Chapter 19
"Thank you for your efforts," sambit ng classroom president namin na ang pangalan pala ay Atacia. "You did all your best. Let's just wait for the announcement of who will be the most profitable booth that will be announced tomorrow." She was smiling from ear to ear. Katatapos lang naming magligpit at maglinis ng area namin. Actually, hindi pa nga ako nakapagpalit dahil mas inuna kong tulungan sila kahit papaano sa kabila ng damit ko dahil gusto ko nang umuwi.
"But as what I observed, hindi imposibleng manalo tayo. Hindi ko maitatangging mas maganda ang atin at mas maraming bisita throughout the day. I am really proud of you guys," dagdag pa nito. Muli siyang nagpasalamat sa amin bago kami hinayaang makauwi na. Ako naman ay nagkaroon na ng pagkakataong magpalit ng damit kaya nagmadali na akong bumalik sa building namin. Nasa room kasi ang mga gamit ko, nasa locker.
Naglalakad ako sa corridor nang matanawan ko ang isang lalaki sa kabila. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtantong si Ismael iyon.
He saw me, and he seemed a bit surprised, kaya napatigil siya sa paglakad. No, tumigil talaga siya sa paglakad para pagmasdan ako. And here I am, walking towards him like I was walking down the aisle of a church to meet my lovely groom in a black tuxedo.
I can't help but imagine. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Bakit ako nagkakaganito? Bakit nai-imagine kong nasa isa kaming kasalan? Dahil ba nakasuot ako ng pangkasal?
I shook my head and stopped my fantasy. My imagination is out of this world. I am becoming a delulu. I have no right to think ahead of myself about us because, first of all, walang kami. It was just a one-night stand and a student-professor relationship.
Mabuti na lang at may tumawag sa kaniya kung kaya't natigil ako sa pagpapantasya.
"Professor Ismael! Pinatatawag po kayo ni Dean Dator," sambit ng lalaki na mukhang humahangos pa dahil galing sa pagtakbo. Saglit na napatingin sa akin si Ismael bago siya tuluyang sumama roon sa lalaki.
A deep sigh escaped my lips. Pumunta na lamang ako sa comfort room upang magpalit ng damit tsaka nagtanggal ng make-up. Pagkatapos ay sumaglit ako room para kunin ang mga gamit ko sa locker.
On my way home, I can't help but think about Ismael and how he was so dedicated to his job, and somehow, I feel envious. I don't have such dreams to work hard for. Unlike him, na kapag pinatawag siya ay pupunta kaagad siya kahit anong mangyari. What about me? Ano nga ba talaga ang pangarap ko? I feel like Ismael is encouraging me to figure out my dreams again. No one asked about it, not even my family. Siguro'y napapansin niyang nawawala ako sa landas na dapat kong tinatahak. And I realized something because of him. Because I was so blinded by love, all I think of is finishing my degree and being with Professor Sybill. Be his wife. Be with his children. Hindi ko naisip kung anong magiging puwesto ko sa mundo. Anong magiging ako pagkatapos kong mag-aral. Anong magiging ako kung wala siya. And now I'm here, trying to think about it because a guy made me think of it.
Bumaba na ako sa cab, and the moment I stepped my feet out of it, I saw someone—it is Roxsielle, ang ka-live in ng brother kong si Joth. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?
"Ate Jothea," pagtawag niya sa akin nang makalapit ako sa bahay ko kung saan siya naroon. Mukhang kanina pa siya naghihintay rito sa labas.
"What brings you here, Roxsielle?"
"Gusto ko lang manghiram ng pera."
I gasped. "Bakit hindi siya ang pumunta rito?" Nilampasan ko siya.
"Nahihiya si Joth sa 'yo."
Napalingon ako sa kaniya. "Kaya ikaw ang pinapunta niya?" I gulped, trying my best to maintain my composure. Wala man lang ba talagang oras ang kapatid ko para bisitahin ako? Wala ba talaga silang pakialam sa akin? Ia-approach lang ako kapag may kailangan sila?
"Hindi naman na mahalaga kung sino ang pumunta, Ate Jothea. Baka may ipapahiram ka sa amin. Hindi na sumasapat sa amin 'yong perang pinagkakakitaan ni Joth, eh. Apat na kami."
My forehead creased. "Pareho kaming pinadadalahan ng mga magulang namin. Saan niya dinadala ang pera?"
"Sa amin din. Hindi nga sumasapat. Baka mapapahiram mo kami, wala ka namang anak o kahit na anong pinagkakagastusan. For sure, marami kang naitatabi."
Muli akong napabuga. "Ano naman kung wala akong anak?" Pinigilan kong mainis. Bakit parang responsabilidad ko pa silang pahiramin kasi sila ang may anak at ako ay buhay dalaga? Hindi naman ako maramot, pero bakit parang obligasyon ko sila?
"Para naman sa pamangkin mo ang hinihiram ko. Mahal ang gatas. Wala na akong pambili. Ibabalik ko rin naman, ate Jothea. Hindi naman ako nanghihingi. Bakit parang ang hirap mong pakiusapan?"
Napanganga ako. Ako pa ang mahirap pakiusapan? "Ha? I was just asking. Ikaw itong nanghihiram pero parang ako pa 'yong may utang na loob para pahiramin ka at mabigat na kasalanan kung hindi kita mapahiram. Kung ganiyan ang inaasta mo, sorry, hindi kita matutulungan."
Tinalikuran ko na siya. Bakit parang ako pa ang walang puso at hindi marunong maawa? Hindi naman ito ang unang beses na nanghiram sila sa akin at palagi ko silang pinagbibigyan pero kahit isa ay wala silang ibinalik sa akin. Lalo na nitong nakaraang buwan, nang manganak si Roxsielle, sa akin sila lumapit dahil naubos na nila ang pinadala sa kanila ng parents namin. Hindi ko naman sinisilip kung saan nila dinadala 'yong pera pero nakapagtataka na hindi iyon sumasapat sa kanila. Mas malaki ang pinapadala sa kanila kaysa sa akin.
"Bakit ba hindi ka mapakiusapan? Wala ka na ba talagang paki sa pamilya mo?" Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko at tumusok ang kuko niya sa balat ko kaya napapitlag ako at natulak siya.
"Kayo ang hindi ako tinuring na pamilya! Tsaka niyo lang ako naaalala kapag may kailangan kayo! At isa pa, you are not blood-related to me! How can you spill those words like you are a part of my family?" malakas kong sigaw habang siya ay nakasalampak sa sahig. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sobra na ang mga sinasabi niya. Siya na nga itong may kailangan sa akin, siya pa ang mataas ang ere.
Hindi na siya lumaban kaya tuluyan ko na siyang talikuran. Kinuha ko ang susi mula sa bag ko at akmang bubuksan na ang pinto nang magsalita muli si Roxsielle.
"Ate Jothea..." pagtawag niyang muli sa akin. "M-may dugo..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top