're uncomfortable with the idea, you can always say no," paliwanag ko.
"Is that why you are crying?" tanong niya.
Umiling ako. Paano ko sasabihing siya ang dahilan kung bakit ako napaluha kanina? Maniniwala ba siyang naiyak ako dahil sa mga salita niyang makabagbag damdamin? "Naiyak lang ako, kasi baka hindi ka pumayag."
Tumawa siya. "Really? Do you really want me to go there that much?"
Sa totoo lang, hindi. Ayokong makilala siya ng pamilya ko. Ayokong ma-involve siya sa komplikadong buhay ng pamilya ko dahil alam ko, they might take advantage of him. Knowing that he's filthy rich, a businessman, a professor, and has a lot of assets, my parents won't let it pass.
Pero wala akong maisip na ibang dahilan. Bakit ba kasi ako umiyak na naman sa harap niya? These past few days parang sobrang emosyonal ko. I'm being too dramatic. Is this because it's almost the time of the month?
"Oo, pero ayos lang naman kung hindi ka papayag. I won't force you. As if you'll go there because of me. Masyadong abala sa iyo," sambit ko na may kasamang pambabawi. Sana hindi siya pumunta. Sana hindi siya papayag dahil hindi naman ako pupunta roon.
But that was before I remembered what my mother said to me. No! I won't live another month if she doesn't send me money!
"Pero kung wala ka namang ginagawa, please, samahan mo ako. Sabihin na lang natin na professor kita, kaya mo ako tinulungan."
"Professor mo naman talaga ako, Miss Alvandra. Hindi mo lang ako tinatawag na professor," natatawa niyang komento.
"Tsk. May professor bang nangyayakap?" bulong ko na narinig niya. Shit! Why did I say it out loud? Fucking intrusive thoughts.
Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. Natatawa naman siya sa akin. "Right, you have a point. I'm sorry, I just embraced you because I thought that's what you needed."
I pouted. So, ginagawa niya lang pala ang mga bagay na ginagawa niya para sa akin dahil tingin niya ay kailangan ko. Kaya din ba siya pumayag noong gabing iyon dahil nakita niyang kailangan ko?
Bakit nakaramdam ako ng kirot sa puso ko?
Muli ko siyang tiningnan at tinanggap na hanggang ngayong buwan na lang ang buhay ko. Paano ako mabubuhay ng walang pera? Wala nang pag-asa. "But it's okay, kung hindi ka pupunta. It's too awkward for you to meet my parents."
Ngumiti siya at umiling. "No, I've been wanting to meet your parents, Miss Alvandra." Walang hiningang lumabas mula sa baga ko dahil sa sinabi niya. Anong sinasabi niya? "Professors are trained for that in case their students are behaving in a different manner. We usually ask for the parents; I never thought I would experience being summoned the other way around."
Napakunot ang noo ko. Sandali nga, ibig niya bang sabihin sa matagal niya nang gustong ma-meet ang magulang ko ay dahil sa kasamaan ko ng ugali? Ire-report niya ba sa mga magulang ko ang pinaggagagawa ko sa Marcus University? No! No! No! Baka hindi lang isang buwan ako mawalan ng allowance nito!
Umatras ako sa kaniya at umiling. "No, binabawi ko na! Hindi mo na kailangang pumunta. Hindi na rin ako pupunta," wika ko. Tatanggapin ko na lang na mamumulubi ako next month, kaysa dalhin siya sa mga magulang ko.
"Why? Are you scared?" pang-aasar pa niya habang nakangisi. He's stepping toward me while I am stepping back. What the hell? Mukhang ire-report nga ako ng isang ito!
"No! Nagbago lang ang isip ko! Tsaka, this idea is ridiculous! Why would you go with me?"
"Why not?" Hindi talaga mawala ang ngisi sa mga labi niya. Ito na ba ang sinasabi niyang huwag akong umiyak sa harap ng lalaki dahil ite-take advantage ako? Ito na nga, nakahanap na siya ng way para magantihan ako. Totoo talagang table will turn.
I accepted my defeat as I let him mess with my hair while patting my head.
"You don't have to worry, Miss Alvandra. Just practice calling me, Professor, then you'll be okay."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top