Chapter 21

"Congratulations po sa inyong kasal. Best wishes!" sambit sa akin ng nurse bago ako pinakawalan. Ang galing, dahil sa kadaldalan niya, hindi ko namalayang nagamot niya na pala ang sugat ko at nabendahan.

Nagpaalam na ako sa kaniya at nagpasalamat bago lumabas sa kwarto pero laking gulat ko nang makita ko si Ismael sa gilid ng pinto. What the heck?

At mukhang nagulat din siyang naroon na ako. Sandali, nakikinig ba siya sa pinag-uusapan namin? Siningkitan ko siya at dahil sa pagngiti niya, mukhang sigurado na ako. Narinig niya ang mga sinabi ko sa nurse kanina!

Dahil sa inis ay pinaghahampas ko siya. Sinangga niya naman iyon habang tumatawa. "Ikaw, ha? Kasal na pala tayo," pang-aasar niya at biglang kinabig ng kaniyang kamay ang baywang ko. Tinulak ko naman siya palayo sa akin.

"Asa!" may yamot na sabi ko. "Sinabayan ko lang ang pagkukunwari mo para hindi siya maghinala sa atin."

"Sus! I know you're lying right now. You couldn't look at me." Muli niyang hinawakan ang baywang ko at inilapit ang bibig sa aking tainga. "Don't worry, it might happen someday."

"Oh, shut up, Ismael! It won't! Hindi kita type!" One of my lies. Tinulak ko siya at nagmadali na akong maglakad papalayo sa kaniya dahil pinagtitinginan na kami ng iba pang mga pasyente. Ano ba kasing kalandian ang sumanib sa akin at sinabi ko sa nurse na kasal na kami ni Ismael? Tuloy, inaasar ako ng lalaking 'yon! Pero sa isang banda, nakatulong din sa akin para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko.

Hindi ko naiwasang mapangiti lalo na nang makita kong ngumiti si Ismael kanina. Napakabihira lang no'n.

Bumalik na ako roon sa tapat ng emergency room kung nasaan si Roxsielle. Sumilip ako. Wala na ang mga doctor sa loob. Tapos na ba siyang gamutin? Pwede ko na ba siyang puntahan sa loob? Gusto ko siyang masilayan.

"Nasa'n ang asawa ko?" Napalingon akong kaagad dahil sa sigaw na iyon. Alam kong ang kapatid ko na 'yon. At hindi ako nagkamali. Nakita ko si Joth na naglalakad nang mabilis papunta sa akin. Bakas ang galit sa mukha niya.

Agad niya akong sinampal nang makalapit siya sa akin. "Anong ginawa mo sa kaniya?"

Napahawak ako sa pisngi ko. Masyadong mabigat ang kamay niya kaya ramdam na ramdam ko ang hapding nagmumula roon.

"S-sorry, hindi ko naman sinasadya, Joth," sambit ko sa pagitan ng panginginig ng boses. Kita ko sa mukha niyang hindi niya ako mapapatawad, dahil mas nadagdagan ang mga rason kung bakit lalong ayaw niya na akong makita. Kinamumuhian niya ako.

"Miss Alvandra isn't the one at fault," sabat ni Ismael na siyang narito na pala sa tabi ko. Seryoso ang mukha niya na para bang ipinipilit ikubli ang galit. Sandali, nakita niya ba ang pagsampal sa akin ng kapatid ko?

Napapikit ako. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkahiya at panliliit sa sarili. Bakit kailangan niyang masaksihan iyon?

"The doctor told me that your wife is suffering from stress and anxiety. It is the cause of bleeding. Bagong panganak pa lang daw ito at hindi pa maaaring kumilos dahil bubuka ang tahi niya but base on her physique, mukhang mabigat ang kaniyang ginagawa kaya siya dinugo," paliwanag ni Ismael. Napansin ko ngang napakapayat ni Roxsielle kumpara sa kapatid kong nag-gain ng weight.

Nakita ko ang pagkabahala sa mukha ng kapatid kong si Joth. Hindi man kami nagkasama nang matagal, alam ko na kung bakit naging ganoon ang reaksyon niya. He's letting his partner do all the work. At hindi ko mapigilang mainis sa kaniya at maawa naman kay Roxsielle. Roxsielle must be exhausted because of this jerk.

"Your wife needs to rest. Don't push her to work. It is you who needs to that for your family. You're the man," dagdag pa ni Ismael na naging dahilan ng pagsulyap ko sa kaniya. I can't help but to be mesmerized by his words and how those words came out from his lips. "Don't worry about the bill, I already paid for it. So if you'll excuse us, we better leave."

My jaw immediately dropped. Siya ang nagbayad ng bill ni Roxsielle?

Hinawakan ni Ismael ang balikat ni Joth at tinapik ito. "You better take care of your wife. Huwag mong isisi ang kakulangan mo sa kapatid mo. Your wife scratch my woman's flawless arm and maybe that was the reason she was pushed." Napasulyap sa akin si Joth na para bang nawala na ang angas niya. Napalitan iyon ng awa. "And don't you ever hurt your sister again. She's a woman you should love."

"Let's go," sambit ni Ismael sa malalim niyang boses bago niya hinawakan ang kamay ko. Hindi pa ako agad nakapag-react pero nakuha na ng katawan kong sumunod sa kaniya.

Ismael is holding my hand very warmly. Infact, it warms my heart. Hindi ko inaasahang babayaran niya ang hospital bill ni Roxsielle. I was supposed to ask my parents about this earlier but it lost my mind since I was so occupied by what happened.

"Sandali, Ismael..." Tumigil ako sa paglakad para kunin ang kamay ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa akin na suot pa rin ang seryosong mukha. Kanina lang ay inaasar niya ako, ngayon naman ay hindi maipinta ang mukha niya. "Magkano ang hospital bill para mabayaran ko sa 'yo?"

"Fifty thousand."

Napanganga ako. What the hell? Fifty thousand? Saan ako kukuha no'n?

"F-fifty thousand?" pag-uulit ko.

"You want a receipt?" tanong niya na parang naiinis. Tumango ako and so he get his wallet from his coat. "My apologies, hindi ko nakuha ang resibo."

Napanganga ako. "A-alright. I trust you naman. Can I pay it in instalments?" tanong ko habang nagpapaawa. Bakit ko pa kasi tinanong ang presyo at nagpresintang bayaran? Problema ko pa nga ang perang ipapahiram ko kay Roxsielle dahil naaawa ako sa kalagayan niya. Pinapahirapan siya ng kapatid ko. Woman doesn't deserve such poor treatment.

"Yeah, of course. Three nights are enough." Napaatras naman ako sa sinabi niya. Ginawa akong prostitute? "H-hey, what are you thinking? No, I wasn't talking about that," dugtong niya. "But if you insists, that's the best suggestion."

Napairap ako. "Of course not!" pagsisinungaling ko. Kinuha ko nga siya ng isang gabi nang walang bayad. Payag naman ako kung kukunin niya ako ng tatlong gabi. What the eff? What am I thinking? "Ano ba kasing tinutukoy mo?"

"Dean Dator told me that your section together with the most outstanding booths are going camping for three nights. So except for being exempted in my class, you will also get a prize from Dean."

I was in shock. My eyes sparkle. "So, are you saying my section is included in the most outstanding booths? Hold on, did you just say except for being exempted..." Nanlaki ang mga mata ko. "...we made it to the top? We are the most profitable booth?" hirit ko pa sa kaniya. Hindi ko maiwasang ngumiti. Bakit parang ang bilis magbago ng mood ko kapag kasama ko siya?

"Oh, I shouldn't have told you that." Napahawak siya sa batok niya na siyang naging dahilan ng pagtawa ko. "Keep it a secret from your class until the announcement." Tumango ako. He's so cute.

"Well, I just thought that you won't be attending so just to make sure you will be there, in order for you to be paid with your debts, pumunta ka. You deserve a breather."

Napangiti ako but at the same time I was shock. Seryoso ba siyang iyon ang magiging bayad ng fifty thousand na utang ko sa kaniya? May punto naman siya. I don't mingle with others since my social battery couldn't last long. Pero kahit na, is that enough in exchange for a fifty-thousand?

"Are you sure?" Ganito ba siya kayaman? Ganito ba mag-isip ang taong maraming pera na katulad niya? Malaking halaga, kapalit ng napakasimpleng kodisyon?

"Yeah. What else do you want me to include? You want to push the first one?"

Umiling ako. "N-no, of course not! A night with you last time is enough. Hindi na 'yon masusundan. It was a mistake. It is my mistake." Hindi ko na gustong may maipahamak na naman. It is better this way—our student-professor relationship.

"A mistake?" tanong niya. Nawala ang mapang-asar niyang ngiti at tila ba napalitan iyon ng pagkadismaya. Pinagmasdan ko ang mga mata niya na para bang may ipinapahiwatig.

"Isn't it?" tanong ko naman.

"Of course it is to you. But I wasn't drunk that night, Miss Alvandra, just so you know." Agad akong nakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam kong maging ang pisngi ko ay nanginginit at namumula. What does he mean?

"A-anong ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong.

"Let's go home now, so you can have rest. No, don't rest. Think about what I said. Figure it out." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top