Chapter 22
"Figure it out." He winked before he opened the door of his car for me. Ngayon ko lang napansin na nasa parking lot na pala kami ng hospital. Hindi ko namalayan. Sumakay na ako. Napansin ko pang nilagay niya ang kamay niya sa may ulunan ko na para bang panangga kung sakaling mauntog ako. Right, this is my first time to hop into his car...no, kahit kaninong kotse ay hindi ako sumakay. Kahit kay Professor Sybill.
Lumingon ako kay Ismael bago ko siya tinawag.
"Yes?" tanong niya. Narito siya sa tabi ko at nakatingin sa akin. Hindi niya maisara ang pinto dahil sa pagtawag ko sa kaniya.
"Thanks for helping me. Thank you for being here."
Ngumiti siya. "Of course, I am your professor after all." Ginulo niya ang buhok ko bago tiningnan ang paa ko na para bang ni-check niya rin kung nakapasok na ba ako sa kotse niya bago isara ang pinto. How can this man be so caring and thoughtful? Who taught him?
Tahimik lang ako sa buong biyahe. Ganoon din naman siya. Ano pa bang pag-uusapan namin? Baka kapag bumanat ako ng small talk, makarating lang sa subject niyang calculus. Napatikhim ako nang maalala ang nangyari kanina sa office niya. He was saying that my performance in his subject is getting better, pero hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil hinalikan niya ako. He even said that I was beautiful.
Hindi ko mapigilang kiligin. I can't imagine that after all our arguments and bickering, we're here together in his car in peace. Hindi ko inasahang mawawala kaagad si Professor Sybill sa isip ko dahil sa kaniya. He made me think of myself—prioritize me.
"What are you thinking?" tanong niya out of the blue. Umiling ako habang nakatingin sa kaniyang gwapong mukha. Ang lakas ng dating ng side profile niya. "Wala naman."
Sumulyap siya sa akin. "Oh, right. I forgot to tell you earlier about your grades. I want to give you something like a reward for keeping your performance good."
Good lang? Anyway, bakit bibigyan niya ako ng reward?
"Reward?" tanong ko.
"Yeah."
"Pera ba 'yan?"
Tumawa siya. "No."
At namalayan ko na lang na nasa isa kaming pet shop. Hindi ko maintindihan kay Ismael kung bakit niya ako dinala rito. Ito ba ang sinasabi niyang reward? Kasi no, thanks na lang. Magkakaroon pa ako ng responsibilidad! Wala nga akong anak, pero madadagdagan ang gastos ko dahil may aalagaan ako!
"A cat?" nag-eeskandalo kong sigaw. Napatingin pa siya sa paligid para i-check kung may naabala ba sa pagsigaw ko. "Bakit bibigyan mo ako ng alagain? At pusa pa?" Hindi talaga matatapos ang araw na hindi niya ako pinagti-tripan. Sana hindi na ako sumabay sa kotse niya. Akala ko naman kasi ay ihahatid niya na ako sa bahay.
"Because your loneliness leads you to being rude, Miss Alvandra. You need some companion."
Inirapan ko siya. "Anong kinalaman ng pagiging mataray ko sa pagiging mag-isa ko sa buhay?"
Tinuro niya ang gilid ng ulo niya. "Your brain is malfunctioning because you don't have someone to talk to. So, I'm giving you a pet." My upper lip curled in disgust. Nagsisimula na naman ba siyang asarin ako? Of course! This is the real Ismael Mondalla! He's not that kind!
"Bakit hindi na lang aso, aber?"
"Your attitude is too strong for a dog. You're like a cat. Grumpy." Napasinghap ako at napatingala. My tongue twirled on the side of my cheek. Anong nakain nitong Ismael na ito at walang habas ang pananalita niya sa akin?
"I don't like it!" Padabog akong lumabas ng pet shop at naglakad palayo sa kaniya. Saan niya ba ako dinala at parang hindi na pamilyar sa akin ang lugar na ito? Malayo ba ito sa bahay ko?
"Hey, Miss Alvandra! Where do you think you're going?" sigaw niya. Lumingon ako sa kaniya at nakita ko siyang hinahabol ako. Natawa ako sa itsura niya. Para siyang runaway groom.
"Away from you!" sigaw ko rin pabalik. I am walking on the pavement while the trees beside me are laying their beautiful leaves. As if I were in the movie.
But I stopped walking when suddenly a cat appeared before my eyes. Nakatingin siya nang masama sa akin at nilalapitan ako. Wala akong nagawa kung hindi ang umatras at sa pag-atras ko, hindi ko namalayang mababangga ko si Ismael. Hinawakan niya ang mga braso ko upang maalalayan. Takot na takot akong kumapit sa kaniya.
"Why are you so scared of cats? Aren't they cute?" Pinuntahan niya ang pusang iyon na may pagka-grayish ang kulay tsaka ikinalong sa kaniyang bisig habang pinaglalaruan. So, he's a cat person? Pinagmasdan ko lang siya. Hindi ko maiwasang humanga dahil mabilis niyang napaamo 'yong pusa na para bang matagal na siyang kilala.
"Unlike dogs na madaling maging kaibigan, cats are not. Just like you, Miss Alvandra," litanya niya na hindi ako nakumbinsi. Madali niya ngang napaamo ang stray cat na hawak niya, eh, in just some strokes on the head and its back. Siguradong may pinipili lang talaga ang mga pusa at ako ay isa sa mga pinili nilang tingnan nang masama. "You are so hard to tame."
Hindi ako agad nakahinga sa sinabi niya. Ibig sabihin, pinapaamo niya ako? Wait, dahil na naman ba ito sa professor siya and his job is to tame his students?
Luminga-linga siya na para bang sinusuri kung may may-ari ba ng pusang hawak niya, pero mukhang wala kaya tuluyan niya na iyong binitbit. "Let's go. Dahil ayaw mong mamili sa pet shop, nakasalubong mo ang isang ito. Cat distribution system."
Kumunot ang noo ko. "Cat distribution system?" Sinabayan ko siya sa paglakad pabalik sa sasakyan.
"It is a phrase used to described the seemingly common occurrence of cats entering people's homes and lives unannounced and inadvertently," paliwanag niya. "It is not the owner choose the cats—instead, cats choose their owners. Just like how this cat came to you in a flash even when you don't want to. This cat knows you need him."
Muli niya akong pinagbuksan ng pinto at pagkaupo ko ay mabilis niyang iniabot sa akin ang maliit na pusa. Napapitlag pa ako pero wala na akong nagawa kung hindi hawakan ito. Pumasok na siya sa kabilang pintuan at umupo sa driver's seat. He glanced at me, at bigla siyang natawa. "You should look at your face. It's so funny."
"Paanong hindi? I don't even know how to hold it. Look! It's coming to you." Panay pa ang ngiyaw ng maliit na pusa kaya mas lalo akong nagpa-panic.
"Hold him a little longer. Himas-himasin mo siya para maging komportable siya sa 'yo. Dahan-dahan lang. Everything takes time." Muli niyang ginulo ang buhok ko bago niya pinaandar ang kotse niya. Tiningnan ko ang pusang nasa kandungan ko. He is looking at me.
"Nakatingin siya sa akin, Ismael," saad ko na kababakasan pa rin ang takot sa boses.
"Stroke him," sagot niya. "Like this." Inilagay niya ang kamay niya sa ulo ko at dahan-dahan niya akong hinaplos. Napapikit pa ako sa ginawa niya. "Do it like this, Miss Alvandra. Their ears are sensitive so you can also caress them there." His thumb caresses my ears and because of that nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. What the hell is he doing to me?
"Sandali, nakikiliti ako, Ismael," komento ko. Dahil sa ginagawa niya sa akin, hindi ko na alam kung tama pa ba ang nagagawa kong paghimas sa maliit na pusang ito na walang ginawa kundi kagatin ang kamay ko.
"Alright, I'll stop." Nakangisi niyang sabi habang ang mga mata'y naroon pa rin sa kalsada. The hell did he do to me? He's turning me on! Mabuti na lang at nakapagpigil ako dahil kung hindi baka kung ano nang nagawa ko.
Matiwasay kaming nakauwi sa bahay at ako ay kapit pa rin ang pusang ibinigay niya sa akin. The cat is sleeping on my arms.
"See? He's now comfortable with you," nakangiting sabi ni Ismael nang ihatid niya ako. Bumaba rin siya saglit na sana ay hindi niya na ginawa dahil may humihila sa akin na yayain siya papasok ng bahay. "Hindi magtatagal ay masasanay ka na rin sa kaniya, Miss Alvandra."
Ngumiti ako. "How I wish." Matagal naming pinagmasdan ang mga mata ng isa't isa. Parang ayoko pang mawalay sa kaniya pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Baka tawag lang ito ng laman. Ayoko. Ayokong iyon ang maramdaman ko sa kaniya.
"See you in my class tomorrow."
Tumango ako at tuluyan nang nagpaalam sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top