TMD-17
"Sabi nang ayoko pa umuwi! Bitawan n'yo nga ako! Dito lang ako! Kaya ko pa uminom! Waiter! One more round of Tequila here, please!"
"Oh my god, Bells! You are making a scene! Stop!" Pilit na ibinababa ni Aya ang kamay ng kaibigan na walang tigil na kinakawayan ang waiter. The other group of people in the VIP are already staring at them. She knew she shouldn't have let things get out of control. She shouldn't have suggested a night out in the first place. What was she thinking? Alam niyang kahit di pa nakainom ay baliw na ang kaibigan niya. What more pa kaya ngayon na lasing na lasing ito gaya ngayon?
"I got her." naramdaman niya ang kamay ng lalaki sa balikat niya. She stepped aside at sinubukan ni Craig na pigilan si Belinda sa ginagawa ngunit walang habas nitong pinagbabayo ng kamao nito ang pobreng lalaki.
"Who are you? Why are you touching me?! Let me go!"
Laglag ang panga ni Aya. "What are you doing?! That's Craig, Sean's friend! Stop hurting him, Bells!" she wrapped her hands on Belinda's wrist to prevent her from hurting Craig further. She looked at him helplessly. "I'm so sorry! I shouldn't have let her drink so much!"
"Hayaan mo siya, Aya!" narinig niyang sigaw ni Kylie sa kabila ng malakas na tugtog sa Desideria. Hawak pa rin nito ang mobile phone nito at nakatutok sa kanila.
"Will you please stop recording, Kylie! You're not helping!"
Umirap ang kaibigan niya. "Oh cmon! This would be funny! Papakita ko ito sa kanya pagkagising na pagkagising niya bukas! I will upload this on Tiktok! May bago na namang scandal ang loka!"
Yup. Panibago. Dahil pangalawang beses nang nangyari ito kay Belinda. The last time was when they were still in college. She got super drunk after celebrating their final exam on their final year in the university. She danced on top of tables and even threw up on the guy she was flirting with at the time.
Gusto niyang magpa-face-palm sa nangyayari. Halos maglupasay si Belle sa sahig habang tinatawag ang pangalan ng boyfriend nito. "How dare you do this to me?! I gave you everything! I even lowered my standards just for you! Minahal kita in spite of you not giving me an orgasm half of the time! I had to fake it you fucking asshole!"
Hindi na na pigilan ni Aya na mapangiwi sa sinisigaw ng kaibigan. Siya na ang nahihiya para rito. Ngunit kung sinasabi nito na kalahati ng pagkakataon ay kailangan nitong pekein ang orgasm nito ay baka tama lang talaga na nawala ang lalaki sa buhay ni Belinda. She doesn't deserve a guy like him.
"Belinda, please, let's just go home." muli niyang sinubukan na igiya ito palabas ng Desideria. Hanggang sa wala nang choice si Craig kundi ng bitbitin ang kaibigan niya.
Napasinghap siya at ganoon na lamang rin ang tili ng kaibigan niya.
"Let's go," anito sa kanya. Atubiling sumunod na lamang siya rito habang panay pa rin ang pasag ni Belinda mula sa pagkakabitbit ni Craig dito na parang sako.
Nagpasya siyang mas makakabuti na mag-taxi o Grab na lamang sila ni Belinda pauwi dahil baka magwala na naman ito habang nagmamaneho siya at baka maaksidente lamang sila. Craig agreed. They booked a Grab while Belinda was sitting unconscious in a bench just outside Desideria. Kahit paanobay nakahinga siya nang malalim. Mas delikado kung sa gilid pa mismo ng daan ito magwawala.
"Thank you for doing this for us." mahinang sabi niya kay Craig. "Hindi ko rin kasi maaasahan si Kylie sa ganitong pagkakataon. She gets rowdy when she's drunk. Kita mo nga pinagvi-video-han pa si Belinda. Sorry, nadamay ka pa."
"Don't mention it," ikinumpas ni Craig ang kamay. "In fact, mas makakampante ako kung ako mismo ang mahahatid sa inyo ng dalawa but I don't think you're comfortable with the idea kaya hindi ko na ipinilit."
She smiled apologetically at him. "It wasn't because of that. We have caused you enough trouble as it is."
Tumango tango si Craig. Noon naman dumating ang Grab nila. "Alright. Just take care of yourselves, then. Should I...call you?"
Ibinigay niya ang numero niya rito.
Dahan dahan nilang inilulan si Belinda sa loob ng Grab bago siya nagpaalam dito. Bumeso siya rito tanda ng pagpapasalamat bago tuluyan na rin sumakay sa sasakyan. Craig spoke to the driver to drive safely and he bid them goodbye. Bahagyang napangiti si Aya. Mabuti na lang at isinama ni Sean ang kaibigan kundi ay hindi na niya alam kung paano iuuwi ang kaibigan.
She sighed as she looked back at her friend. Sana ay hindi muna ito magising hanggang sa makarating sila sa bahay nito. She decided to take her to her parent's house in Quezon City. Nag-text na rin siya sa kapatid nito at ipinaalam na doon niya ito ihahatid. Naisip kasi niya na walang magaasikaso kay Belinda sa condo nito at hindi rin naman siya pwedeng mag-stay kasama ito hanggang makasiguro siyang magiging okay ang kaibigan. She checked the time and it's already past one AM. Napaungol siya. Marami pa naman siyang nabinbin na trabaho kanina dahil wala siya sa mood mag-trabaho at mag hapon lang na tumulala sa computer niya.
She was too exhausted when she's finally alone in the car and on her way home.
Bukas na lang siguro niya babalikan ang sasakyan niya sa Desideria kagaya ng nangyari noong una silang nakita ni Nick doon. Napabuntong hininga siya nang maalala bigla si Nick. She checked her phone and there were not one but five missed calls from him. Kumunot ang noo niya. Why was he calling her? Emergency kaya? Nakita niya ring may ilang mensahe si Nick sa kanya. Naalala niyang hindi na niya nagawang sumagot sa text nito kanina dahil sa pag-aasikaso niya kay Belinda. She quickly typed a text for him saying that she's safe and that she's on her way home. Baka nag-alala lamang ito sa kanya.
"Thank you, manong." sambit niya sa driver ng Grab bago tuluyang umibis mula roon.
Pagtalikod pa lamang niya matapos niyang isara ang pinto ng kotse ay muntik na agad siyang bumangga sa kung sino. She saw Nick towering over her with a dark look on his face.
"W-What are you doing here?"
"Why are you not answering my calls?"
Bahagyang tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Hindi niya nagustuhan ang tono nito at pagod siya kaya naman naging maaskad din ang sagot niya rito. "Have you even checked your phone? Kakasend ko lang ng message sa'yo." pairap na sabi niya saka ito nilagpasan. She's too exhausted to deal with him at the moment. She just wanted to take a long hot shower and sleep on her bed.
Ganoon na lamang ang gulat niya nang maramdamang hinablot ni Nick ang braso niya.
"What the hell, Nick?!" sinubukan niyang bawiin ang braso dito ngunit mas lalo lamang nitong hinigpitan ang hawak sa kanya. She glared at him. "Let me go, Nick. You're hurting me."
"Are you seeing someone else?"
"What?"
"I saw you in Desideria, Aya. Tell me," hinigit siya nito hanggang sa magtama ang mga dibdib nila. She could definitely smell alcohol in him. "Who's that guy you were kissing? Siya ang bago sa pila? Are you fucking him? Do you let him fuck you, too? Tell me, Aya. Was he as good in bed as me? Does he let you have multiple orgasms--"
Naramdaman niyang umangat lahat ng dugo niya papunta sa ulo. The next thing she knew was her palm hitting Nick across the face. Ramdam niya ang lakas ng lagapak ng palad niya sa pisngi nito dahil bahagyang nakuryente rin ang kamay niya. Hindi pa siya nakuntento at gusto sana niyang suntukin ito ngunit pinigil niya ang sarili. Hindi siya ganoong tao. She was just really mad at the moment and she's seeing blood.
"How dare you insinuate that!"
Kung gaano kapula ang mukha ni Aya ay tila ganoon naman kaputla si Nick. She knew he wasn't expecting her to do that. But she's not about to let him insult her like that.
"Aya--"
"Hindi porket nakuha mo ako ibig sabihin na ay sumisiping ako sa iba. Ang kapal naman ng mukha mo, Nick para isipin yan. Just because I wasn't able to answer your calls? Sino ka ba para mag-demand sa akin? You're not even my boyfriend!"
Hindi na nakasagot pa si Nick sa sinabi niya.
Mabilis niyang tinalikuran ito at nagpupuyos na pumasok sa loob ng condo building. Maging ang pagbati ng security guard sa kanya ay hindi niya pinansin sa sobrang inis niya kay Nick.
Hindi niya alam kung anong pinaghuhugutan ng lalaking iyon at basta na lamang ito sumugod sa kanya. He hurt her! And on top of that, insulted her! She's having none of it. She immediately blocked Nick's number from her phone when she saw him calling her and then tossed her iphone across the living room.
Anong akala nito? Matapos siya nitong insultuhin ay basta na lamang niya palalampasin iyon? What the hell is he going on about, anyway? She's fucking another guy? Who?
Naupo siya sa couch at itinaas ang paa roon. She felt really tired. Pinagsisisihan talaga niya na sumama siyang lumabas sa mga kaibigan. But she knew Belinda needed it. Ano ba naman ang kaunting sakripisyo para sa kaibigan niya? She sighed. She would have done it again kahit pa ngayon ay mukhang naging ugat pa ng pag-aaway nila ni Nick ang nangyari. Napaismid siya sa utak niya. Maybe Nick saw her with Craig, kung totoo nga ang sinasabi nitong nakita siya nito sa Desideria. Malamang ay nakita nito nang bumeso siya sa lalaki bago sila umalis. But that's not enough reason to assume that she's fucking him. Ganoon ba kababa ang tingin sa kanya ng lalaki para awtomatikong isipin na sinisipingan niya ang lalaking iyon dahil lang nakita silang magkasama?
Pabagsak na nahiga siya sa couch. Siguro ay nagkamali siya na pumayag sa set-up nila ni Nick. She doesn't want him to think that she's some lowlife who would sleep with anyone with a dick. May standards siya. Hindi naman sa sinasabi niyang kung sino lamang si Craig. Ngunit dapat ay alam ni Nick na hindi siya ganoong klase ng babae.
Oh she hated him!
Sa sobrang inis niya kay Nick ay hindi na niya nagawang bumangon mula sa couch nang gabing iyon. Nakaidlip siya ng mga dalawang oras bago napagdesisyunan na bumangon at magshower bago tuluyang matulog.
The next day, she called in sick. She wasn't really in the mood to work. Gusto lamang niya magmukmok sa kwarto niya at kumain ng ice cream.
Bakit ba tila umaarte siya na para bang brokenhearted siya?
Maybe she is.
Ngunit nangingibabaw ang inis sa lahat ng nararamdaman niya nang mga panahon na iyon. Ang dami daming sinabi ni Nick sa kanya noong nasa gallery ni Thea tapos ngayon ay biglang ganoon ang sasabihin nito sa kanya. He made her feel small. Damn him!
Inis na napasuntok siya sa unan niya bago muling ibinaon ang mukha sa kanyang comforter. Sa dinami dami ng taong magsasalita sa kanya ng ganoon ay huli si Nick sa listahan. She never thought he could be that mean. Ngunit sa huli ay naisip niyang hindi nga pala niya ganoon kakilala si Nick. He's practically a stranger who just happens to frequent her bed. They are not even friends to begin with to be considered as friends with benefits.
Isang estranghero si Nick sa kanya. Wala siyang alam sa lalaki bukod sa kung paano ito mas mabilis na lalabasan. Impit siyang napamura. What the hell is she doing? Letting a stranger fuck her!
Nang sa wakas ay maisipan niyang bumangon ay noon siya nakatanggap ng tawag mula sa sekretarya nila sa opisina. Sabi nito ay may nagpadala raw ng mga bulaklak sa kanya sa office. Nang tanungin niya ito kung kanino nanggaling ay ang sabi lamang daw sa card ay "NF". She instantly knew who it was from and instructed the secretary to throw the flowers away.
Anong akala ni Nick? Mawawala ang galit niya rito dahil lamang sa simpleng mga bulaklak? Ang kapal ng mukha niya!
Naisipan na lamang niya na mag-bake ng chocolate cake at magpakalunod dito hanggang sa mabawasan ang inis niya sa lalaki saka niya tatapusin ang lahat sa pagitan nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top