Chapter 20

"Ate Jothea...M-may dugo..."

Agad akong napatingin sa kaniya at nanlaki ang dalawa kong mata nang makita kong umaagos sa kaniyang mga hita ang dugo. Shit. Napalakas ba ang tulak ko sa kaniya kanina?

Nabitiwan ko ang bag ko upang puntahan siya. I am in panic and don't actually know what to do. She is in a pool of her blood. Hindi ko mapigilang mablangko sa nakikita ko. Pawis na pawis ang buo niyang mukha. And I blamed myself because of this.

"Ate Jothea...tulungan m-mo ako."

"I'm here. Shush. Don't talk. I can't think right."

"Tumawag ka ng ambulansya," payo niya na siyang sinunod ko. Madali kong hinanap ang bag ko na siyang hindi ko alam kung saan ko naitapon. Nang makita ko ay mabilis kong kinuha ang phone ko na ngayo'y basag ang screen. Mabuti na lang at napipindot pa ito kahit papaano. I tried to call an ambulance.

It is ringing, and when it connects, I immediately tell them what happened.

"Please, please, we really need help here. I don't know what to do," I exclaimed in panic, even though my voice was shaking in nervousness. Ang mga kamay ko'y nanginginig din.

"Calm down, Miss Alvandra. I'll call the ambulance for you. Tell me your address."

I gasped when I heard Ismael's voice. Muli akong napatingin sa screen. Ano bang number ang pinindot ko at bakit si Ismael ang natawagan ko? Sayang ang mga sinabi ko kanina! Akala ko ambulansya!

Wala na akong nagawa kundi banggitin sa kaniya ang address namin. Mukhang naintindihan niya naman kung bakit siya ang natawagan ko, kasi hindi na siya nagtanong. I was in panic.

"Alright...stay there. I'll be there in a bit."

Hindi na ako nakaapela nang patayin niya na ang tawag. Pupunta siya rito? Akala ko ba ambulansya ang papupuntahin niya? Mas lalo akong kinabahan at nawala sa sarili. Kung hindi ko pa siguro naalalang naiwan ko si Roxsielle doon sa bukana ay hindi ko siya mababalikan at maaalalayan.

The blood from her is dripping like a river. What the hell is happening? I am literally scared. Lalo pa ngayong nakikita ko ang mukha ni Roxsielle na natatakot at nahihirapan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. My tears are welling up.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang sirena ng ambulansya. Nagkaroon ako ng pag-asa. Malakas akong sumisigaw kung nasaan kami at nakita naman nila kami. Agad silang lumapit sa amin at inalalayan si Roxsielle papunta sa stretcher. Mabilis ang mga kilos nila.

"Miss Alvandra!" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin—si Ismael, kabababa lang niya mula sa kaniyang sasakyan. "Are you alright? What happened to your arm?" He held my arm, and that's when I noticed I got a huge scratch that is now bleeding...ito siguro ang nakalmot ni Roxsielle kanina.

"Miss, pumasok na po kayo sa loob. Kailangan na natin siyang madala sa hospital," sambit ng isang lalaki mula sa ambulansya. Tumango ako. Muli akong tumingin kay Ismael para magpaalam sa kaniya.

"I'll follow."

Sumakay na ako sa ambulansya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayong nasa harap ko si Roxsielle na hirap na hirap. I should've composed myself. Mas matanda ako sa kaniya. Sana hinabaan ko ang pasensya ko. Sana mas naging mabait ako at hindi ko pinairal ang masama kong ugali. Ako ang ate.

Nanginginig ang mga daliri ko habang tinitipa ang numero ni Joth. I called him to notify him of what happened to his partner. At ang natanggap ko? Walang katapusang mura at sigaw. Mas lalo akong napaluha.

Ibinigay ko na lamang sa kaniya ang address ng hospital kung saan dadalhin si Roxsielle. Pinadalhan ko na rin si Joth ng pera para mayroon siyang pamasahe papunta. I feel so hopeless.

"Siguraduhin mong walang mangyayari sa asawa ko," banta niya pa sa akin bago pinatay ang tawag. Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko naman alam na mangyayari ito.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang makarating na kami sa hospital. Agad siyang isinugod sa emergency room. Naiwan ako sa waiting area sa labas na pabalik-balik ang paglalakad. Sana walang mangyaring masama kay Roxsielle, kasi kung meron, hindi ko maiiwasang sisihin ang sarili ko. Kung hindi lang napalakas ang pagtulak ko sa kaniya, hindi siya mahuhulog sa sahig at duduguin.

My heart is now full of anxiety. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako humahalubilo sa mga tao dahil wala na akong ibang ginawa kundi ang dulutan sila ng masasamang pangyayari sa kanilang buhay. The first time was when I was born, my parents always got into fights because of me. They don't want me yet. They don't want a girl, so they conceived Joth. And when Joth was born, I almost killed him, dahil noong hinehele ko siya sa duyan, hindi ko namalayang nauuntog ko na pala siya sa dingding. I was traumatized. And kay Professor Sybill, dahil din sa akin, kaya nawala siya sa pagiging professor na baka isa sa mga dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin. Kay Roxsielle na hindi ko naman madalas makasama, pero ngayo'y nasa emergency room dahil sa akin.

Hindi ko mapigilang mapaisip, muntikan ko na ring mapahamak si Ismael dahil sa kagagawan ko noong gabing iyon. May nakakita sa amin na malaking eskandalo kapag nalaman ng school. If I wasn't swayed by my emotions, he wouldn't be in his place, and he would be worried about his position. It was I who wanted him to vanish when all he wanted for me was to be a good student, because that is what a professor usually wants.

Napabuntong-hininga ako. Kaya siguro nagsisisi ang mga magulang kong ipinanganak ako dahil bawat paglapit nila sa akin ay may kapalit. Wala na talaga akong naidulot sa kanilang maganda kaya nilalayuan ako ng mga tao. Kahit ng pamilya ko.

Dapat na ba akong lumayo?

"Miss Alvandra!" rinig kong pagtawag sa akin ni Ismael na siyang kararating lang sa pasilyo ng hospital. Ngayon ko lang napansin na, he is still wearing his black tuxedo. Nagmadali ba siyang pumunta rito mula sa Marcus University? Sandali, hindi ba't pinatawag siya ni Dean Dator kanina?

"Come here quick!" sigaw pa niya na siyang naging dahilan ng pagtingin sa kaniya ng mga tao.

Nagtataka man ay sinalubong ko siya. Agad niyang kinuha ang kamay ko bago ako dinala sa isang kwarto. Nagulat na lang ako nang makitang mayroon doong nurse na naghihintay sa akin.

"Her arm is bleeding," sambit pa ni Ismael doon sa babaeng nurse. Hinila niya ako upang ipakita sa nurse ang braso kong natuyuan na ng dugo. Napaupo tuloy ako sa kama.

Sandali, kaya niya ako tinawag ay para gamutin ang nangyari sa braso ko? Pero maliit lang ito kumpara sa nangyari kay Roxsielle. I need to go to her.

"Dito ka muna and let her clean your scratch. Ako na ang kakausap sa doctor. I'll tell them I'm part of the family." Napanganga ako sa sinabi niya, pero hindi na ako nakalaban pa dahil lumabas na siya. Anong ginagawa niya? He doesn't have to do this.

"Ang swerte niyo naman po sa boyfriend niyo, Ma'am," kinikilig na sabi sa akin ng babaeng nurse na siyang dahilan ng pagsulyap ko sa kaniya. Kasalukuyan niyang nililinis ang sugat ko.

"H-hindi—" Naalala ko ang sinabi ni Ismael—na he'll tell them he's part of my family. So, I shouldn't be honest with the nurse in front of me. "H-ha? B-bakit naman?"

"Ang gwapo po ni Sir. Lalo na sa suot niyang tuxedo. Bagay na bagay po kayo, Ma'am. Tsaka mukhang mabait at maalaga. Bihira na lang po 'yang ganiyang lalaki sa panahon ngayon."

Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit mayroon sa loob ko na parang natuwa dahil sa sinabi niya. Ganito ba talaga ang mga nurse? Kung ganiyan niya ako pupurihin, willing akong magkasugat para magpagamot sa kaniya!

"You think so?" tanong ko na pinipilit ikubli ang mga ngiti sa labi ko. Tumango naman siya. Her smile is so genuine, which brings me a little relief from what happened. I cleared my throat. "Actually, we just got married earlier, kaya naka-tuxedo siya," kinikilig ko namang hirit na akala ko'y makukumbinsi siya, pero napatingin siya sa damit ko. Lagot!

"Ano ka ba? Ganito lang ang suot ko kasi alam mo na...tsaka may nangyari kasi kaya hindi natuloy," pagsisinungaling ko pa. Hinaluan ko pa ang tono ko ng panghihinayang. Grabe na ang pagkadelulu ko. Kina-career ko talaga ang pagiging girlfriend ng Ismael na 'yon. Anong pumasok sa isip ko at nasabi ko ang mga nasabi ko sa nurse na ito?

"Kaya po pala. 'Di bale, matutuloy din ang naudlot niyong pag-iisa," dagdag niya na para bang nagpipigil din ng kilig. Napapaypay pa siya sa kaniyang mukha.

"Congratulations po sa inyong kasal. Best wishes!" sambit sa akin ng nurse bago ako pinakawalan. Ang galing, dahil sa kadaldalan niya hindi ko namalayang nagamot niya na pala ang sugat ko at nabendahan.

Nagpaalam na ako sa kaniya at nagpasalamat bago lumabas sa kwarto pero laking gulat ko nang makita ko si Ismael sa gilid ng pinto. What the heck?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top