Chapter 17

Lumipas ang mga araw na ginagawa ko lang ang mga gusto ni Ismael. Pumapasok ako at nakikinig. Sinusubukan kong makapasa sa mga activities na pinasasagutan niya para hindi niya na ako ipatawag pa sa opisina niya after class. At napapatunayan kong iyon lang talaga ang habol niya sa akin dahil hindi niya na ako kinausap after our arguments in front of the casino. He just wants me to be a good student para wala na siyang dahilan pa ng sakit sa ulo. He even acted like what happened that night never happened at all. And I'm here trying to deny the fact that I'm hurting.

At naiinis ako dahil nararamdaman ko itong pesteng pakiramdam na ito. Dahil ba ilang beses niya akong pinatapos kaya ganito ang epekto niya sa akin? Namimiss ko ba siya? Gusto ko bang makaisa muli kaya nagiging ganito ako? Sa kaniya ba? Wala akong epekto?

Napabuntong-hininga ako. I should stop these thoughts. This is not worthy.

"Jothea," napalingon ako sa tumawag sa akin. It was Raviel. I flashed a smile when I saw him sit beside me. "I heard you will be my partner."

Kumunot ang noo ko. "Partner? Saan?"

"Sa booth natin for foundation day." Napanganga ako. I almost forget about that thing. Wait, I am his partner?

"What do you mean by partner?" tanong ko pa pero ngumiti lang siya at itinuon ang tingin sa unahan. I also put my attention to the front where I saw Ismael staring at me blankly. Ano na namang ginawa ko? Bakit galit na naman siya?

Ako nga ang dapat magalit dahil sa agreement naming dalawa, parang ako na lang ang nagagamit since the case with Professor Sybill vanished after he broken up with me. Anyway, ako rin naman ang may kasalanan.

*****

Foundation day arrived and I realized what Raviel was talking about last time. Our booth is a marriage booth, it is like a wedding reception and everybody was invited to attend. Well, they are invited but they will avail our buffet. What a bright idea, isn't it? Maraming nakahilerang food warmers sa gilid na may iba't ibang pagkain. Ang mga kaklase kong naka-uniporme ng formal ang nagse-serve. Control buffet raw kasi ito. Infairness ang ganda ng set up, rustic wedding.

And speaking of wedding, I am now wearing a bridal gown. I was forced to! Dahil hindi raw ako naki-cooperate sa planning at pag-set up kaya ako pinarusahan nilang umarteng bagong kasal kay Raviel. I was wearing a simple off shoulder laced gown and a veil while holding a bouquet of flowers while my groom is perfect wearing a white tuxedo. Malapad ang ngiti niya samantalang ako ay nakasimangot. Sinong gustong maging bride gayong sandamakmak ang heartbreak na nararamdaman?

Kanina pa kami nakaupo rito sa unahan. Mabuti nga walang seremonyang naganap dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Basta lang nilang pinasuot ang gown sa akin. Sila na rin ang nag-ayos sa mukha ko. Light make up lang naman.

At kanina ko pa nakikita si Savannah na nakatingin sa akin nang masama na kababakasan ng inggit pero dahil receptionist siya ay wala siyang magawa kung hindi tumingin na lang.

"Smile, aren't you happy?" tanong ni Raviel na siyang ikinagulat ko. I know, he became a friend but engaging in a small talk is really new for me. Mas sanay akong makipagtalo at bumara ng mga kausap. In short, hindi gusto ng mga tao na kausap ako kaya wala nang kumakausap sa akin.

"Honestly, I'm not."

"Then, you want to go to the casino after this?"

I smiled and shook my head. "Oh, I can't go there."

Kumunot ang noo niya. "But why?"

"I just don't feel like going today."

"What about next time? You don't have to worry about the money. We'll just play. Sagot kita. Just to ease your sentiments and problems," he insisted.

"Well, uhmm..."

"Jothea, Professor Ismael is looking for you." Napakunot ang noo ko sa narinig. "It is about your grades. Pumunta ka roon after lunch," sambit ng president namin na siyang event organizer ng wedding reception namin.

I sighed. What did I do again? I was behaving myself and all. What could be the reason he wants to see me?

"Professor Ismael must really like you."

Napanganga ako at dagling napatingin kay Raviel. "What the hell are you talking about?"

"You must be his favorite student."

I rolled my eyes. "Napakaimposible! Everyone knows how he hates me."

Siya naman ang ngumiti. "He hates you because he likes you?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Pwede ba? Tigilan mo nga ang pagfi-feed ng walang katuturang bagay sa utak ko! Napaka-BI mo!" Hinampas ko siya nang pabiro. Natawa lang naman siya. "Well, I just said what I observed. Isn't he the one who keeps calling you that time when went to the casino?"

"H-how did you know?" Napalunok ako. "Did you look at my phone?" Dumistansya ako sa kaniya.

"No, it's just my hunch. Of course, he would be blame because we went out during his class."

Hindi ako nakapagsalita. Was that the reason he went out and followed me to the casino last time? Was it also because he doesn't want to be blamed if something happened to us because he is our professor?

I let out a deep breath. Lahat na lang ba ng gagawin ko ay magko-cause ng problema sa kaniya? Wala na ba akong kalayaan? Kaya ba pinatatawag niya na naman ako? Dahil ba ito sa grades ko? Sa performance ko? I am trying my best to comply!

"Tara roon sa mga guests, let's give them a word and act like a married couple," pagyaya sa akin ni Raviel. Inilahad niya ang kaniyang kamay na siyang aking kinuha. Inalalayan niya ako sa pagbaba sa hagdan para pumunta sa kani-kaniyang table at makausap ang mga kumakain.

Somehow, I felt happy because they are telling me I was really pretty with my gown. Kung hindi raw ito fake ay paghihinalaan nilang may relasyon talaga kami ni Raviel dahil bagay na bagay kami. Todo naman ang pagtanggi ko habang si Raviel ay sige sa pagpapasalamat. Kapag may nagyayayang magpa-picture sa amin ay humihindi ako pero pinipilit ako ni Raviel kaya wala na akong nagawa kung hindi ang humarap sa camera at ngumiti.

Natapos ang lunch at hinayaan ako ng president naming mag-take ng break. Inaabutan niya ako ng pagkain pero sinabi kong pupuntahan ko si Professor Mondalla which she almost forgot about.

"Sige, bumalik ka kaagad, ha? Til afternoon pa tayo rito!" she reminded. I just nodded as I take my walk away from the event. Hawak ko ang ibabang parte ng traje de boda habang binabaybay ang corridor papunta sa office ni Ismael. Bakit kasi sa lahat ng araw na pinatawag niya ako ay ngayon pang may suot akong mabigat?

Pinapahirapan niya ba talaga ako?

Hawak ko ang puso kong bumibilis ang tibok. I am anticipating what's waiting for me when I get there. Bubungangaan niya ba ako?

A sigh escaped my lips when I see myself in front of Ismael's office. I muster up the courage to knock on the door.

"Professor, pinatatawag niyo raw ako?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top