Chapter 10
"Right. Take care."
Ibinaba niya na ang tawag kung kaya't nag-focus na lang ako sa pinto habang hinihintay ang pagdating ni Professor Sybill. Wait, I should retouch!
Nagmadali akong pumunta sa comfort room para magpabangong muli at ayusin ang make-up ko. I am wearing a beautiful black satin dress and a dark red lips that would be ruined tonight. I flashed my one-million dollar smile as I said to myself—"Ang ganda mo."—habang kinikilig.
I decided to leave the restroom but when I went out, the man I saw first was the man I never imagined to see here. "Professor Mondalla, what are you doing here?"
Pero hindi niya ako sinagot sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng bar na siyang ikinainis ko. "Hey! Let go of me!"
He did not bother to listen and still dragged me to wherever he wanted.
"What's your problem? Why did you bring me here?" tanong ko nang huminto na siya sa paglakad at binitiwan ang kamay ko. Nakakunot noo kong sinalubong ang mga mata niya.
"Professor Sybill is not here so you better go home now," he answered nonchalantly.
My forehead twitches in frustration. "Ano? Akala ko ba narito siya? Hindi ba't iyon ang sinabi mo?"
"Yeah, but he cancelled his reservation."
Hindi ako agad nakasagot. Napansin kong narito kami sa parking lot sa gilid ng bar.
"What do you mean he cancelled his reservation? Are your sources reliable?"
"Yeah."
Napabuntong-hininga ako at pinagmasdan siyang mabuti. Ramdam ko ang bigat ng loob ko at parang ilang saglit ay bubuhos na ang mga luha ko. I prepared myself for this and then suddenly this will happen. Of course, the rush would drop. Para akong nawalan ng enerhiya.
Nakatitig lang ako sa mga mata ni Ismael habang dumadalangin sa hangin na bawiin niya ang sinabi niya. "No, this is the only chance that I would get to see him. Give me the contacts of your sources, for sure, they would know where Professor Sybill is now. I will go to him," desperada kong pagsusumamo.
"No, you won't go to him."
Napanganga ako sa sinabi niya kaya naman mas lalong kumunot ang noo ko sa inis. "What do you mean? Are you hiding something? Bakit parang ayaw mo akong pumunta sa kaniya? Are you jealous?" dere-deretso kong tanong.
Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong nagpapanic. I tried to engage myself into staring at him and when I did that, I saw him avert his eyes. What the hell is going on with him?
It was just a moment ago when he called me. How did this man get here in an instant? Something is off. How would he know that Professor Sybill cancelled his reservation this fast?
"I need to check. I'm coming back," I stated.
Tinalikuran ko na siya pero nang hawakan niyang muli ang kamay ko para pigilan ay kinutuban na ako. Nagtagpong muli ang mga mata namin and I know, eyes can't lie.
"You're lying," saad ko. "You're hiding something."
"No, I'm not."
"Then, let me go," matigas kong sabi tsaka ko inalis ang kamay niya sa braso ko. Padabog akong pumasok sa bar at ipinasada ang mga mata ko sa buong paligid. No, I should check the rooms. Sigurado akong narito si Professor Sybill. Malakas ang pakiramdam kong nasa paligid lang siya at nagsisinungaling si Ismael. Woman instinct is always right and the female energy we have is the basis.
Isa-isa kong binuksan ang room. Wala na akong pakialam kung magulat sa akin ang mga clients nila. I need to see Professor Sybill. I need to talk to him. At mababaliw ako kapag hindi ko pa siya nakita ngayon.
"Miss Alvandra!" rinig kong sigaw ni Ismael mula sa malayo pero hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa maya't mayang pagbubukas ng pinto.
I hold the doorknob of the last room. I felt the strong energy that the someone I was looking for is inside. I breathed out and was about to open the door when a warm hand stopped me.
"Let go of my hand, Ismael," I commanded as I stared into his eyes. "I don't know what you're trying to do but can you step out of my way?"
Inalis ko ang kamay niya at binuksan ang pinto but it was locked.
"Nakakaabala ka lang sa guests. Let's get out of here."
Umiling ako. "No, get the keys. He's inside, Ismael."
"No, Miss Alvandra. This is enough. You need to calm down."
Nakatingin ako sa kaniya nang pagalawin ko ang kamay ko. I knocked on the door. Many times. At wala nang nagawa pa si Ismael kundi panoorin na lang ako.
Pigil-hininga kong pinagmasdan ang pintong unti-unting bumubukas habang nananalangin na sana ay naroon si Professor Sybill pero para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang babae ang bumati sa amin.
"Yes? How can I help you?" tanong ng isang maganda at medyo matanda nang babae. Mukhang nasa mid-30s na siya.
Hindi ako agad nakapagsalita. Gusto ko na lang umiyak. Umasa ako. Umasa akong narito si Professor Sybill.
"Oh, sorry. I thought this was our room. My apologies."
Unti-unti akong naglakad palayo sa kwartong iyon. Dala ang mabigat na kalooban. I never thought that this day would end like this. Akala ko gigising ako sa piling ng taong mahal ko pero hindi. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan. Napakasakit naman kasi na umaasa akong makikita ko pa siya. Ginagawa ko ang lahat ng paraan para makita siya dahil siya, nawala na lang na parang bula. Paano naman akong naiwan dito? Paano akong naghihintay?
I've been trying my best to survive because I still hope for the day that we can be together again. Nakipagkasundo pa ako kay Ismael dahil gustong-gusto ko siyang makita. I stopped my rebellions because I am looking forward to this day but in the end all my efforts are in vain.
Kumuha ako ng tequila roon sa napadaang waiter. Hindi lang isa kundi inubos ko ang lahat ng laman ng tray na hawak niya. Pinigilan niya pa ako dahil order daw iyon ng iba pero nanahimik naman siya nang maglapag ako ng pera.
Susuray-suray kong binaybay ang daan sa gitna ng bar. I am not drunk. I can still see everything and even the man I was about to bump to.
"Miss, are you okay?" tanong niya ngunit sandaling nawala ang pag-aalala niya nang mamukhaan niya ako. Nawala rin ang kalasingan ko nang makilala ko kung sino siya.
"Jothea? What are you doing here?" Tinulungan niya akong tumayo.
My lips curved downward when I got to see his face. "P-professor Sybill?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top